Chapter 5: You can sing?

Clara's POV

Nagdaan ang ilang mga araw at ganon pa rin ang takbo ng university, ng buhay ko. May manliligaw pero binabasted ko lang. Padagdag ng padagdag ang mga nagiging kaibigan ko dahil sa sumali na rin ako sa banda.

Ngayon ay nasa covered court kami dahil naghahanap kami ng Isa pang magiging member namin.

"Next...", "Next...", "Next...", "Next...", "Ano ba naman kayong lahat pumunta ba kayo dito para mag-audition? Sinasadyang niyo yung oras namin eh, next," sigaw ni Krystal.

Natawa na lamang ako dahil sa reaksyon niya. Paano ba naman kasi yung mga nag-audition eh wala sa tono kung kumanta. Hindi rin sila masyadong magaling sa pagtugtog ng instruments and most of them gusto lang sumali para palagi akong makasama. Haayyy mga lalaki talaga.

"Sige bukas na tayo maghanap ng isang member mukhang wala naman tayong mapapala sa mga toh eh," Sabi ni Krystal. Nagsimula na kaming mag-ayos ng aming mga gamit. "Clara gusto mo sabay ka na sa amin kumain since hindi ka pa kumakain ng lunch mo," Sabi ng gitarista namin na si Michael. "Sorry Hindi ako makakasabay sa inyo, pupunta pa kasi ako ng library. May mga libro kasing pinapahanap sa akin si Ms. Sanchez. Ingat na lang kayo," tutol ko. " Oh sige ingat ka rin Clara. Pagkatapos mong mahanap yung libro kumain ka na rin," sabi niya bago umalis.

Nandito na nga ako sa library upang hanapin ang libro na pinapahanap ni Ms. Sanchez. "Anim pala toh, okay magsimula na tayong maghanap," bulong ko. Kaunti lang ang mga tao ngayon. Siguro ay nagla-lunch sila ngayon.

Habang naghahanap ako ng libro ay may naramdaman kong parang may sumusunod sa akin, kaya lumingon ako ngunit wala namang tao. "Guni-guni ko lang siguro yun," nang malaman kong wala namang tao ay nag-focus na ako ulit sa paghahanap ng mga libro.

"Isa na lang, nasaan kaya yun," habang hinahanap ko ang libro ay nakita kong nasa taas siya. "Nice even here nasa taas talaga pinupwesto yung libro. Paano ko naman yan kukunin. Wala bang malapit na ladder dito," naghanap ako ng maaakyatan ngunit wala akong nakita.

Tumingkayad na lamang ako upang maabot ko ngunit hindi ko talaga maabot. "Please just give me this book," sabi ko habang hirap na hirap na kunin yung libro. May naramdaman na lamang ako sa likod ko at kinuha yung libro. Agad akong lumingon at nakita ko si Kian. "Nakita kasi kitang nahihirapan sa pag-abot Kaya kinuha ko na para sayo, Ito oh," sabay abot sa akin ng libro na kinuha ko agad. "Thank you Kian," simple kong sagot.

"No worries," pagkatapos nun ay naging tahimik na. Bakit parang ang awkward.

Kian's POV

Habang nasa library ako ay nakita ko na pumasok si Clara kaya sinundan ko siya. Hindi naman siguro creepy yun noh? Habang sinusundan ko siya ay bigla siyang lumingon sa pwesto ko kaya agad-agad akong nagtago. "Jusko naman Kian para ka namang ewan niyan niyan eh," bulong ko sa aking sarili.

Nang mapansin kong hindi niya na ako hinahanap ay sinundan ko na siya. Nakita ko na lamang siya na nahihirapan na abutin yung libro sa taas ng shelf. "Ang cute niya talaga," bulong ko. Di kalaunan ay tinulungan ko na siya. Nagulat pa siya ng makita ako. Ngayon lang ako nakalapit ng ganito sa kanya and it feels so unrealistic. Her big doe brown eyes, her soft plump lips, her nose everything about her just feel so unrealistic. Hanggang sa hindi ko na napansin na nakatulala na pala ako sa kanya.

"Kian... Kian.... Huy Kian ayos ka lang ba?" tanong niya na may halong pag-aalala. "Ahh oo a-ayos lang ako," sabay tingin sa malayo. "Sure ka ba? Teka check lang kita," sabi niya sabay lagay ng kanyang kamay sa aking noo. Hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita. Tila wala na akong salitang mabanggit. Naririnig ko na lamang ang malakas na tibok ng puso ko.

"Hindi ka naman mainit pero sobrang pula ng pisngi mo, ayos ka lang ba talaga?" tanong niyang muli. "Oo ayos lang ako mainit lang dito, oo mainit lang dito kaya ako namumula," pagsisinungaling ko. Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko kaya iniba ko na lamang ang aming usapan.

"Kumusta ka nga pala? Hindi na kasi kita halos nakikita sa classes natin, kumusta yung banda niyo?" tanong ko. "Ayos lang naman ito naghahanap ng isa pang singer para may kasama ako. Kaso nga lang wala pa kaming mahanap, may maire-recommend ka ba diyan?" tanong niya. "Wala eh, wala naman akong masyadong kakilala dito eh sorry," sabi ko. "Ahhh ganon ba? Ayos lang yun di mo naman kailangan na mag-sorry," sabay ngiti.

"Bakit ka naman ngumingiti ng ganyan, lalo akong naiinlove sayo niyan eh," bulong ko habang nakatingin sa malayo. "Huh? May sinasabi ka ba Kian?" tanong niya. "Ano ang sabi ko kumain ka na ba ng lunch mo?" pagsisinungaling ko. "Ah hindi pa nga eh kailangan ko kasi munang hanapin at ibigay ito kay Ms. Sanchez," sabi niya.

"Samahan na kitang ibigay yan tsaka sabay na tayong mag-lunch," aya ko. "Teka hindi ka pa kumakain?" tanong niya na may halong pag-aalala. "Wala kasi akong makasama kaya hindi pa ako kumakain," sabi ko habang kinakamot ang aking batok. "Sige halika na muna Kay Ms. Sanchez tsaka tayo pumunta ng canteen," sabay hawak sa kamay ko ay umalis na kami ng library.

Nang matapos na naming iabot kay Ms. Sanchez ang mga libro ay pumunta na kami at kumain sa canteen. "Sige mauna na ako hinahanap na kasi ako ni Krystal eh," paalam niya. Tumango na lamang ako at ngumiti sa kanya. Kinawayan ko na siya ng malayo na siya.

Clara's POV

Tinext ako ni Krystal na kailangan na daw nila ako kaya iniwan ko na si Kian. "Oh ayan ka na pala Clara, nakakain ka na ba?" tanong ng drummer namin na si Emman. "Oo nakakain na ako," tugon ko. "Since hindi pa parin tayo nakakahanap ng makakasama mo Clara, mag-practice muna tayo ng ipe-perform natin sa foundation da sa biyernes. So mayroon tayo limang araw para mag-practice kung may mahahanap kayo na magiging kasama ni Clara ng mas maaga that would be nice," paliwanag ni Krystal.

Inayos namin ang areglo ng kanta na kakantahin namin sa event. "Teka nasa music room yata yung gitara ko, kunin ko lang guys," pagpapaalam ko. "Sige ingat ka," sabi ng piyanista namin na si Kurt na tinanguan ko sabay alis.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may naririnig akong kumakanta. Ang ganda ng boses niya na hindi ko namamalayan na nakatayo lang ako sa hallway habang pinapakinggan ko siya. Pumunta ako agad sa music room upang makita yung kumakanta at nagulat ako sa nakita ko.

"You can sing?..."