Chapter 9: Basketball

Clara's POV

Ako ngayon ay nasa kwarto ko at nagse-cell phone. Bigla na lamang may nag-text sa akin. Si Miggy.

"Hi Chubs:-)"

"Oh Miggy hello"

"Nandiyan ka ba sa bahay niyo?"

"Oo bakit mo natanong?"

"Pupunta kasi ako diyan"

"Huh? Bakit ka naman pupunta dito?"

"Magba-basketball kasi kami ni kuya Nathan sa malapit na court diyan"

"Ahhh okay"

"Nandito na ako sa harap ng bahay niyo"

"Huh? Ang bilis mo naman"

Pagkatapos kong nag-text ay bumaba ako at baka walang magbubukas para sa kanya. Narinig ko na nga ang doorbell. "Ako na mama titingin," Sabi ko. "Sige anak salamat," tugon ni mama. Pumunta na ako sa gate at nakita ko siyang nakatayo. "Pasok ka Miggy," sabi ko. "Thank you Chubs," nakangiti niyang sinabi. "Chubs namimiss ko ng tawagin mo akong sa nickname ko," nakanguso niyang sinabi.

"Ano ba yung nickname ko sayo?" pang-aasar ko. "Chubs naman! Hmmpp nakakainis ka bahala ka nga diyan," nakasimangot niyang sinabi bago dumiretso sa loob ng bahay. "Ito naman eh nagtatampo agad. Daig mo pa yung may toyong babae," sabi ko habang sinusundan ko siya. " Bahala ka diyan. Hindi kita papansinin hangga't hindi mo ko tinatawag sa nickname ko," nakanguso pa rin niyang sabi.

" Oh Miggy kailan ka pa nakauwi ng pilipinas?" bungad ni mama at niyakap niya si mama. "Last week lang po tita," sabi niya habang yakap-yakap pa rin si mama. "Hoy Miggy bumitaw ka nga kay mama, anak ka ba niyan?" tanong ko. "Bahala ka diyan hangga't hindi mo ko tinatawag sa nickname ko hindi kita papansinin," sabi niya na tinawanan lang ni mama. " Kanina mo pa ako pinapansin champ para kang tanga," natatawa kong sinabi.

"Hayy buti naman tinawag mo na rin ako na champ," nakangiti niyang sinabi. " Haaaayy kayong mga bata kayo talaga oh," napailing na lamang si mama sa kung paano umarte si Miggy.

"Para ka kasing bata champ," natatawa kong sinabi. "Bakit? Ang cute ko kaya kapag ginagawa ko yun. Marami ngang naiinlove sa akin na mga babae kapag ginagawa ko yun," mayabang niyang sinabi. Nakataas lamang ang isa kong kilay habang hinuhusgahan siya. "Saan ang cute diyan?" tanong ko. "Lahat," nakatayo siyang sinabi.

"Oh Miggy nandito ka na pala," bati ni kuya. "Opo kuya Nathan grabe paganda ng paganda yung kapatid niyong si Clara pero hindi pa rin po mawawala yung pagkamasungit niya," sabi ni Miggy dahilan para batukan ko siya. "Aray naman Clara nagbibiro lang naman eh, si batok kaagad," nakasimangot niyang sinabi. "Babatukan pa kita kapag sinabi mo ulit yun," banta ko. "Oo hindi na po," sang-ayon niya.

" Kuya Nathan sabi ni Miggy magba-basketball daw kayo diyan sa malapit na court?" tanong ko. "Oo practice kami ng buong team diyan kalaban namin yung kabilang barangay. Bakit mo naman natanong?" paliwanag niya. "Pwede akong sumama?" tanong ko. "Hindi," magkasabay nilang sinabi. "Kailangan talaga sabay kayong dalawa? Pero teka bakit naman hindi kuya? Gusto Kong manood," paghikayat ko sa kanila.

" Alam mo naman yung nangyari nung last time na sumama ka diba?" tanong ni kuya Nathan. "Nakwento yun sa akin ni kuya Nathan na madaming umaaligid sayo na boys pagkatapos nung match. Marami ring mga lalaki na gustong kunin yung number mo, Kaya bawal kang sumama," paliwanag ni Miggy. "Jusko parang yun lang eh," sabi ko habang pinapanood silang mag-ayos. "Anong yun lang? Hoy ilang buwan na may pumupunta sa bahay natin para manghingi ng basbas na ligawan ka. Ayoko na ulit makipagdeal sa mga taong yun," pailing-iling pa ni kuya Nathan na paliwanag.

Malungkot lang akong nakatingin kay Miggy at kuya ng bumaba si kuya Matthew. "Oh magba-basketball kayo?" tanong niya. "Oo kuya bakit?" simple sagot ni kuya Nathan. "Sama ako gusto kong manood," ng marinig ko ito ay pasimple kong tinuturo ang aking sarili para makasama rin ako. "Sige kuya walang problema," mabilis niyang sagot.

"Sige halika na Clara," yaya ni kuya Matthew na pinuntahan ko naman agad. "Teka diba sabi ko bawal kang sumama," pagbabawal ni kuya Nathan. "Hindi naman ikaw ang pumayag na sumama siya ako kaya yun. Halika na Clara sa kotse. Ako yung magda-drive kaya huwag ka nang mag-inarte diyan," sabi ni kuya habang akbay-akbay ako papuntang kotse. Palagi talagang nasa side ko si kuya Matthew hehe.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami kung saan sila maglalaro. Marami-rami rin ang mga nanonood sa court. "Oh Nathan, Miggy akala namin hindi na kayo pupunta," bati ng coach nila. " Pasensya na coach medyo na-late lang," paumanhin ni kuya Nathan. "Oh may kasama ka pala. Magandang hapon sa inyo," bati niya sa amin na sinuklian ko ng ngiti. "Dalawa ko pong kapatid coach," banggit ni kuya Nathan.

"Oh siya sige na kasama kayo sa first five kaya maghanda na kayo. Kayo naman pwede kayong umupo doon sa bleachers sa baba since wala pa naman naka-upo doon," utos ng coach nila. Pumunta kami sa libreng upuan at umupo kami ni kuya Matthew. Dahil sa pagkahumaling ko sa panonood hindi ko napansin na may umupo na sa tabi ko. "Clara?" tanong niya. "Uyyy Kian anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Ahhhh naglalaro kasi si kuya Jason kasama nung kapatid mo, eh inaya niya ako at kinulit na panoorin siya Kaya andito ako," paliwanag niya.

" Clara sino yan?" tanong ni kuya Matthew. "Ahh kuya Matthew si Kian po yung sinabi ko po sa inyong bago kong kaibigan, Kian ito naman si kuya Matthew," pagpapakilala ko. "Hello I'm Clara's oldest brother, I'm Matthew. Nice to meet you bro," pakilala ni kuya. "Nice to meet you too by the way I'm Kian." Pagkatapos nilang magpakilala sa isa't isa ay nagkamayan sila.

Matapos ang ilang minuto ay natatambakan na ang grupo nila kuya. "Guys ano namang nangyayari sa inyo? Parang hindi kayo nagpa-practice araw-araw ah. Nasaan yung energy niyo guys kahit practice lang Ito at hindi real game umayos naman kayo. Nasasayang lang yung tinuturo ko sa inyong mga bata kayo eh," sigaw ng kanilang coach.

Pagkatapos ng timeout ay pumunta na ulit sila sa kanilang mga pwesto. Nasa kalaban ang bola ng biglang agawin ni Miggy ang bola. "Go champ you can do that woohhh," sigaw ko dahilan upang mapangiti siya mula sa aking direksiyon. Mabilis niyang naiwasan ang mga kalaban na hinaharang siya at, "Three points for Miggy Salvacion." Lumakas muli ang hiyawan ng mga tao siyempre kasama na ako doon. Muli nilang nahabol ang naging tambak at ngayon ay nasa free throw line si Miggy. "Go Miggggyyyyyy," sigaw ko upang mapatingin sa akin ang ilang mga tao. Tinuro niya pa ako bago niya i-shoot ang bola. Pasok! Pagkatapos ay ishinoot niya ulit yung bola at nakapasok ulit.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natambakan na nila ang kalaban. Last twenty seconds na lang at na kay kuya Nathan na ang bola. "Go kuya Nathan kaya mo yan," sigaw ko. Pati si kuya Matthew ay nagchi-cheer na rin. Pumalakpak naman si Kian. Binitawan niya na ang bola at," Three points for Nathan Fernandez."

Nanalo sila kuya Nathan. Pagkatapos ng ilang minutong picture ay nakalapit na rin si kuya Nathan at Miggy sa amin. "Grabe ganon ka ba katinik sa mga babae Nathan? Kulang na lang iuwi ka nila ah," biro ni kuya Matthew. "Sus siyempre sino ba naman ang tatanggi sa isang Nathan Fernandez?" pagmamayabang niya. "Ako," simple kong sagot. "Talagang bata na to. Pasalamat ka nga nakapunta ka dito," inis na sabi ni kuya.

"Oh Kian nandito ka pala," bati ni Miggy. "Ah oo nandito rin kasi si kuya naglalaro rin kasi siya nasa team niyo siya eh," paliwanag ni Kian. "Teka Kian ba kamo?" tanong ni kuya Nathan. "Opo," simpleng sagot ni Kian. "Oh so ikaw yung bagong ka-ibigan ni Clara," pang-aasar niya. "Kaibigan kuya Nathan kaibigan. Hindi ka na ba marunong mag-pronounce ng salita huh?" naiinis kong sinabi. "Sorry Kian palabiro lang kasi si kuya Nathan," dagdag ko pa.

"Ayos lang yun. Ang cute nga ng bonding niyo eh," sabi ni Kian. "Kian nandiyan ka lang pala," bungad ng isang hindi pamilyar na tao. "Ahhh sorry kuya kinausap ko lang po sila," paumanhin niya. "Si Jason pala kuya mo?" tanong ni kuya Nathan. "Uy Nathan, Miggy oh nandito rin pala si Matthew," bati niya. "Ah sino naman tong magandang anghel na nakita ko?" tanong niya. "Hoy tigilan mo yan, bawal kapatid namin toh," sabi ni kuya habang hawak-hawak ako sa kanyang likod. "Grabe naman tong si Nathan. Bawal na bang maka-appreciate ng ganda?" biro niya. "Basta bawal, alam ko mga galawan mo," pagprotekta ni kuya Nathan.

"Okay okay pero bawal bang malaman yung pangalan? Ayaw mo ba akong ipakilala sa kapatid mo?" tanong niya. "Fine pakilala lang," bitaw ni kuya Nathan. "Hi I'm Jason and you are?" pakilala niya habang inaabot ang kamay. " I'm Clara," simple kong tugon. "Teka Kian siya ba yung Clara na--- hmmmmm," hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng takpan ni Kian ang kanyang bibig. "Sige po alis na po kami. Hinahanap na rin po kasi kami ng parents namin. Bye po sa inyo," paalam niya.

"Ang weird naman. Ano kaya yung sasabihin niya?" tanong ni kuya Matthew. " Halika balik na tayo at pagod na pagod na ako eh. Sa bahay ka muna Miggy," sabi ni kuya Nathan. Pumunta na kami sa kotse at bumalik sa bahay.