Junior High life

Ako si Yhanie , Unang araw ng pasok ko ngayon sa garde 7.

Grade 7 tawag na sa 1st year dahil naabutan ko ang k-12 program ni ninoy aquino .

Ang section ko ay 7-MARS at ang teacher namin ay lalaki si sir mark .

akala ko wala akong magiging kaibigan dahil loner ako noon paman na elementary ako ngunit nagbago yun nong nakilala ko ang aking mga kaibigan .

Halos araw araw non magkakasama kaming nagrerecess .

Ang una kong crush non ay si David noon paman na elementary palang ako pero malabong mapansin nya ako dahil sa may iba syang gusto at yun ay mas maganda at matalino at yun si Hannah pero hanggang pag abot ko ng High school di na ako umasa na mapapansin nya ako kaya hanggang tingin nalang ako .

Nagplano kami ng mga kaibigan ko na mag swimming ngunit alam kong hindi ako papayagan non ng aking nanay pero ginawa padin namin summer non at hindi ko non malilimutan ay ang pagslide ko at alam namin na may bato don sa slide at ayun dumiretso ako sobrang sakit sa pwet halos magsigaw ako sa sakit pero sa isio kolang dahil madaming nagswimming non at pagkatapos non pinagtawanan nila ako pero sobrang sakit talaga non.

Nakilala ko ang mga estudyante din sa pinapasukan kong paaralan napansin kong naatract ako dito dahil nga may itsura ngunit may ginagawa silang ka tarantaduhan sa eskwelahan non gumagamit sila ng marijuana at amoy na amoy yun.

Yung mga estudyanting yun ay nasa rota din ng pag uwi ko kaya napapansin kong magkakasabay silang umuwi at nahihiya akong makasabay sila kaya umiiwas ako ewan koba bakit nahihiya ako non hindi naman nila ako kilala.

'Intrams'

Alam natin na kada matatapos ang school year ay may nagaganap na intrams at mga booths merong booths na huhulihin magpartner at ibablind fold pagtapos non dadalhin sa isang room at saka doon ikakasal kunyare 😅 Pero hulaan mo dahil inaasahan ko may maghuhuli din sakin kaso yung kaibigan ko lang dahil maganda at maputi sya ako kulay brown ang kulay at di gaanong kaganda ok lang suportado ko naman sya non .

Natapos na ang intrams kaya summer na

wala akong ginagawa non sa bahay lagi pero dumadalaw ang nga kaibigan ko sa bahay at pinapaalam nila ako sa mama ko para gumala sa bahay nila at lagi kaming nasa bahay ng kaibigan namin tumatambay nagkwekwentuhan at gumagala .

Grade 8 na ako non . Nakalimutan kona ang section ko non mabait ang aking naging teacher ko non pero medyo nahihirapan na ako non dahil sa mga projects at assignment kaya laging wala ako sa bahay para magreaserch wala pa din ako non cellphone.

may nakilala nanaman akong bagong mga kaibigan non at mga nakakabonding ko laging nakaksama gumala mababait sila .

Meron din ako non nagustuhan na mas matanda sakin ng tatlong taon mabait at matalino sys kaso natatakot sya sa kuya ko non😂 ewan koba lagi nya akong hinihiraman at hinihingian ng papel kapag wala sya lagi ko na din syang pinagmamasdan sa malayo pero hindi naging kami non inamin ko na gusto ko sya kaso hindi kami nagkatuluyan dahil nga sa kuya ko pero ok lang yun dahil pag aaral ang inaatupag ko non dahil gusto ko maayos ang grades ko kahit mga 75 pataas man lang non pero ginawa ko ang best ko makapasa lang ako kahit nahihirapan ako .

Madami kaming naging activities sa school at projects meron din magpeperform at lagi kaming nagpapraktis non dahil nagagabihan kami nauuna na ako umuwi dahil ayokong magalit ang nanay ko pero naiintindihan nya naman... at napag uusapan nga ako ng mga kagroup mates ko non dahil baka mahuli ako at hindi ko makuha ang mga steps sa gagawing performance .

Natapos na ang aming performance non at naging kaibigan ko itong isang kaklase ko na magaling kumanta at dahil magling din ako kumanta lagi nya akong inaalok mag duet at laging nakikinig ang mga kaklase ko at nagpapalakpakan at isa nga sa kaklase ko ay may gusto don sa nakakaduet kong kumanta at hanga naman sya wala akong makitang nakaka atract sya friends lang talaga pero lagi nya akong kinakausap at tinatawag..

so bakasyon na nga dahil mag christmas na meron bike non si kuya laging kong ginagamit pag mamadaling araw dahil malamig pag umaga at lagi akong nagbabike sa palengke nakakarating ako kahit saan non at ang saya ko non naalala ko na tinuruan ako ng tatay ko na magbike non pero wala na angb tatay ko dahil sa pag inom ng alak.

Muntik na akong madisgrasya non gabi na non dahil nagmamadali akong umuwi pero nakabike ako dumaan ako sa riles at muntik na ako madisgrasya buti nalang nakalusot ako pero sobrang bilis ko magbike non at takot na takot padin ako nong nakalampas na ako ay sobrang ginhawa at laki ng ulo ko na nalagpasan ko yun . Lagi din akong nagbibike pag bakasyon pumupunta ako sa mga kaibigan ko ..

naalala ko non may crush na crush ako na grade 7 ako non nong nakilala at nakita ko sya lagi ko syang pinagmamasdan sa malayo alam ko naman na hindi nya ako mapapansin dahil alam kong hindi ako ang tipo ng babae na gugustuhin nya 😅 tapos nong grade 8 ako 3rd year na sya hindi sya naabutan ng k12, program kilala sya ng aking kaibigan at lagi nya akong tinutukso pero nalaman kong kasintahan nya ang kapatid ng kaibigan ko so sad . pumunta ako sa bahay non ng kaibigan ko at nakita ko sya don naghihintay at sobrang nahiya ako non .. lagi ko din syang nakikita na nagcocomputer pero wala eh HAHAHAHA .

Nakilala ko din itong bagong transfere na nagustuhan ko ngunt pabebe at nalaman kong gusto nya ulit itong kaibigan ko..

Pero nakasama ko na sya at kasama ko mga kaibigan ko non nagsimba kami non dahil alam kong aalis na sya hinawakan nya ang kamay ko at pumunta sa unahan ng simabahn iniwan ang namin ang mga kaibigan ko sa labas pag tapos non akward moment na hindi kami naguusap at nag ama namin na naghawak kamay kami sobrang pawis ng kamay ko at lamig non dahil kinakabahan ako dahil kasama ko ang crush ko .

Hanggang sa mag uwian na na kami uwing uwi na ako non dahil gabi na at papagalitan ako hindi kona nakita ang anino nya dahil sobrang daming nagsimba nagkahiwa hiwalay kaming mga kaibigan .. pero nong mga panahon na yun bakasyon na pagkatapos ng grade 8 ko ay hindi ko na sya nakita huling kita ko sakanya ay pagpapirma ng clearance hindi din kami nagkatuluyan non pero ok lang ulit😅 Dahil aral muna at grades crush crush lang muna at tingin.

Grade 9 na ako at meron ulit ako naging bagong kaibigan at nagkaroon na ako ng cellphone na bulok non na uso non ang mga CLANS naging founder din ako non jejemon days non naging malala ako non dahil sobrang naging sinungaling ako non ewan ko ba para makagala ako madami akong mga taong nakilala non iba iba lagi akong nakikipag kita non kapag linggo ang palusot ko non pag aalis ako ng bahay ay magsisimba ako pero gabi na uuwi sa ilang oras na yun nakagala na ako kahit saan at kabadong uuwi madami akong naging kasintahan non pero sa text lang minsan nakikipag kita pero hindi sinisipot pero hindi ko nakakalimutan ang pag aaral ko non at nakatira na kami kon sa lola ko at nong mga panahon na yun nag paplano ang nanay ko na pumunta ng abroad .

Masaya din kaming magkakapatid nagkasamasama kami at naging kompleto kapag kakain kami sabay sabay at kami ng panganay kong kapatid ang taga luto dahil hindi marunong magluto ang dalawa kong kapatid na lalaki meron din kaming bunso at mahal na mahal yun ng lola ko natinitirhan namin . Pero ewan ko ba sobrang nalungkot siguro ako at nagrerebelde ng patago dahil sobrang lungkot ko na iiwan ako ng nanay ko at pupuntang ibang bansa minsan umuwi ako non galing inuman at napansin yun ng pinsan ko dahil pumunta sila sa bahay amoy alak daw ako sobrang kaba ko non at nagtulog tulogan pero naka uniform ako.

Sa eskwelahan naman ginagawa ko din naman mga project assignments ko ayaw ko mapansin nila na gumagawa ako ng kalokohan tahimik lang akong tao pero nasa loob ang kulo ko ika nga pero sa mga panahon na yun sobrang hirap na hirap ako sa subject na mathematics pero mabait ang aming guro non ang totoo nga nyan masaya yung pag aaral ko non madami akong natututunan madami din na kikilala sa labas na mga ibat ibang tao at mga lessons sa buhay ko na hanggang ngayon pinagsisisihan ko .

Yung pamilya ko non yung mga kamag anak ko nabubulag sila sakin dahil alam nilang sobrang bait kong tao pero wala silang alam sa buhay ko ..

bakasyon namin na non halos puro gala na ako non ... pero pag gising ko naglalampaso nagwawalis ako sa labas at nag tatangal ng mag damo damo. Ang kasama lang namin non si lola dahil ang mama ko nasa manila nag aaral ng tesda para sa pag alis nya dito sa pinas .

Hanggag sa pag grade 10 ko nga ay nakaalis na sya ng pinas sobrang lungkot ko non dahil sobrang istrikto ng nga kamag anak ko pero mabait sila wala din ako masabi don mahal na mahal nila si lola mahal ko din si lola dahil madami syang naitulong sakin ..

unang padala ng nanay ko non si lola ang kumuha kada pag pasukan nagigising sya para ipag handa kami ng makakain at baon sa eskwelahan sobrang bait nya samin sinuportahan nya din ako non kapag walang wala ako inaalok ako na paaralin nya nahihiya ako .

hanggang sa nakapag hanap ako ng part time job non umabsent ako isang araw dahil kailangan kong asikasuhin ang requirements ko . nakapag simula ako bilang dishwasher non sa isang restaurant at kitchen staff kasama ko ang kaibigan ko pag uuwi namin galing eskwelahan ay diretso na kami sa pinagtatrabahuan ko non dahil alam ko naman na kulang na kulang yung padala ng nanay ko at ayoko din mahirapan sya .

nagiging mature na din ang isipan ko non .