HELL DAY MONDAY

This hurts like hell

but I keep telling myself

It's gonna get better

But it's taking forever🎶🎶🎶

I try to go out

But every time I leave the house

Something reminds me

Of what's now behind me🎶🎶🎶

Everytime I let go Just a little bit more

In the end, I'm gonna be alright

But it might take a hundred sleepless nights

To make the memories of you disappear

But right now, I can't see nothing through these tears🎶🎶🎶🎶🎶

Maingay kong dinama ang bawat nota ng kantang 'yon. I was all ears while listening in every with my eyes close feeling the wind as it touches my skin in every second at a time.

Sandali kong ipinause ang music kasabay ng pagtanggal ko sa earphones ko na kanina pa nakasukbit sa tenga ko. "THE RADE ba 'yun?"

Agad kong sinukbit ang backpack saka mabilis na nagtungo sa direksiyon na yun kung saan may maraming estudyante.

"Aishhht putek naman ang ingay!"Nagsisi tuloy ako sa ginawa kong pagtakbo.Umalis na agad ko sa kumpulan at agad na bumalik sa bench kung saan ako nakapuwesto kanina.

isinukbit ko sa tenga ko ang kaliwanv bahagi ng earphone. Agad naman itong nagpatuloy kug saan ko itinigal kanina ang music.

Control my thoughts

Convincing myself it's your loss

I really mean it and I'm

Starting to believe it🎶🎶🎶🎶

"Everytime I let go Just a little bit more."sinabayan ko ang bandang chorus na 'yon.

"In the end,I'm gonna be alright

but it might take a hundreds sleepless nights."

Napalingon naman ako sa gawi ng boses na yun. Di ko nalang siya pinansin.As if naman close kami? Sa ibang direksiyon na siya nagpunta kaya hinayaan ko nalang. Maya maya lang ay dumaan si Kiven malapit sa kinaroonan ko.

"Psst Kiven."Nang lumingon ito ay agad kong iwinagayway ang kamay ko.

"Bakit?"kaswal niyang sabi.

"Grabe,hindi ba pwedeng mag hi ka muna?di ba uso sa inyo yun?"Tinignan niya lang ako kaya ganun din ang ginawa ko.

"Wala kang sasabihin?aalis na ako!"sabi nito at akmang tatalikod na.

"Hoy teka lang naman!"

"ano na naman kasi yun?Kung tungkol sa banda na naman 'to pwede ba hindi nga kami tumatanggap ng babae."Aniya saka tumalikod na.

Hanep ang bibig ampota walang preno.Bakit kasi ayaw nilang tumanggap ng babae. Napaka oa naman.May phobia ba sila sa babae?or unless.... hayst...

lumakad na ako papunta sa classroom. Kaniya kaniya sila ng memorize.May exam nga pala kami.

"Ano nga yung source of Energy?"Naningkit ang noo ka sa tanong na 'yon ni Fritzy.

"Meralco."Sabi ko sabay tawa.Ilang segundo bago niya nagets ang sinabi ko.na ikinatawa ko lala.

"Siraulo ka talaga Wayne!Sun kasi yun."sabi niya at inismiran ako.

"Ba't kasi yan pinag aaralan mo?Grade five ka ba?" siniko ko siya ng mahina ng sabihin lo yun.

"Hoy,hindi kasi yung kapatid ko nagtatanong."pagdedepensa nito.

"Sus nahiya ka pa.Oh basta alam mo na Meralco ang source of energy Hahahaha"sabi ko ay tinapik pa siya sa balikat.

"May saltik ka talaga!"Aniya.Napangiti nalang ako sa inasal niya.

Nagpokus nalang ulit ako sa pakikinig ng music since wala naman akong magawa at maingay sila sa pagrereview. Wala naman ako sa wisyo kung mag review.Sasakit lang ang ulo ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang pakiramdaman ang bawat ritmo ng kantang naiplay ko.Ang masarap na pakiramdan na bumabalot sa kaloob looban ko ay siyang nagbibigay sa akin ng isang kumpiyansang maging kampante sa lahat ng bagay.Kakaiba talaga ang idinudulot sa akin ng isang simpleng himig ng kanta. Pasimple kong inaalala yung mga nireview ko kagabi habang nakatikom ang bibig at nananatiling nakapikit ang aking mga mata. Nagkaroon Pokus sa kabila ng samut saring ingay sa paligid ko.

Ng imulat ko ang aking mata ay nakasalubong ang kilay ng lecturer namin. Bumungad din sa akin ang Queationaire na nasa desk ko.Marahan kung kinusot ang aking mga mata at humikab ng kaunti. Nang tuluyan ng bumalik sa ulirat ang kabuuan ko ay saka ko lang narealize na nakatulog pala ako at kanina pa nagsimula ang exam.Ang buong akala ko e nakapokus ako at nagrereview yun.Panaginip ko lang pala yun.

"Jerwayne Cuesta Labas!"Galit na sabi ng P.E lecturer namin na siyang incharge din ng exam.Hindi ako kumibo at tinignan lang ito.

"Cuesta ang sabi ko labas!Ang lakas ng loob mong matulog sa oras ng exam.

"Miss Pahingi po ako ng answer sheet mag eexam na po ako."sabi ko at tumayo at kumuha ng answer sheet sa table nito.

"Binigyan na ba kita ng permiso para kumuha ng Answer sheet Cuesta?Ang sabi ko labas!"galit na talagang sabi nito.

Hindi ko parin siya pinapansin at nilagyan na ng pangalan ang answersheet.

"One more call and I will bring you to the Student Committee office."Sabi nito at nakaturo pa sa akin ang hintuturo. Pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko kaya lumabas nalang ako dala yung Questionaire at answer sheet.

" Put your Answer sheet and Questionaire here."Narinig kong utos nito pero tumuloy lang ako sa paghakbang.

"Jerwayne Cuesta!"

Napapikit nalang ako bago ako lumingon sa gawi nito. Konte nalang at sasabog na ako sa inis at siya ang pagsagutin ko sa exam ko.

"Yes miss."Sabi ko at ibinida ang pekeng ngiti.

"Put your thing here."turo niya sa mesa niya.

"Sorry miss but I can't"sagot ko dito.

"I didn't gave you the permission to take the exam ms.Cuesta."Aniya.

"Same goes for me miss.Hindi kita binigyan ng permiso na pigilan akong wag magtake ng exam?!"Sarkastiko ang pagkakasabi ko nun kaya sumilay ang galit sa kaniyang mukha.Tinalikuran ko na siya at lumabas na ng room. Naupo nalang ako sa pintuan at doon nagsagot.

The whole period ko iyong ginawa hanggang sa matapos ang exam.Hindi narin naman siya nagreklamo ng kusa akong kumukuha ng answer sheets at test questionaire.Halos mamanhid ang buong katawan ko sitting position ko na iyon.Nakasandal ako sa wall ng room at naka ipinagross ko ang mga binti ko para maayos akong makapagsulat.Ginamit ko na di ang libro ko bilang pamatong ng answer sheet.

"How do you feel Cuesta?"tanong nito pagkabukas ng pinto.Yoong tanong na mag aapoy ka sa galit.Kaya lang hindi ako makatayo sa sobrang manhid ng binti at likod ko.Hindi ko nalang siya sinagot at inayos nalang ang gamit ko.

"Matapilok ka sana!"mahina kong sabi.

Nag aya ng gala ang mga kaklase ko pero masyadong masakit ang likod ko para sumama pa. Umuwi nalang ako ng maaga.