"Hmmp! Hindi ko aakalaing mayroon kayong lakas ng loob na hindi ako irespeto bagkus ay ininsulto niyo pa ako hmmmp!" Sambit ng lalaking Royal Guard habang mabilis nitong itinutok ang nasabing espada nitong sa direksyon ng limang mga kawal na puro pana ang mga sandatang kinasanayan ng mga ito.
Dahil sa mga sinabi ng limang mga kawal na nasa kanilang mga harapan na pawang pana ang hawak na sandata ng mga ito ay hindi na nagpigil pa ang mga Array Formation Guards na hindi magbitaw ng mga salita laban sa mga ito.
"Hindi katanggap-tanggap ang ginawa niyo. Humingi na kayo ng paumanhin bago pa mapuno sa inyo ang aming pinuno."
"Dapat lang na magbayad kayo sa kawalan ng paggalang niyo!"
"Hindi makatarungan ang inyong sinasabi!"
"Lakas niyong makainsulto pero isa lamang kayong hamak na Bow and Arrow Users!"
Ilan lamang iyan sa sari-saring mga komento ng mga Array Formation Guards habang makikitang tila nagpupuyos na sila sa galit. Humigpit na ang hawak nilang mga sandata.
Ngunit lahat ng mga salitang ito ay tila hindi nagpatinag ang mga Bow and Arrow Guards sam ga sinabi ng mga Array Formation Guards at tila hindi sila nagpakita ng anumang tanda ng pagsisisi o walang senyales ng pagbabalak na bawiin ang simasabi ng mga ito.
"Hmmp! Wala kaming pakialam sa sinasabi niyo!"
"Sino ba naman kasi ang nagsabing nagsisisi kami, totoo namang napahina niyong grupo at grupo kayo ng mga lampang kawal."
"Mga walang ambag sa ating kaharian na Heaven Arcane Kingdom!"
"Heh! Pinakamahinang grupo ng mga Array Formation Guards, sino ang tinatakot niyo!"
Hindi nagpatinag ang limang kawal sa pagbabanta ng ilang daang mga kawal na naririto. Animo'y parang wala silang pakialam sa mga ito. Sa mga tingin nila na makikita ang pagiging arogante at mayabang. Kahit katiting na pagsisisi ay walang mabanakas sa mga ito.
Ang naging pananalita at kilos ng mga ito ay mas naging pandagdag sa nararamdamang inis ng mga Array Formation Guards. Labis silang nainsulto sa sinabi ng mga limang kawal na ito.
Napangiti naman ang Royal Guard sa hanay ng mga Array Formation Guards at muling nagwika.
"Kung ganon ay dadaanin na natin ito sa dahas. Hindi ko aakalaing ang tatapang ninyo to the point na lima lamang kayong pumunta rito hmmp!" Sambit ng Royal Guard habang makikitang bigla nitong iwinasiwas ang kaniyang sariling espadang napakatalas at napakahaba.
Mabilis na tumalon ito ng mataas papunta mismo sa direksyon ng limang kawal at mabilis nitong pinalasap ang ibayong lakas ng kaniyang sariling espada.
Ngunit ang ginawa niyang pag-atake sana ay mabilis na naramdaman ng Royal Guard na mayroong kakaibang enerhiyang papunta sa kaniya.
"Sneak Attack?! Hmmp!" Sambit ng nasabing Royal Guard na Array Formation habang makikitang nakita niya ang papalapit na pana sa kaniya.
Para maiwasan niya ang pagtama ng nasabing napakabilis na bagay na paparating sa kaniya ay mabilis niyang binawi ang kaniyang atake at napaikot-ikot sa ere upang pumunta sa ibang direksyon upang i-envade ang nasabing atake.
Tila napasinghap naman ang mga Array Formation Guards dahil sa nasabing sneak attack na nangyari.
"Paanong nangyari iyon?! Hindi maaari ito!"
"Someone daes to sneak attack?! How bold!
"Napakaduwag naman ng nilalang na umatake na iyon! Sino ba naman kasi ang magsasabing aatake ito ng palihim!"
"Napakagaling ng boss natin. Kung ako siguro iyon ay mamamatay ako sa pasimple ngunit pamatay na atakeng iyon!"
"Sinabi mo pa! Isang maruming taktika iyon!"
Ilan lamang iyan sa mga naging komento ng mga Array Formation Guards patungkol sa nasabing nasaksihan nila to the point na may inis ang mga ito. Bilang kawal ay hindi maaaring baliwalain iyon at masasabing maruming taktika ang pagsali sa laban ng may laban at ang sneak attack ay gawain lamang ng mga Assassin na hindi naman maaaring applicable rito lalo pa't magkaiba ang prinsipyo ng mga Assassin kaysa sa mga kawal.
BANG!!!!!!!!
Bigla na lamang sumabog sa di kalayuan ang nasabing bagay na iyon. Hindi naman nakaligtas sa mapanuring mata ng mga ito kung ano iyon.
Ang bagay na iyon ay isang palasong tila naglalaman ng nakakatakot na enerhiya.
Kapwa nag-usap naman ng palihim ang mga Array Formation Guards dahil dito gamit ang Kanilang divine sense.
"To think na mayroong gumamit ng Arrow Skill ay tiyak na kasamahan o kasabwat ito ng limang mga kawal na ito na eksperto sa paggamit ng pana at palaso."
"Sinabi mo pa! Sinong mag-aakalang ang lakas ng loob nitong gumawa ng gulo sa lugar natin dito!"
"Sinong mag-aakala na ang mga Bow and Arrow Users na mga kawal ay napakaarogante at napakayabang!
"Tila hindi lamang simpleng insidente ang lahat ng mga ito."
Natigil lamang ang mga pag-uusap ng mga ito ng magsalitang bigla ang kanilang pinuno.
"Akong si Geno Rivial ay hindi aakalaing mayroong lalaban sa akin at magtatakang mag-sneak attack sa akin sa teritoryong hawak ko mismo!" Malakas na sambit ng nasabing Royal Guard ng Array Formation sa lugar na ito.
"Hahaha... To think na ang isang Royal Guard ay pinatulan ang aking mga kawal ay isa sa nakakatawang insidente naman ito hahaha!!!" Sambit ng isang nilalang na lumitaw sa hindi kalayuan.
Tinanaw ng lahat ang direksyong kinaroroonan ng boses ng nagsasalita at nang mapansin ng lahat kung sino ito ay makikitang nanlaki ang mga pares ng mga mata ng mga ordinaryong kawal maging si Geno Rivial ay hindi nakaligtas sa sudden reaction niya sa kung sino ito.
Base sa badge ay makikitang medyo malaki at mas matingkad ng di hamak ang badge na nasa suot ng nasabing kawal kumpara sa suot na badge ng Royal Guard ng Array Formation na si Geno Rivial.
"Isang Senior Royal Guard?! Paanong nangyari ito!"
"Bugok! Di niyo ba nakikilala iyan? Siya lang naman ang Personal Royal Guard ng Mahal na Hari at Mahal na Reyna na si Heran Maldos . To think na lumitaw siya rito ay isang kakaibang insidente."
"Oo nga, masyado namang biglaan ang pagbisita niya rito at personal na pumunta rito sa Guard Post ( teritoryo) natin."
"Malamang ay mayroon itong importanteng gagawin rito."
"Ano pa nga ba, dapat ay maging alerto lamang tayo. Sinasabing malalakas ang mga Royal Guards lalo na ang mga Senior Royal Guards."
Tila naguguluhan naman ang mga ordinaryong kawal sa hanay ng mga Array Formation kung saan ay makikitang labis ang kanilang pagtataka sa pagpunta at paglitaw ng isang Senior Royal Guard sa kanila lalo na ang personal na Kawal ng Mahal na Hari na si Haring Eros Vermontt at ng Mahal na Reyna na si Reyna Rebecca Vermontt. Tiyak silang mayroong kung ano'ng nagaganap na di nila alam.
"Senior Geno? Ano po ang ginagawa niyo rito?!" magalang na sambit ng Royal Guard ng Array Formation Guards.
"Hmmp! Malamang ay pumunta ako dahil sa lima kong kawal." Sambit ng Senior Royal Guard na si Geno Rivial habang makikitang tila kakikitaan ang boses nito gn awtoridad at pagiging mayabang?
Nang marinig ito ng mga kawal ay halos hindi sila makapaniwala sa mga sinasabi ng lalaking Senior Royal Guard na si Geno Rivial kaya nag-usap ang mga ito gamit ang kanilang divine sense.
"Hmmp! Hindi ko aakalain na ganito ang pag-uugali ng Senior Royal Guard na si Geno Rivial."
"Hinahangaan ko pa siya noon ngunit sa pag-uugaling pinapakita nito ngayon ay tunay na nakakawalang ganang hangaan ang taong ito!"
"Sinabi mo pa. Sa tono ng pananalita nito at tingin niya sa Boss natin at atin mismo ay parang napakaliit natin sa mata nito."
"Hahaha... Ano pa ba ang aasahan mo sa mga Senior Royal Guards hindi ba? Given na walang nagpapatalo sa kanila kaya ganyan sila kayabang at arogante."
"Huwag kayong magsabi ng ganyan, baka pag-initan tayo niyan."
"Oo nga, siguradong katapusan na natin ito!"
Tila makikitang takot ang mga ordinaryong mga kawal sa mga Senior Royal Guard. Sino ba naman kasi ang hindi dahil mas mataas at malawak ang kanilang sariling hinahawakang mga kawal na hindi lubos aakalain ng ilan sa kanila. Personal na Royal Guard pa ng Mahal na Haring Eros Vermontt at Mahal na Reyna Rebecca Vermontt si Geno Rivial kaya ganon lamang ang kanilang sariling takot rito na pag-initan sila.
"Hmmm... Kayo po ba ang nagpadala ng limang kawal na naririto?!" Sambit ng Royal Guard na siyang pinuno ng Array Formation Guards na naririto. Halatang kabado din siya. Higit na mas nakakataas ang posisyon ng Senior Royal Guard kaysa sa kaniya na isa lamang hamak na Primary Royal Guard. Ang kanilang agwat ng awtoridad ay parang langit at lupa, hindi maaaring sabihin na simpleng agwat lamang.
"Oo, kung gayon ay halina kayo." Sambit ng lalaking Senior Royal Guard na si Geno Rivial sa limang kawal habang tila walang pakialam sa sinasabi ng Primary Royal Guard ng Array Formation.
Agad na tumalikod na ang Senior Royal Guard habang kasunod nito ang limang kawal na nakangiting aso habang sumusunod sa direksyong patutunguhan ng lalaking si Geno Rivial.
Tila napayuko na lamang ang lalaking Primary Royal Guard na nasa hanay ng Array Formation Guards na naririto. Iniikot-ikot pa nito ang kaniyang ulo tandang wala siyang magagawa. Isa lamang siyang hamak na Primary Royal Guard habang isang Senior Royal Guard ang kaharap niya. Gusto niyang tanungin kung ano ba ang nangyayari kung bakit pumunta rito ang kasapi nito sa kanilang teritoryo ngunit wala siyang karapatang gawin iyon.
Alam niyang ang posisyon niya sa lugar na ito ay walang magagawa kung sakaling saktan o pahirapan man siya ng Senior Royal Guard. Mabuti na lamang at hindi nangyari iyon.
Primary Royal Guard
Intermediate Royal Guard
Senior Royal Guard
Ito ang tatlong magkakaibang lebel na nagbubuklod sa kanila. Napakakonti lamang ng Senior Royal Guard ngunit hindi kailanman sila maaaring kwestiyunin ng sinuman lalo na ng Primary Royal Guard pababa. This is how powerful Senior Royal Guard can be while Intermediate Royal Guard is only the one can ask questions or being one to be ordered by Senior Royal Guard.
Mabilis na umalis na rin ang Primary Royal Guard dahil sa labis na hiya. Talagang ang kaniyang naging aksyon ay talaga namang nakakahiyang isipin. Nakita niya kung paano naging makapangyarihan ang isang Senior Royal Guard and no doubt to question that.
Nang natira na lamang ang ilang daang mga kawal na naririto ay masasabing hindi nila mapigilang mag-usap-usap at magbigay ng kani-kanilang mga opinyon sa nasabing kaganapan kani-kanina lamang.
"Hindi ko aakalaing ang Senior Royal Guard ay napakamakapangyarihan pala talaga."
"Sinabi mo pa. Sa pamamagitan lamang ng kanilang mga salita ay masasabi mong napakadomineering na nila. Paano pa kaya kung lumaban sila."
"Oo nga, isang ibayong panganib sila sa lahat ng kumakalaban sa kanila. Laban? Siguradong matatalo lamang ang boss natin sa Senior Royal Guard na iyon."
"Weh? Sinong nagsabi sayo niyan? Kayang-kaya ni Boss lumaban at makipaglaban doon."
"Hahaha... Lumaban? Hindi mo alam ang pinagsasabi mo? Hindi niya kaya ang lalaking Royal Guard na si Geno Rivial."
"Oo may punto ka. Kung paano magpakita ng paggalang ang ating lider sa kanila ay talaga namang nakakapanibago sa aking isipan."
"Malamang maninibago ka talaga dahil unang pagkakataon lamang ang nangyari na iyon. Do you think mangyayari ulit iyon?!"
Halos walang katapusang argumento ang lumalabas sa bibig ng mga ordinaryong mga kawal sa hanay ng Array Formation ngunit labis talaga ang kuryusidad nila dito.
Ano nga ba ang totoong lakas ng isang Senior Royal Guard? Ito ang pangunahing tanong sa kanilang mga isipan.
...