"Hoy! Kulot! Wala ka bang balak umuwi?" Iritang sigaw ni Trex kay Sora na kumakain ng cup noodles. Skyline Pascual. Mas gusto niyang tawagin siyang Sora.
"I'm Home, at saka FYI! Hindi kulot ang buhok ko, wavy lang!" Sabi naman ni Sora.
Nag tss lang si Trex at saka pumunta sa mesa para mag timpla ng kumuha ng tinapay. Tumulala siya sandali at saka naglakad papunta sa work area niya habang salita nang salita ng puro reklamo dahil kay Sora.
Tiningnan lang naman siya ng masama ni Sora.
"Tigilan mo ko ng killer looks mong yan!" Akmang babatohin ni Trex si Sora ng hawak niyang stuffed toy, pero mas naunang naibato ni Sora yung hawak niyang plastic spoon.
"Hindi ka na nga eco-friendly, magkakalat ka pa! Kadiri ka talaga!"Banat muli ni Trex habang pinupulot yung plastic spoon na tinapon ni Sora.
Ganito palagi ang set up ng dalawa. Nagbabatuhan ng gamit, nagpapalitan ng masasamang tingin at masasamang salita, pero lagi naman silang andyan para sa isat-isa.
"Tingnan mo to! anong ginagawa ng mga shitty photographs mo dito?" Turo ni Trex dun sa isang wall na puno ng Cloud Photos.
"So? What? Mas Shitty naman yang mga artworks mo!"Turo naman ni Sora dun sa work area ni Trex.
Bigla namang naging matino ang usapan nilang dalawa nang tanungin ni Trex si Sora tungkol sa sport fest.
"Mag cocover ka ba ng Sport Fest bukas?" Tanong ni Trex sabay agaw nung kinakain ni Sora.
"Symps! School Stuff!" Inagaw niya naman yung pagkain kay Trex.
Bigla namang may nag doorbell. Nagtinginan muna sila kung sino ang magbubukas ng pinto. Sympre! Olats si Trex.
***
Sa School
Naptigil sa paglalakad si Vera ng makasalubong niya si Kate.
"Vera, tara nood tayo! Game na nila Charles." Nakangiting sabi ni Kate. Hindi naman mapakali si Vera. Parang hindi niya pa ata kayang makasama sa iisang lugar si Kate or si Charles.
Nagulat silang dalawa ng biglang sumulpot si Sora sa tabi nila. Nagpalitan ng masamang tingin si Sora at Kate.
"Ano bang problema mo?" Tanong ni Kate kay Sora.
"Marami!" Mataray na sagot ni Sora.
"Let's go Vera!" at saka niya hinila si Vera palayo kay Kate.
Nakarating sila sa may lagoon at doon na naglabas ng galit si Sora.
"Sky, wala akong balak manood ng game na yun. Kung meron man, si Jiggy ang papanoorin at ichi-cheer ko."Napataas na lang ng kilay si Sora na tila may pagdududa sa sinabi ni Vera.
"Ok! Let's watch JIGGY!" Saka inayos yung camera na dala niya.
Agad silang naglakad papunta sa gym. Malayo pa lang sila ay rinig na nila ang ingay ng mga nanonood. Lumapit agad sila sa kinauupuan nila Sunny. Napakunot noo agad si Sora dahil sa ingay, at mas kumunot ang noo niya nang makilala yung boses na nangingibabaw.
"HOYYYY!!!JIGGY! Ayosin mo yan!" Malakas na sigaw ni Trex.
Agad namang tinapik ni Sora ang bibig ni Trex.
"ANO BA! Walang hiya ka talagang kulot ka! kagabi ka pa ah!"Sabi ni Trex habang nakahawak pa sa bibig niya. Nag smirk lang si Sora.
Nag tss lang naman si Trex tapos biglang sumigaw ng maishoot ni Jiggy yung bola at nakisigaw rin si Vera.
"TAMBAKAN MO YANG MGA GAGO NA YAN!!!KAPAL NG MUKHAAA!"Sigaw ulet ni Trex kaya tiningnan ulet siya ni Sora.
"Bawasan mo nga ingay mo!"Sita ni Sora.
Sumigaw naman si Vera "Go Jiggy"
Pinagtinginan naman si Trex nung ilang babae.
"Si Jiggy ang papanoorin mo!"Paalala ni Sora kay Vera at saka na pumwesto malapit sa court. Sa kabilang side ng gym ay nadoon si Sprite na nakangiti lang habang pinagmamasdan ang grupo nila Trex.
Hinampas ni Vera ng bottled water si Sunny ng maishoot ulet ni Jiggy yung bola.
"Hindi mo ba ichi-cheer yun si #12?"Pang asar ni Sunny kay Vera.
Hindi naman sumagot si Vera, pero secretly nag chi cheer pa rin si Vera kay Charles. Natapos na yung game at panalo ang team nila Heaven at Jiggy. Agad namang tumakbo si Kate papalapit kay Charles nung matapos na ang game. Iniwasan itong tingnan ni Vera.
Nag tss lang naman si Trex at saka tumayo.
"Guys! Tara na!" Sigaw ni Sora galing sa courtside.
"Leggooo!"Sigaw naman ni Trex.
Agad naman sumunod sila Sunny kay Trex. Naglakad sila papuntang cafeteria. Habang naglalakad sila papuntang cafeteria ay nag ring yung phone ni Sunny, sumenyas naman siya sa mga kaibigan niya na susunod na lang daw siya.
"Ano bang nangyayari dun kay Sunny at parang lagi na lang siyang MIA?"Tanong ni Sora habang pinagmamasdan si Sunny na naglalakad palayo.
"Trying to be cool and independent."Sabi naman ni Trex.
Natawa naman si Jiggy at nag high five pa sila ni Jiggy.
"Nag gigig na nga yun dun sa 167 Bistro." Dagdag naman ni Jiggy.
"Weeeh?? Grabe yan si Sunny di man lang nagsasabi." Dagdag naman ni Vera.
Natigilan naman sila ng biglang sumulpot sa harap nila si Heaven. Halatang galit ito.
"Ano yung sinisigaw mo kanina sa gym?"Maangas na sabi ni Heaven.
Nag tss lang si Trex.
"Bakit feeling mo ikaw yun?"Cool na sabi ni Trex.
Nagkakainitan na ang dalawa pilit naman tong inaawat ni Jiggy.
"Dude, cool lang tayo." Ayaw pa rin papagil nung dalawa kaya nataranta na si Vera.
Konting tulak na lang at mag uupakan na talaga tong dalawa na to. Inaawat naman ni Jiggy yung dalawa, pero halatang ayaw magpapigil ng dalawa. Nairita na lang si Sora sa kanila.
"Thomas. Tumigil ka na."Sita ni Sora pero hindi siya pinansin nito.
Patuloy pa rin sa pag aaway yung dalawa at pilit pa rin silang inawat ni Jiggy. Di na napigilan ni Sora ang inis kaya sinipa niya sa tuhod yung dalawa kaya natigilan sila sa pag aaway napaluhod sila at napatingin sa kanya.
"Oh ano? Ako naman ang kakalabanin niyo?"Galit na sabi ni Sora.
Napangiti naman si Jiggy na halos mapapalakpak pa sa nakita. Tiningnan lang ng masama ni Heaven at Trex si Sora.
"Nakakailan ka na talagang kulot ka!"Reklamo ni Trex habang tumatayo.
Bigla namang dumating si Sprite.
"Heaven! Anong nangyari sa'yo?"Agad tumakbo si Sprite sa tabi ni Heaven.
"Okay lang ako."Sabi naman ni Heaven habang inaakay siya ni Sprite patayo tapos tumingin ulet ng masama kay Trex at Sora.
"Pakidala na yang kaibigan mo." Sabi ni Sora.
"Jiggs, pagsabihan mo yang mga kaibigan mo." Pagbabanta ni Heaven na agad namang inawat ni Sprite.
"Whatevs!"Bulong ni Sora at saka tumingin kay Trex.
"Gago ka talaga!!!"Sabay pingot sa tenga ni Trex na nag reklamo sa sakit.
"Wow! Ah! Sino mas gags sa atin? Ang violente mo talaga!"Sabi naman ni Trex kay Sora. Natawa na lang si Jiggy at Vera.
"Safe ka talaga basta si Sora kasama mo."Sabi naman ni Jiggy.
Sandaling nilingon ni Trex yung deriksyon nila Sprite at Heaven.
***
Pauwi na si Vera ng makasalubong niya sina Kate at Charles.
That akward moment! Yung iniiwasan mong mga tao, sila pa yung nasasalubong mo? Anong klaseng sorcery to?
"Oh hi!"Fake na bati ni Vera sa dalawa.
"Thanks for watching the game." Nakangiting sabi ni Charles.
"Wala yun! Galing niyo eh." Cheerful at fake na sabi ni Vera.
Hindi niya alam kung paano siya makakatakas sa sitwasyon na ito. Walang Sora na magliligtas sa kanya ngayon dahil nakauwi nakauwi na sina Sora at Trex, habang MIA naman si Sunny.
"Veraaaaa!" Nakaramdam siya ng ginhawa ng marinig niya nag boses ni Jiggy.
"Jiggsss! Kanina pa kita inaantay!" Agad namang lumapit si Jiggy sa kanila at bumati dun sa dalawa.
"Sige, una na kami" Sabi ni Vera sabay hila kay Jiggy.
Nakahawak pa rin si Vera sa braso ni Jiggy hanggang makalabas na sila ng gate ng school.
"Ayos ka lang ba?"
"Yata. Hindi ko alam. Parang ang OA ko na lately, nakakainis lang."Sabi ni Vera habang inaadjust yung bag niya.
"Ang korni mo alam mo?" Natatawang sabi ni Jiggy.
Bumitaw naman si Vera sa pagkakahwak sa braso ni Jiggy.
"Hindi naman ganun kadali makaget over no, kahit pa wala namang "kayo"" Dagdag ni Jiggy. Hinampas naman ni Vera yung hawak niyang libro kay Jiggy.