Skyline and Vera
Nakailang ulit pinatugtog ni Sora yung kantang Shiver ng Coldplay Nakatulala lang naman si Vera sa kawalan haggang mapansin niya na parang sakto sa kanya yung kanta.
"Sora, please stop playing that freaking song!" Sabi ni Vera sabay gulo ng buhok niya.
Inasar pa siya ni Sora at nilakasan pa yung volume at naki sing along pa.
"So I look in your direction..." Nagtakip naman ai Vera ng unan sa tenga.
"Mag move on k na nga! Ilang araw ka ng ganyan! Ginigil mo na talaga ko eh!" Sabi ni Sora habang hinihila yung unan na hawak ni Vera.
Sana ganun kadali. Yung kahit wala kang karapatan o walang rason para mag move on, sana madaling tanggapin na hindi ka talaga niya gusto. Na hanggang kaibigan ka lang. May ilan siguro na madaling tanggapin ang mga ganito sitwasyon, pero may ilan na hirap tanggapin na wala talaga. Isa na dito si Vera.
Ano ba ang grounds para piliin ng isang tao ang iba.
Ilang beses na yang tinatanong ni Vera.
"Five years, five damn years! kaming magkakilala tapos tinalo lang ng 2 months na pagkakakilala niya dun kay Kate. Unfair!" Humagalpak naman sa kakatawa si Sora.
"Ang klasik mo! pasalamat ka wala dito si Mang Thomas kung hindi baka napagtawanan ka naman nun!" Natatawang sabi ni Sora.
Iniisip pa rin ni Vera yung span ng friendship nila Charles. 5years over 2 months.
"Tumayo ka na nga dyan!" Ayaw pa rin paawat ni Vera kaya hinila na siya ni Sora palabas ng "STUDIO" ni Trex.
"Just in time."Sabi ni Sora sabay tingin sa relo niya.
Dinala ni Sora si Vera sa paborito niyang coffeeshop at agad silang pumwesto dun sa upuan sa may bintana.
"Oh ano yan?!" Sabi ni Sora nanag mapansin niyang nakatingin lang sa kanya si Vera saka niya nilalapag yung peppermint mocha na iniinum niya.
"Yung buhay mo na lang ang ireview natin."Dagdag na sabi ni Sora na agada namang tinanggihan ni Vera.
"Come on! Let's review the impossibility of Charles and Vera." Pang asar ni Sora.
"Wow! ang ganda ng title. Wag na oy!"Sabi ni Vera at saka uminom.
"Una, wala kayong common ground, hindi rin naman kayo opposite. Basta parang hindi talaga kayo match. Pangalawa, kung sa physical appearance hindi rin kayo pwede kasi parehas kayong good looking-" Napangiti naman si Vera sa huling sinabi ni Sora.
"Talaga? Good Looking ako?"
"Oo na nga di ba? Maraming rason kung bakit di kayo pwede basta ang end point....
...HINDI KA NIYA GUSTO."
"Kaibigan talaga kita no? Sobrang comforting yung mga linyahan mo eh no?" Sarcastic na sabi ni Vera at saka inirapan si Sora.
Natawa naman si Sora sa itsura ng kaibigan niya.
"Mas mabuti na yun no! Ayoko lang mag sugar coat or what not."
Medyo napapagod na rin si Vera kakaisip ng bagay na tungkol sa kanila ni Charles siguro nga oras na para hayaan ang katotohanan na sumampal sa kanya.
"Anyho, Panoorin na lang natin si Sunny sa isang gig niya."Agad pinilit ni Vera na ishift ang topic sa mga kaibigan nila.
"Sige ba! Basta siguradohin mo lang na maganda ang boses nung loko na yun ah!"
"Ano ba yan! Hindi mo pa siya naririnig kumanta??" Tanong ni Vera
Nag-isip sandali si Sora.
"Hindi pa."
"You're missing something!" Sabi ni Vera na pailing-iling pa.
Natigil sandali si Vera ng maisip niya nag set up ng friendship ni Trex at Sora.
"I really wonder.."Intro ni Vera na agad naman na sense ni Sora kung saan ang pupuntahan ng tanong niya. Malamang tungkol na naman sa kanila ni Trex.
"Alam ko na ang pupuntahan nito. Please don't go there!" Inis na sabi ni Sora.
Nakaramdam ng ingit si Vera sa friendship ng dalawa. Yung alam nila na pareaha silang walang halong hidden agenda at pure friendship lang talaga.
"Wala lang ang cool kasi ng friendship niyo."
"We're more than tha- Teka nga, si Charles naman ba to?" Sumimangot lang si Vera sa sinabi ni Sora.
"Tantanan mo na nga yang drama mo na yan!"
Natahimik silang dalawa.
"Call it heartache, heartbreak or whatever. Atleast you were able to exercise that damn cardiac muscle."Seryosong sabi ni Sora.
Napangiti na lang si Vera at saka uminom.
"Ang korni mo din."Pang aasar ni Vera sa kaibigan niya.
****
Trex and Sunny
Sinamahan ni Trex si Sunny sa isang gig niya. Hindi pa rin magets ni Trex kung ano ba ang drama nito ni Sunny. Noong isang araw kasi ay bigla na lang tong nawala habang magkakasama silang lahat.
"Papuntahin natin sila Jiggy?"Tanong ni Trex kay Sunny habang nag aayos nung instrument.
"Wag na. Next time na lang." Napa ok naman si Trex.
Dumating na yung ilang manonood at customer ng Bistro.
"Trex. Chill ka lang ah! Iwas gulo ka muna." Nag thumbs up naman si Trex at umupo dun sa gilid.
Tahimik lang na nagmamasid si Trex sa mga tao habang hinihintay na tumugtog si Sunny. Nung nag simula ng tumugtog si Sunny ay may narinig si Trex na nagbubulongan sa likod niya.
"Tss! Is it just me or medyo off key siya?" Sabi nung lalaki na may hawak na mojito.
"Hindi ah! Ayos kaya boses niya at yung harmonics ng guitar." Sagot nung isa.
"Come on dude! Listen closely. Something is missing." Dagdag nung lalaki.
Nang init na yung dugo ni Trex sa naririnig niya at agad nilingon yung dalawang nagbubulongan.
"Isa pang gago ka! Isasapak ko talaga to sa'yo tong basong hawak ko!" Bulong ni Trex sa sarili niya. Napansin naman ni Sunny na parang lumalabas na naman ang mga sunggay ni Trex dahil sa galit. Napatingin naman si Trex kay Sunny. Umiiling si Sunny kay Trex na parang sinasabi na mag chill lang siya at wag pumatol kung ano man ang nangyayari. Pero ayaw pa rin pa awat sa pag ngawa yung mayabang na lalaki sa likod ni Trex.
"Yung guitar skills niya medyo ok, pero yung boses medyo duda ako eh! para- "
*Tugss
Di na natapos nung lalaki ang sinasabi niya dahil lumanding na sa mukha niya yung kamao ni Trex.
"Damn it! Will you shut up!!Kanina ka pa ah! Kala mo kung sino kang magaling!FCK! FEELING MO NAMAN COACH KA NG THE VOICE MAKAPAG COMMENT KA DYAN!!" Sumabog na talaga sa galit si Trex.
Gaganti sana yung lalaki pero agad dumating yung security at hinila palabas si Trex, tumingin naman siya kay Sunny at sumenyas na ipag patuloy lang ang pagkanta.
Titigil na sana si Sunny, pero nakita niya yung senyas ni Trex.
Natapos na yung set ni Sunny at saka siya pinatawag nung manager ng bistro.
"Last gig mo na muna to dito. Pasensya na ha. Yung kaibigan mo kasi ang nag simula ng gulo." Sabi sa kanya ng manager ng bistro.
Just like that! Nawalan ng isang gig si Sunny.
Lumabas na siya dala ang mga kagamitan niya. Na overheard naman ni Sunny yung pinag uusapan ng dalawang babae sa unahan niya.
"...kasi yung lalaki makapag salita akala mo ang galing na musician."
"Nairita ata yung si Kuya kaya sinuntok yung mayabang na yun!" Napangiti na lang si Sunny sa narinig.
Nakita niya naman si Trex na nag aantay sa 7/11.
"Oh kamusta?" Tanong ni Sunny.
"Nabored ako dun sa loob eh. Ang yayabang nung ilan dun. Kairita."
Kahit di sabihin ni Trex. Alam ni Sunny ang dahilan kung bakit naman ito nakipag away.
"Tara na umuwi na tayo."Alok ni Trex.
"Patambay muna sa studio mo."Sabi ni Sunny.