Chapter 5 : Before it's all gone

Vera and Jiggy

Limang minuto ng pinagmamasdan ni Jiggy sina Vera at Charles. Limang minuto na rin siyang nagpipigil lumapit.

"Isang minuto pa."Sabi ni Jiggy sa sarili niya.

Di niya masyadong marinig ang pinag-uusapan ng dalawa kaya pinipilit niyang basahin sa mga labi nila ang mga sinabi.

"Charles, please lang! I know you know how I feel, so please stop messing with my feelings."Yun ang mensaheng nabasa ni Charles sa mga labi ni Vera. Nag fake shock face naman si Charles.

Nairita lang si Jiggy sa nangyayari, hindi na rin siya nakatiis kaya naglakad na siya papalapit sa dalawa, pero naunahan siya ni Kate.

"Anong ginawa niyo dito?"May tono ng pagdududa ang linyahan ni Kate.

Parehas naman nagulat sina Charles at Vera. Tiningnan ni Kate ng masama si Vera saka sinabing..

"I knew right from the start na may gusto ka kay Charles!"Susugod na sana si Kate, pero pinigilan na siya ni Charles.

"Kate, stop it!"Hinarang ni Charles si Kate.

"No, Charles! She should know where she stand -"

"Katherine! Stop it! She's my friend!"Seryosong sabi ni Charles.

"And I'm your Girlfriend!"Saka nag dramatic walk out si Kate.

"Sorry, Vera."Sabi ni Charles sabay tap sa ulo ni Vera at saka sumunod kay Kate.

Naiwan naman si Vera na nakatulala sa lagoon.

She's my friend.

Those words echoed inside Vera's head. Naalala niya lahat ng sinabi ni Kate kaya napabuntong hininga na lang siya. Sa di kalayuan nakatayo pa rin si Jiggy. Dalawang minuto pa siyang tumayo dun at pinagmasdan ang sawing si Vera, saka siya lumapit.

"Tsk..tsk..parang movie scene lang ah!"Napatalon naman si Vera sa gulat kasabay ng pag singhot ng sipon.

"Jiggs naman oh!"Tapos tumingin sa kaliwa.

"Tama na nga yan! Ang panget mo dyan."Saka kinurot yung pisngi ni Vera.

"Aray! Don't you know it's rude to touch someone elses face!"Sabi ni Vera.

Umurong na rin yung mga luha ni Vera at napalitan ng ngiti. Napangiti rin si Jiggy at saka umupo sa tabi ni Vera.

"Not yet over him?"Seryosong tanong ni Jiggy.

Ngumiti lang si Vera saka tumingala. Naisip niya na baka nag oover act lang siya sa mga bagay bagay. Siguro nadala lang siya ng damdamin niya, o dahil sa kakabasa niya rin ng young-adult books ay naging hopeless romantic siya. At siguro dahil si Charles lang yung pinaka close niyang kaibigan na lalaki bago pa man dumating sa buhay niya sina Trex, Sunny at Jiggy.

"Do you still remember how we became friends?"Biglang tanong ni Vera.

Napaisip naman si Jiggy.

"Group project sa Life and Works of Rizal!"

Napangiti sila parehas habang inaalala yun.

"Damn, it's been years. Tapos mula nun parang nasanay na tayong magkakasama." Sabi ni Jiggy.

"Takot talaga ako dati kay Sora."Sabi ni Vera.

"That damn duo! Sora & Trex. Akala ko silang dalawa."Nakangiting sabi ni Jiggy.

"Sobrang thankful ako sa project na yun dahil nakilala ko kayo. Ewan, basta siguro kung hindi ko kayo naging kaibigan, sobrang kawawa ko siguro ngayon. Si Charles lang talaga ang considered true friend ko bago kayo." Litanya ni Vera.

Tinawanan lang naman siya ni Jiggy.

"Tss. You're being dramatic."Nakangiting sagot ni Jiggy.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi kasi ako katulad mo Mr. Nice Guy/Congeniality. Kahit saang sulok ng school may kaibigan ka." Dagdag ni Vera.

"Compliment ba yan?"Pagbibiro ni Jiggy. Nag make face lang naman si Vera.

Ilang minuto pa silang umupo at nag-usap tungkol sa nakaraan at plano nila sa future. Mga ganitong simpleng usapan ang nagpapalalim sa samahan nila.

****

Sunny

Pinag masdan lang ni Sunny ang ika apat na bus na dumaan. Nakikipagtalo pa rin siya sa sarili niya kung aalis na ba talaga siya. Sandali siyang tumingin sa phone niya at saka naisip na hindi niya naman alam kung saan siya pupunta. Hindi niya naman alam kung saan hahanapin ang isang tao na tila ayaw naman magpahanap.

"Where on Earth did she go?" Tanong niya sa sarili.

Tanong na halos ilang buwan niya ng binabato, pero hindi pa rin siya makakuha ng sagot. Isang buwan mula ng mawala yung taong yun, pinilit rin mabuhay ni Sunny ng hindi masyadong umaasa sa Mommy niya. Nagtrabaho siya sa fast food change, nag fi-freelancer siya bilang graphic designer, hanggang sa hikayatin siya ng ka Orgmate niyang si Tadi na itry mag gig.

Dati balewala lang sa kanya ang presenya nung taong yun, nang mawala siya saka niya na realize na sobrang halaga pala ng existence nun. Nasabi niya sa sarili na "Alam mo kung anong meron ka, pero hindi lang kasi sumasagi sa isip mo na mawawala yun. Pag nawala dun lang natin makikita ang value nila."

Tumayo na lang siya at naglakad pabalik sa nirerentahan niyang maliit na apartment.

****

Heaven and Sora

Pasado alas 4 ng umaga nang magising si Sora. Maaga pa naman para mag ayos para sa school kaya naisipan niya munang mag jogging sa loob ng subdivision.

Tinali niya muna ang buhok niya, nag suot ng earphones at saka nagsimulang mag jogging. Agad naagaw ng atensyon niya yung isang pamilyar na lalaking tumatakbo sa di kalayuan.

Dinagdagan niya ng konting bilis ang pag jogging niya hanggang maging "Running" na ito. Ilang metro pa ay malalampasan niya na si Heaven.

Laki ng ngiti niya ng magtagumpay siya malampasan si Heaven. Nag tss lang si Heaven at saka rin tumakbo para malampasan si Sora. Agad namang naramdaman ni Sora na lumalapit na ang distansya ni Heaven sa kanya kaya dinagdagan niya pa ang bilis niya, pero ayaw pa rin patalo ni Heaven. Ilang hakbang pa ay naabotan niya na si Sora.

Konti na lang ay pa beast mode na si Sora. Naging pantay na ang speed nilang dalawa. Nagpalitan lang sila ng masamang tingin.

Hanggang sa...

"Aaaw!Aaaw!" May aso ang humahabol sa kanilang dalawa. Nagulat ata nila yung asong natutulog dahil sa ingay ng takbo nila.

Sabay silang mabilis na tumakbo para makatakas sa mga aso, pero patuloy pa rin ang pag habol nito sa kanila.

"Pabibo ka kasi!"Galit sa sabi ni Sora kay Heaven.

"Hey! That's my line!Ikaw yung pabibo." Sagot naman ni Heaven.

Konting konti na lang at makakagat na sila ng aso. Ilang Street na ang nilikuan nila. Sa kaliwa, kanan, kaliwa, kanan ulit. Nagugulohan na sila sa nangyayari. Salita pa rin ng salita si Heaven, pero hindi siya pinapansin ni Sora.

"Shut up! I'm thinking!" Agad niyang nakita yung playground tapos tumakbo siya papunta sa deriksyon na yun. Sumunod naman si Heaven.

"Close the gate!"Agad sinara ni Heaven yung gate.

Tahol pa rin ng tahol yung dalawang aso.

"Shut up dog!"Sigaw ni Heaven.

Ilang minuto pa ay umalis na rin yung dalawang aso. Pagod na pagod silang dalawa. Napaupo na lang si Sora dun sa swing.

"Grabe. Nakakabwesit yung mga aso na yun!" Iritang sabi ni Sora.

"This is all your fault! Kung hindi mo ako ginulo sa pagjogging ko eh di sana, hindi tayo hinabol nung dalawang yun!"Parang may nag ting sa tenga ni Sora.

"What the what! Sino ba ang naunang gawin? Damn it! Di ba ikaw?!" Banat naman ni Sora at saka siya ng punas ng pawis.

Humangin naman ng kaunti at nakaramdam sila ng konting kagimhawahan.

"Kakaasar ka ta-" Agad naman siyang pinutol ni Sora.

"Wala na akong energy makipagtalo. Manahimik ka muna, huminga muna tayo okay?"Walang tono ng galit si Sora sa linya niyang ito.

Napatahimik naman si Heaven. Napaisip siya na wala kahit na sino ang nagpatahimik sa kanya dati. Tanging si Sora lang. Kagaya nung nakaraan yung nag aaway sila ni Trex. Si Sora lang ang nakapigil sa kanila.

Tahimik lang silang nakaupo sa swing. Pinapakiramdaman ang panahon at nilalasap ang simoy ng hangin.

Nagkatinginan sila sandali.

Hindi alam ni Sora ang daan pauwi. Gusto niyang mag tanong kay Heaven kaso...

"Do you know the way back?"Tanong ni Heaven.