Ilang araw ng napapansin ni Jiggy at Vera ang maya't-mayang pagiging MIA ni Sora at Trex. Pag andyan si Sora wala si Trex, pag andyan si Trex wala si Sora.
"Hey! Magkaaway ba kayo ni Trex?"Tanong ni Vera ng makasulabong niya si Sora.
"Very nice greeting, Vera!"Saracastic na sabi ni Sora habang napupunas ng pawis.
Patuloy pa rin sila sa paglalakad.
"Ano na nga?"Pangungulit naman ni Vera.
"Hindi no! Ano naman ang pag aawayan naming dalawa? May inaasikaso lang kami pareho."Sagot ni Sora.
Pumasok sila sa library para mag sauli ng libro. Habang nasa pila ay agad napansin ni Sora si Heaven. Napatingin naman ito sa kanya at ngumiti na parang nang aasar.
"Did he just smiled at you?"Pabulong pero patiling tanong ni Vera.
Tiningnan lang ni Sora si Heaven ng blankong expression. Nailing lang si Heaven at saka lumabas na.
"Iba yun ah!"Kalabit ni Vera kay Sora.
"Whatevs Ver!"Sagot naman ni Sora at saka lumabas ng library.
Simula noong nangyari nung nag jogging sila ay palagi nang nginingitian ni Heaven si Sora. Hindi niya alam kung nang aasar ba ito sa o ano.
**Flashback
"Do you know the way back?" Tanong ni Heaven.
Napasigaw naman ng "What the F!" si Sora ng marining ang tanong ni Heaven. Pasado alas 5 ng umaga ay nasa loob pa rin sila ng playground. Kanina pa paikot-ikot si Sora.
"Wala akong dalang phone."Blankong sabi ni Sora.
"I have mine." Kinuha ni Heaven yung phone niya then, it shuts off.
"Great! sobrang great!" Inis na sabi ni Sora at saka umupo sa dulo ng slide. Naisip niya na para tong eksena sa mga teeny drama o movie scene, kaya mas nairita siya.
Mga dalawang minuto ay walang umimik sa kanilang dalawa. Pareho sila nag-iisip ng gagawin. Nag aalala sila na baka andun pa yung mga sa aso nag aabang. Medyo madilim pa naman yung sa may palabas ng playground, sira ata yung street light sa helira ng isang street mula sa lugar nila.
"I'm just gonna stay here. Aantayin ko na lang mag umaga." Umakyat si Sora dun sa tree house. Inaantok na rin kasi siya.
Nakaidlip sandali si Sora ng maramdaman niyang parang may umaakyat sa tree house.
"What are you doing??"Tanong niya kay Heaven na humiga sa kabilang side ng tree house.
"Ikaw lang ba may karapatan matulog?"Sagot naman ni Heaven na kamot ng kamot ng braso.
"Hello! Maghanap ka rin ng pwesto mo!"Iritang sabi ni Sora.
"Hello! kasalanan mo kaya kung bakit tayo andito! kaya cargo mo ako duh!"Sagot ni Heaven na patuloy pa rin sa pagkamot ng braso.
Tumalikod na lang si Sora at pinilit ang sariling makatulog ulet. Ilang minuto pa ang lumipas, pero hindi niya pa ring magawang makatulog kahit antok na siya. Siguro dahil sa presence ng isang slightly stranger na tao na ngayon ay ilang metro lang ang pagitan sa kanya.
Pasimple siyang tumingin sa deriksyon ni Heaven kaso. Nasa tabi niya na pala ito!
"WHAT THE FCK!!Lumayo ka nga!"Saka niya sinipa si Heaven papalayo sa kanya, pero parang tulog na ito.
Umupo si Sora at saka niyugyog si Heaven.
"Hoy!Hoy! Walang hiya to ah!"
"Hoy Gumi-"Hiniwakan ni Heaven si Sora sa braso at saka hinila. Napahiga naman si Sora at sunod na nangyari ay tila bumigat yung pakiramdam niya sa tiyan at sa paa niya. Nakayakap na pala sa kanya si Heaven!
"The nerve of this guy!!ANO BA!!"Kahit anong sigaw ni Sora ay di pa rin magising si Heaven at di rin matanggal ang pagkakayakap nito sa kanya. Hanggang sa makatulog na rin siya.
Nagkagulatan na lang si Heaven ng makita niyang ang mata ni Sora na nakatingin sa mata niya, like in less than one centimeter. Walang expression sa mga mata ni Sora.
"What the!"Napagulong si Heaven.
How can this girl act so cool in that position? Eye to eyes halos magkapalit na sila ng mukha.
Bumangon na si Sora at saka lumabas ng playground. Nakabukas ng yung gate at wala ring bakas ng mga aso. Tahimik lang silang nag lakad lakad para hanapin ang kani-kanilang tinitirahan. Naunang mahanap ni Heaven yung bahay niya.
"See ya around!"Sabi ni Heaven, nag smirk lang naman si Sora.
"Si Sora yun di ba?"Napatalon naman si Heaven ng biglang mag salita si Sprite sa likod niya.
Kanina pa pala nag aantay si Sprite sa kanya. Naka pang jogging get up rin si Sprite.
"I find her cool. Parang wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Basta parang sobrang cool niya talaga!"Nakangiting sabi ni Sprite.
Nag tss lang si Heaven habang pinagmamasdan yung nilakaran ni Sora.
-End of Flashback-
"Sky! Ayos ka lang ba? parang spaced out ka ah."Sabi ni Vera habang tinapik ang braso ni Sora.
"Ayos lang ako!"Naiirita pa rin si Sora pag naaalala niya yung moment na yun.
Nakalabas na sila sa gate ng campus kung saan nag aantay sila Sunny.
"Hoy! Kulot! kanina pa kita inaantay! Tara na." Utos ni Trex kay Sora.
Napatingin naman si Sunny kay Vera tapos tumingin kay Jiggy.
"Ano na naman yan Sunny?!"Tanong ni Vera.
"Wala. wala."Nakangiting sabi ni Sunny.
Minsan sobrang tahimik nito ni Sunny, pero masyadong maraming napapansin at maraming nakikita kaya marami rin tong alam na di masyado napapnsin ng iba.
Binuksan na lang ni Sunny ang pinto ng kotse ni Trex habang pasakay si Sora.
"May lakad ata kayo."Tipid na sabi ni Sunny.
"Oy! Sama kami!"Sigaw ni Vera.
"WAG!!!"Sabi naman na sigaw ni Trex at Sora.
Nagtinginan naman sila Jiggy at Sunny. Nagpupumilit pa rin si Vera na sumama, pero ayaw talagang pumayag ng dalawa. Kung anu-ano na ang sinabi nila Trex kay Vera.
"Nood ka na lang ng gig ko! Andun sila Charles!"Pang asar ni Sunny kay Vera.
Umiling-iling lang naman si Jiggy at napaayos ng buhok niya.
"Sige na! alis na kayo."Pagtatabuy ni Jiggy kila Trex.
"See ya later! Mother Fathersss!"Sigaw naman ni Trex at saka pinaharurot yung sasakyan niya.
Naglakad naman silang tatlo papunta sa kabilang kalsada.
"Parang nakakaduda yung dalawa."Sabi ni Sunny, napatango lang naman yung dalawa. Tiningnan ulet ni Sunny yung dalawa, at parang may kakaiba sa kanila. Di niya lang to pinansin.
Busy naman si Vera kaka scroll sa profile ng Secret Files Facebook page ng School nila. Habang nag-uusap sila Sunny at Jiggy tungkol sa nalalapit na year end party.
Napatigil sila sandali ng biglang sumigaw si Vera.
"OH NO!!" Agad lumapit si Sunny kay Vera.
"Di ba sila Trex to?? This is unbelievable!"
Nagtinginan naman silang tatlo at napaisip kung totoo ba yun!
"No way! Si Trex at Sora spotted sa isang OBgyne clinic??"Bulalas ni Vera.
"Baka naman may sinamaham lang. Wag naman kayong judgemental, guys."Nakangiting sabi ni Sunny.