Kakatapos lang ng long weekend. Halatang tamad pa ang mga studyanteng pumasok, pero ayaw pa rin paawat ng mga malikhaing isipan ng ilan sa kanila. Mga bulong bulongan at mga kwentong may iba-ibang bersyon.
Kanina pa napapansin ni Sora na parang ang sama ng mga tingin sa kanya ng ilang schoolmate nila. Hindi naman talaga yun isyu sa kanya, kaso may mga bulong bulongan siyang naririnig.
"Soraaaa!!" Hinanap naman agad ni Sora yung sumigaw.
"Dito!" Sigaw ni Jiggy habang papalapit sa kanya.
Nagsimula na namang magbulongan yung ilang schoolmate nila. Napa tss lang si Sora at lumapit siya kay Jiggy.
"Parang may kakaiba sa mga tao ngayon araw na ito ah?"Napakunot noo naman si Jiggy sa sinabi ni Sora.
"Maliban sa pagsusuklay mo ng buhok, wala nang iba."Pagbibiro naman ni Jiggy.
Sabay silang naglakad papuntang cafeteria. Ngunit di pa rin matigil yung mga ka schoolmate nila.
"Naiinis na ko Jiggy. Kanina pa tong mga to ah!!AYOKONG MAG BEAST MODE DITOOO!!"Pasigaw na yung huling linya ni Sora kaya natigil yung ilan sa kanila.
Umupo naman sila sa may gilid na parte ng cafeteria. Maliban kasi sa malapit sa aircon, medyo isolated din yung pwesto. Gusto ng tanongin ni Jiggy si Sora tungkol dun sa larawan na kumalat sa Secret Files FB page ng school nila.
"Saan kayo galing ni Trex noong nakaraan?"Intro ni Jiggy na agad namang napansin ni Sora.
Maraming bagay sa mundo ang hindi gusto ni Sora kagaya ng Introductions, Formalities, Boring conversation at marami pang iba.
"Hindi yan ang tanong mo, alam ko!"Toneless na sabi ni Sora.
Napa "Aheem" naman si Jiggy para bumwelo, pero bago pa man siya makabwelo ay dumating na si Vera.
"Skyyyyy!!!Anong nangyaree?Totoo ba??"Tanong ni Vera habang paupo siya.
Nagtinginan naman sa kanila yung mga tao sa cafeteria. Sinaway naman ni Jiggy si Vera.
"Totoo ang alin?"Napataas ang kilay ni Sora kay Vera.
Bago pa man matanong ni Vera si Sora ay may umeksena sa may kabilang side ng cafeteria.
"ANONG TINITINGIN-TINGIN NIYO?"Si Trex lang pala! Medyo nabadtrip na rin si Trex sa mga bulong-bulongan at tinginan ng ibang studyante. Lumapit naman siya kila Jiggy.
"Long time no see!"Agad na bati ni Jiggy. Naghigh five naman si Trex kay Jiggy at saka umupo sa tabi ni Sora.
Nagtinginan naman si Jiggy at Vera.
"Oh ano na nga yung pinag-uusapan natin?"Tanong ni Sora.
"Hindi ba kayo nagchicheck ng social media accounts?"Sabi ni Vera habang nag iscroll ng news feed niya.
"Waste of time lang yun!"Sagot naman ni Sora.
Meron namang social media accounts si Sora kaso mas pinipili niya pang mag basa ng libro o makinig ng music kaysa sayangin niya ang oras kakatingin sa ginagawa ng ibang tao. Ganun din si Trex mas gugustohin niya pang mag drawing o maki party kaysa makiusyoso sa buhay ng iba.
"Oh ayan!"Inabot naman ni Vera yung phone niya.
Kinakabahan na si Jiggy baka bigla na lang kasing mag beast mode si Sora, pero...
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA. What the heck is this???"Natatawa pa rin si Sora habang tinitingnan yung picture nila sa labas ng isang OB Clinic. May article pa na nakasulat, pero ayaw ng basahin ni Sora.
"SPOTTED: 2 Art students outside an OB Clinic"
"Ano ba yan?!"Inagaw ni Trex yung phone kay Sora.
Napakunot noo ba lang si Trex sa nakita niya at natawa na rin.
"Sinong baliw ang kumuha ng larawan na to?"Natatawang tanong ni Trex.
Napakibit balikat naman yung dalawa.
"Seryoso nga! Ano ba to??"Tanong ni Jiggy. Bahagya napatigil si Sora sa kakatawa tapos inagaw yung phone kay Trex.
Zinoom niya yung picture at saka pinakita kay Vera at Jiggy.
CARMELITA SY-GATCHALIAN M.D.
Nagkaroon naman ng eureka moment sila Vera at Jiggy, kaya natawa na rin sila.
"I hate you guys! Pinag-isipan niyo rin kami ng ganun!"Seryosong sabi ni Sora sa dalawa.
"Damn this people. Bawal na bang dalawin ang Tita ko sa clinic niya?"Sabi ni Trex habang inaalis yung jacket niya.
Nakahinga naman ng maluwag sina Jiggy at Vera. Bakit ba kasi nila pinag-isipan ng ganun sila Sora at Trex?
"Guys, don't forget the Year End party ah! Next week na yan after ng HELL WEEK na exam."Nakangiting sabi ni Jiggy.
Yung Org nila Jiggy ang nag organize ng papalapit na Year End Party. Para siyang 2 in 1 party. Celebrating the end of Midterm Exams and almost The End of Year.
"Game ako dyan!!"Tuwang tuwang sabi ni Trex.
Napa pft naman si Sora.
"Hey! Umattend ka naman! Sila Jiggy nag organize nito at saka may performance din si Sunny."Paghihikayat ni Vera.
Sumabat naman si Trex sa usapan.
"Tss. This girl? Wala kayong aasahan dyan! Remember simula Welcoming Party nung First Year hanggang Year End Party last year. Hindi yan umattend. Bigla na lang nawala!"Bulalas naman ni Trex habang ginugulo yung buhok ni Sora.
"Stop that! kakasuklay ko lang ng buhok ko."Iritang sabi ni Sora.
"Talaga ah!kakasuklay ko pa lang!"Mas ginulo pa ni Trex yung buhok ni Sora.
"THOMAS! Isa!"Galit na sabi ni Sora.
"To naman di na mabiro. Naglalambing lang."Sabi ni Trex at saka inayos yung buhok ni Sora.
Kahit may pa badboy epek tong si Trex, tiklop pa rin talaga siya kay Sora. Mula high school ganito na talaga ang set up nilang dalawa. Tawa naman ng tawa sila Jiggy at Vera habang pinagmamasdan yung dalawa.
"Tsk! Suko ka talaga kay Sora."Natatawang sabi ni Vera.
Agad namang napatingin si Trex kay Vera, with his "Bad boy" look.
"Anong sinabi mo Veralynne??"Nasindak naman si Vera at umusog sa tabi ni Jiggy.
"Hala! Bagay talaga kayo!"Biglang sabi ni Trex kaya parehas napausog papalayo sa isa't-isa sina Vera at Jiggy.
Bago pa man makarating kung saan ang panunukso ni Trex ay agad niya naman napansin si Sunny.
"SUNNY!!!"Sigaw ni Trex.
Napatigin si Sunny sa kanila at saka kumaway at ngumiti. Agad namang tumayo si Trex. May kasama si Sunny, isang babaeng medyo faded green na yung buhok na lagpas balikat lang.
"Sino yun?" Tanong ni Sora nang mapansin yung babaeng kasama ni Sunny.
"Seryoso ka dyan? Schoolmate natin yan noong high school."Sabi naman ni Trex.
Napatingin naman silang lahat dun sa babaeng kasama ni Sunny.
"Pansin ko, laging kasama ni Sunny yang si Tadi." Sabi naman ni Vera at saka lumingon sa deriksyon ng tatlo. Palagi ngang kasama ni Sunny si Tadi dahil mag kasama sila sa isang Org.
"What's wrong with that?"Tanong naman ni Jiggy.
Bago pa makasagot si Vera ay dumating na agad yung dalawa.
Nag "Hi" naman si Jiggy kay Tadi at saka hinla yung upuan para makaupo si Tadi. Umusog naman ng kaunti si Vera at tumingin kay Jiggy.
Nagtinginan naman si Sora at si Tadi.
"Pasensya na Tadi, di ka maalala niyan. May sariling mundo kasi yan noong high school eh."Sabi naman ni Trex.
Nakatingin pa rin sila sa isat-isa, hanggang sa maalala na nga ni Sora si Tadi.
"Ah sorry, iba na kasi yung color ng hair mo eh. Pero napapansin kita dati sa school. Ikaw yung president ng Singing Band di ba?"Sabi naman ni Sora. Ngumiti naman si Tadi at saka tumango.
Masaya naman silang nagpalitan ng kwentohan. Naging instant friends naman sina Tadi at Sora.