Sprite and Trex
Nakatingin lang si Sprite sa labas habang nag hihintay sa order niyang peppermint tea. Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago uminum ng tsaa. Tumingin ulet siya sa labas at pinag masdan ang mga dumadaan.
"HAHAHA. I told you girls! May something talaga yang si Trex at si Sora."Napatingin naman agad si Sprite dun sa limang babaeng nagkikwentuhan tapos tumingin ulet sa labas, pero dinig niya pa rin ang pinag uusapan ng mga babae.
"Look at this!"Sabi naman nung isang babae na mahaba ang buhok.
Natutuwa si Sprite sa group of friends nila Sora.
Unlike her, si Heaven lang ang kaibigan niya. Laging sinabi ng Mommy niya sa kanya na "You better choose your friends, Prim."
In life, we have a lot of choices. Choices na pinili ng iba para sa atin.
Una, ayaw naman talaga niya kay Heaven, parang nasanay rin siya hanggang sa masabi niyang kaibigan niya talaga ito. Mula grade school hanggang ngayon si Heaven lang talaga ang nagtagal na kaibigan niya. Lagi kasing ayaw ng Mommy niya. Bakit? Hindi niya rin alam. Wala siyang magawa kundi sumunod na lang.
Napagod na rin siya at tumigil na sa pakikipag kaibigan sa ibang tao. Wala siyang ibang mapagkwentohan ng mga bagay na gusto niyang gawin, mga bagay na ayaw niya, at mga tanong na tumatakbo sa isip niya.
Kinuha niya ang notebook niya. Ang notebook na naglalaman ng lahat ng bagay na naiisip niya.
Biglang nag ring yung phone niya. As expected, si Heaven.
"Bakit?"
"Nasaan ka?"Tanong ni Heaven sa kabilang linya.
"Coffee Shop. Just having ME time."Napa tss naman si Heaven.
"Hindi ka ba nasasawa? puro ka na lang "ME time" why don't we go out tonight! you know Sunny naman di ba? Napanood ko kasi siya sa wedding ng ninang ko. He's really good."Litanya ni Heaven.
"Gusto ko kaso, papayag ba si Mommy?"Nag aalangang sabi ni Sprite.
Para sa Mommy ni Sprite, ayos lang kahit saan pumunta si Sprite basta kasama niya si Heaven.
"She's cool with it!"Mayabang na sabi ni Heaven.
"Alright then, see you later."Sabi ni Sprite bago ibaba ang phone.
Pagkalipas ng labing limang minuto ay lumabas na rin si Sprite sa coffe shop. Tahimik lang siyang naglakad sa street. Nag antay na mag green yung stop light at saka tumawid ng kalsada. Yung mga ganitong moment feeling niya sobrang normal niyang tao.
Liliko na sana siya kaso biglang...
*BEEEEEEEP
Muntik na siyang masagasaan ng isang pulang sasakyan. Napaupo siya sa gulat.
Lumabas naman agad yung driver ng sasakyan.
"What the-?"Agad lumapit sa kanya yung driver, napatingala siya at medyo nagulat sa nakita. Magmumura na sana si Trex kaso biglang napatigil siya ng makita niya kung sino yung muntik niya ng masagasaan.
"Sprite?Are you alright?"Tinulongan naman ni Trex si Sprite na makatayo.
"I'm fine. Sorry, medyo spaced out ata ako habang naglalakad." Nakangiting sabi ni Sprite.
"It's my fault." Pa cool na sabi ni Trex.
"Saan ka ba pupunta?Hatid na kita." Medyo smooth yung pagkakasabi niya nun, pero tinangihan lang ni Sprite.
"No, okay lang."Mahinahon na sabi ni Sprite.
Ayaw pa rin patalo ni Trex at pinilit niya pa ulet si Sprite.
"Come on, baka kung ano pang mangyari sa'yo dyan. Let's go!"Inagaw ni Trex yung bag ni Sprite at saka naglakad pupunta sa sasakyan niya. Wala ng nagawa si Sprite kundi sumunod sa kanya.
"Saan ka ba?"Tanong ni Trex habang nilalakasan yung aircon.
"Sa may Sienna Park lang." Tipid na sagot ni Sprite.
Tumingin naman si Trex sa rearview mirror.
"Seryoso? Taga doon din kami ni Sora."Napatingin si Sprite sa kanya.
"Opps, It's not like we're living together."Defensive na sagot ni Trex sa tanong na hindi naman naitanong.
Napangiti lang si Sprite. Binuksan ni Trex yung stereo at nag start mag play yung kanta ng Milesexperience na Sunshine.
"I really like this song, pero mas ayos yung Silakbo nila. Fave song ever." Sabi naman ni Sprite.
"Galing nila mag live."Sabi ni Trex habang paliko sila.
Medyo trapik papasok ng Village. Kaya medyo napahaba ang usapan nilang dalawa.
"Lagi ka bang nanonood ng mga gig?"Tanong ni Sprite.
"Parang accidental lang. Sinasama kasi ako palagi ni Sunny sa mga gig niya tapos ayon nakakanood ako ng mga live bands. Hanggang sa na enjoy ko na rin lang."Litanya ni Trex.
..may gig si Sunny later, gusto mo manood?"Tanong ni Trex habang papasok na sila sa Sienna Park.
"Yes, manonood kami ni Heaven mamaya."Nakangiting sabi ni Sprite.
Nag ting naman yung tenga ni Trex ng marinig ang pangalan ni Heaven.
"Ah sige. Kita na lang tayo maya."
Natahimik silang dalawa. Ilang street pa ang nilikoan nila hanggang makarati g sila sa bahay ni Heaven kaso wala si Heaven.
"Antayin ko na lang siya."Sabi naman ni Sprite.
"If you don't mind, pwede ka munang tumambay sa studio ko. Medyo bad boy ako, pero harmless naman ako, swear. Linyahan ni Trex na parang binebenta ang sarili niya.
"Tara na! 5 streets away lang yun mula dito." Nagdadalawang isip si Sprite, pero sumama pa rin siya.
Medyo paakyat yung daan papunta sa studio ni Trex. Wala pang limang minuto ay nakarating na sila sa "STUIDO" ni Trex. Namangha naman si Sprite sa loob ng studio ni Trex. Yung isang wall puno ng polariod pictures ng Clouds and Skyline at ilang pictures nilang magkakaibigan.
"Shitty photography! Kay Kulot yan."Sabi ni Trex sabay bato nung bag niya sa upuan at dumeristo sa kusina para kumuha ng pagkain.
"Ang galing."Nakangiti lang si Sprite habang tinitingnan ang buong paligid. Sa kabilang side naman ay mga drawing at sketch ni Trex.
Lumapit naman si Sprite sa mga sketch. Andun yung mukha ni Mr. Melchor Suarez ang founder ng school nila, may drawing din ng mga mukha ng kaibigan niya at napatingin siya sa unfinished drawing na pamilyar ang itsura.
Bago niya pa man mahawakan yung sketch ay agad dumating si Trex.
"Sorry, ha medyo magulo tong lugar namin."Sabi ni Trex habang nilalapag yung melon juice sa center table.
Lumapit naman si Sprite.
"Kayo lang bang dalawa dito?"
"Oo, nakikistudio kasi yun si Kulot. Minsan naman andito yung ibang kaibigan namin. Most of the time sa rooftop kami tumatambay lalo na pag pagabi. Kitang kita kasi yung liwanag ng city."Paliwanag ni Trex.
Umupo naman si Sprite na di pa rin maiwasang tumingin sa pader.
"Kung feel mo, pwede ka rin makitambay dito."
Isinangtabi niya muna ang iisipin ng Mommy niya at napangiti sa narinig.
Maybe it's time for me to pick my own choices. Sabi niya sa sarili niya.