Jiggy and Tadi
Ilang araw na lang at gaganapin na ang Year End Party sa school nila. Medyo busy na si Jiggy kaya hindi siya masyadong makasama kina Trex. Hindi rin siya makanood ng gig ni Sunny. Bigla niya na namang naalala yung sinabi niya kay Vera.
"Stupid!"Bulong niya sa sarili.
"Nice, talking. May tinatanong po ako."Biglang nagsalita si Tadi habang may kinukuha sa printer.
"Sorry. Kinakausap ko sarili ko." Sabi ni Jiggy.
"Mukha ka ngang stupid dyan."Sabi naman ni Tadi at inabot yung papel kay Jiggy para papirmahan.
Ilang araw na silang laging magkasama ni Tadi. Yung Student Council at Singing band kasi ang in charge sa paparating na event.
"All set na. Yung set up na lang sa Columbus Hall yung kulang."Sabi ni Tadi.
Medyo ginabi na silang dalawa. Nag offer naman si Jiggy na ihatid na pauwi si Tadi, pero tumanggi ito.
"Kahit sa may sakayan lang."Pagpupumilit ni Jiggy at saka pumayag si Tadi.
Habang naglalakad sila ay bigla namang nagbato ng random question si Tadi.
"Have you already figured out kung ano talaga ang gusto mong gawin sa buhay mo?" Napa isip naman si Jiggy.
"Mag-aral, I guess?"Si siguradong sagot ni Jiggy.
"I mean, in the near future? Would you like to be an office worker? will you pursue your dreams or what not."Paliawanag ni Tadi.
Dreams? biglang napaisip si Jiggy kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang yun sa kanya. Ni hindi niya na maalala yung unang pangarap niya mula pa noong bata siya. Sinusunod niya lang kung anong gusto ng mga magulang niya.
Gawin mo to. Gawin mo yan! Mag aral ka nito! Mag aral ka dito!
Pakiramdam niya isa siyang robot na di baterya.
"Hey! Ano na?"Tinapik siya na Tadi sa balikat.
"Ah wala di ko pa naiisip."Sagot ni Jiggy.
..eh ikaw?" binalik niya yung tanong kay Tadi.
Nag sigh naman si Tadi bago sumagot.
"Seryoso talaga akong music industry ang tatahakin ko. Kahit ano pa ang pagdaanan. Itutuloy ko lang to or else baka maging forever frustrated artist pa ako." Ramdam ni Jiggy ang passion ni Tadi sa sinabi niya.
Nakaramdam naman siya ng inggit kay Tadi.
"May kaibigan ako, Archi Student siya, late niya na realize na gusto niya pala mag fine arts ayon! Bumagsak, Nafrustrate, Naglayas at naglaho na lang bigla. Napaka inspirational niya talaga! It's all because of him kaya ko na realize na gawin mo talaga yung passion mo o yung gusto mong gawin."Litanya ni Tadi
Napakunot noo naman si Jiggy.
"Anong inspirational sa paglalayas?"Tanong ni Jiggy. Sinuntok naman siya ni Tadi sa braso.
"Grabe ka! wag ka namang mang judge. Nag soul searching siya!" Paliwanag naman ni Tadi.
"Basta! Friendly tip, you better figure it out or else you'll be frustrated for the rest of your life." Nakangiting sabi ni Tadi at saka sumakay ng jeep.
Dahil sa pag-uusap nilang yun ni Tadi ay hindi makatulog si Jiggy. Medyo nag halo na rin lahat ng iniisip niya.Yung paparating na event, ano ba ang panggarap niya sa buhay, at sumali pa si Vera.
"What a messy life!"Bulalas ni Jiggy at saka nag dive sa higaan niya.
Kinuha niya yung phone niya at binuksan yung Notes. Limang minuto siyang nakatulala sa blankong notes. Naisip niya na kailangan niyang ilista ng mga skill niya, o mag isip kung ano ba talaga ang gusto niya. Pero walang kahit anong pumapasok sa utak niya kundi ang pag aaalala sa mga bagay na hindi pa nangyayari. Ilang oras pa ang lumipas at nakatulog na rin siya.
Next Morning
Magkasama naman si Tadi at si Jiggy. Tumutulong sila sapag palagay ng poster ng Year Ender Part sa bawat bulletin board ng mga building.
"Napuyat ako kakaisip sa sinabi mo kahapon."Sabi ni Jiggy habang nagdidikit ng poster.
"Luh! hindi mo makukuha ang sagot overnight! It will take time." Nakangiting sabi ni Tadi habang nagkakabit ng poster sa bulletin board.
Naglakad sila papunta sa kabilang building at napatigil si Jiggy ng makita si Vera. Ilang araw na rin silang di nag uusap at ilang araw na ring napapansin ni Vera na laging magkasama ang dalawa. Nagtinginan lang sina Jiggy at Vera tapos nag iwasan. Napailang naman si Tadi sa nasakasaksihan.
"Tsk..tsk..hirap niyan!"Sabi ni Tadi. Tiningnan naman siya ni Jiggy.
Wala namang nag salita sa kanilang dalawa nung pabalik na sila ng Headquarters. Naabutan naman nila si Sunny na nakatapat sa aircon.
"Hoy! Anong ginagawa mo diyan?"Sigaw ni Tadi na ikinagulat naman ni Sunny natawa naman si Jiggy dahil first time niyang makitang nagulat si Sunny.
"Ang init kasi eh." Sobrang pula ng mukha ni Sunny.
"Pagod na pagod ka ata ah."Sabi naman ni Jiggy at inabot yung gatorade kay Sunny.
"Oo, naglakad ako mula sa apartment ko. Akala ko malapit lang, malayo pala yun." Paliwanag ni Sunny.
"Yung sasakyan mo?"Tanong ni Jiggy.
"Wala. Sinauli ko na sa Nanay ko." Tipid na sagot ni Sunny at saka uminom ng gatorade.
Nagpaalam naman na si Tadi dahil may klase pa daw siya. Naiwan naman silang dalawa sa loob ng HQ.
"May tanong ako."Biglang sabi ni Jiggy.
"Oh?"Sagot naman ni Sunny.
Ilang segundo pa ang lumipas bago nag salita si Jiggy.
"Ano bang balak mong gawin sa buhay mo? O anong pangarap mo?" Natawa naman si Sunny at saka bumangon.
"Marami. Pero tinatamad akong gawin eh. Lately, napansin ko na parang nagiging passive lang ako sa mga nangyayari."Sagot ni Sunny.
Napa ah okay naman si Jiggy.
"Bakit mo naitanong?"
"May nagtanong lang sa akin."Sabi ni Jiggy.
"Si Tadi yan malamang!"Nakangiting sabi ni Sunny.
"Gusto ko talagang maging Graphic Designer, maging singer-songwriter o maging self-employed. Ayokong maging commoner na magtatrabaho ng 8-5. Ang boring nun!"Lintanya ni Sunny at saka humiga ulet.
Wala pa ring pumasok sa isipan ni Jiggy kung ano ba talaga ang gusto niya.
"Kaya nga ngayon I'm trying to be independent, sa totoo lang may ginagaya lang talaga ako. Someone na bigla na lang nawala." Sabi naman ni Sunny.
"It would take sometime to figure out, kung ano talaga ang gusto mo. May iba't-ibang klase ang pangarap. May temporary, ito yung mga material na bagay na gusto nating bilbin. For example gadgets. Akala natin sasaya na tayo pag nabili natin yun, pero may darating na bago tapos magsasawa na tayo, yung parang ayaw mo na nun kasi gusto mo na yung bago. Basta! humans are so predictable." Mahabang linya ni Sunny.
Napangiti lang naman si Jiggy.
"Pwede ka pala maging writer!"Pagbibiro ni Jiggy.
"Gags! May mga unconcious dreams naman yung tipong, gustong gusto mong gawin yung isang bagay, akala mo hobby mo lang tapos yun pala ay pangarap mo yun. Katulad ko, dati past time ko lang ang pagkanta hanggang heto, ito pala ang pangarap ko. Ewan ang jologs ng mga linyahan ko ah!"Natawang sabi ni Sunny.
"Frustration, Motivation and everything in between. Is this what dreams are made of?" Tanong ni Jiggy.
Napangiti lang si Sunny at tumango.