CHAPTERXI: THE PLAN

Nakauwi sila ng maayos, hindi naman naging mahirap kay Amiel na tapusin na ang pinaplano, kaninang umaga bago sya umalis sinigurado nyang sirang sira ang kisame, hinila pa nya ng kaunti ang dulong parte bago binuhusan ng ginawa nyang solution kaya naman sigurado syang nangangamoy na yun sa ngayon.

Pagkababa palang ng kotse, kinundisyon na ni Amiel ang sarili sa gagawing pag arte, kunwaring naghikab sya para ipakita kay Hyacint na inaantok na sya.

Tired? Tanong ng binata.

Hindi naman, antok lang over sleep kasi haba ng itinulog ko kanina. Mahabang sagot nya sa binata.

Okay, lets go na, para maituloy mo na ang pag tulog mo. Wika ng binata kasabay ng matamis na ngiti.

Simpleng ngiti rin ang ibinigay nya sa binata upang hindi mahalata na kinikilig sya.

Diyos ko naman ngiti nitong lalakeng to, parang ipakikipagpatayan ko. Myghad wag ka naman ganyan lods.. Sarap mo kagatin.

Sh*t ang ganda ng ngiti nitong babaeng to, parang hindi ako papayag na may ibang makakita nyan, pwede bang aking ka nalang. Bukas sisimulan kita, sisiguraduhin ko na magiging akin ka lang bulong ng binata sa sarili.

Sabay silang pumasok ng elevator, tila naman napaka normal lang sa binata na alalayan sya sya sa braso at kunin ang mga gamit nya, nagulat man nag paubaya rin sya sa pag akay ng binata. Nakarating sila sa 20th floor na nagtititigan lang sa reflection nila sa elevator. Pag kalabas ng elevator, inihatid pa sya ng binata sa pinto ng unit nya.

Good night. Unang paalam nya sa binata.

Good night din, sweet dreams. Kasabay ng pag abot nito ng mga gamit nya.

Impit na tili ang ginawa ng dalaga pag kasarado ng pinto, pero agad din pomormal ng maalala ang gagawin. Agad agad syang pumasok sa kwarto para tignan kung andoon na ba ang pinadeliver nyang mga alaga. Napangiti ang dalaga ng makita ang isang box ng ipis at isang malaking daga na tila mamamatay na anytime, (syempre malapit na matsugi ang pinadala nya, mamaya makawala pa,malintikan sya sa ninong nya pag nagpagala gala pa sa condo)sa mga ipis may ready na syang baygon bago pa nya ilabas sa box.

Okay Amiel,, ready na kausap nya sa sarili.

Inuna nyang isprayan ng baygon ang mga ipis bago ilabas, nagbasag din sya ng baso, yung sigurado syang maririnig sa labas saka pinokpok ang daga, nag wisik din ng kaunting alcohol sa likod para mabasa ang damit nya, at naglagay ng konting basa sa dibdib para mag mukha syang nakipag away sa mga alaga nya.

1.....2.....3.....ahhhhhhhh.....

Dinig na dinig ni Hyacint ang pagkabasag mga gamit sa kabilang unit, nagaalala man sya, naisip nyang baka may nabangga lang o natabig ang dalaga, wala naman syang naririnig na kakaiba, maliban nalang ng tumili ang dalaga, agad syang napalabas ng unit at kumatok sa katabing pinto.

Amiel?.... Amiel?...

Yes... Ayyy... Ayyy... Ayyy.. Maririnig parin ang tili ng dalaga sa labas ng pinto...

Are you okay?.. Anong nangyayari dyan?....sunod sunod na taning nya, nagaalala na sya... Sunod sunod din ang pagkatok na ginawa nya, hanggang sa buksan ng dalaga ang pinto.

Hindi naman inaasahan ni Amiel ang reaksyin ni Hyacint. Nag lumabas sya ng pinto nakita nya ang nagaalalang mukha ng binata.

Are you okay?,anong nangyari habang hinahawi nito ang buhok sa mukha nya at hawak ng kabilang kamay ang pisngi nya.

Tumango naman sya at nagkunwaring hinihingal. Yeah im okay, sagot nya sa oagitan ng paghinga.

Then why I heard something na para kang may kaaway?

Ano kasi... , may mga ipis saka daga sa loob, ayun nabasag ko yung mga baso at base kakaiwas.. Sagot nya sa binata.

Inayos naman ulit ng binata ang buhok nya ng mapansin na may dala syang bag.

Saan ka pupunta?.

Dun muna siguro ako sa condo ko sa Makati,hanggang di dumarating yung pest control.

What?. Makati?... If you want dito ka nalang muna sa unit ko, kung gusto mo lang naman hanggang di lang naaayos yang unit mo. Pabining alok ng binata.

Okay lang ba? Hindi ba nakakahiya?. Sa totoo lang napapagod na rin ako eh, pero bukas aalis din ako promise.

Nginitian lang sya ng binata at kinuha ang bag nya, pagkakataon ko na to pakakawalan ko pa ba? Bulong ni Hyacint sa sarili.kaya bago pa mag bago ang isip ng dalaga kinuha na nya ang bag nito ang inalalayan na itong lumipat sa unit nya.