CHAPTER 21

Chapter 21: Huxley Viglianco

Huxley Viglianco POV

I'm on my way to the hideout of Okamisa Organization. If you are wondering kung bakit doon ako papunta, nag-merged ang Organization ng Okamisa at Assassin's Organization. Hindi din coincidence ang paglusob at pagpapadala nila ng mga death threats kay Raven at Maisie. Sinadya nilang ngayong program umatake dahil akala nila magpapatinag sila Raven at Maisie sa ganoong pag-iisip.

Nakarating na ako malapit sa hideout o main base ng dalawang organisasyon. Nag park ako 15 meters away from their hideout para hindi nila ako matunugan, kahit naman matunugan nila ako wala na akong pake doon. Nagsimula na akong maglakad patungong hideout nila, habang naglalakad ako nag-vibrate ang cellphone ko.

*buuuuuuuuuuuuz*

Ikinonek ko ito sa earpiece ko at sinagot 'to.

•Phone Call•

"Be careful, I'm watching you." sabi ng nasa kabilang linya at pinatay ang tawag.

Tss., he's always like that.

Alam kong kanina nya pa ako sinusundan ramdam na ramdam ko ang presensya nya. Well lagi naman syang ganyan pagdating sa akin dahil kailangan nya akong bantayan kapag may ililigpit akong pakalat-kalat na basura. Kung nagtataka kayo kung sino ang tumawag at tinutukoy ko well, he's our foster father. Long story, wag na kayong chismosa.

Nakarating na ako sa hideout nila. Dumeretso ako sa lagusan kung saan mas mabilis akong makakapasok sa loob ng opisina ng dalawang taong ililigpit ko. Maingat akong pumasok at naglakad papasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob ay may nakita akong dalawang naka black suit na tauhan ni Yamamoto madaling malaman kung sino ang tauhan ni Yamamoto at ni Nazarro dahil sa suot nila. Pero matinik din kung maglaro si Nazarro sa mga kalaban nya kagaya ngayon pinasuot nya ng black suit ang mga tauhan nya para akalain na tauhan sila ni Yamamoto.

Oo, hindi tauhan ni Yamamoto ang dalawang lalaking nakasuot ng black suit na nakita ko. Tauhan sila ni Nazarro, sa unang tingin mapagkakamalan mo na tauhan sila ni Yamamoto pero nagkakamali kayo. Akala nila malilinlang nila ako ng dahil lang sa pag-papalit nila ng mga kasuotan? Tss, no one can fool a Viglianco.

Nakarinig ako ng dalawang yapak patungo sa gawi ko kaya sumandal ako sa pader na malapit sa akin.

"Sigurado akong patay na ngayon ang pinapapatay nila boss kanina!" nakangising sabi ng mas matangkad na lalaki sa kasama nitong may katamtamang tangkad at laki ng katawan.

"Sinabi mo pa! Pero pre, hindi ba may isa pang kalaban ang mga queens? Bukod sa kanila boss?" tanong ng kasama nito.

"Oo, pre! Balita ko nga bumalik na sya dito sa Pilipinas." napangisi na lang ako ng mabanggit nila ang sinasabi nilang tao na bumalik na dito sa pilipinas.

"Siguradong wala ng laban ang mga queens sa kanya, sa katunayan narinig ko kanina habang nag-uusap sila boss sa loob...may isa lang kalaban ang mga queens pero hindi ko na narinig ang pangalan dahil tinawag ako ni Andrew para bumili ng sigarilyo!"

"Ayos lang yan pre, at least tayo safe dito! Tara na nga.!" pagkasabi nya nito ay agad akong umalis sa pagkakasandal ko sa pader kanina.

"Are you done talking nonsense?" malamig na tanong ko sa kanilang dalawa....

Napatigil naman sila sa paglalakad.

"Sino ka!" tanong ng may katamtaman na tangkad na lalaki.

"Visitor*

*bang bang*

Putok ng baril ko dahil tinapos ko na ang maliligayang araw nilang dalawa. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad tinungo ang opisina ng dalawang leader nila. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi nila ako nakita kanina kahit nakasandal lang ako sa pader well...nakasuot ako ng all black suit ngayon at nasa madilim na bahagi ako ng lagusan nakasandal kaya hindi nila ako napansin.

>>>>fast forward<<<<

Nasa labas na ako ng opisina nila Yamamoto at Nazarro. Hindi ako nahirapan sa pagpunta dito dahil bukod sa dalawang tauhan nila kanina ay wala ng ibang nakabantay dito sa labas ng opisina nila at sa hallway na tinahak ko kanina lang. Wala ring CCTV cameras dito kaya hindi ako nahirapan sa pagpasok sa hideout nila.

"Do you think they have already finished their job?" tanong ni Yamamoto sa loob ng opisina nila.

Nag-uusap pa talaga sila...pero sige lang that is their last chit chat together...

"I'm one hundred percent sure that they've done their job well...." sagot ni Nazarro sa tanong ni Yamamoto sa kanya.

Kahit hindi ko makita ang mga mukha ng dalawang matandang yan alam kong nakangisi sila ng napaka-lawak.

"Enjoy your day because this will be your last day and breath...." sabi ko sa utak ko and smiled devilishly.

*craaaaaaaaaaccck*

(Ms H: tunog yan nang nag crack na pintuan okay? Please do understand^.^)

Tunog ng nag-crack na pintuan dahil sa lakas ng pagsipa ko dito.

"F*ck!" Nazarro.

"Damn it!* Yamamoto.

Napangisi na lang ako dahil sa reaction ng mga mukha nila...

"Oh, did I disturb your peaceful relaxation?" I asked and smiled devilishly to them.

I will love this scene.!

"Who are you?!" Yamamoto asked out of confusion.

"Me? Oh you don't know me, Mister Yamamoto?" malamig ngunit mapang-asar na tanong ko sa kanya.

Kunot noo naman itong napatingin sa akin. Habang si Nazarro naman ay seryosong nakatingin sa akin na ikinangisi ko.

"H-huxley V-viglianco?" kinakabahan na banggit nito sa buong pangalan ko na mas lalong nagpalawak ng ngisi sa labi ko.

"Oh, hello there my dear traitor....long time no see Nazarro" nakangising sabi ko sa likod ng maskara ko.

Hindi nya pa nakikita ang buong mukha ko tanging mata ko lang ang nakikita nito pero kilalang-kilala nya ang boses ko dahil na rin siguro sa lamig at nakakatakot na tono ng boses ko.

"You know her?" Yamamoto asked.

"Yes, she's the one who almost killed me because I betrayed her." saad nya sa tanong ni Yamamoto na pilit pinapatatag ang tono ng kanyang boses.

Napangisi na lang ako ng sabihin nya 'yon hinding hindi ko makakalimutan ang gabing 'yon.

*Flashback*

2 years ago...

"You betrayed me, Nazarro." nakangising sabi ko sa kanya.

Matagal ko ng alam na nagta-traydor sya sa grupo ko pero hinayaan ko na lang 'yon dahil gusto kong malaman kung anong susunod na gagawin nya at ng organisasyon na pinagta-trabahuan nya.

"Please give me a m-mercy, Q-queen H-hell!" kinakabahan at takot na takot na sambit ni Nazarro.

"I won't kill you by now....but in the future if our path will cross again. I won't hesitate to end your life, you know me Nazarro....wherever you are I can find you. You also know how I played to my enemy and your one of them from now." mahabang sambit ko habang nakatalikod kay Nazarro.

"T-thank you for t-the m-mercy, Queen H-hell!" nakangiting saad ni Nazarro sa akin.

Napangisi na lang ako sa sinabi nya at nagsalita....

"I don't have a mercy, Nazarro. I just want you to be my toy in present...to be play." malamig na sabi ko and a smirk formed in my lips and left him dumbfounded.

*End Of Flashback*

"Now this your last day also will be your last breath, Nazarro including you.....Yamamoto." malamig na sabi at ngumisi ng nakakaloko.

"Y-you! How dare you threatened us!?" nangangalaiting tanong ni Yamamoto sa akin.

"Afraid huh? You should be, Mister Yamamoto." sabi ko.

Dahil sa sinabi ko ay agad nya akong inatake gamit ang kanyang samurai. Dahil nga may katandaan na si Yamamoto ay hindi ako nahirapang putulan sya ng kamay at binti. Oo gamit ko ngayon ang samurai ko na nay tatak na 'Hell' sa gitna nito.

"Aaaaaaaaaahhhhh!!!!!" hiyaw ni Yamamoto dahil sa sakit na nadarama nya ngayon.

Para namang nagmistulang musika 'yon sa pandinig ko. God, louder!

"Aaaaaaaaaaaaah!!!!" hiyaw nya ulit dahil kabilang kamay nya naman ang pinutol ko.

Napangiti na lang ako dahil sa nakikita ko, puro dugong nagsitalsikan dahil sa sumisirit na dugo ni Yamamoto galing sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Hinayaan ko na muna syang maghihiyaw doon at tinignan si Nazarro na hindi makapaniwala sa nakikita nya ngayon.

"Y-you are m-merciless!" sabi nya habang hindi mawala wala ang tingin kay Yamamoto na humihiyaw dahil sa sakit.

"I'll take that as a compliment." nakangising sabi ko.

Inilagay ko sa lalagyan ng samurai ang samurai ko at kinuha ang baril ko. Dahil nga wala pa sa huwisyo si Nazarro ay hindi na ako nag-alinlangang paputukan ang bungo nito na ikinabagsak ng kanyang katawan sa sahig.

Hindi pa ako nakuntento at pinaputukan ulit sya ng baril sa deretso sa puso nito. Napangisinna lang ako ng malademonyo sa ginawa ko. Tinungo ko naman si Yamamoto na nag-aagaw buhay na dahil sa ginawa ko.

"Rest in Hell." sambit ko at tinapos ang paghihirap nya.

Lumabas na ako ng opisina nila at tinawagan ang kanang-kamay ko at inutos na tapusin ang lahat ng tauhan ng Okamisa and Assassin's Organization. Dahil tinatamad na akong pumunta sa University ay nagtungo na lang ako sa airport ko at sumakay sa private plane ko patungong U.S.A.

A/N: owssshit ang haba HAHAHAH napagod kamay ko kaya yan na lang muna ang update ko ngayon! Goodnight everyone!