CHAPTER 28

CHAPTER 28: FIELD TRIP

Shikinah Silvestre POV (DEVIL)

"Good morning, class." napaayos ako ng upo ng dumating ang P.E teacher namin.

Ano naman kaya ang ipapagawa nito sa amin-,-

"Good morning too, Sir Sebastian." tinatamad na response ng nga kaklase ko.

Oo sila lang. Nakakapagod kasi magsalita nasasayang laway ko at isa pa wala pa rin sa mood hanggang ngayon! Gusto nyo malaman kung bakit?

Mamaya na after ng discussion ni Sir Sebastian, wag atat napaghahalataang chismosa't chismoso kayo e.

"I will having an announcement for today so listen up." sabi ni Sir kaya lahat kami ay tumahimik at nag-abang sa sasabihin nya.

Aba malay mo magbibigay si Sir ng sampung milyon edi may pambili na ako ng maraming Ice Cream, diba? Who knows.....

"We will have our upcoming field trip this weekends May 01 to May 02, 2021. Held at El Nido, Palawan Philippines. Sponsored by our beloved Dean Mr. Reino Davis." i knew it! Tama nga ang hinala ko na may pinaplano ang g*g*ng Mr. Davis na yun sa amin! "If you have a question you can ask." dugtong ni Sir sa sinabi nya.

Nagtaas naman ng kamay ang babaeng kaklase ko.

"Sir, can we wear bikini swimsuits?" tanong nya.

Aba! Field trip ang gagawin hindi pageant, peste alam kong hindi papayag si Sir dahil Field Trip at activity ng school 'yon.

"Of course, you can wear whatever you want." sagot ni Sir sa kanya.

Nagsihiyawan naman ang nga manyak kong kaklase. Oh pwede naman pala e.

3.

2.

1.

"WHAT?!" sigaw ko sa klase dahil ngayon lang nag-sink in ang sagot ni Sir sa tanong ng kaklase ko.

"Ms. Silvestre! Why are you shouting?" kalmadong tanong ni Sir sa akin.

Napatingin naman ako sa mga kaklase ko and the heck! All of their eyes are on me! Sundutin ko mga mata nyo e!

"Aba syempre! Sinong tanga ang mag swi-swimsuit sa isang field trip ng school, aber?" sagot ko sa isip ko akala nyo sasagutin ko ang tanong ni Sir no? Tanga! Gusto ko pa maka graduate!

"Nevermind mind, Sir." sagot ko kay sir at umupo ulit.

Ayun mas matino na yung sagot ko<3

"No more questions?" tanong ulit ni Sir sa amin.

May nagtaas naman ng kamay, yung pinakatahimik sa mga kaklase ko. Si little cutie nerd.

"Ahm....pwede po bang hindi sumama?" tanong nya.

Ano pa nga ba ang aasahan mong itatanong nya-,- malamang nerd nga e ayaw makisalamuha at makihalubilo sa mga taong nasa paligid nya.

"I'm sorry Mr. Pineda but my answer is no. Everybody should come, that's all for today. Class dismissed." saad ni Sir at lumabas na ng classroom.

Nakita ko naman na nalulungkot ang nerd este si Pineda kaya wala sa sariling lumapit ako dito.

"Hey!" masiglang sambit ko sa kanya.

Hindi ko ugaling makipagkaibigan at makipag-usap sa ibang tao pero dahil naawa ako sa kanya at ayaw kong e bully sya ng mga kaklase ko may naisip akong paraan!

Ayos na 'to kaysa sa makita ko ang pagmumukha ni Kaizer! Naiirita ako sa mga padala-dala nya ng bulaklak sa bahay! Ito na sasabihin ko na sa inyo ang nangyari, ganito ko kasi ang nangyari....

*Flashback*

Nasa veranda ako at masayang tinititigan ang mga naggagandahan at nagniningningan na mga bituin sa langit. Ganito kasi ako lagi kapag gabi, pupunta sa veranda at tititigan ang mga bituin sa kalangitan. Ewan ko ba basta narerelax ako kapag nakikita ko sila.

Napatakip ako sa tenga ko ng sumigaw ng pagkalakas-lakas si Chloe mula sa baba. Nakalunok ba 'to ng isang buong megapnone? Grabe kung makasigaw e, wagas!

"Shikiiii!!! May nagpadala naman sayo ng mga bulaklak with chocolates pa! Come down here fasteeeer!"

"Coming!" sigaw ko pabalik.

Umalis na ako sa veranda at nagtungo sa baba. Nakita ko na maiging tinitignan ni Chloe ang mga bulaklak at chocolates na ipinadala na naman sa akin ni Kaizer. (Sky)

"Shiki, look may letter! Basahin mo na dali!" Chloe said and giggled.

She gave the letter to me and I slowly open it.

"Dalian mo na, Shiki!" ang kulit talaga ng babae na 'to akala mo naman hindi nya binasa ang nakasulat!

"Oo na sandali!" nang mabuksan ko 'to ay naging dahilan 'yon ng pagka-irita ko!

Ang nakasulat kasi...

To: Shikinah Silvestre, my Queen,

Good evening,

I know that you hate flowers and chocolates but this the only way for me to caught your attention.

I know that you already know my real personality but my personality will never dictates my love for you.

Maybe while you're reading this you are so irritated by me. I don't know what to do anymore to this damn heart of mine, Shikinah. My heart keeps on beating so fast when you are near to me. I think I'm in love with you, Shikinah.

Can i court you?

From:

Kaizer,

Hindi ko na binasa 'to pero dahil nga may bumasa na iba at kabisadong-kabisado nya ang bawat salita sa letter ay hindi na ako nahirapan na basahin ang letter.

"Halatang hindi mo binasa, no?" sarkastikong tanong ko kay Chloe na kakatapos lang sabihin ang bawat salita na nakasulat sa letter.

"Oum....peace! Hindi na kasi ako makapaghintay na basahin mo kaya ako na ang bumasa dahil alam ko naman na hindi mo talaga babasahin yan!" pagtatanggol nya sa sarili nya.

Well she's right, at tama sya naiirita ako sa lahat ng ginagawa nyang pagpapadala ng mga bulaklak sa akin! Isinara ko na ang letter pero bago 'yon ay may nabasa muna akong nakasulat doon.

'If you smile means you're answer is no to my question but if you're irritated that means your answer is, Yes.

"SKY KAIZER FERRER, DAMN YOU!"

*End of Flashback*

Ngayon alam nyo na!

"What do you want from me?" nabalik ako sa katinuan ng magsalita si Pineda.

"Uhm....do you mind if I ask you where do you live?" sandali syang natahimik at tila nag-aalinlangan pa kung sasabihin nya ba o hindi.

"Y-you will just b-bully me like what t-the others do." utal na sagot nya sa akin.

Kung nagtataka kayo kung bakit 'yon ang isinagot nya sa akin ganito kasi yun...bukod sa nerd sya ay scholar din sya. Sa pagkaka-alam ko may kaibigan din syang gaya nya na nerd.

"No, i won't do that. I know that you and your friend are one of the scholars here. So please tell me, pleaseeeeee?" pagpupumilit ko sa kanya at nagpa-cute pa ako para effective.

Ewan ko ba kung bakit nag change ang mood ko HAHAHA! May gagawin ako sa kanilang dalawa kasama na yung kaibigan nya. Para naman ready sila outing chukchak you know?

"S-sige m-mamaya isasama kita pauwi." sabi nya habang nakayuko.

Ayos! Magsho-shopping kami! Isasama ko si Chloe dahil hindi ako marunong mamili ng mga damit na babagay sa kanila.

"Right! After the last period, isama mo na rin yung kaibigan mo yung babae na nerd din hihi!" excited na sabi ko sa kanya na ikinagulat nya.

Teka may nasabi ba akong mali? Wala naman siguro no?-,-

"O-okay." tanging sagot nya sa akin.

Tumango na lang ako at bumalik na sa upuan ko. Hayssss! Excited na ako!

Arjur Pineda POV

Nag-aayos ako ng gamit ko para sana umuwi na ng may maalala ako. Hindi sa nag-fefeeling close ako kay Shikinah pero kasi baka magalit sya pag iniwan ko sya.

Pagkatapos kong ayusin at ibalik sa bag ko ang mga gamit ko ay nagdadapawang isip na lumapit ako sa upuan ni Shikinah kung saan sya naka-ubob.

Nag-aalingan man ay lakas loob ko syang kinalabit. Natatakot kasi ako sa kanya lalo na kapag kasama nya yung mga kaibigan nyang babae.

"Hmm....?" ungol ni Shikinah habang naka-ubob pa rin.

Huminga ako ng malalim bago sya tinawag.

"Ah....S-shikinah sasama ka pa ba sa b-bahay?" utal na tanong ko sa kanya.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan na nakatingin ngayon sa akin. A-anong g-ginawa ko?

"Oh it's already time? Halika na!" sabi nya at kinuha ang backpack nya.

Hihilain na nya sana ako ng huminto sya at tumingin sa mga kaibigan nya.

"Oh! Do you want to come with us? Chloe let's go shopping! But first dadaan muna tayo sa bahay nila!" hyper na pag-aaya nya sa kanila.

"Okay, we will come hihi!" sabi ni sino nga ulit yun? Cass? Ah Cassandra! Oo yun!

"Okay, let's go." malamig na pag-sangayon nung pinaka malamig at feeling ko mataray sa kanila.

"Ayos! Tara na!" excited na sabi ni Shikinah habang ako ay nanatiling tahimik.

"Ah w-wait yung kaibigan ko nasa labas na sya ng classroom, S-shikinah!" pagpigil ko sa kanya.

"Madadaanan naman natin sya sa labas e, kaya tara na tawagin mo lang sya." nakangiting saad ni Maisie alam ko na ang pangalan nya dahil maikli lang hehe!

"A-ah sige!" sagot ko at lumabas na kami.

Nasa labas na ang kaibigan ko gaya ng sabi ko kanina. Nagtataka syang napatingin sa akin ay hindi sa amin!

"Ah? Arjur?" naguguluhan na banggit nya sa pangalan ko.

"Mamaya ko na explain, Mitch! Sumama ka na sa amin tara na!" excited na pag-aaya ko sa kanya.

Tumango na lang sya at sumabay sa paglalakad.