CHAPTER 36

dedicated to: LeaInion

Thank you very much for the flood votes bilang pambawi sayo ko ide-dedicate ang chapter na 'to. Lablats, Hydies!❤

CHAPTER 36: BLOODY NIGHT

Third Person's POV

DUMATING na si Black Scorpio sa tagpuan kung saan magaganap ang labanan sa pagitan nila ng grupo nila Xavier at Huxley. Nakangisi lamang ito sa loob ng kanyang sasakyan habang iniisip ang magiging kahahantungan ng mga kalaban nito. May kumatok sa bintana ng sasakyan kaya pinindot nya ang button sa katabi ng upuan nya upang mabuksan ito.

Bumungad sa kanya ang isa sa mga tauhan nyang naka-full black formal attire.

"Boss, nalibot na namin ang buong gusali ngunit wala kaming nakitang ni-isang anino ng mga queens at kings." agad na banggit ng tauhan nya.

Nagtaka naman si Black Scorpio kaya kumunot ang noo nito.

"Paanong wala sila sa loob? Hindi bat nagpadala tayo ng kasulatan sa kanila?" tanong ni Black Scorpio sa tauhan nito habang hindi pa rin maalis ang kunot-noo nito.

"Opo, boss. Baka na-late lang sila ng dating boss." pagpapaliwanag ng tauhan nya habang pinag-papawisan at nanlalamig ang mga kamay nito.

"Make sure that they're here, bastard." malamig na utos ni Black Scorpio.

Umalis na ang tauhan ni Black Scorpio kaya isasarado na nya sana ulit ang bintana ng sasakyan ng may isang tauhan nya ang humahangos papunta sa direksyon nya.

"Boss! Nandito na ang mga tauhan ng mga queens at kings!" hingal na hingal na sambit ng tauhan ni Black Scorpio sa kanya. "Tell our underling that be ready." utos ni Black Scorpio. "Boss, mga tauhan lang nila ang nandito pero wala pa ang mga queens at kings." agad na banggit ng tauhan nya na mas lalong nagpakunot ng noo nya.

"Be ready and don't f*ckin let our guard down or else I'll be the one who will kill you." Black Scorpio said in his cold tone of voice.

What the hell is happening? Hindi kaya nalinlang ako ng mga pesteng queens at kings na 'yon? Damn them if that thing happen I'll f*ckin sue them! No one can fool Black Scorpio....no one!

*****

Sa kabilang banda naman ay nagmamasid ang grupo ng lolo nila Xavier at Vladimir sa hindi kalayuan. Halos hindi mawala-wala ang nakangiting mukha ng matandang si Alejandro dahil sa wakas magkikita na rin sila ng kanyang mga apo. Matagal na nyang gustong makita at makasama ang mga apo nito ngunit hindi nya magawa dahil sa mga tauhan ni Black Scorpio na palihim na binabantayan ang mga apo nito.

Nakahanda na rin silang lumusob kapag nagsimula na ang matinding laban. Iniisip ng matanda na mas maganda kung mauuna ang mga apo nito kasama ang mga queens at ang ibang kings na dumating bago sila magpakita. Alam nyang magugulat si Black Scorpio kapag nalaman nyang may isa pa palang natitira sa angkan ng mga Crest.

"Tanda, matagal pa ba magsisimula ang bloody night? Inaantok na ako e." humihikab na tanong ni Sebastian sa matanda.

Sinamaan naman ng tingin ni Alejandro si Sebastian dahil sa pagtawag nito sa kanya ng tanda.

"Hey easy, boss! Hehe!" sabi ni Sebastian sa matanda habang nanginginig dahil sa kaba. Tinutukan kasi sya ng matanda ng M45 pistol.

Napa-iling na lang si Allison dahil sa kagaguhan ng kaibigan.

*****

NATAPOS na ng grupo ni Xavier ang dapat isagawa ayon sa plano nila. Nakatoka si Sky sa pag-sasabi sa mga Hellarians na umalis sa Hellarians Palace at magpunta sa Safe House nila sa Japan ang iba naman ay nagpunta sa Safe House sa United States, France, Italy, at Canada. Dahil natitiyak ng mga queens at kings na idadamay din nang grupo ni Black Scorpio ang mga ayaw sumunod sa utos ni Black Scorpio na mga Hellarians.

Tinipon naman nila Akhiro, Hiro, Blaze at Ace ang labin-limang daang tauhan ng mga queens at kings na nanggaling pa sa iba't-ibang sulok ng bansa. Hinati nila ang mga grupo sa apat na grupo. Sa grupo ni Akhiro ay mayroong 125 underlings ang kasama nito ganoon din ang bilang ng mga grupo nila Hiro, Blaze at Ace. Nasa unang lumang gusali ang pwesto ng grupo ni Akhiro habang si Hiro naman ay nasa isa pang gusali na may hindi kalayuan sa gusaling sakop ng grupo ni Akhiro.

Ang grupo naman ni Blaze ay nasa lilim na gusali natatabunan ang unang palapag ng gusali dahil sa naglalakihang at makakapal na damo sa labas nito. Kahit ganoon pa man ay nakaya pa ring unahan ng grupo ni Blaze ang mga kalaban upang mas mapabilis nila ang pag-tapos sa mga kalaban na mapapadpad sa direksyon nila. Ang grupo naman ni Ace ay nasa bandang tabing dagat kung saan nakaparada sa dagat ang limang speedboat at limang yate na may mga armadong lalaki sa bawat sasakyan.

Mayroon ding sasakyang panglupa ang ibang tauhan ni Ace. Limang bulletproof na sasakyan at limang bulletproof na black van. Sa loob ng bawat sasakyan ay may mga armadong kababaihan na malalakas at sanay sa pagpatay. Samantalang si Felix naman ang nakatoka sa pag-hack sa bawat systems ng kalaban upang malaman ang kung ilan ang bilang nila at kung sino-sino ang mga tauhan na kasama ni Black Scorpio.

Nakita ni Felix na may limang malalaking tao ang kasapi sa Black Scorpio Organization. Nangunguna sa listahan si Liam Corpuz. Si Liam Corpuz ay isa sa may hawak ng malaking sindikato sa bansang United Kingdom. Pumapangalawa naman si Kira Zamora isang babaeng may taglay na kagandahan at maamong mukha. Ngunit sa likod ng maamong mukha nito ay may isang demonyong nakakubli dito. Sya ay isang Serial killer sa bansang Vietnam. Ikatlo si Eren Saragoza isang lalaking nasa mid-30's na may hawak ng isa sa pinaka-malaking drug industry sa Singapore.

Pang-apat naman si Gianni Arissia sya ay isang Russian. Wala syang sindikatong kinabibilangan ngunit bihasa sya sa pagpatay ng mga sagabal sa kanya. Magaling syang gumamit ng mga iba't-ibang weapons tulad ng Dagger, Shuriken, Samurai, M45 pistol at marami pang iba. Mayroon syang sugat sa kanyang kaliwang mata. At ang panghuli ay si Allison Witney. Oo sya. Ang naging chaperon ng Team A noong field trip nila. Nagulat si Felix dahil sa nalaman nya tungkol kay Allison Witney. Nakasaad kasi sa personal information nya ay isa syang Mafia Queen sa Canada. Yun lang ang nakasaad na impormasyon sa kanya dahil puro error na ang lumalabas sa computer ni Felix.

Magkasama naman sila Xavier, Vladimir at ng mga queens sa iisang lugar. Bago pa magsimula ang bloody night mamaya ay tinapos na nila ang ibang kasamahan ni Black Scorpio na nanggaling pa sa ibang bansa. Si Vladimir ang tumapos sa singkwenta na tauhan ni Black Scorpio nang hindi man lang nalalaman ni Black Scorpio ang ginawa nya. Samantalang si Xavier naman ay pumunta sa kuta ng ibang tauhan ni Black Scorpio kasama si Maise, Chloe at Shikinah upang iligpit ang mga basura na dadalo dapat sa bloody night mamaya.

Sina Dextera, Davina at Cassandra naman ay nagpunta sa Laguna sakay ng kanya-kanya nilang helicopter para patayin ang ibang tauhan ni Black Scorpio na naghahanda sa bloody night. Tinambangan nila ang mga ito sa ere kaya mabilis lang nilang natapos ang trababo nila. Sina Raven at Huxley kasama ang ama na umampon kay Raven noong bata pa sya nagtungo sila sa Black Scorpio Organization upang tapusin ang mga natitirang tauhan na iniwan ni Black Scorpio upang magbantay sa kampo nila. Tinapos na nila Raven, Huxley at nang ama ni Raven ang mga tauhan nila at pagkatapos noon at agad na silang pumunta sa lugar na napag-usapan.

Nagpa-iwan ang ama ni Raven dahil gusto daw nyang masorpresa si Black Scorpio sa pagpunta nya sa lugar na napag-usapan.

*****

Black Scorpio's POV

"Muntik ko nang isipin na nabahag na ang mga buntot ninyo dahil na-late kayo ng tatlong minutos." nakangising sabi ko sa mga taong nasa harapan ko ngayon.

Ngunit nakakapagtaka na dalawang kings lang ang nandito. Nasaan ang ibang kings? Nabahag na siguro ang mga buntot nila HAHAHA! Ganyan nga dapat lang silang matakot sa akin HAHAHA!

"Huwag ka masyadong ngumiti Black Scorpio. Baka mamaya mabura yang mga ngiti mo." nakangising sabi ni Blood habang may hawak na malaking baril.

"Tss. Kagaya ka pa rin talaga ng nanay mong namatay or should i say na pinatay ko." nakangisi ring sambit ko sa kanya.

Imbis na galit at puot at makita ko sa mga mata nya ay tila ba natatawa sya dahil sa mga sinabi ko.

Cassandra Corrigan POV

Natatawa ako dahil sa mga sinabi ni Black Scorpio HAHAHA! Gag*! Akala nya ba magagalit o masasaktan ako sa mga sinabi nya? Haler! F*ck him that will never be happen HAHAHA!

"Oh cut the crap, Black Scorpio. That kind of joke was too lame. Wala ka nabang bagong joke huh? Nakaka-umay na ang mga ganyan gag*!" sabi ko at tumawa ng nakaka-asar.

"Hindi pa ba tayo magsisimula? Bagot na bagot na ko rito oh. Sayang ang mga babae ko ngayon hays." Vladimir suddenly uttered.

What the eff? Punyeta ka Vladimir isusunod ko lahat ng babae mo tang*na mo!

"Huwag kang mag-alala, Phantom. Kapag buhay ka pa hanggang bukas bibigyan kita ng dose-dosenang babae." taena mo Shikinah isa ka pa e.

*bang*

*bang*

*bang*

Oh crap who are these people? Eeer! Wait.....What are you doing there Allison?!