I sighed as I looked at the people getting wasted inside this club. I could see a couple making out at the couch, a group of people dancing at the center, people holding cigarettes and other people getting more intoxicated. We're at the VIP table with my bestfriend.
"Pagod na raw siya," I laughed a little trying to wipe my tears away using the back of my hand.
"Tangina, ako ba hindi pagod? I sacrificed a lot of things for him..for this relationship, andami kong iniwasang kaibigan na lalaki para lang magkaroon siya ng peace of mind. Kinaibigan ko 'yung mga kaibigan niya kahit labag sa loob ko, pinupuntahan ko siya sa condo niya tuwing gusto niya kong makita, of course it doesn't matter to me as long as he wanted to see me. Tapos sasabihin niyang pagod na siya?" Dire diretsong sabi ko sabay lagok ng isang baso ng cuervo. Para akong bata na nagsusumbong sa nakatatandang kapatid.
What does he meant he's tired? Muli kong tinunnga ang alak na hawak ko bago mag salita. "Maybe it's because the feelings he had before aren't there anymore, I lost the spark and.. and he wasn't exciting as he was anymore.."
The fuck.
Truth hurts.
"Are you done?" Threy asked.
Andito kami sa may club malapit sa condo niya. Ayoko sa bar ng kuya ni Hannah, hanggat maaari ayoko silang idamay sa problema ko. Mabuti nalang one call away tong lalakeng ito.
"It hurts Threy. It really hurts." I bit my lower lip. Tuloy tuloy ang pag agos ng aking luha kahit anong pag pigil ang gawin ko. Sinubukan ko ulit punasan ang mga ito bago lumingon sa kanya.
"Pagod na din ako at gusto ko rin mag pahinga kahit saglit lang. Pero natatakot ako na baka habang nagpapahinga ako tuluyan na siyang mawala sakin." I cried again and again and again.
He tapped my shoulder using his left hand before placing it on the table and stared directly at me.
"If you really love him that much, you will do anything even if it leads you to a heartbreak. Look, they say give yourself to love if love is what you're after. But.." he stopped and held my shoulder
"But?"
"But unfortunately, pain and hurt was part of love which can be more understood by reflecting on whys and why nots of heartbreak."
My lips parted. I knew what he was trying to say, maybe I just really need to hear it from him.
"Alam mo kung gaano ko siya ka mahal, right?" I asked while sobbing.
"Obviously. Pero ano ba ang ginagawa ng mga tao kapag napapagod sila?"
"Nagpapahinga." bulong ko na halos ako nalang ang nakarinig.
"When your tired, get some rest. It's okay to take a break Elle. Hindi niyo maayos ang gusot na iyan hanggang magulo pa ang mga isipan niyo." Pagpapaliwanag niya ng maubos ang alak na kanyang iniinom.
Maybe he was right. I guess what I needed was an advice not a liquor to awaken my soul. I could really say that Threy's one of the truest and best advicer that I knew.
I needed a rest.
We rather.
"Thanks sis." then I smiled at him. I feel much better now.
"Small thing. I'm just giving back the favor." he replied. Sobrang thankful talaga ako sa kanya. He's always been there for me kapag kelangan ko ng masasandalan especially kapag gusto kong lumayo sa mga kaibigan ko kapag ganitong meron akong problema. Ayoko lang naman dagdagan ang problema nila. Minsan nakakagaan din kasi ng loob kapag nag oopen up ako sa mga lalakeng kaibigan ko.. Ang tagal na din naming mag kaibigan ni Threy kaya sobrang comfortable na kami sa isa't isa.
"Anyways, how's Yassi?" I asked to change the topic. Kitang kita ko ang biglang pag kaasiwa niya at pamumula ng mga pisngi. Ganito ba talaga kiligin ang mga lalaki? Pangalan palang namumula na.
"We're okay. Napapansin na niya ako." masayang pagkwekwento niya. Matagal na siyang may gusto kay Yassi, since nung first year pa kami and 2nd year siya noon. Hindi niya lang maamin amin dahil wala raw siyang lakas ng loob. Pero nong nakwento ko sakanya 'yung tungkol kila Yass at Prim doon lang siya nagkalakas ng loob lapitan si Yass.
Apaka torpe.
Hinatid ako ni Threy saking condo unit. Siguro ipapapick up ko nalang sa driver namin bukas yung kotse ko na naiwan sa bar tutal bibisita ako sa bahay at sa hospital bukas. I miss my Dad.. and my Mom.
After showering and everything, muli na akong nahiga sa king kama. KGusto kong makausap si Axel ngunit ayaw niya raw muna ako makita. Tuwing naiisip ko yung nangyari nung huling kita namin naiiyak pa din ako. Ang sakit sobra, yung tipong 'nung isang araw mahal na mahal pa namin isa't isa the next day ako nalang yung nagmamahal.. ako nalang 'yung lumalaban.
Hindi pa nakakatatlong ring ay sinagot na niya ang tawag.
"Hmm?" mahinang tinig niya.
"I miss you." pagsabi ko ng mga salitang iyon ay tumulo na ang kanina pang nagbabadya kong mga luha.
"I'm tired Cassidy. Please." Pagmamakaawa niya. Kahit di ko nakikita ang kanyang mukha, damang dama ko ang pagkairita sa kanyang boses. Sobrang laki ng pinagbago niya. Ang layo niya na sa kilala kong Axel noon na mahal na mahal ako.
"I'm--I'm sorry... for everything. What do you want ba? Ibibigay ko iyon sa iyo. Everything Axe but not break up."
I could hear him sighing. I know I'm a selfish bitch, hindi ko pa talaga siya kayang pakawalan. "Give me another week. No, two weeks will do. I'll figure this out."
Kakahingi niya lang ng space nung mga nakaraang linggo at heto space nanaman ang gusto. Mabuti nalang at naitaong intrams sa school noon at ginugol ko ang aking oras sa training sa volleyball para lang makaiwas sa lungkot.
"Okay, if that's what you really want." Then I ended the call.
I closed my eyes and drowsing off to sleep.
The next morning, tinapos ko lahat ng mga dapat tapusing requirements sa school bago pumasok. Plano kong dumiretso sa open gym mamaya after my class hindi para mag training, kundi para mag paalam sa kanila na mqg quiquit nako sa dance troupe.
I needed this in order for me to think wisely. I just want to free my self.
Pagdating ko sa room nakasalubong ko si Kiara palabas at mukhang badtrip. Hinalikan niya lang ako sa pisngi bago nagtungo sa labas.
Kiara is one of my most trusted friend here in my Pharmacy world. Medyo may pagka weirdo lang iyon pero mapagkakatiwalaan padin naman. Sa kanya ko nalalaman yung mga bagay na hindi dapat malaman. HAHAHA.
Gustong gusto ko talaga kapag andito ako sa room. Ang tahimik, they were all busy studying or reading. Inilibot ko ang aking paningin. The surroundings, our uniform, ang linis sa paningin. Napakagaan sa loob, nakakagana mag aral.
I took BS Pharma because this is what I really wanted. Some says, "Pharmacist ka lang," but they didn't know how hard this course is. I mean, lahat naman ng course mahirap and walang madali. My point was, Pharmacist aren't just sales people behind counters in drug stores. Iyon naman kasi ang unang pumapasok sa isipan ng mga tao kapag naririnig nila ang salitang Pharmacist.
But Pharmacists are the ones who distribute prescription drugs to individuals, as well as make sure that patients are using medications safely and effectively. There are many careers or opportunities you can work in the lab, company or hospital. My mom was used to be a Pharmacist back then.
My Dad is an Engineer, while my brother was currently working as an architect on Dad's firm. Dad supported us sa lahat ng gusto at plano namin sa buhay. As long as masaya kami masaya na din siya.
My thoughts were interrupted by a sudden vibrate of my phone.
yassilicious: Punta kami sa condo mo maya. After training siguro.
I replied fast dahil malapit ng dumating ang Prof namin sa anatomy.
ellecassidy: No need. Diretso ako gym later after class.
Hindi ko na hinintay pang makareply siya at tinago ko na ang cellphone sa bag ko. Nagsimula na ang klase namin nang dumating si Mr. Gueva.
"Do you want me to come with you?" Kiara asked.
"No but thank you. Mauna ka nalang doon at susunod ako."
"You sure?"
I nodded then started walking away patungo sa open gym. Medyo malapit lang kasi 'tong department namin sa sports center kaya nilakad ko nalang.
I was wearing may White uniform. Minsan napagkakamalan kaming nursing students dahil halos similar ang aming uniform, may pagkakaiba lang ng kaunti sa design at print.
"Cass, you okay?" bati sakin ni Yassi ng makarating ako sa open gym.
"You're not in your practice outfit? Dika ulit magtretraining?" Hannah asked. Hinintay ko munang dumating yung dalawang kaibigan namin bago ko sinabi sa kanila ang aking plano.
"For sure naman papayag si Ms. Perlita lalo't alam niya kung gaano kahirap ng course mo." Pagpapagaan ng loob sakin ni Alexa. Hays mamimiss ko yung bonding namin tuwing training.
"Alam mo Cass, if makakatulong yan sa pag momove on mo then so be it. Support ka namin." Masayang sabi naman ni Jia.
"Hindi naman sila nagbreak, cool off nga lang diba." Yassi said and laughed a little. Natawa din tuloy ako sa usapan nila.
"Hays, parang highschool lang. Lakas maka cool off." Natatawang sambit ulit ni Alexa sabay yakap sakin. Napaka clingy. Siya yung happy pill ng barkada.
As expected. Pumayag nga si Ms. Perlita sa pag quit ko sa dance troupe. Siya kasi ang coordinator nito at medyo napalapit nadin ako sa kanya dahil sa mga inom session namin sa condo niya minsan. Hindi naman kasi masyado nalalayo ang edad niya samin. Alam ko bata pa siya e, 25 years old palang ata siya if I'm not mistaken.
I visited my Mom at the hospital first before going back to my condo. Nag ayos lang ako ng kaonti, nagyaya kasi ang ibang ka block namin na mag bar raw, ewan ko ba simula nung nangyari samin ni Axel lagi nakong lumalabas labas na hindi ko nagagawa dati, noong panahong mahal na mahal pa niya ako.
I was wearing a black ripped jeans and a plain white off shoulder below my bellybutton. I just wore my white rubber shoes. I just put light make up, tinatamad na din kasi akong mag ayos. Tinext ko nalang si Ivy, Kiara's friend na kaklase rin namin, Told her na daanan niya nalang ako dito sa condo. Tinatamad kasi ako magdrive.
When we arrived at the bar, I immediately saw Kiara with some of our classmates in a table. I was fascinated by the ambiance of the bar, it was different from the others. This one's looked like an elegant bar. There's a band that playing at the center.
I fought off the sadness that overcame me when I heard the song they we're playing entitled On bended knee by Boyz II men.
Can we go back to the days our love was strong,
Can you tell me how our perfect love goes wrong.
Can somebody tell me how the good things back the way they used to be,
Oh God gave me a reason, I'm down on bended knee.
I felt my chest tighten as the words of the song are sang, Ang sakit, damang dama ko bawat liriko ng kanta, I was about to cry again but I pushed it aside and just focused my self on the music.
Napaka dramatic ko na nitong mga nakaraang araw. Makarinig lang ako ng kanta as long as nakakarelate ako bigla bigla nalang akong malulungkot at mapapaiyak.
I was wrong when I said Axel changed a lot, or masyado lang akong indenial na hindi ko maamin sa sarili ko na pati ako nagbago. We both changed.
Binago kami ng pag ibig.
Sabi ko noon hindi na ulit ako babalik sa ganitong sitwasyon. Pero heto ako ulit, unti unti nanamang dinudurog.
Love gone wrong. We never get the love we expect.