CHAPTER 5:

Tila nanigas si Ryle sa kakaibang reaksyon ng katawan nya sa pagkakahawak nya sa hita ni Lady Bria. Hindi nya maintindihan kung ano, pero alam nyang higit pa ito sa libido... Hindi nya ipinahalata sa babaeng kaharap ang tila paninigas nya, tila natatakot syang pag tawanan nito.

The f*ck Ryle.. Anong nangyayari sayo self..ano ka teenager?.. Umayos Ryle... Nako curious ka lang.. Nothing more... Nothing less... Chill... Bibigay din yan si Lady Bria.

Tahimik na kausap nya sa sarili.

Samantala si lady bria naman ay abalang abala sa panonood sa hapones na nasa kabilang mesa, anumang oras ay alam nyang magaganap ang transakyon na matagal tagal nya rin binantayan, Pero aware sya sa kamay ng binatang nakahawak sa hita nya, hindi nya mawari kung ano ang mararamdaman, nakaka relax ang bawat hagod ng kamay nito, hindi nya maramdamang nababastos sya, tila puno ng pag galang ang bawat galaw ng kamay nito.

Sa kabilang banta, si Ryle na nakikipagtalo sa sarili... Whats with this woman? I feel like I knew her for so long.. It feels perfect, her skin in my skin,it seems that she's made for me, I feel like I need to protect her no matter what, It feels like home..... Whoaaaaa!!!!!!!! Whats that?... At pabigla nyang kinuha ang kamay nya sa hita ng babaeng kaharap na nagpalingon dito.

Nanghinayang man sa ginawang pag alis ng binata sa kamay nito sa kanyang hita, hindi na masyadong pinagkaabalahan ni lady bria na tanungin ito.

Mas okay yan, makakakilos ako ng maayos.

Ilang minuto pa ang lumipas at wala pa ring kakaibang nagaganap sa kabilang mesa, nagpasya syang mag paalam sa binata na may kukunin lang sa counter.

She talks to Cuevas if there is any update,

May bank transfer na daw, pero personal daw ang abutan ng item, based on my source the item is on a red bag. Beside the japanese who is wearing the white suit, is the item that we needed, wag lang sana may makatunog, kanina pa daw kasi iniikutan ng tauhan ni Yashimaru sa Padua, napaka stiff kasi ng isang yun, tinitigan daw ng masama yung isang hapon.

Okay, Ill make a move, just make sure to be alert ano man ang mangyari. Iniwanan na nya si Cuevas sa counter.

Sinadya nyang sa mesa ng hapon dumaan, saktong daan ni Ross na naka assign sa mesa ng target, binangga nya ito at tumapon ang mga alak na hawak nito sa kanya, kunwaring natapilok sya sa mismong kandungan ng hapon.

Im sorry.. Im really sorry, kunwaring hingi nya ng paumanhin, ngunit ang mata ay nasa bag na pula sa ilalim ng mesa, kita sa hugis ng bag na baril ang mga laman nito.

No.. No.. No.. No... Dont have to worry.. Perfectly fine... Thats fine.. Barok na pag eenglish ng hapon...pero sa mga dibdib nya na nasa mukha nito nakatingin...

Pinunasan nya ang damit nito na natalsikan ng alak ang nagkunwaring napasubsob, para mapintahan ng todo kung ano ang mga nasa ilalim ng mesa. Nagmakita ang pakay agad syang tumayo at nagpa alam sa hapon.

Pag balik sa mesa nila Ryle, kita nya ang galit sa mukha ng katable nya, hindi nya ito masyadong pinansin, tuloy lang sya sa pagmamasid sa kabilang table.

Maya maya narinig nyang may nagtatalo sa bandang likuran ng mesa ng hapon..

Sh*it si Padua, nagka...

Bago pa nya natapos ang sasabihin nag kabunutan na ng baril..

Hindi nya alam kung anong pumasok sa isip nya at binulungan nya ang lalakeng katable.

Pumunta ka muna ng cr.

Huh? Nagtatakang tanong naman ni Ryle, pero bago pa sya nakakuha ng sagot mula sa babae,.. Nakarinig na sya ng putok ng baril.

Dumapa ka lang dyan, kung kaya mo gumapang palabas do it, utos sa kanya ng babaeng katable.

Maya maya lang nakita nyang bumunot ng baril ang babae mula sa suot nitong boots, at tumalon sa mesa nila, nakita din nya na may inagaw ito sa isang hapon, sabay hawak sa leeg nito,

POLICE!!!!

Don't you dare to move Mr. Yashimaru, or Ill make sure that you will lose everything... As in everything... Sabay posas sa hapon.

Isang tauhan ng hapon ang sumugod na may dalang basag na bote ngunit bago pa ito nakalapit, bumagsak ang paa ng babae sa mukha nito, isang axe kick ang pinakawalan nito na tumama sa panga ng lalake sapat para mawalan ito ng malay.

Maririnig naman na nagtititili si Yumi sa di kalayuan, pinaghahahampas si Ross ng tray, lalapit din sana ito sa kanya pero sinamaan nya ito ng tingin, kaya naman napatigil ito bigla bago makarating sa kanya.