Sa ninong parin nya sumabay si Blue ay pinaliwanag na kaylangan parin nya ng sariling sasakyan for emergency reason, nag request sya ng sariling parking space na katabi lang ng space ni Ryle sa opisina, doon nya ipaparada ang sasakyan nya para magamit kung may emergency man.
This will be your room hija, pinalinis ko agad,pasensya na hindi kasi kami agad nainform ni Augustus na dito ka na pala tutuloy, bukas ipapaayos ko nalang yung ibang gamit, next to your room is Ryle's, If ever may kaylangan ka, wag ka mahiya mag utos sa mga maid, feel at home hija.
Okay lang po and thank you po mam, puede ko po bang maikot ang buong bahay, I just need to do my surveilance po.
Yes of course hija, and by the way, please call us tito ang tita, or mama if you want, I really missed my daughter but she's now in USA with her own family, emosyonal na wika ng matanda.
Okay po Tita.. Nakangiting tawag nya sa matanda.
Just call me if you want to ask or need something, hindi mo na maasahan ang mag ama at pag nag harap yun puro business na ang pag uusapan nila. Himig pagtatampo ng ginang.
Tango lang ang isinagot nya sa matanda bago sya iwanan nito, Inuna nyang tignan ang mga entry point sa baba ng bahay, pinto, bintana at fire exit. Nag check din sya ng mga cctv camera, may sariling monitoring room ang mansion at good thing na may tao ito 24/7,kinausap nya ang head security to alert her if there is any suspicious person around the area. Next ay ang mga kwarto sa taas, Pito lahat ang kwarto sa taas, nahahati ang mansion sa tinatawag nilang east at west wing, nasa east wing ang master's bedroom katabi ang dalawang guest room, sa gitna ang study room na nagsislbing hati ng 2nd floor.
Sa west wing naman ang kwarto nya at ni Ryle, dating kwarto ng anak ng babae ng mag asawa ang kwartong ginagamit nya ngayon, sa dulo ay isa pang kwarto na nagsisilbing music studio ni Ryle.
Una nyang chineck ang masters bedroom, kasunod ang dalawang guest room sa tabi nito, nang matapos sya sa dalawang guest room isinunod nya na ang studio ng binata, And she can't deny that shes kinda impress sa pag kakasalansan ng mga gamit sa loob as per Mrs. LaMadrid its Ryle's personal design.
Nang matapos sa studio isinunod nya ang kwarto ng binata, masusi nyang cheneck lahat ng pwedeng entry point ng silid. Malaki ang kwarto ng binata, may sariling walk in closet na sound proof, ang banyo na sadyang panlalake and desenyo, may malaking bathtub na kasya ata ang tatlong tao, ang isang dingding ang kwarto ay salamin na makikita mo lahat ng angulo ng silid. Nasa isang sulok ang bilog na kama, malalaki rin ang bintana na mula kisame hanggang sahig katulad rin ng sa ibang kwarto.
Papalabas na sya ng pumasok ang binata.
What are you doing here? Tanong agad nito.
Just doing my job sir, I need to check the area and all posssible entry in this room, pormal na sagot nya.
Cut the sir, call me Ryle. And how do you find my room?
Everythings clear. Ill just check again later before you sleep, and please if possible keep the door shut but dont lock it.
Why?
So I can attend to you easily if theres an emergency.
Okay then.
Thank you, at tuluyan na syang lumabas ng silid ng binata.
Shit! Bakit parang ang init bigla ng kwarto ko? Tanong ng binata bago dire diretsong pumasok ng banyo para mag shower.
Samantala si Blue, ang kwartong tinutuluyan naman ang inispeksyon, may walk in closet din ang kwarto, babaeng babae ang kulay ng dingding, light pink ang white, sa loob ng banyo naman ay may bathtub na hugis puso, gugustuhin mong mamirmi sa loob ng banyo kung gusto mong marelax,
Sinimulan na nyan ayusin ang mga damit at sapatos sa walkin closet for the next 45 days dito sya titira, kaylangan nyang maging komportable, mukhang di naman magiging mahirap ang trabaho nya kay Ryle.
Naalala nya ang pakiusap ng ninong nya,
Please hija, Ryle is the only son of my brother, kaisa isang pamangkin ko, lately palagi syang nakakarecieved ng death treath, If im only younger than my ages, I will personally guard him, But I know my ability ang capability right now is not like when Im at your age, So please Blue, do this for me hija. Just this one.
Madalang manghingi ng personal na pabor ang ninong nya kaya naman ayaw nya itong tanggihan.
Matapos mag inspeksyon ng tinutuluyang silid, nag ayos na si Blue ng mga gamit, inilabas nya ang mga baril na nasa bag, tatlo ang dala nyang baril isang beretta 950 na kasyang ilagay sa hita nya, isang beretta 3032 tomcat na nakapirmi sa bag nya at ang kanyang paborito sa lahat na 45 caliber AMT handballer na palaging nakalagay sa katawan nya. Inayos din nya ang dalawang jungle knife na palagi nyang bitbit.
Matapos iayos ang mga gamit nagpasya na ang dalagang maglinis ng katawan, nagsuot lang sya ng puting tshirt at checkered na cotton pajama, saka isinuot ulit ang holster sa dibdib. Nagpasya syang tumambay saglit sa veranda ng kwarto.
Nakarinig sya boses ng lalake na kumakanta, maganda ang boses, tila sya ipinaghehele sa lamig ng boses na sumasabay sa bawat tipa ng gitara, sumandal sya sa dingding at matamang pinakinggan ang kanta.