CHAPTER 12 :

Hindi nakaligtas sa mata ni Blue ang mapanuring tingin ng secretary ni Ryle, kitang kita sa mata nito ang panunukat at curiosity kung sino sya.

Paminta nga naman, bulong ni dalaga sa sarili.

Tahimik lang ang dalaga habang pinakikinggan ang bilin ni Ryle sa secretary nito.

Okay lets go. Aya ni Ryle sa kanya. HIndi mapigilan ma amaze ni Blue, kung paanong tila nagpapalit ang binata ng katauhan kapag tumungtong na sa opisina, kagabi lang kitang kita nya ang kakulitan ng binata, Ngayon naman tila hindi ito marunong ngumiti.

Habang naglalakad, pasimple syang nilingon ng binata,

Can you walk beside me? naiilang ako na andyan ka sa likod ko.

No....Maiksing sagot nya na nakapag pakunot sa noo ng binata.

Hindi ko makikita lahat ng nasa paligid mo kung tatabi ko sayo.

Bakit nakikita mo ba yung nasa likod mo? Pilosopong sagot ng binata.

Mapapakiramdaman ko. Maikling sagot nya lang ulit dito.,

Tumigil na ang binata, nang makitang hindi rin naman ito mananalo sa pakikipagtalo sa kanya.

Nang nasa tapat na sila ng elevator tinawag nito ang secretary.

Lowie?..

Yes sir?...

Walang ano anong kinuha nito ang mga gamit na hawak nya at ipinasa sa secretary. Sabay tingin ng masama sa lalaki.

Nakita naman nya ang pagtaas ng kilay nito, kaya't di nya naiwasang ngumiti ng tipid.

What's my schedule for today? Tanong ni Ryle habang palabas ng elevator.

You have meeting with the investors in Resort World at exactly 11am.

After lunch 1:30 PM you have to talk to Mr. Kimoto about possible merge in our Japan branch. Thats in the Sea side Hotel.

By the way Mr. Wright want to schedule an appointment today if possible around 7pm,he wants to invite you for a dinner in Wright Palace.

That's all?

Yes sir.

Send a message to Mr. Wright that Im coming.

Do I have schedule at 3pm?

None sir.

Then make one for me with my designer.

Tahimik lang syang nakikinig sa pag uusap ng mag amo, bahagya syang na gulat ng banggitin nito ang designer. Alam nyang mayaman ang binata, pero hindi pumasok sa isip nya na kaylangan pa nito ng designer.

Mayaman nga naman,

I want both of you to come with me in Resorts World.

But sir, the reservation that I made is just enought for us and the investor.

Then make a new one exclusive for Ms. Rivas.

But sir Resort world need atleast a week notice for reservation

Tila napipikon na tumingin ang binata sa orasan nito.

You still have 3 hours to do that or your'e fired.

Nagulat naman ang secretary sa sinabi ng amo, pag kapasok nila ng opisina, agad nitong binaba ang mga gamit,.

Silang dalawa ni Ryle naman ay pumasok pa sa isang pinto,Tahimik lang nyang sinusundan ang binata.

Habang naglalakad, napansin ni Ryle na hindi umiimik ang dalaga, wala itong tanong sa kung anuman. Kaya naman nakaisip sya ng kapilyuhan habang papasok sila ng opisina nya.

Sa unang pintong pinasok nila, nagpaiwan na si Lowie, natataranta ang lalake na tumawag para sa reservation, kaya hinayaan nya nalang ito,

Pumasok ulit sila sa isa pang pinto, ito naman ang opisina nya, pero hindi sya agad huminto, pumasok pa sya ulit sa isa pang salamin na pintuan na papunta sa tila maiksing hallway, nakita nyang nakasunod lang sa kanya ang dalaga. Pagkapasok nya sa isa pang kahoy na pinto kasunod nya parin ito. Saka sya humarap sa dalaga, Nakita nya ang bahagyang pagkagulat sa mukha ng dalaga ng makitang isang malaking kama ang nasa gitna ng kwartong pinasok nila. Pero agad ding nawala ang ekspresyon ng mukha nito.

Napangiti sya ng maisip na may expression din pala ang dalaga, atleast I know thats she's a human. Bulong ni Ryle sa sarili.

Wala pa rin imik ang dalaga, at sumandal lang sa gilid ng pinto, habang hinihintay kung anong gagawin ng binata.

Tinitigan lang ni Ryle ang dalaga na tila walang balak gumalaw o lumabas man lang ng silid.

Nagpakiramdaman silang dalawa, ngunit dahil sanay ang dalaga na hindi umiimik, balewala sa kanya kung ayaw man magsalita o umimik ng binata,

May naglaro na namang kapilyuhan sa isip ni Ryle, hindi nya alam pero tila naaliw sya na nakikitang nagkakaroon ng ibang ekspresyon ang mukha ng dalaga bukod sa pagiging pormal nito.

Unti unti nyang nilapitan ang dalaga, hanggang sa halos ilang pulgada nalang ang layo nila,. Ngunit tila wala itong balak kumilos o gumalaw man lang kahit kaunti.

Are you not afraid that I might do something? Ramdam na ni Blue ang hininga ng binata sa kanyang mukha, naririnig na nya ang tibok ng puso nito na sumasabay sa tibok ng puso nya na tila nasa tenga na lamang nya,, pero hindi sya pwedeng magpakita ng kagit anong emosyon, hindi sya papatalo sa kapilyuhan ng binata.

Tumingin sya ng diretso sa mga mata ng binata at nakita nya ang saglit na pagkagulat nito sa ginawa nya.

Why should I? Kung alam ko namang wala kang gagawin.

Gaano ka kasigurado? Balik tanong ng binata, sinusukat nya kung hanggang saan ang dalaga, hindi sa pagyayabang, alam nyang gwapo sya, at alam nyang maraming babae ang magugustuhan makipag palit sa posisyon ng dalaga ngayon, ngunit bakit tila balewala lang iyon sa dalaga.

I just know.

Are you sure? Tanong nya sa dalaga habang papalapit na ang mukha nya sa mukha nito,

Shit! Bakit ang ganda ng lips mong babae ka?

Nagulat nalang sya sa naisip at sya na mismo ang lumayo sa dalaga. Saka lang nya napansin na nakakapit na pala ito sa kahoy na sinasandalan, At least alam nyang naapektuhan din ang dalaga, base sa reaksyon nito.

Tumalikod naman ang dalaga at saka nag salita.

Don't dare do that again, baka di na kita palampasin.

Napangiti si Ryle sa sarili. Next time na gagawin ko yan, sisiguraduhin kong itutuloy ko na. Pero iba ang lumabas sa bibig nya,

Ikaw naman di ka na mabiro. Takot ko lang sayo, alam ko namang dami mong baril na dala, sabay ngiti ng napakatamis sa dalaga.

Kundi ka lang gwapo, binaril na talaga kita kanina pa. Whoa... Blue, whats happening, just because gwapo pwede na yung ginawa nya, tudyo ng sarili nyang utak sa dalaga.

AUTHOR:

kung may nagbabasa man po ng story ko sana po pa comment kahit emoji lang, para lang po malaman ko kung may nagkakainteres po ba,

TIA