We got the man earlier. Simula ni Blue ng usapan pagkapasok ni Ryle sa sasakyan.
The suspect?
No,I think he is more on a whistle blower.
What do you mean?Nagtatakang tanong ng binata.
Its for you to find out.We can go to Ninongs place kung gusto mo malaman.
Yeah.I want to finish everything now.para once and for all malaman ko kung sino ang kalaban ko.
Okay.
Mang Domeng sa Kampo po tayo dumiretso.
Mahigit kalahating oras na ang binabyahe nila ng mapansin ni Blue ang binata.,
Tahimik lang ito sa tabi nya,nakapikit na nakakunot ang noo,
Ang gwapo mo talaga.bulong ni Blue sa sarili.Pero napansin din ng dalaga na tila may mali.Moreno si Ryle pero bakit tila namumula ito ngayon?
Leanne.mahinang tawag ni Blue sa binata.
Leanne,ulit nito ng walang makuhang sagot sa katabi.Ngunit umungol lang ito bilang sagot na narinig nya ang dalaga.
Are you okay?.
No.Im cold.tila nahihirapang sagot nito.
Dinampi ng dalaga ang kamay sa noo ng katabi at napamura ng maramdamang mainit ito.
Mang Domeng change plan,wag na po tayo tumuloy sa kampo,sa bahay nalang po may lagnat si Ryle.
Naku,mam malayo na po tayo masyado, kung gusto nyo mam sa ospital nalang tayo dumiretso.
No,Ayoko sa hospital,magpapahinga lang ako. Manong sa Condo ko sa Eastwood nalang.
Yes boss.
Kumuha naman si Blue ng malamig na tubig at pinainom ang binata.
Are you sure na ayaw mo sa hospital?
Yeah,I just need a little rest.sagot ng binata bago nito ipikit ang mata at isandal ang ulo sa balikat ng dalaga.Hinayaan nalang ito ng dalaga at inalalayan ang ulo na hindi malaglag mula sa pagkakasandal sa balikat nya.
30 minutes din ang byahe nila dahil narin sa traffic na dinaanan.Pagdating sa parking lot nagpatulong nalang si Blue sa matandang driver para maiakyat ang binata sa unit nito.Hindi na sya nagtaka ng ang pinakataas na floor ang pinili ng matanda.Agad din naman umalis ang matandang driver at ngayong gabi daw ang uwi nito sa probinsya.
Pinahiga na muna ni Blue ang binata bago ito kumuha ng gagamitin nya para banyusan ito.
Nagiisip naman sya kung paano nya ito papalitan ng damit.Malamang na pagpawisan ito pagkatapos uminom ng gamot.Habang nag hahanap ng gamit ng binata sa unit nito tumawag na rin sya kay Lowei para mag padeliver ito ng gamot at pagkain.
Pagkakuha ng plangana at towel,damit naman ang sunod na hinanap ng dalaga,madali naman syang nakakuha ng hinahanap dahil napakaayos ng walk in closet ng binata,nakakuha sya ng pares ng silk pajama at underwear,na hindi pa rin nya alam kung paano nya isusuot sa binata.
Bahala na.bulong ng dalaga sa sarili.
Inunang tanggalin ng dalaga ang sapatos at medyas ni Ryle,sinunod nitong buksan ang long sleeve polo nito at saka ito pinunasan,umuungol naman ang binata sa bawat dampi ng bimpo sa katawan nito.
39.8
Shit!mahinang mura ni Blue ng makita ang rumihistrong numero sa thermometer. Kaya naman pala halos ayaw na idilat ng binata ang mata sobrang taas na pala ng lagnat nito.
Tuluyan na nyang hinubad ang polo ng binata.Macho huh.hindi mahahalata ang laki ng katawan ng binata dahil sa pang araw araw nitong suot,alam nyang maganda ang katawan nito,malapad ang balikat at dibdib.maganda ang hubog ng hita at pwetan.pero di nya inaasahan na purong muscle pala ang nasa ilalim ng suit nito.di na nakapagtatakang maraming babae ang nababaliw kakahabol dito.Total package ika nga.Gwapo,macho at mayaman.Kung sa ugali naman,wala sya masyadong masabi.hindi nya ganun kakilala ang lalake,pero base na rin sa tagal ng mga empleyado nito,malamang sa maayos din ito makisama.
Matapos punasan agad nyang itong sinuotan ng pang itaas ng pajama.Nang nasa ibabang parte na sya ng binata hindi nya maiwasang mag isip kung ano ang naghihintay sa ilalim ng pantalon nito.
Napailing ang dalaga sa sarili.
No.you need to be a pro.di ka pa naman nakakakita ng ganyan sa personal so wag mong sayangin ang virgin eyes mo.Okay???tila pangungumbinsi nito sa sarili.
Nilagyan ng dalaga ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan ng binata,saka ito pinunasan sa ilalim ng kumot.hinayaan na nitong mabasa ang kumot,papalitan nalang nya mamaya,nang matapos punasan ang binata sinunod naman nyang alisin ang pangloob nito,maingat na di magising ang binata.Nang matapos nya itong suotan ng pangloob saka lang nya tinanggal ang kumot at saka isinunod ang pajama nito.Saka palang nakahinga ng maluwag ang dalaga,sabay nito ang pag tunog ng doorbell.
RYLE'S POV
Hindi alam ng binata kung anong pumasok sa isip nya para hayaan ang dalagang bihisan sya.Isang malaking pagkakamali,dahil sya mismo nahirapan pigilan ang sarili.di nya alam kung saan nya kinuha ang pagtitimpi na wag ihiga ang dalaga sa malapad na kama.
Ngunit hindi maitatanggi na humanga sya sa dalaga.Hindi ito mapagsamantala,kung ibang babae ito baka humiga na ito sa tabi nya at naghubad para lang makuha sya,ngunit sa kabilang banda gusto nyang mainsulto na tila hindi man lang ito naapektuhan sa mga nakita.Mahina na ba appeal ko o baka naman lesbi sya..Pero no,I saw her reaction everytime that there is a girl who want to get my attention.
Naputol ang pag iisip ng binata ng pumasok ang dalaga,nagkunwari lang itong muli na natutulog.
Leanne,mabining tawag nito sa binata habang hawak ang isang braso nito.
Leanne..ulit ng dalaga sa pagtawag kay Ryle na wala itong makuhang sagot.
Hmmm...isang ungol kasabay ng kunway pag dilat ng mata ang ginawa ng binata,
Kumain ka na muna,para makainom ka ng gamot. Kasabay nag pagasasalita nito ang paglapag nito ng pagkain na nasa tray.
Ayoko kumain,di ako nagugutom.maiksing sagot ng binata na muling ipinikit ang mata.hindi sa pag iinarte o anuman,wala talagang gana kumain ang binata dahil na rin siguro sa sama ng pakiramdam.
Masama pakiramdam pero kanina pinag nanasaan mo na si Blue? Tila bulong ng konsensya ng binata ang muling nagpadilat sa mata nito.
Kumain ka na,mataray na ang tono ng dalaga.kaya naman biglang napakurap si Ryle nang makitang naniningit na naman ang mata nito habang nakataas ang isang kilay na hawak ang kutsara sa harapan nya.
Ilang beses pa syang napalunok ng makitang nakatitig sa mukha nya ang dalaga at tila inaaral ang mga reaksyon nya.
Kumain ka na,ulit nito habang inilalapit ang kutsara sa bibig nya. Tila nawalan naman ng lakas ang binata na kontrahin ang dalaga at kusa na nitong ibinuka ang bibig para tanggapin ang isinusubo nito. Tila ito isang bata na sunud sunuran sa pagkain dahil baka mapalo sya.
Whats with this women?How can she makes me follow what she wants in just one word?Whats happening to me?Hindi makapaniwala ang isip ng binata na sinunod nya ang dalaga ng ganun lang kadali.