Thana's POV (August)
"Oras na po para uminom ng gamot"
Rinig kong sabi ng nurse kaya tumagilid ako ng higa at nagtakip ng kumot. Ayaw na ayaw Kong uminom ng gamot dahil wala naman akong sakit.
"Oh sige, gusto mo bang kumain?" Tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.
"Ilalagay ko na lang dito ang pagkain at gamot mo para pag nagutom ka kumain ka na lang"
Tumunog ang pinto hudyat na umalis na siya. Inalis ko ang kumot sa katawan ko at bumangon. Tinitigan ko lang ang pagkain at gamot na nasa mesa, hindi ako nagugutom... Hindi ako nakararamdam ng gutom kahit pa gaano kasarap ang pagkain na binibigay nila sakin.
Tatlo ang gamot ko na kailangan kong inumin sa bawat araw. Minsan hindi aalis ang nurse hangga't hindi ako kumakain at hindi ko iniinom ang gamot kaya wala akong ibang magawa kundi ang kumain at inumin ang gamot pero...hindi ko nilulunok ang gamot na kapag umalis siya ay niluluwa ko ito at tinatapon sa toilet.
Matagal na ako dito sa hospital na ito, maayos pa naman ang lahat habang nag aaral ako, nakakaya ko pa naman pero hindi nagtagal ay sumuko na ang katawan at isip ko na mapanggap sa harapan nila na ayos lang ako, na wala lang Ito.
Bawat araw na lumilipas ay walang nagbabago...sa akin. Ayaw ko ng magpanggap sa harap nila...hindi ko na Kaya. Hindi ko kayang suotin ang masayang maskara ko.
Bumalik ako sa kama at nahiga dito. Nakatingin sa kisame na parang ito na lang ang kasiya-siyang ginagawa ko tuwing nakahiga ako. Tuwing hindi ako makatulog ay nakapako lang ang mata ko sa puting kisame.
Bumukas ang pinto at pumasok ang psychologist ko na binabayaran ng aking ina para magamot ako.
"Pwedi niyo na po siyang iuwi sa bahay pero kailangan niya pa ring inumin ang mga gamot" Sabi ng doctor kay mommy.
" Manang paki-ayos na po ang mga gamit niya."
Agad namang kumilos ang katulong namin para kunin ang mga gamit ko at ilagay sa maleta.
"Anak, uuwi kana" Sabi niya sakin habang nakangiti.
Sa bahay o dito wala pa ring mababago sakin. Bumangon ako at umupo.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Halika ka na"
Naglakad kami palabas habang nakahawak siya sa kamay ko. Ang labas...matagal na akong hindi lumalabas kahit pinipilit ako ng nurse na magpa-araw. Nakasara ang bintana ko sa gabi at kahit sa umaga. Wala akong ginawa kundi ang matulog, kumain minsan at isipin ang mga bagay na nagbigay sakin ng sakit.
Nakakatawang isipin na ako ang nagbibigay sakit sa sarili ko.
Paglabas namin ay dumiretso kami sa isang kotse na naghintay sa amin...ito ang kotse niya.
"Gusto mo bang kumain muna bago tayo umuwi?"
Nakatingin ako sa labas ng bintana, mga buildings, mga tao na may kanya kanyang ginagawa. Mga taong nagkakatuwaan, nakalimutan ko na kung anong pakiramdam na maging masaya.
"Thana" umiling lang ako sa kanya.
Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at ni-lock ang pinto. Sinandal ko ang katawan ko dito at huminga ng malalim. Walang nagbago sa ayos ng kwarto ko mabilan sa beddings ko na dati ay puro itim ngayon ay puti na at may maliliit na bulaklak bilang disenyo.
Hinubad ko ang sapatos ko at pumunta sa banyo para maghilamos. Naalala ko ang salamin sa banyo, sinuntok ko ito kaya nabasag pero ngayon ay maayos na. Kompleto pa rin sa gamit na mga kailangan ko.
"Thana ,open the door. I need to talk to you about your school"
Binuksan ko ang pinto at umupo sa Kama.
"napag isipan ko na mas maganda kung itutuloy mo ang pag aaral mo. What do you think?"
Tumango na lang ako bilang sagot. Kahit kailan sarili niya lang ang iniisip niya.
"Good, I have already talked to the president of your new school and settled all. "
"New School?"
" Yes honey, I enrolled you sa ibang school para mas mabilis ang paggaling mo. And you might have a new friends there."
Bagong school, bagong classmates, bagong environment at kailangan kong mag adjust pero hindi...hindi ako magkakaroon ng kaibigan.
"Next week pa naman ang pasok mo kaya magpahinga ka muna at ihahanda ko ang mga kailangan mo sa school." Hinalikan niya ako sa noo bago umalis.
Buong buhay ko wala akong ginawa kundi ang sundin lahat ng utos nila na wala silang naririnig na reklamo galing sa akin. Hindi ako nagsasabi ng problema ko sa kanila, ewan ko kung dahil ba sa pagiging introvert ko.
Sa panananitili ko ulit sa bahay namin ay wala akong ginawa kundi ang humiga at matulala, matulog sa madaling araw, kumain ng sapilitan at kung minsan ay naririnig ko ang iyak niya sa kabilang kwarto. May puso pala siya, nasasaktan pala siya...kasalanan naman niya eh kaya wala siyang ibang masisisi.
Mabilis dumaan ang araw, nakahanda na ang gamit ko sa pagpasok. Akala niya maaga akong nagising pero ang totoo ay hindi ako nakatulog.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako at kinuha ang mga gamit ko. Naabutan kong may nakahanda ng mga pagkain sa mesa pero wala akong gana.
"Ma'am kain na po kayo" Sabi ng isang katulog.
Nilagpasan ko siya at naglakad palabas. May nakalagay na earphone sa tenga ko, nakikinig ako ng classic music.
Binigay niya sa akin kanina ang address ng school pero kailangan ko pang sumakay ng bus. Naglalakad lang ako habang naghahanap ng bus stop. Dati kasi lagi akong hatid sundo ng driver namin at kung minsan ay sumasakay ako ng taxi.
Medyo malayo na din ang nalakad ko bago ako makarating sa bus stop, may malapit na store malapit dito. Umupo na muna ako sa bench na nandito habang naghihintay.
Ano kayang naghihintay sa akin sa bagong school na papasukan ko?
May humintong bus kaya sumakay na ako pero wala ng bakanteng upuan. Wala akong pagpipilian kundi ang tumayo.
Malakas ang tawanan ng isang grupo ng magkakaibigan sa likurang bahagi. Napa-isip ako kung nagkaroon ako ng kaibigan sana naranasan ko din ang mga bagay tulad ng ginagawa nila. Mailap ako sa tao dahil hindi ako basta-basta nagtitiwala.
Huminto ang bus kaya bumaba na ako, hindi ko alam kung saan ako dadaan. May nakita akong mga students na naka-uniform na naglalakad diretso kaya sumunod ako sa kanila.
Bumungad sa akin ang malaking pangalan ng school.
Libertine University.
Huminga ako ng malalim at tinago ang earphone ko. Tiningnan ko ang schedule ko para malaman kung saan ang first subject ko.
Nasa third floor ito.
Nakayuko akong naglalakad sa hallway, hindi ako tumitingin sa kanila kahit rinig ko ang mga sinasabi nila.
Pagpasok ko sa room ay umupo ako sa pinaka likod dahil ayaw ko sa lahat ay ang mga mata nila na nakatingin sa akin.
Fourth year college na ako, BSE. Pangarap kong kumuha ng Fine arts pero ayaw niya kaya heto ako naghihirap sa kursong ayaw ko. Ang kailangan ko lang ay ang maka-graduate at makawala sa kanya.
Nagsidatingan na din ang iba pati na din ang prof namin. Puro discussion lang ang ginagawa niya kaya nakakaantok. Hindi ako interesado sa tinuturo niya kaya ipinatong ko ang ulo ko sa mesa at ginawa kong unan ang kamay ko.
Nagising ako dahil may tumatapik sa balikat ko.
"Tapos ng magturo si Prof pero tulog ka pa din kaya ginising kita." Kaklase kong babae na parang clown dahil sa kapal ng make up sa mukha.
Kinuha ko ang bag ko at lumabas pero sumunod siya sakin.
"Hello, ako nga pala si Freysa. Ngayon lang kita nakita dito ah, siguro transferee ka. Ang cafeteria pala ay nasa kabila, hindi dito."
" Wag mo akong sundan" malamig kong sabi sa kanya.
" Bago ka lang dito baka maligaw ka at wala kasi akong...kaibigan"
" Hindi ko kailangan ng kaibigan"
Binilisan ko ang lakad ko para makalayo sa kanya pero nakasunod pa rin siya.
" Malungkot ang buhay mo kung wala kang kaibigan, wala kang kasama mag shopping, kumain sa cafeteria."
Huminto ako at hinarap siya "Wag kang lumapit sa akin Kung balang araw lalayuan mo lang din ako." Sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mata niya at iniwan ko siya.
Wala pa akong gana kumain kaya maghahanap ako ng lugar dito sa school na pweding pagtambayan. 'Yung tahimik sana dahil ayoko sa maingay.
Dinala ako ng aking mga paa sa library kaya dito ko na lang uubusin ang oras ko sa pagbabasa. Inilagay ko ang bag ko sa isang upuan at naghanap ng pweding mabasa.
Pumunta ako sa poetry section.
Naputol ang pagbabasa ko dahil may umupo sa harap ko. Humarap siya sa akin at ngumiti. Binalik ko na lang ang tingin sa binabasa ko.
"Mahilig ka sa mga tula?" Tanong niya.
Hindi ko siya pinansin, kinuha ko ang bag ko at tumayo para lumipat ng upuan. Ayaw ko talaga ang pakikipag-usap sa iba. Wala namang maitutulong ang mga salita nila sa buhay ko kaya bakit ko sasayangin ang oras ko sa kanila.
"Ouch...'yung puso ko, bakit mo ako iniwan?" Rinig Kong Sabi niya at kunwaring umiiyak.
"Ahem...ayaw pa istorbo?" Umupo siya sa tabi ko dahilan para mainis ako.
"Ngayon lang kita nakita dito at ngayon lang ako nakakita ng isang magandang bulaklak sa school na ito. Sabihin mo sa akin kung paano ka naligaw dito?"
"Alam mo bang nasa library tayo?" Tumango Naman siya. "Kaya 'wag kang maingay."
" Pwedi ko bang malaman ang pangalan mo?"
Binalik ko sa book shelf ang libro at iniwan ko siya doon. Ayaw ko sa mga taong katulad niya.
Ayaw ko ng kinukulit ako.
"Ako nga pala si Moros" Sigaw niya kaya agad siyang sinita ng librarian.
__________________________________
Pain changes people. It makes them trust less, overthink more and shut people up.