Chapter 2

"Ano?" tila hindi ko naiintindihan ang sinabi niya. Sumimangot siya bigla at nagmukha lang siyang bata na tila hindi binigyan ng candy.

"Time traveler din ako, tanga"

Napamaang ako sa sinabi niya.The h*ck? ako? sinabihan ng tanga? " anong Sabi mo! ha!" galit kong sabi habang walang tigil sa pambabatok sakanya samantalang siya ay panay naman ang iwas.

"teyka! ano ba, nagbibiro lang ako"

"talaga? nagbibiro kalang ha! gago ka" at sa sandaling ito ay nabatukan ko na talaga siya.

"aray!"

"umaaray kana ngayon? dapat 'ouch' ang sabihin mo. English ka diba?" sarkastong sabi ko sakanya habang nakapamewang. Hinihimas naman niya ang noong tinamaan ko at nagtaka naman ako nang bahagya siyang tumawa.

"anong english ako? tao ako hindi english" natatawa niyang usal at sandali akong natigilan nang napatitig ako mismo sa mukha niya. Biglang naging singkit ang mga mata niya dahil sa pagtawa niya. Nakakainggit din ang ganda ng kanyang maputi na ngipin.

Bigla akong napailing at bumalik sa realidad pagkatapos ay binatukan ko siya ulit. This time ay dama niya talaga ang sakit dahil kita ko naman iyon sa mukha niya.

"Pilosopo ka pa! Hayst! Go away Stress!" sabi kopa sabay wasiwas sa kanan kong kamay na para bang siya ang stress na pinapalayo ko. Wala akong pasabing naglakad palayo sakanya habang nililibot ko ang paningin sa paligid. Napangiti nalamang ako nang makaramdam muli ako ng ginhawa.

Ang buong paligid ay masyadong malawak at payapa. Napapalibutan ito ng maraming Iba't ibang puno, halaman at mga bulaklak. Mula sa malayo ay makikita mula dito ang isang malaking falls kung saan pwede kang maligo. Napatingala ako sa himpapawid at nakikita ko ang mga iba't ibang klaseng nilalang na may pakpak ang kasalukuyang masayang lumilipad katulad ng mga iba't Ibang klaseng ibon, mga dream fairies, pegasus at marami pang iba.

Ito ang mundo ng paraiso. Ang mundong ginawa ko. Hindi ko alam kung papaano ko nagagawa ang isang bagay, kung ano ang gusto kong isipin ay nangyayari, kung ano ang gusto kong bagay ay bigla nalang lilitaw. Masaya at sobrang payapa lang ang mundong ito hindi tulad ng mga panaginip ng mga tao na binibisita ko. Maraming problema, hindi payapa, hindi masaya pero meron din namang naaaliw ako sa panaginip ng iba kaso nga lang ay minamalas yata ako dahil sa tuwing pumapasok ako sa pinto ay palaging malulungkot lang na mga panaginip ang nalalakbay ko.

Kaya minsan mas gugustuhin ko nalang manatili dito sa mundong ginawa ko kaso ang kaibahan nga lang ay walang tao maliban sakin. Kaya nga naglaklakbay ako para makasalamuha ng iba't Ibang klase ng tao pero hindi ko naman hiniling na makakasalamuha ako ng walangyang Tao!

Napalingon ako bigla sa may likuran ko at hinanap ng paningin ko ang lalaking bigla nalang nakapasok sa mundo ko. Pinagsingkitan ko ito ng mata nang makita ko itong naaaliw at bakas sa mukha nito ang pagkamangha habang panay ang tingin sa ibat ibang parte ng lugar na nilikha ko. Bahagya akong nagulat nang akmang pipitasin niya sana ang isang red rose na malapit sa isang acacia tree.

"subukan mong pitasin yan malilintikan ka talaga sakin" giit kong sabi at napalingon naman siya sa kinaroonan ko. Agad siyang napatayo at ngumiti.

"bawal ba?" curious niyang tanong. Tinaasan ko lamang siya ng kilay na para bang sinasabi kong 'di ba obvious?'

"Taray mo naman"

"paki mo"

tumawa lamang ito at lumapit sa kinaroonan ko. " So anong gagawin natin?" tanong niya at umupo malapit sa kinatatayuan ko. Ang magkabila niyang siko ay nakapatong sa magkabila niyang tuhod habang ang tingin niya ay nasa malayo.

napakunot ang noo ko . "Ano bang sinasabi mo?" inis kong sabi pero imbes na sagutin ang tanong ko ay nagtanong pa siya ulit.

"anong lugar to?". napairap nalamang ako.

"bakit ba tanong ka nang tanong?"

"curious lang"

"diba dream traveler ka? dapat alam mo na ang lugar nato" biglang naging seryoso ang aura niya sa sinabi ko pero hindi ko alam kung bakit kalungkutan ang nakikita kong emosyon sa mga mata. Wala sa sarili akong napaupo narin sa berdeng damo at napasandal nalang sa hindi gaano kalaking puno.

napalingon siya sakin at nagtaka pa ako nang umusog siya nang umusog hangang sa marating niya ang kinasasandal ko at sumandal din sa puno.

"Dun ka nga! inggit ka rin noh?" ngumisi lamang siya at hindi pinansin ang sinabi ko. Napabuntong hininga nalamang ako sa inis.

"I'm not really a dream traveler" mahina niyang usal. Napalingon ako sakanya nang may pagtataka.

"so ano ka? lucid dreamer? goblin? vampire? fairy? sereno na naging tao?" tanong ko pero hindi man lang niya sinagot ang mga tanong ko.

"I just want to run away from the truth but I think I took the wrong path" walang emosyon niyang sabi saka nilingon ako.

"you mean the reality?" patanong kong sabi. Tumango siya at ngumiti pero iba ang sinasabi ng kanyang mga mata. Alam kong hindi siya masaya at hindi ko alam kung bakit malungkot ang lalaking to at wala naman akong balak na magtanong dahil hindi naman ako interesado.

"Alam mo? bawal ang maging malungkot dito" tumayo ako at itinaas ang dalawa kong kamay na para bang pinagyayabang ko sakanya ang mundong ginawa ko.

"this is my paradise and it is forbidden to be sad here" ngumiti ako sakanya at nakapamewang na hinarap ang lugar kung saan nakikita ko mula dito ang syudad na ginawa ko.

"so anong plano mo?" biglang seryoso kong sabi. Kahit na hindi ko siya lingonin ay ramdam kong nakatingin siya sakin.

"Hindi ko alam. Basta may nabasa lang ako sa isang website kung pano tumakas sa realidad. Ginawa ko lang ang mga dapat gawin at ito ako ngayon hindi ko na alam kung saan ang daan pabalik" kunot noo akong humarap siya ngunit bigla rin akong napaatras nang napagtanto kong nasa likod kolang pala siya. Napaatras ako nang kunti.

"Website?" what the h*ck! ibig sabihin hindi nga siya nabibilang sa mundong to?

"yup, nakasaad lang dun kung paano tumakas sa realidad habang natutulog"

nagulat ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan. Shit! bakit ngayon kolang naisip yun? Tao siya na nanggaling sa realidad?

"ibig sabihin natutulog ang katawan mo ngayon sa realidad?" paninigurado ko pa , baka kasi nagkakamali lang ako.

"hmm"

"hindi ka nga pwede dito!" galit kong sigaw sakanya bagay na nagpagulat sakanya.

"bakit?"

"bakit? Tanga kaba? gumawa ka nang bagay na hindi mo alam ang mga consequences? yung totoo? hindi mo alam kung ano ang dapat mong gawin noh?"

"actually—

"hindi" ako na ang tumapos sa sasabihin niya. " you know what? you need to leave"

"what? I don't even know how to wake up. I—i'm stuck" halos pabulong na niyang sabi sa huling kataga. Napailing ako.

"Ilang araw kana dito?"

"I don't know. Ang alam ko lang ay yung amusement park na ang ikatlong panaginip na napuntahan ko"

napabuntong hininga ako at kahit hindi koman tignan sa salamin ay alam kong stress na ang buong pagmumukha ko.

"kailangan mong bumalik sa unang panaginip na napuntahan mo at dun! magigising kana"

"pero pano ko gagawin yun?"

"pumasok kalang sa pintong yun. pumasok kalang nang pumasok hangang sa mahanap mo na ang panaginip nayun"

"pero pano kung hindi na ako makabalik? pano kung maligaw ako? mas mabuting dito nalang ako kaysa bumalik dun sa realidad"

"Aba hindi kona problema yun. Basta hindi ka pwede dito kasi bawal ang tao dito sa mundong to!" na fru-frustrated kong sabi.

"bakit nga kasi"

"kasi unti unting guguho ang mundong to! pinaghirapan kong gawin to, okay? kaya umalis kana please, hindi pwedeng manatili ang isang tao dito dahil maraming mga nilalang ang may gustong manatili dun sa mundo mo. Malakas ang pang-amoy ng mga nightmare creature o mas kilalang nighture. Gagawin nila ang lahat para magkapalit kayo ng buhay at kapag nangyari yun, ikaw ay magiging siya sa mundong ito at siya ay magiging ikaw sa mundo mo at madadamay pa ako" mahabang paliwanag ko sakanya para makombinse siyang wag manatili dito.

tahimik lang siya at alam kong nag-iisip na siya sa kung ano ang dapat gawin. Tumango siya at napatayo "Sige, basta tulungan mo lang akong makabalik"

ilang segundo muna akong natahimik at nag-isip. Wala namang masama kung tutulungan siya at panibagong adventure din to sa pabalik balik kong routine sa buhay. Ngumiti ako sakanya, isang ngiting nangangahulugang payag ako sa sinabi niya.

"okay deal"