Chapter 4

Ilang minuto na ang nakalipas at nandito parin kami sa gitna ng gubat. Mabuti nalang at tanda ko pa ang daan papunta sa kaharian ni Aletheia dahil kung hindi talagang maliligaw kami. Sa mundo kung saan ako nakatira ay sadyang malayo pa ang lalakbayin ko papunta sa kaharian ng panaginip.

Kailangan ko pang maglakbay sa gitna ng gubat pagkatapos ay sa dulo nito ay makikita mo ang isang malinaw at malawak na lawa na pinalilibutan ng mga makikislap na mga nilalang, mga bulaklak at mga iba't ibang kulay ng dahon ng mga puno. Pagkatapos mong makarating doon ay may makikita kang mahabang tulay na gawa sa ginto habang ang mga railings nito ay mga halaman, bulaklak at sanga ng kahoy.

at marami kapang kailangan madaanan bago mo marating ang kaharian Kaya nga minsan ay mas gugustuhin konalang ang manatili sa mundo ko kaysa pumunta sa kaharian. Maliban sa mahaba pa ang lalakbayin ko ay nakakapagod ding maglakbay lalo na at hindi ako pwedeng makapaglakbay sa ibang panaginip ng tao sa oras na makatungtong ang paa ko sa 'The Golden Bridge of Aurora' , at isa pa ay hindi ako komportable sa tuwing dumadaan ako sa bridge nayun parang hinihigop ako papunta sa ibang lugar na hindi ko alam kung saan. Basta nalang ako nanghihina pero nakakayanan ko naman dahil kasama ko naman noon si Aletheia at ibang mga creatures na nakatira dito.

Ewan ko nalang kung makakatawid ako hangang dulo lalo na at isang hampaslupa ang kasama ko.

Pasimple ko siyang nilingon. Tahimik lang siyang naglalakad na para bang may malalim na iniisip. Simula nung narinig niya ang sagot ko sa tanong niya ay naging tahimik na ito at naging seryoso, bagay na pinagtataka ko.

" Wag kang masyadong malayo, Delikado" seryoso kong sabi sakanya. Mabilis naman siyang naglakad papalapit sakin at sumabay sa paglalakad ko. Tsk! akala mo naman na alam niya ang daan, may nauunang lakad pa siyang nalalaman.

"Bakit delikado?" nilingon niya ako pero tanging nasa daan lang talaga ang paningin ko.

huminga ako ng malalim. " ang gubat nato ay tinatawag nilang 'Echanted Wood of Leaf'"

"ang weird naman ng pangalan" napangiti ako sa sinabi niya.

"lahat ng pangalan ng mga lugar at bagay nila dito ay weird kaya masanay kana" napatango tango lamang siya at naghihintay sa susunod kong sasabihin.

"Ang gubat na ito ay may nakatirang mga iba't ibang klase ng nilalang na hindi mo pa nakikita sa mundo mo"

"may alam ka tungkol sa mundo ko? sa mundo naming mga tao?" curious niyang tanong sakin.

umiwas ako ng tingin sakanya at sa daan ko nalang itinuon ang paningin ko. " Oo naman, may nakapagsabi kasi sakin na ang mundo daw ng mga tao ay hindi patas, marami ang mga masasamang nilalang kaysa sa mabuti, maraming naghihirap at nagdudusa" tulala kong sagot sakanya at wala sa sariling napalingon muli sakanya. Napatigil ako sa paglalakad nang marating na namin ang dulo ng gubat.

Mula dito ay nakikita ko na ang tinatawag nilang 'The lake of Sirene', ang malawak at malaking lawa kung saan nakatira ang mga sirena.

Agad kong hinawakan ang palapulsuhan niya nang akmang magpapatuloy na sana siya sa paglalakad. "Alam mo ang daan? ha?" sarkastong sabi ko sakanya. "Tsk, hindi naman pala eh" padabog kong binitawan ang palapulsuhan niya at naunang naglakad.

"Wag kang masyadong lumapit sa lawa na iyan dahil masyadong malalandi ang mga sirena dito baka mabiktima ka pa lalo na't hindi kapa taga rito" nakakrus ang dalawa kong braso sa harap ng dibdib ko habang nakatanaw sa lawa na sa ngayon ay payapa at tahimik lamang.

"Malalandi talaga?"

sarkasto akong napangiting napalingon sakanya. "Masyadong nakakahumaling ang mga malamig nilang boses kaya sa oras na magpapadala ka, parang hini-hypnotized nila ang isipan mo at yun!" pinitik ko ang daliri sa malapit mismo sa pagmumukha niya. "habang buhay kang magiging kabiyak nila"

"eh mas delikado pala dito sa mundo niyo"

"Tsk" napailing akong napangisi "Wala namang talagang mundong ligtas. Lahat ng lugar o kung anomang mundo ay delikado kapag may mga tao"

napatitig siya sakin at tang*na naiilang ako sa titig niya lalo na't pakiramdam ko ay lagpas kaluluwa yung titig niya.

"Sobrang ganda kona ba? titig na titig ka masyado"

bahagya siyang napatawa at napailing "Ambisyosa, hindi pwedeng sobrang pangit mo lang talaga"

matalim ko siyang tinignan at pinigilan ang sarili kong wag siyang sabunutan. Napaharap nalang ako sa 'The lake of Sirene' , kumikislap na ito at nagsimulang nagsilabasan ang mga lumilipad na mga alitaptap at iba pang nilalang na nakatira sa lawang iyan. Nakikita ko mula dito ang mga maliliit na pixies, may mga leprechauns din akong nakikita na nagsisilabasan na sa maliliit nilang bahay na nakalutang sa ibabaw ng lawa. Napangiti ako nang makita ko ang isang dwarf sirene na nakaupo sa isang water lily. Ang dwarf sirene ay mga sirenang na hangang 5 inches lang ang laki, may mga sirenang kasing laki din ng tao pero kadalasan sakanila ay lumalabas lamang sa umaga.

Masyado nang malalim ang gabi at mahaba pa ang lalakbayin namin. Nilingon ko siya. Namamangha niyang pinagmasdan ang lahat na nangyayari ngayon sa 'The lake of Sirene' na para bang ayaw na niyang tanggalin ang tingin niya rito. Napatingin ako sa magkabila niyang kamay na nakasuksok sa bulsa niya.

"may laman ba yang bulsa mo?" napalingon siya sakin at napangiti. Tsk! gwapo din pala ang kumag kaso mas nangingibabaw ang pagiging hampaslupa niya haha.

"meron"

"weh?"

"meron nga" natatawa niyang sabi at lumapit sakin. Natatawa narin ako sa hitsura niya. Para kaming mga timang na kahit walang nakakatawa ay natatawa kami sa isa't isa. Siguro natatawa kami sa mga hitsura namin. Gagi! nahawa pa ako sa pagiging timang ng lalaking to.

napatingin ako sa nakakuyom niyang mga palad. "hulaan mo anong laman" sabi niya.

napaisip naman ako kung ano. "kwentas? bracelet?"

Hindi niya ako sinagot bagkus ngumiti lamang siya sakin at mas lalo pang lumapit. Hindi ko alam kung bakit hindi umaayon ang katawan ko sa gusto ng isipan ko. Gusto kong umatras pero nanatiling nakapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at manatili na lamang.

Hindi ako makapagsalita at nakakatitig lamang kami sa isa't isa. Napalingon ako sa nakakuyom niyang kamay na dahan dahang bumukas at lumitaw ang isang alitaptap na isa sa mga nagbibigay ng liwanag sa madilim na kapaligiran.

"Anong hiling mo?" tanong niya bigla habang nakatitig parin sakin. Naka-ilang kurap na ako sa mata at hindi man lang ako makagalaw dahil sa kaba, sobrang lapit namin sa isa't isa at hindi ako sanay.

"bakit naman ako hihiling?" nakataas kilang kong sabi sakanya at sa wakas ay nakayanan ko nang umaatras. Mahina ko siyang tinulak sa kanyang kanang balikat gamit ang kanan kong kamay.

"masyado kang malapit" natawa naman siya sa sinabi ko.

"Sa mundo namin, kapag nakahuli kami ng alitaptap sa gabi, humihiling kami" sabi niya. "So anong hiling mo?"

"Tsk, bakit ko sasabihin? baka hindi matuloy pag sinabi ko sayo"

"edi wag mo nalang sabihin"

natahimik ako at napa-isip. "Hindi ko alam kung ano ang hihilingin ko. Nagagawa ko naman ang gusto ko at para sakin nasa akin na ang lahat kaya—" umiling ako ng ilang beses. "hindi ako hihiling, ikaw nalang ang humiling total ikaw naman ang nakahuli"

napabuntong hininga siya at hinarap ang lawa samantalang ako ay nakatingin lamang sakanya. "sasabihin ko nalang sayo pag alam ko na kung ano ang magiging hiling ko"

"kahit wag mo nang sabihin" giit kong sabi.

"Pero kung sakaling mawala ang pagiging dream creature mo sa mundong to at maging isang tao na kagaya ko. Ano ang gusto mong hilingin?"

napangiti ako at saktong paglingon niya sakin ay biglang nawala ang ngiti sa labi ko. Napatitig ako sakanya at ngumiti muli, isang tunay na ngiti.

"Wala naman akong pakialam kung mawala ang lahat sakin. Isang bagay lang naman ang gusto ko"

"ano?"

"Ang maging masaya"