2

Marahan kong isinara ang pinto ng kwarto ko. Kakarating ko lang galing sa Brewed at dito ko napagpasyahan na matulog ngayong gabi. Minsan lang ako dito sa ROSE dahil minsan lang din ako nakakakuha ng mission.

Nasa level 4 ako means nasa mataas na rank ang pwesto ko dito. Sa mga mahihirap na task din ako napupunta like kailangan kong mag under cover sa mga masasamang tao na inaabot ng ilang araw o minsan ilang linggo bago namin sila mahuli. Mas mahirap ang level 5 dahil pwede kang papuntahin sa ibang bansa for the mission. Nasa level 5 si Yohan kaya nasa ibang bansa sya for 6 months. Hindi ko alam ang mission nya kasi confidential daw iyon. Si boss Rigo at si Yohan lang ang may alam. Kahit nga si Helena walang alam sa mission ng kambal.

Dumiretso ako sa banyo para makapaligo bago matulog. Tinimpla ko ang tubig sa bathtub at lumublob doon kahit nakadamit. Mahirap na baka  biglang pumasok ang lalaking iyon dito at maabutan akong hubo't hubad. Bakit kasi binigyan ko ng access ang taong iyon para makapasok dito?

Ineenjoy ko ang pagbabad ko ng maalala ko si Yohan kanina. Hayyyy kung tutuusin dapat talaga hindi ko sasagutin ang kumag na iyon kung hindi lang taksil ang puso ko. Matagal ko ng gusto si Yohan.  Sir Rigo offer me the job and tell me the salary. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon kaya umagree ako. Hindi dahil sa sweldo ang pagsama ko pero dahil gusto ko talaga ang trabaho.

Im 18 that time and also nag-aaral pa ako nun. Every weekend ang training namin kaya ang ending ko tuwing Monday ay mukhang ako robot. Masakit sa katawan pero ng tumagal naging immune na ang katawan ko. After training for 3 years na promote ako bilang part ng agents. Level 1 ako noon at puro lang for finding evidence lang ang trabaho. It's good kasi doon ko lang nalaman na gumagana pala ang utak ko.

After months naglevel 3 ako agad and then I meet Helena and Yohan. Hindi ko sila noon nakikita kahit trainee palang ako. Matagal na daw silang agent and level 3 agad ang nakuha nila ng napromote sila. Yohan is so handsome that time and my heart flip when we do shakehands. Palangiti ang lalaki at makulit lalo na sa mga agents. May pagkamadaldal din ito. I secretly glance on him saka ako iiwas kapag may naramdaman syang nakatingin sa kanya.

When we got level 4, he become so annoying. Well sakin lang kasi pakialamero na sya. Lagi kaming pinatatandem ng boss namin sa mission. Tas ang plano na ako ang manghuhuli sa target sya ang gumagawa. Lahat ng role ko sa plano namin sya ang gumagawa. And it sent me to dislike him. Even though crush ko parin sya dahil taksil nga ang puso ko, mas pinaibabaw ko ang pagiging galit sa kanya.

Kaya hindi nabago ang level ko samantalang sya nag level 5. Mabuti nga iyon at hindi ko na sya makikita minsan kapag may mission sya out of the country.

"Ganyan ka pala maligo Lore, nakadamit" tinig ni Yohan.

Nilingon ko ang lalaking nakahilig sa pader at nakaharap sakin. Buti nalang talaga at hindi ako nagtanggal ng damit. Inirapan ko ang lalaki at inabot ang sabon ko saka pinabula ang tubig.

"Layas na. Maliligo na ko" pagpapalayas ko sa kanya. Hindi sya umalis o gumalaw sa kinatatayuan nya. Ngumiti lang ang loko sakin.

"Gusto mo tulungan kita? Nakaligo na ko pero maliligo ulit ako para sayo"

"Subukan mo Quintanilla! Lumayas ka na dito!" Galit kong tugon.

Lumapit sya sakin at tumayo sa gilid ng bathtub. Akmang huhubarin na nya ang pang itaas nya ng wisikaan ko ang mukha nya at pinagbantaan.

"Paghinubad mo yan lalaki, makikipaghiwalay ako sayo. At pagsinabi kong break, break talaga" masamang sabi ko sa kanya.

Tinignan nya ako habang nasa leeg na ang t shirt nya. Nakabalandra sa harap ko ang 6 pack abs nya. Walang epekto sakin yan dahil lagi na kong nakakakita nyan dito sa ROSE at minsan sa gym na binibisita namin ni Helena. Nakipagtagisan ako ng tingin sa kanya. Hindi dapat ako maapektuhan ng pandesal nya. Hindi!

"Are serious about break up thing?" Sabi nya habang nakatingin sakin.

Tumango ako sa kanya na hindi tinatanggal ang tingin sa kanya. Ilang saglit lang ay bumuntong hininga sya at inayos ang damit. Yumuko sya palapit sakin at hinalikan ang ulo ko at nagpaalam na mag-aantay sa labas.

Malakas akong bumuga ng hangin ng nalock nya ang pinto ng banyo. Dali-dali akong naghubad at naligo. Pagkatapos ay naglakad sa shower para magbanlaw. Nakatapis akong nagtoothbrush at naalala kung hindi pala ako nagdala ng damit. Natampal ko tuloy ang noo ko. Nasa labas pa naman si Yohan.

Nasa pinto na ko ng banyo at nakakapit sa sedura ng pinto. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon pero dapat talagang lumabas ako doon dahil baka magkasakit pa ako dahil sa malamig ang banyo pagnagtanggal ako. Saka boyfriend ko naman sya eh wala naman sigurong kaso kung lalabas lang ako at kukuha ng damit at babalik dito sa banyo.

Huminga ako malalim bago ko pinihit ang sedura. Dumungaw muna ako at nagulat akong walang tao sa labas. Lumabas na ko ng tuluyan para tignan kung talagang wala doon si Yohan.

"Mukhang wala nga. Hayyys makakuha na nga ng damit"

Dumiretso ako sa closet at binuksan iyon. Kumakalkal ako ng doon ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Yohan. Hindi pa atah sya oriented na nakaganito ako. Dumiretso sya sa kama ko at tinignan ko sya kung alam nya bang nandito ako sa paligid at nakatapis ng twalya.

Siguro napansin nyang nakatingin ako sa kanya kaya napatingin sya sakin. Gulat ang ekspresyon nyang nakatingin. Walang nagsasalita saming dalawa. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa utak ko na ideya. Nakita kong nagbago ang ekspresyon nya at bigla tumayo sa kama. Napasinghap ako nang nasa tapat ko na sya at nakangiti.

Kumakabog ang dibdib ko at kapit na kapit ang isa kung kamay sa twalya. Hindi sya nagsasalita kaya mas lalo akong kinakabahan.

Nakita kong nag-iba ang direksyon ng mata nya. Bumaba iyon at walang sabing hinalikan ako. Hinawakan nya ang batok ko at baywang sabay hapit saakin palapit. Mas lalong lumalim ang halik nya saakin na naging dahilan para ibigay sa kanya ang kagustuhan nyang ibalik ang halik.

Mas naging mapusok ang halikan naming dalawa. Ang dalawa kong kamay ay pumalibot sa kanyang leeg para mas lalong mapalapit sa labi nya.