6

Dahan-dahan akong dumilat dahil sa ingay ng paligid. Una kong nakita si Helena na may pag-aalala sa mukha. Sunod ay si Divina at Fran at iba pang agents.

"Gising ka na L. Buti naman at nagkamalay ka na" masayang sabi saakin ni Helena.

"Matagal ba akong nakatulog?"

"Isang araw ka ring walang malay." Sagot nya. "Buti na lang at tumawag ang ex-butler ni Gallion na nasa ospital ka at tinamaan ng dalawang bala. Nag-aalala kami kaya pinuntahan ka namin agad"

"Kamusta si Herera? Iyong butler nya?"

"Nahuli na namin sya. Iyong dati nyang butler na si Zak ang nagbigay saamin kay Gallion. Sya rin pala ang nagpadala na bantayan ang dating amo dahil sa kagustuhan nitong patayin si Sanchez. And Zak told the truth"

"Anong sabi nya?"

"Zak is in love with Sanchez." Pasimula ni D. "It's a love triangle. Gallion is in love with Zak too. Sanchez and Zak become couple after Zak quit his job on Herera. Sa kagustuhan na mapunta kay Herera ang dating butler, pinagbabantaan nya si Sanchez"

"And that's how the story goes. Zak wanted to protect his lover. Mas pinili nyang pabantayan ang dating amo at sya naman ang magbabantay kay Sanchez. Ayaw nyang dumanak ang dugo sa pagitan ng dalawa." Pagtuloy ni Fran.

"Mukhang nakatunog si Herera sa gustong gawin ni Zak kaya pinuntirya ka nya." Alalang sabi ni H sakin.

"Ok lang naman ako. Dalawang bala lang naman ang tumama sakin." Ngiti kong tugon sa kanila.

Di nagtagal ay umalis na ang iba sa kwarto kasama si Fran. Naiwan sina D at H sa loob para daw makipagkwentuhan sakin.

"Hay naku! Kung di lang kailangan bantayan at wala akong kailangan sa kanya, hindi ako magtyatyaga sa isang iyon" reklamo ni Helena sa lalaking binabatayan nya ngayon sa misyon.

"Eh bakit narine ka?! Hindi ba dapat nasa bahay ka nya at nag-aala yaya?" Sabi sa kanya ni D.

Inirapan nya si Divina at ako ang binalingan.

"Pagaling ka mare."

Tumayo sya at nagpaalam samin dahil may lulutuin daw ito sa bahay ng kanyang amo. Tinawanan namin sya paglabas nya.

"D, hindi ba dumalaw dito si Yohan?" Nilingon ko si D.

"Ewan ko, L. Hindi ko rin sya nakikita dito sa ROSE. Mga ilang araw na nga sya ditong di umuuwi base kay Fran. Alam mo naman na laging nasa lungga iyong babaitang iyon"

"Kahit sakin nga hindi iyon nagpaparamdam ng mga ilang araw na" sumimangot ako. "Wala ba syang misyon ngayon?"

"Ang alam ko wala. Saka ang tagal nya sa last mission nya. Paniguradong hindi sya bibigyan ni boss"

Hindi na ko umimik. Iniisip ko kung saang lupalop sya nagsusuot ngayon. Hindi nya ba alam na nakaratay ako ngayon? Hindi man sakin bumisita! Hmmmp!

"Una na ko L. May aasikasuhin pa pala ako" paalam nya sakin bago lumabas.

Naiwan na lang ako dito. Gusto ko sanang umupo ngayon pero masakit gumalaw. Mukhang malalim ang tama ko.

Bored na bored akong nakahiga at namalayan ko nalang na nakatulog ako. Nagising nalang ulit ako ng hinatid ni Fran ang pagkain ko. Tinanong ko pa nga sya tungkol kay Han pero hindi nya din alam. Malungkot tuloy akong kumain mag-isa dahil umalis agad si Fran. Inantay ko pa sya ng ilang oras pero nakatulugan ko nalang ang pag-aantay kay Yohan.

.....

Pagkalipas ng 2 araw ay nakabalik ako sa Brewed. Masayang binati ako ng mga empleyado ko ng umagang iyon. Dumiretso ako sa opisina at umupo doon.

Hindi nagpaparamdam sakin ang jowa ko hanggang ngayon. Hindi na rin nakabalik si H sa ROSE dahil sa trabaho. Busy din si D at Fran. Hindi ko tuloy alam kung anong iisipin ko ngayon sa lalaking hindi pa rin nagpapakita sakin.

"Saan ba nagsusuot ang lalaking iyon? Humanda sakin iyon. Talagang gagawin ko syang target shooting pagnagtagpo ang landas namin"

Nagpalipas ako ng oras sa loob ng opisina. Hindi muna ako tumulong sa mga empleyado ko dahil na busy ako sa paghahanap ng bagong idagdag sa menu namin. Nagsearch din ako ng mga coffee ideas na pwedeng pumatok sa Brewed.

Nagulat ako ng may kumatok sa pinto at pumasok doon si Jessie. Ngitian nya lang ako ng makita  ako.

"Ahhh.... Mam... Hindi po ba kayo maglulunch?" Tanong nya sakin ng nakalapit sya sa tapat ng table ko.

Napatingin tuloy ako sa orasan ko at nakita kong past lunch time na.

"Ahhh iorder mo nalang ako ng kahi ano Jes. Ok na ko doon." Ngiti kong sagot. Umalis din sya pagkatapos noon.

Hindi ko alam kung tama ang hinala ko pero parang may gustong sabihin sakin si Jessie porket sa lunch?

Kunot noo kong iniisip iyon habang pinapatay ang laptop ko. Lumabas ako ng opisina para tignan ang cafe. Nasa counter na ko ng bigla kong nakita si Yohan papunta sa pinto. Tatawagin ko sana sya ng bigla nyang yinakap ang babaeng nakahawak sa pinto ng store.

Nagpantig ako tenga ko sa mga katagang sinabi nya sa babae bago sya nilingon nito. Hindi ko alam kung papaano ako nakakilos pabalik sa loob ng opisina at ilock iyon bago umupo sa sahig at sumandal sa pinto. Umaagos ang luha ko at kapwa nag-uunahang magsilabasan sa mata ko. Blangko ang utak ko pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa narinig ko sa mismong labi nya kahit mahina lang iyon.

"Mahal kita Bella"

Bulong nya sa babaeng akap nya kanina pero rinig ko iyon. Siguro dahil isa akong agent kaya matalas ang pandinig ko o talagang sinadya ng tenga kong pakinggan ang sasabihin nya. Naiinis ako. Naiinis ako sa kadahilanan na pakiramdam kong may laman ang sinabi nya. Alam kong sinasabi nya din iyon sakin pero bakit parang ang sakit?! Kaya ba hindi sya nagpaparamdam sakin dahil may iba na sya?

Pinunasan ko ang mukha ko at tumayo. Dumiretso ako sa maliit kong banyo at doon tinignan ang sarili ko. Maga ang mata ko ngayon. Naiinis ako sa sarili ko. Dapat hindi ako ganito. Kailangan gumawa akong paraan para malaman ko ang lahat. Hindi dapat ako umiyak dahil lang doon.

Baka nga mamaya ay namisunderstood ko lang ang lahat. Mamaya pala pinsan nya iyon at inaasar nya. Hindi pwedeng mag jump ako sa conclusion na babae nya iyon. Ayokong sirain ang relasyon namin ng dahil lang sa pagoovereact ko.

Mabilis kong inayos ang sarili ko. Kahit medyo halata na umiyak ako. Pwede naman akong mag alibi. Narinig kong may kumatok sa pinto ng opisina. Binuksan ko iyon at bumungad sakin si Yohan.

"Hi babe. Here's your lunch" pakita nya ng paper bag. "Sabay na tay— hey, bakit maga ang mata mo? Did you cry?"

Gusto ko syang tanungin tungkol doon sa babae. Gusto kong syang suntukin kasi nasasaktan ako sa di nya pagpaparamdam sakin ng ilang araw.

"Ahh kasi may nabasa akong malungkot na kwento habang may nagbrobrowse ako. Medyo nadala lang sa story" ngumiti ako para maniwala syang totoo ang alibi ko.

"Talaga babe? Sa susunod wag ka ng magbabasa ng mga tragic ending. Ayokong namamaga ang mata mo sa kakaiyak" alalang sabi nya.

Pinapasok ko sya loob at pinatong nya sa table ko ang paper bag. Kumuha ako ng mga gagamitin namin sa cabinet at nilapag sa table. Sya ang nag-ayos ng kakainan namin bago nya ako hinila sa swivel chair at paupuin sa kanyang lap.

"Let's eat babe. Say ahh" saka itinapat sakin ang kutsara na may kanin at ulam.

Sinubo ko iyon hanggang sa kumain kami ng ganoon ang siste. Matapos nun ay sya rin ang nagligpit at bumalik ulit kami sa position namin pagkatapos. Yinakap nya ako ng mahigpit. Medyo hindi ako naging komportable kaya humiwalay ako. Masakit parin ang sugat kong may benda kahit na nakasarado na ito.

"I miss you Lorelie. Hindi kita nakita ng ilang araw dahil may inasikaso ako." Lambing nito sakin. "Galit ka ba kaya ayaw mong yakapin kita?"

Umiling ako. "Masakit ang sugat ko Han. Hindi pa masyadong magaling ang tama ng bala ko sa balik—"

"What did you say, L? You got shot?! Bakit hindi mo manlang ako tinawagan?!"

"Eh kasi—"

"Sino ang siraulong bumaril sayo?! Papatayin ko sya at ibabaon sa lupa! How dare him! Hindi ako makakapayag na hindi ko sya mapapatay"

"Yohan hindi—"

"I will kill that bastard Nieva! At hindi mo ko mapipigilan!"

"Shut up Yohan Quintanilla! You're being noisy!" Sigaw ko sa kanya at umalis sa kandungan nya. "Ikaw itong hindi nagpaparamdam sakin kung makasigaw ka parang ang layo ko sayo! If you want to shout lumabas ka sa opisina ko!"

"Babe"

"Don't call me that! Hindi mo ko makukuha sa ganyan. How dare you to talk like that, eh ako nga itong walang kaalam-alam kung saan ka nagsususuot. Even your sister don't know! Tapos ako ang sisihin mo! Dahil hindi kita tinawagan, Huh!"

"Babe, its not want I mean"

Masamang tinignan ko sya.

Ako pa pala ang dapat magparamdam saming dalawa, samantalang sya itong bigla di nagparamdam?

"Babe, please. I'm sorry. I'm just worried"

"Hindi ka maggagaganyan kung binisita mo ako sa ROSE. Tatlong araw akong nag-aantay sayong bumisita ka pero kahit anino mo wala"

"May binigay kasi sakin si Boss na trabaho kaya hindi kita matawagan." Sagot nya sakin na kinunot ng noo ko.

"Anong trabaho? Mission ba yan?"

Tumango sya at nagpout sa harap ko. Pero hindi ang sabi sakin ni D ay hindi daw sya binigyan ni boss ng trabaho? Tinanong ko rin si sir Rigo at sumang-ayon sya kaya paano na may binigay sa kanyang misyon ang ama nya sa kanya?

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. Kailangan kung mag-imbestiga kung saang lupalop nagpunta ang kutong lupa na ito at kasama ang babaeng iyon.

"Siniguraduhin mo lalaking misyon iyon dahil kung hindi gagawin kita dart board at hahagisan ng dart"

"Bati na ba tayo babe? Hmmm miss na kita"

"Oo na bati na tayo"

Ngumiti sya ng malapad at binuka ang dalawang braso. Lumapit ako sa kanya at maingat nya akong yinakap. Tinanong nya rin ako kung saan ako tinamaan. Naiinis sya dahil doon. Hindi daw kami pwedeng mag loving-loving dahil sa sugat ko.

Ang hilig!

Pero on the second thought, kailangan ko ng mag ala imbestigador para malaman ko anong tinatago nya.