11

Matapos kong malaman na si Yohan ang nasa driver seat ay hindi na ko nagsalita. Kahit ilang beses nya akong kinukulit at tinatanong ay hindi ko sya pinapansin. Manigas sya dahil may isa pa syang babae. Ok na naman si Bella dahil mabait ito saakin. Hindi sya nagalit na naging kami ni Yohan kahit may sekreto silang relasyon. Kung siguro ako iyon, kinalbo ko na si Yohan.

"Babe, please talk to me. I miss you and I really love you. Pasensya na kung hindi kita sinundan noong umalis ka. Gusto ko kasing bigyan ka space dahil sa sekreto ko na nalaman mo. And H is right. Sana pala noon ko pa inayos ang lahat." Sabi nya sakin habang nagmamaneho. "And about Hannah—"

"Wag mong banggitin ang pangalan ng babaeng iyan dahil nag-iinit ang ulo ko Quintanilla" babala ko sa kanya. Dala siguro ito na buntis ako at inis ako sa pangalan ng babaeng iyon. Maisip ko palang parang gusto ko na syang gawing target at barilin sa ulo.

"Hayyy… paano ko saiyo ipapaliwanag kung hindi sya babanggitin."

"At bakit ka naman magpapaliwanag?" at nagcross arm ako. "Hindi mo na kailangan magpaliwanag dahil wala na tayo Quintanilla."

"No, L. We're still in relationship at hindi iyon mawawala. Hindi ako papayag na dahil lang kay Hannah ay maghihiwalay tayo."

"Sabi ng wag mong banggitin ang pangalan ng babaeng iyon!" sigaw ko sa kanya. "San ba tayo pupunta? Hindi naman ito patungo sa HQ?"

"Kay Hannah" simple nyang sagot saakin.

"What?! At bakit tayo doon pupunta?! Ipapakilala mo ba ako sa kanya at sasabihin na ako iyong kabit mo. Wow! Just wow! Dapat pala nagdala ako ng pasalubong na granada para masurprise sya sa pagdating natin" sakastikong sabi kay Yohan. Tumawa lang sya sa sinabi ko at sinulyapan ako saglit.

"Baka nga ikaw ang masurpresa kapag nakita mo sya. Hormones. Hmm mukhang mahihirapan ako sayo dahil buntis ka na. Pero pwede parin tayong magloving loving kahit ganoon"

Sinamaan ko syang tingin sa sinabi nya.

"Walang tayo Yohan kaya wag kang ano dyan." Inirapan ko sya at nagbalak matulog. Inaantok na naman ako kaya dapat matulog ako dahil kung hindi sasakit ang ulo ko nito.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang byahe namin. Nagising nalang akong buhat ni Yohan at paakyat sa di pamilyar na lugar. Nakita nya akong gising. Nginitian nya ako at hinalikan sa noo bago binuksan ang pinto ng isang kwarto. Nilapag nya ako sa kama at may tinawagan sya cp nya.Umupo ako at tinignan ang kwarto. Nakita kong may picture si Yohan sa may dingding.

"Its my room. Bahay ito ng mga magulang ko"

Nilingon ko sya na nakatabi saakin. Pinalo ko syang ng mahina dahil sa sinabi nya. Nagtatanong ang tingin nya saakin.

"Bakit mo ko dinala dito? Akala ko ba kay Hannah Fortini tayo pupunta?" malumanay kong sabi dahil bakas parin saakin ang antok. Humikab ako saglit at tinignan sya.

"Inaantok ka pa? Tulog ka muna. Mamaya dadating na sya"

"Sino?"

"Si Hannah"

Sumimangot ako at hinampas sya ng malakas. Akmang sisigawan ko sya ng bumukas ang pinto at may tumakbong babae papunta kay Yohan. Yumakap ito sa kanya na kinataas ng kilay ko. Galit kung hinawakan ang braso ng babae at walang sabing kinalas ang yakap kay Yohan. Ako ang yumakap kay Yohan at masamang tinignan ang babaeng kakarating lang. Gumanti ng yakap si Yohan sakin kaya nakita kong sumimangot ang babae.

Serve her right! Akin lang si Yohan! Kung si Hannah Fortini nga ay kinaproproblema ko tas dadagdag pa sya baka silang dalawa ang gawing kong target shooting.

"Hannie, sino ba iyang babaeng iyan? Akala ko ba ako lang ang babae mo?"

"Hannie?" tanda ko iyong babaeng Hannah iyong nagtatawag kay Yohan ng ganun. Wag mong sabihin sya si… "Hannah Fortini? Ikaw si Hannah?" Tanong ko sa babaeng teenager.

"Oo ako nga. Bakit sino kaba?!" taray nyang sagot sakin.

Binalingan ko si Yohan at for the 3rd time hinampas ko sy ng malakas. Sakit ang bumalatay sa mukha nya.

"Bakit mo hinampas si Hannie?! You bitch! How dare you to hurt my Hannie?!"

"Hannah will you stop calling me that. Hindi ba sinabihan na kitang may girlfriend na ko" awat nya sa papasugod saakin nyang si Hannah. "And I tell you to call me Kuya. Bakit ba hindi mo iyon maintindihan?"

"Kuya?! Kapatid mo sya Yohan?" naguguluhan kung tanong sa katabi kong hinihimas parin ang hinampasan ko.

"No, were cousin" si Hannah na ang sumagot.

"Pinsan?!" Gulat kong sabi sa kanila. "So totoo nga na pinsan ka nya ?!"

"Kanino mo naman nalaman yun, babe?" tanong sakin ni Yohan.

"Sa kapatid mo malamang." Nasapo ko ang pisngi ko. "Great! Na iistress ako sa babaeng pinsan mo lang pala tapos dahil tinawag ka nyang Hannie at baby kaya hindi ako nagtanong sayo. Tapos gulat ka ng binaggit ko iyon sa iyon sa bar. My gosh! Kung nagpaliwanag ka sana noon edi sana hindi tayo naghiwalay?! Yohan!" naiirita ko syang binalingan. "Bakit ba hindi ka magkwento sa buhay mo? Yan tuloy kung ano-anong pumapasok sa utak ko at kinaiistress ko. Pag may nangyari sa baby natin dahil dyan sa ginagawa mo, hindi kita mapapatawad. Grabe! Naiistress ako sayo!"

Hinawakan ko ang sintedo ko at hinilot iyon. Sumasakit ang ulo ko sa mga nalaman ko ngayong araw. Nadama kong kumilos si Yohan at hinawakan ang ulo saka sya naghilot non. Yumakap ako sa kanya habang ginagawa nya iyon. Mga ilang minuto ang lumipas at naging maayos na ang pakiramdam ko.

"Ok ka na babe? Hindi na ba naiistress si baby? Sorry kung naistress ka sakin. Pangako hindi na ko maglilihim sayo."

"Im going home, kuya. Hindi ko matake ang ginagawa nyo" boses ni Hannah. "Im giving up. Mukhang wala na akong pag-asa sayo"

"Crazy. Alam nating wala talaga dahil magpinsan tayo" sagot ni Yohan at mas lalong hinigpit ang yakap sakin.

"Ewan ko sayo" narinig kong bumukas ang pinto at sumara iyon.

"Are you okay, L? Masakit pa ba ang ulo mo?"

Umiling ako at umalis sa yakap nya. Tinignan ko sya at nakita kong medyo nagkaeye bags sya. Hinaplos ko ang mukha nya. Pumikit sya dahil doon. Hinalikan ko sya labi saglit at lumayo.

"Babe?"

"Yohan, wala ka na bang sekretong nakatago? Baka mamaya meron naman. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko saiyo. Baka talagang literal na kitang iwan"

"Bakit ngayon ba hindi mo na ko iiwan? Wala na kong sekreto. Nasabi na sayo ni Bella ang lahat kung bakit hindi ako umalis sa relationship namin. Pero, L kahit baliktarin man ang mundo, alam kung mali iyon. Gusto kong ayusin ang lahat kaya kinausap ko sya noong nakaraan. Im sorry for not telling you pero ayoko lang na mawala ka sakin"

"Ewan ko sayo"

"Babe, listen to me." Humarap sya saakin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Im sorry for the pain I give to you. Im sorry for lying and hurting as well. Hindi ko na mababago ang nagawa ko na pero Im really want to do the right thing. I want you, L. Not Bella nor Hannah nor other girls. Yes, I loved Bella but that was years ago. I know that she can't be mine because of Alex, my bestfriend, who loves her very much. I just want her to keep and tease my friend although it hurts."

"Bakit mo ba kasi iyon ginawa? Pakiramdam ko tuloy ako ang others dahil mas matagal ang relasyon nyo ni Bella tas 3 years doon ay tayo na. Im being insecure here, Yohan. Please enlighten me"

"Mali ang nagawa ko at pinagsisihan ko iyon. Natatakot lang akong maiwan ni Bella noon kaya hindi ko sya mahiwalayan dahil I loved her kahit hindi ko iyon sinasabi. Noong niligawan kita habang kami pa, alam kung mali iyon pero mas nananaig saakin na mapunta ka sakin. Naisip ko na baka pagnaging tayo na hindi ko na maisip si Bella. That was my plan, to use you and I thought that was my reason kaya na attract ako sayo pero hindi pala.

"I deny my feelings toward you but natalo ako. Kaya lagi kita nilalambing pagnakikita kita kasi it was my feelings that grows over and over. Halos hindi ko na iniisip si Bella at ikaw na ang iniisip ko. During my 6 month mission, napag-isipan ko na hindi na kita bibitawan kasi naamin ko na sa sarili ko na ikaw na iyong mahal ko ngayon. Naisip ko na pagbalik ko dito, aayusin ko na ang mayroon samin ni Bella at papakasalan na kita."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi nya na papakasalan nya ako. Yumuko ako para itago ang mukha ko dahil kinikilig ako pero itinaas nya iyon.

"Im telling this to you because I don't want you to hate me. Ayoko nun at ayokong iwan mo ko. Natatakot akong iwan mo ko kaya I'm fixing everything lalo na nung umalis ka at mahigit isang buwan kang hindi bumalik. I miss you and I really want you pero pinigilan ko ang sarili ko kasi ako ang may kasalanan. Im sleeping in your room every night and visit your cafe pero nasa labas lang ako at sumusulyap kung bumalik kana."

"H tell me about you sleeping in my room." I chuckled when I remember it. "She even told me that Hannah is a gay. Mukhang nagbibiro lang sya sa part na yun"

"No its not. Hannah is a transgender." Sagot nya saakin na kinatigil ko.

"She's a he? Your just kidding right?" Umiiling sya bilang tugon sa sinabi ko. "Oh my! Bakit ganoon kaganda ang pinsan mo? Hindi ko man lang nahalata?" Nagkibit balikat sya saakin at hinila pahiga sa kama.

Magtatanong pa sana ako tungkol sa pinsan nya nang dinampian ng halik ang labi ko. Nagulat ako sa ginawa nya kaya sya ay medyo lumayo sakin.

"Galit ka pa ba?" Pag-aalala nya. "Mayroon pa bang kulang para hindi tayo magbati na? Sabihin mo lang, gagawin ko lahat para hindi ka na magalit at para maayos na tayo. I really miss you Lorelie Nieva."

"Miss mo na talaga ako?" Tanong ko sa kanya. Tumango sya at lumabi sa harapan ko. Napangiti ako sa ginawa nya kaya pinalibot ko ang dalawa kong braso sa leeg nya. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nya sa ginawa ko.

"Are we okay now, babe? I really miss you and I really want to make love with you"

Sumimangot ako dahil sa sinabi nya. Bat ba ang hilig nya sa ganoong bagay? Kaya lagi akong pagod noon sa kanya eh.

"Babe?" Tawag nya saakin. "Can we do it now. Im horny"

"Bat ba ang hilig mo sa ganung bagay Quintanilla?" Inis kong sabi. "Buntis na ko ipapaalala ko lang sayo. Hindi ako pwedeng mapagod dahil hindi daw yun maganda sa buntis."

"But its okay to do it even though your pregnant" sagot nya.

"At sinong nagsabi sayo nun?"

"A doctor told me about that thing. Bago ko gawin ang plano kong buntisin ka, I checked the doctor about some topics then napunta kami sa ganoong bagay. Hindi naman daw nakakasama kay baby iyon"

"Pero nakakapagod yun" reklamo ko.

"But Im the one who will do it. You are just lying on the bed and moan for me. Hindi iyon nakakapagod" palusot nya para lang makaisa sya ngayon saakin. "Please babe, Im horny!"

Hindi ko sya matiis. Miss ko na rin naman sya kaya lang nag-aalala lang ako sa baby ko.

"Fine, we will do it. Tutal ako din namiss kita pero pag napagod ako sa gagawin natin walang round 2 para sayo" nagpout sya sa sinabi ko pero hindi nagsalita. "Lets start Yohan" lambing ko sa kanya.

Segundo lang ang binilang ng maglapat ang labi naming dalawa. Sya ang gumagalaw saamin samantalang nakahiga lang ako. Pinainit namin ang kwarto hanggang sa katapusan. Hingal na hingal ako habang sya ay nakapatong pa saakin at nanghihingi ng isa pang round. Tatanggi sana ako ng nag-uumpisang maglilikot ang kamay nya hanggang sa nagpaubaya ako ulit sa gusto nya.

Mukhang miss na miss na miss nya talaga ako.