Epilogue

6 months later

Marahan kong hinamas ang magsisix months kong tyan. Nandito ako sa HQ at naglulungga matapos umalis ni Yohan para sa mission nyang hanggang ngayon ay hindi pa tapos. Hindi nya natupad ang pangako nya saaking saglit lang sya doon kaya nagtatampo ako.

"Oh L, san ang punta?" Sakin ni H ng magkasalubong kami sa hallway.

"Doon lang sa may garden. Gusto ko kasing magrelax ng unti. Naiistress ako doon sa kwarto kasi hindi pa umuuwi ang kapatid mo." Sagot ko

"Sensya na kay Bro. Baka matapos na din iyon ngayon. Ang alam ko ay malapit na raw nyang matapos ang mission. May inaantay lang daw syang clue para masigurado nya na tama ang hinala nya."

"Ganun ba"

"Sigurado din naman akong miss ka nun." Ngumiti ng malapad si Helena saka nagpaalam na.

Dumiretso ako sa garden ng HQ at doon umupo sa wooden bench. Hinimas himas ko ang tyan habang pinagmamasdan ang mga bulaklak dito.

"Baby, miss ko na si daddy mo. Miss mo narin ba sya?" Naramdaman kong sumipa sya ng mahina sa loob ng tyan ko. "Miss mo na din pala sya. Hayy sana makauwi na sya ngayong buwan. Nag-aalala na ko sa kanya."

Nang makaalis sya papuntang Italy, lagi syang tumatawag sakin tuwing gabi dito sa Pilipinas. Dalawang buwan din kaming nagtatawagan at nagkakamustahan. Sa ikatlong buwan ay madalang nalang ang tawag at puro text nalang sya saakin. Sa ikaapat naman ay bihira nalang syang sumagot saakin sa text. Lilipas ang isang araw o dalawa bago nya masagot iyon. Hindi narin nya sinasagot ang tawag ko na ikinaiimbyerna ko. Noong nakaraang buwan naman ay hindi na ko nag-abalang kumustahin sya. Kay boss nalang ako naghihingi ng update.

At itong buwan na ito, wala na kong alam sa nangyayari sa kanya. Kahit nga ang daddy nya walang alam. Si H naman na busy sa boss nyang boyfriend na nya ngayon at ang mommy naman nila ay wala ring ideya. Iyong sinabi lang ni H kanina ang nabalitaan ko sa kanya ngayong buwan.

Nakakapagtampo sya kasi ang tagal nya na naman sa mission nya. Ang malupit wala akong kaalam-alam ngayon kung ano na bang update sa kaso nya. Sa gabi ay hirap na kung matulog kakaisip sa kanya. Kung ayos lang ba sya o kumakain ba sya ng tama doon. May isang beses last 2 months ago nahimatay ako habang naglalakad sa hallway. Sabi ng doctor ay naiistress daw ako. Dapat daw pag-ingatan ko ang sarili ko dahil baka ang baby ko naman ang magsuffer.

Naramdaman kong nagvivibrate ang cellphone ko sa bulsa ng bestida ko kaya kinuha ko iyon at sinagot kahit hindi ko nakita kong sinonang tumawag.

"Hello?" Tamad kong sagot sa caller.

"Hi L" simpleng sagot nya saakin pero kinatigil ko iyon. Nag-uumpisang naglalaglagan ang luha ko at mahigpit kong hinawakan ang cp ko.

"Yohan" sambit ko sa pangalan ng tumawag sakin. Narinig ko ang bumuntong hininga nya kabilang linya. "I miss you, Yohan. Kailan ka ba matatapos dyan? Namimiss ka namin ni baby" sabi ko habang umiiyak. "Sabi mo hindi ka magtatagal dyan. Bakit hanggang ngayon hindi ka pa umuuwi?"

"Im sorry L."

"Tapusin mo na kasi yan. Umuwi ka na dito. Miss na kita. Miss ka na rin ni baby. Please Yohan, umuwi kana" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Im sorry babe. I can't" sagot nya sakin na kinagulat ko. Umawang ang labi ko at hindi ko na pigilang mainis sa kanya.

"Peste ka Yohan!" Sigaw ko sa kanya sa phone. Nawala na ang luha ko at lungkot. Mas nanaig ang inis ko sa kanya. Bakit hindi sya pwedeng umuwi? Mas importante pa ba ang trabaho nya kesa saamin?

"L, hindi ako makakauwi ngayong buwan. May tinatapos pa—" pinatigil ko sya sa pagsasalita.

"Ano?! Sabi ni H matatapos na daw iyang trabaho mo dyan kasi matatapos na?! Tapos hindi ka uuwi ngayong buwan?!" Nanggagalaiti kong sabi. "Kung hindi ka uuwi ngayong buwan, pwes! Maghanap ka ng papalit saakin! Im cancelling our wedding! I hate you!"

Narinig ko syang magsasalita sana pero pinatay ko na ang phone ko. Inalis ko ang simcard at itinapon kung saan. Mabilis akong ang naglakad pabalik sa kwarto at kinuha ang wallet ko. At lumabas ng kwarto.

Nakita ko ang nagpapanik na si Helena na sumalubong sakin sa hallway pero hindi ko sya pinansin.

"L? San ka pupunta? Hala!" Panik nya habang sinasabayan nya akong maglakad papuntang parking.

Binuksan ko ang pinto ng kotse ko ng biglang hinawakan ni H ito at pilit na isinasara.

"Bitawan mo, H!" Inis kong sabi. "Pag ako nakunan sa ginagawa mo, hindi kita mapapatawad!"

"Eh bitawan mo na muna kasi!" Reklamo nya.

Binitawan ko ang pinto at masama syang tinignan.

"Ano bang trip mo, H?" Tanong ko sa kanya. "Kung inutusan ka ng kuya mo para pigilan ako, pwes tigilan nyo ko. Hindi ko na kayang mag-antay sa kuya mo. Hindi parin sya uuwi ngayon,H. Nagmamakaawa na nga akong umuwi na sya kasi miss ko na sya pero hindi daw pwede."

Umiyak ako sa harapan nya. Sinubsob ko sa dalawa kong palad ang kamay ko. Naramdaman kong niyakap ako ni H at hinimas ang likod ko. Ramdam kong humigpit ang yakap kaya mas lalo akong naiiyak. Sana nandito na si Yohan. Sana si Yohan na lang umaakap sakin. Sana nandito sya at yakap ako.

"Please stop crying babe" rinig kong boses ni H pero bakit kaboses nya si Yohan? Nag hahallucinate na ba ako sa sobrang miss ko na sya?

"Stop crying babe, please" sabi ulit nung boses. Parehas parin ng boses ni Yohan.

Umalis ako sa yakap at tinignan si H pero hindi sya ang nakita ko kundi si Yohan. Malungkot itong nakatingin sakin. Pinunasan nya ang luha ko sa pisngi at humingi ng tawad dahil sa pagsisinungaling nya daw saakin. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya kaya tinanong ko sya.

"Sorry, L. Noong nakaraang 4 na buwan pa natapos ang mission ko." Umpisa nyang paliwanag. "Dapat uuwi na ko dito kaso hinarangan ako nila papa at pinapunta sa bahay ng mga magulang mo para mamanhikan. Akala ko uuwi na ko nun pero pinastay nila ako doon para daw makilala ako nila ng lubusan at para daw mabigay nila ang blessing satin. Hindi nila sinabi sayo kasi gusto daw nilang isekreto dahil baka daw hindi ka pumayag. Pumayag ako at doon ako nagstay. Dalawang buwan mahigit din ako doon at napagdesisyunan ko na rin na aasikasuhin ang wedding natin para hindi ka na maging stress sa pag-aayos nun."

Hindi ko inaasahan ang paliwanag. Sya? Nasa bahay nila mama? Saka sya din ang nag-aayos ng wedding? Kaya ba si H tanong ng tanong sakin tungkol sa theme?

"Kaya ba lagi akong tinatanong ni H sa mga gusto ko about wedding?"

"Oo." Sabay tango nya.

"Babe?"

"Oh?"

"Galit ka ba kasi naglihim kami sayo? Hindi mo na ba ako papakasalan dahil sa ginawa ko?" Mahina nyang sabi na kinatawa ko. Nagbago na ang mood ko. Hayss pregnancy thing.

"Hindi ko naman tinanggal ang singsing eh" sabay pakita ng kamay ko. "Hindi ko lang talaga gusto na nagsinungaling kayo saakin. Grabe ang stress ko saiyo. Alam mo bang nahimatay ako kakaisip sayo?"

"Alam ko babe. Binisita kita dito pero bago ka gumising eh umalis na ko" hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap. "Sorry na babe. Forgive me please"

"Asan na nga pala si H?" Tanong ko sa kanya kasi napansin kong nawala iyong kapatid nya.

"Ewan ko" sagot nya. "Babe, Am i forgiven?"

"Kung iyon naman pala ang dahilan non. Oo forgive na kita." Niyakap ko sya ng mahigpit. "Basta wag mo na ulit gagawin yon. Hindi iyon maganda lalo na buntis ako."

Naramdaman kong tumango sya at mas hinigpitan ang yakapan namin.

"I love you Lorelie" bulong nya sa tenga ko. Hindi ko na pigilang ngumiti bago sya sinagot.

"I love you too, Yohan"

After 2 months

Pagkasara ng pinto ng delivery room ay hindi ko napigilang matakot at kabahan para kay L at sa baby namin. Masyado pang maaga para manganak sya ngayon. Kakaeight months palang ni baby pero lalabas na sya.

"Maupo ka muna iho. Wag kang mag-alala makakaya iyon ni Lory. Malakas na bata iyon." Sabi sakin ng tatay ni L at tinapik ako sa balikat.

Hinila naman ako ni nanay Lorna, ang ina ni L, palapit sa mga upuan at pinaupo ako doon.

"Wag kang masyadong mag-alala kay Lory. Ganyan din ako noong pinanganak ko sya. Mas maaga nga lang iyong akin." Sabi ng ni mama Lorna at tumabi sakin. Hinawakan nya ang kamay ko at tinapik-tapik. "Walang mangyayari sa kanila." Pampapagaan nya saakin dahil halatang tensyunado ako sa oras na ito.

Nandito kami sa probinsya nila L at dito kami nanuluyan matapos naming magbati noong dalawang buwan. Dapat babalik na kami sa lungsod sa susunod na dalawang araw pero heto sya dinala namin sa ospital ng pumutok na ang panubigan nya. At dahil first time kung nakita na ganoon si L na nasasaktan sa sobrang sakit, halos magpanik ako. Kami lang kasi ang naiwan sa bahay ng magulang nya at sila nanay at tatay ay nasa bukid. Sakto nga lang ng paglabas namin ni L ng bahay ay dumating sila at tinulungan kami.

Ang tatay ni L ang nagdrive dahil wala ako sa kondisyon. Nasa tabi lang ako ni L habang bumabyahe. Nakasandal sya sakin at pinipisil ang braso ko habang sumasakit ang tyan nya. Hindi ko alam kung saan ko sya hahawakan o anong sasabihin ko. Ang nanay nya ang nakikipag-usap sa kanya habang nasa byahe para daw hindi mawalan ng malay si L.

"Kanina pa nagriring ang cellphone mo iho" kalabit sakin ni nanay. "Masyado kang tulala dyan. Tignan mo baka emergency yan."

Walang ako sa wisyong tumango sa kanya at kinuha ang cp ko sa bulsa. Nakita kong si papa ang tumawag kaya sinagot ko.

"Hello pa" bati ko sa kanya.

"Hello nak. Nabalitaan ko na nanganganak na si L. Tinawagan ako ng papa nya kanina. Kamusta na sya?"

Huminga ako ng malalim at tinignan ang saradong pinto ng delivery room bago ko sinagot si papa.

"Nasa loob parin sya naglalabor." Mahina kong sagot. "Pa, natatakot ako" sumbong ko sa kanya.

Narinig kong tumawa si Mama sa kabilang linya. Mukhang nakaloudspeasker sila.

"Ok lang yan iho. Normal lang iyan. Ako nga noong nanakit na ang tyan ng mama nyo, hinimatay ako. Parehas tuloy kaming naospital na dalawa" proud na sabi ni papa. Narinig natawa si H.

"Grabe ka Pa!" Tawang tawa na sabi ng kapatid ko.

"Proud na proud yang papa nyo. Nakadalawa kasi agad." Sabi ni mama. "Samantalang ang sakit noon kasi dalawa kayong lumabas."

Naalarma ako sa sinabi ni mama kaya mabilis ko syang tinanong.

"Ma, may coincidence bang maging twins ang anak namin ni L?" Nag-aalala kong tanong. Baka masaktan ng todo ang soon-to-be wife ko at baka hindi nako makaulit sa kanya ng isa pa.

"Malaking possibility nak" sagot ni mama. Para tuloy akong naawalan  ng dugo sa sagot nya sabay tingin sa kakalabas lang na doctor galing delivery room. "Pero pwede din hindi. Pagmalakas ang Genes mo baka yun may chance."

"Are you related to Miss Nieva?" Tanong sakin ng Doctor kaya agad aking tumayo at tumango.

"Yes Doc. Soon-to-be husband po" kinakabahan kong sagot. "May problema po ba?"

"Wala naman. Ayos namang nadeliver ni misis ang baby kahit premature pa ito. And also healthy din lumabas" nakangiti nitong sabi. "Nga pala pwede ko na bang makuha ang dalawang pranilya, nililisan na kasi ang twins mo mister."

"Twins?" Gulat na sabi ni tatay. "Kamusta ang anak ko Doc? Ayos lang ba sya?"

Tumango si Doc bago kinuha ang dalawang pranilyang kinuha ni nanay sa bag nadala namin. Umalis din sya agad at pumasok sa loob.

"May lahi ba kayong kambal, iho?" Tanong sakin ni nanay. Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Kaya pala. Haysss buti naman at ayos lang ang labor ni Lory. Makakahinga na rin ako ng maluwag."

Naramdaman kong nagvivibrate ang phone at naalala kong katawagan ko pa pala sila papa. Mabilis kong sinagot ang tawag ng sila iyon.

"Bat di ka na sumasagot?" Tanong ni papa. "Narinig namin na nanganak na si Lorelie. Ano babae o lalaki?"

"Kambal Pa" simpleng sagot ko sa kanya. Narinig kong tumili si mama at excited na makita ang mga anak ko. Si H din ay naririnig kong nagsisigaw sa kabilang linya. Si Papa naman ay narinig kung humihikbi.

"Proud ako sayo Nak. Mana ka talaga sakin. Sharpshooter ka din katulad ko." Natawa ako sa sinabi ni papa.

Mana talaga kami sa kanya hahahaha

.....

"Babe, kelan natin susundan sila baby?" Tanong ko sa asawa ko habang nakahiga kami sa kama.

Yes asawa ko na sya. Nagpakasal kami after ilang weeks pagkatapos nyang manganak. Nakaprepare na kasi lahat para sa kasal, sya nalang ang kulang. Ang problema hindi kami nakapaghoneymoon dahil nga kakapanganak nya pala.

"Tumigil ka Quintanilla!" Saway nya sakin ng maglulumikot na ang kamay ko. Nagpout ako ng inalis nya ang kamay ko sa baywang nya at umusog papalayo sakin. "Naalala ko pa iyong panganganak ko doon sa dalawa mong anak na makulit pa sayo." Nilingon nya ako. "Tama na sila. Ayoko na mag-anak"

"Pero gusto ko bumuo ng volleyball players!" Reklamo ko at umupo ako sa kama. "Dali na mommy!"

Tama na yan pang badminton" sagot sakin ni misis. Napangiti ako sa kalokohang naisip ko.

"Edi may isa pang set ng twins, mommy?"

"Anong isang set? Gusto mo ng isang set ng sapak?"

"Pero sabi mo badminton? Eh apat ang player non."

"Dalawa lang iyon." Sagot nya.

"Mayroon kayang pang apat na player. Double tawag doon. Pustahan pa tayo eh." Hamon ko.

Naramdaman kong gumalaw sya at umupo sabay harap sakin. Masama ang tingin nito sakin.

"Ayokong makipagpustahan sayo, lalaki. Laging akong talo sayo sa pakikipagbet sa mga bagay-bagay." Humiga sya at tumingin sa kisame. "Payag na ko sa volleyball player mo pero wag mo na ngayon. Maliliit pa mga anak natin. Kakaisang taon palang nila."

Nang marinig ko iyon sa kanya at pumuwesto sa harapan nya. Hinalikan ko sya sa labi at masayang tinignan ang mukha nya.

"Wala ng bawian mommy ah. Dose lang naman iyon kay—"

Anong dose?! Baka gusto mong hindi ka na makatungtong sa kwarto natin!" Galit nyang sabi sakin. Naglalambing akong sumubsob sa dibdib nya at mahinang tumawa. "Wag kang tumawa dyan! Akala ko pa naman 6 lang, yun pala ang gusto mo may kalaban pa. Mag-isa kang gumawa!"

"Ito naman si babe di mabiro." Tinignan ko sya. "Anim lang naman talaga gusto eh" at saka nagpapacute ako sa kanya.

"Siguraduhin mo lang talaga na anim. Ililipat ko ang matres ko sayo pag hindi ako nakapagpigil"

"Opo anim lang. Hmmm bango mo ngayon mommy" at gumapang ako papunta sa leeg nya. "Amoy baby si mommy."

"Tigilan mo ko. Alam ko yang galawan mo."

"Pero gusto ko ng sundan sila. Nandyan naman sila mama at nanay eh. Mababantayan naman natin sila ng maayos. Andyan din naman si Helena eh" paliwanag ko.

"Guguluhin mo pa ang kapatid mo. Kita mo ng malungkot iyong tao." Sagot nya. Naramdaman kong yumakap sya saakin. "Tingin mo magiging maayos lang sya? Nag-aalala ako sa kanya. Si Bella nga din eh."

"Magiging maayos din sya. Buhay nya iyon at gagabayan lang natin sya. Ayoko syang pangunahan. Masaya naman sya ngayon dahil nababaling ang atensyon nya sa kambal at anak ni Bella."

"Nakikita ko nga na masaya sya. Pero nakikita kong nalulungkot din kapag mag-isa sya kaya minsan sinasamahan ko sya lalo na sa kusina. Mamaya kung anong maisip noon eh."

"Kaya mahal na mahal kita eh." Sabay angat ng mukha. "I love you Mrs. Quintanilla."

Napangiti sya. "I love you too Daddy"

"So, can we make love now?" Tudyo ko sa kanya. Napatawa sya saka ako hinalikan ng mabilis.

"Sige na nga. Tutal wala dito ang kambal"

Napa-Yes ako sa sinabi nya.

"Sulitin na natin ito habang nasa poder pa nila mama ang dalawa mong makulit" saka nya tinanggal ang pantulog at humarap sakin. "Tara na Daddy."

"Yah mommy" sabay sunggab ng labi nya.

At napuno ng ungol ang buong kwarto namin.