"Trish, you take care ha? Text ka pag uwi"
Wala akong ibang ginawa kundi ngumiti sa mga kaibigan na unti unti ng bumaba ng bus.
Nagpatuloy lang ang biyahe sa gitna ng tirik na tirik na araw.
Kung pwede lang na magstay pa dun sa dorm hindi na sana ako nakipagsiksikan dito sa bus.
Napakapit sa bag at hinayaang may umupo sa katabing upuan.
Ako lang naman yung nag iisang uuwi ng probinsiya, hindi gaya nina Shey at Ava na ilang minuto lang ng biyahe nakakauwi na ng bahay nila.
"Aray buhok ko beh"
"Ay sorry naman, pero tingnan mo kasi"
"Naririnig tayo tanga!"
Bulongan iyon ng mga babae sa likod na kanina pa kuda ng kuda tungkol sa mga naging jowa ng classmates nila.
Pati nga ako na nakikinig lang updated narin sa chismis ng mga yun.
"San ka?"
"Lopez "
"Estudyante?"
Napatingin ako sa konduktor na naghihintay sa sagot ng lalaking katabi.
"Opo, pwede walang ID?"
"Kailangan yan boy"
Hindi tumingin ang nakatayong lalaki pero patuloy ang pag galaw ng mga kamay sa hawak na ticket.
"Si Kris nga, rinig mo boses?"
"Natumbok mo beh"
Napangiti ako ng marinig ulit ang bulongan ng mga babae sa likod. Naiimagine ko si Shey at Ava na pilit hinihinaan ang boses pero rinig na rinig parin.
Umalis narin yung kundoktor at nawala na sa paningin ko.
Well, hindi ko naman siya type no! Baka pati kuko nga ni Wendell hindi niya ma reach.
Ba't ko nga ba pinagkumpara yung kundoktor sa sarili kong jowa? MyGosh!
"Yes ma?"
Dahan dahan kong nilingon ang katabi, sa pag aakalang ako yung kinakausap.
Pero never pa naman ako nagluwal ng sanggol, so talagang hindi ako ang kinakausap.
"Wala eh, pero hahanapan ko ng paraan"
"Sige"
Pansin ko ang mahinang pagbuntong hininga nito. Nag abot pa yung mata namin kaya napabaling ako sa nadaanang mga bahay.
Ba't kasi nakikialam ako sa usapan ng may usapan? Baka sabihin nito chismosa ako.
Ilang sandali pa'y tanaw ko na ang nakahanay na mga bus.
Iniisip ko palang na makakapagpahinga na ako sa bahay, parang gusto ko ng lumabas sa bintana at sumakay sa isa sa mga yun.
"Hi Kris"
"Taga rito ka?"
"Hindi"
Ayun! Kaya pala sobrang ingay nung dalawa kanina.
Baka si Kris din yung naging jowa ng classmate nila, gwapo eh.
"Miss bababa ka ba?"
"Po?" Agad kong tanong dun sa babaeng nakasunod sakin.
Nung makita kong nag iilingan na yung mga nasa likod nito ay dali dali kong binaba ang maletang nakatago pa sa taas.
"Nako sorry po, ilalabas ko lang tong maleta sandali"
Ang chismosa ko kasi!