Chapter 1

"Po?"

Alam kong pangatlong beses ko ng tinatanong si manong na kanina ko pa katabing nakaupo dito sa loob ng terminal. Umaasang mabago yung narinig ko mula sa kaniya.

"San ka ba pupunta?"

"Sa Toledo"

"Yun nga sabi ko, hindi ka makakalabas ng Lopez dahil under lockdown na tayo ngayon"

"Po? Eh kakagaling ko lang ng San Miguel. Sana di nalang ako pinapasok"

"Last trip na yun"

"Po?"

Napabuntong hininga nalang ito tsaka umalis sa pwesto niya na walang kahit isang sinabi.

Tila napagod sa walang tigil kong pangungulit.

Hindi parin narehistro sa kukote ko na hindi ako makakauwi ng bahay ngayong araw.

4:02 pm

"Maaaa" problemado kong wika sa kabilang linya.

"Anong nangyari sayo? Asan ka ba?"

"Maaa"

"Ano ba Vanessa!"

Tsaka pa ako natigilan nung marinig ang ganung pangalan.

Ayokong mapansin ni Mama yung pahikibi kong boses, baka di ito titigil kakasermon sakin.

Baka mag iiyak ako rito, iisiping para akong batang iniwan ng magulang.

Talaga namang naiwan ako, naiwan ng bus pauwi ng bahay.

Kainis!

"Sasagot ka ba o ibababa ko to?"

"Eh kasi hindi ko naman alam na under lockdown pala kami dito".

"Nako anak! Pano ka niyan? Kung bumalik ka nalang kaya ng Dorm niyo? Pwede mo naman siguro mapaki usapan?"

"Wala ng tao dun ma, baka nagparty party na yung mga namatay dati sa dorm. Ayoko namang maki join"

"Magtino ka nga! Pano ka niyan? Dun ka nalang muna sa mga kaibigan mo, taga san ba yun?"

Napapikit nalang ako sa naging suhestiyon ng Ina.

Kahit gustuhin ko pang bumalik ng dorm, o pumunta sa bahay nina Ava at Shey hindi parin ako makalabas

sa lugar nato.

"Yung allowance mo? Kasya pa ba? Wag ka munang magpanic, makinig ka sakin."

"Ito na nga oh, nakikinig na"

"Una mong gawin hanap ka nalang muna ng malapit na matutuluyan diyan. Wag ka ng magpakalayo layo para kung sakaling pwede ng bumiyahe madali ka lang makakuha ng ticket. Naintindihan mo ba?"

Iniiisip ko palang ang binilin ng Ina parang gusto ko nalang pumikit at bumalik sa oras na nakasakay pa ako sa bus.

Ba't kasi humiling pa ako na makaapak sa lugar nato? Nakakastress ha!

Punong puno ng problema ang mabigat kong pisngi dahil kanina pa ako nakabusangot na naglalakad sa daan.

Para akong may ka tanan na hindi sinipot ng jowa.

Ayoko namang istorbohin si Wendell dahil masermonan lang ako nun. Masabihan pa akong isip bata kahit totoo naman. Tsaka ang layo ng mokong na yun sa kin.

Iilang lakad pa naman mula sa terminal ay kapansin pansin na ang palengke na limitado lamang ang tao.

Bibili naba ako agad ng pang grocery? O hanap muna ng matutuluyan?

Tanaw ko sa katapat na gawi ang malaking pangalan ng kilalang supermarket.

May maleta sa kanan, may bag sa likod, may sling bag sa kaliwa.

Ang galing ko talagang magplano sa bahay, tong mga bagahe ko pa nga lang nahihirapan na ako tapos dagdagan pa ng groceries, nako wag nalang.

Ano ba namang buhay to oh!