Napasandal ako sa likod ng pinto matapos kong mailawan ang kwarto.
Nakakapagod!
Isang kama yung una kong napansin, nakatutok ang bintana na tamang tama lang sa pwesto ng higaan.
May malaking cabinet na may nakapatong na iilang kahon sa ibabaw nito.
May lagayan rin ng sampayan na sa tingin ko pinagawa talaga sa kanya kanyang kwarto.
Dalawang mesa pero may kalakihan tong mas malapit sa pintuan.
Study table yata yung sa kaliwang gilid ng kama.
Hala! Hinihintay pala ako ni Ateng masungit na walang love life. Mamaya ko nalang poproblemahin tong mga bagahe.
Dito nalang muna sa gilid tong mga to para hindi magulong tingnan.
Nakakahiya naman sa "burara" term ni Ate, baka bisitahin pa ako.
Hindi nga ako nagkamaling madilim na sa labas, nailawan na rin yung buong bahay.
Dahil kung hindi baka iisipin kong nagtipid sila ngayon.
Pagdating ko dun ay may iilan pang nakapila sa tindahan.
"17 pesos yung bigay niyo nung nakaraang araw"
"Aba'y sa iba ka bumili! Alam namang krisis ngayon"
"Ito na nga oh, bigyan mo ko dalawa niyan"
Akala ko sakin lang masungit, sa iba rin pala.
Makiupo nalang muna ako dito sa gilid at baka sakin pa mapunta ang init ng ulo nitong Ateng walang jowa.
Marami rami rin pala yung binibinta nito, baka dito muna ako bibili ng makakain mamaya.
"Sandali, tumabi ka, Antonio!! Huminto ka, bayad mo sa renta?"
"Wala pa akong mabibigay sa ngayon"
Hindi ko makita kita ang kinakausap nito dahil sa mga bumibiling nakatayo sa gilid.
Ba't kasi may pa upo upo pa akong nalalaman.
"Hindi ko na problema yan, nalinis ko narin naman yung kwarto, wala ka ng babalikan dun"
Nag antay ako ng ilang sagot pero wala narin akong narinig.
Luhh baka nagwalk -out.
"Baka walang wala talaga siya ngayon Manang Tess"
"Nako wag mong problemahin yung problema ng iba, ano ba bibilhin mo?"
"Pork and beans dalawa"
Nagpatuloy lang yung mga bumibili pero napaisip rin ako sa kung sinong lalaki man yun.
Kung siya may nakitang matutuluyan pero walang pangbayad, ako kanina may pangbayad pero walang makitang matutuluyan.
May kaniya kaniya talaga tayong kwento no? Nagdedepende lamang iyon kung saan tayo dadalhin ng tadhana.
Dahil sa nilakad ko kanina kaya nakarating ako sa lugar na to, baka nasa maling direksyon lang siya kaya hindi niya natagpo yung perang pang bayad ng renta.
Baka ibig sabihin nun, sa iba muna siya makituloy! Sa kaibigan o kahit sinong may magandang loob. Pwede naman yun, wala munang renta pero may matutuluyan.
"Oh! Pumarito kana at magsasara na ako"
"Ito na po"
Ang sungit talaga ni Ateng jowang jowa, di pa nga ako kilala over na sa kasungitan!
Isinabay ko nalang rin yung pagbili ng makakain mamaya matapos kong magbayad ng paunang singil sa renta.
"Maaga yung curfew ngayon, kaya alas sais palang dapat nakapasok ka na sa gate! Bawal ang bisita sa gabi, kung may jowa ka, sa araw mo dalhin"
"Pano po pag umuulan? Pwede pa rin?"
Natigilan ito tsaka tumitig sakin habang patuloy parin yung paglagay ng mga binili sa plastic cellophane.
"Sabi ko nga po pag may araw lang. Pasok na po ako hehehhehe"
Dali dali kong bawi ng supot na hawak hawak nito at naglakad papunta ng gate.
Nadagdagan ko pa yata yung kulubot sa noo ni Ateng walang love life.
"Masaya po yung puso ko!"
Pahabol kong sigaw sa kaniya na kitang kita parin mula sa kinatatayuan ko.
"Pumasok ka na! kanina pa ako nanggigil sayo"
Inis na wika nito sakin, kaya natawa nalang ako na bumalik ng bahay.