Dali dali akong napasampa sa kama nung makaramdam ng paghinga sa mga nangyari ngayong araw.
Gusto ko na agad matulog ngayon palang, kahit bukas ko na problemahin yung laman ng tiyan.
"Ehem"
Nawala yung pagngiti ko nung makarinig ng pag ubo sa paligid. Dali daling inayos yung pagkakaupo sa kama.
"Andito ka parin?"
Nakatayo parin yung lalaki pero hindi na sa gawing pintuan.
Mas malapit na to sakin na tila kanina pa nakita yung kabuuang pinag gagawa ko.
Nakakahiya!
"May naiwan ka pa?"
Tumitig na naman ang lalaki sabay hawak sa eyeglasses.
May katangkaran ito, tamang tama lang ang tindig na pwede ng pagkaguluhan ng mga babae.
Ba't ba hindi to sumasagot? Tingin lang ng tingin sakin, nakakaloka!
Alam ko namang may kagandahan ako pero wag niya naman sanang ipahalata no.
"Let me stay here, kung okay lang"
Ay bakit? Ganun na ba talaga sya ka desperadong mapalapit sakin?
Napapikit ako sa kalukohang iniisip. Magtino ka nga Trisha, lalaki parin yan di mo pa kilala.
"Oh? Ayaw mo bang lumipat? Sabi ko naman kasi sayo okay lang na ak -----"
"Hinihintay ko pa rin yung pangbayad ng renta. Kung lilipat ako ng ibang kwarto baka mahuli ako ni Manang Tess"
Anong ibig sabihinin nun? Dito siya tutuloy? Eh pano ako?
"Anong ibig mong sabihin? Pwede naman akong lumipat"
"Baka next week mababayaran ko na ang renta, pwede ka ng lumipat nun".
Next Week???
Ilang oras pa nga lang ako nandito pero parang ilang taon na yung lumipas.
"You mean sabay tayo dito pero ako muna yung magbabayad? Ganun ba?"
Napayuko ang lalaki at agad naglakad papunta ng study table.
"Yeah you got it right. Alam kong di mo ko kilala, pero ngayon lang din ako hihingi ng favor sayo"
Ihinarap pa nito ang upuan sa gawing gilid ng lamesa.
Pahiwatig na seryoso itong nakikipag usap sakin ngayon.
"Ngayon lang naman talaga kita nakilala no"
Kung nakita ko pa sya dati, baka madali ko na siyang namumukhaan ngayon.
"Pag dito ka tutuloy hindi maghihinala si Manang Tess na nakatira pa ako dito"
Sandali! Siya ba yung sinigawan ni Ateng walang jowa kanina sa tindahan?
Ano ngang name nun? May kutob talaga akong siya yun.
Pero ang hirap naman ng hiniling niya, pano pag mahuli kami rito?
Ayoko namang makonsensya mamaya pagdi ko tutulungan tong lalaki.
Gwapo pa naman.
"If you want kahit kahit hanggang bukas lang, I still respect your privacy"
"Walang namang kaso sakin, pero pano kung mahuli tayo?"
"Ako yung magpapaliwanag"
Para tuloy kaming may gagawing misyon na kailangan ng 100% ingat.
Wala naman sigurong gagawing masama tong lalaki sakin. Kahit pakiramdam ko bet niya kong titigan kanina pa.
Charot!
Pag talaga malaman ni Wendell tong pinag gagawa ko, for sure magagalit yun.