Alas dos na ng madaling araw pero yung diwa ko nagtravel parin sa kung saan saan.
Hindi yata uso dito ang matulog na hindi naka patay ang ilaw kaya natatanaw ko parin sa baba ang natutulog na lalaki.
Medyo nahihiya nga ako sa ideyang ako tong kumportableng nakahiga sa kama niya.
Kinuha ko sa ilalim ng unan ang nakatagong phone.
Napaupo sa pagkakahiga nung tumambad ang pangalan ni Wendell.
Ba't Instagram na naman ang gamit nitong isa?
Tatlong magkasunod na mensahe ang una kong binuksan mula sa kaniya.
Wendell : Good Morning too
Wendell: Done with my classes, asan ka?
Wendell: Trisha! Magreply ka.
Ang atat naman talaga nitong jowa ko, ngayon lang naman nangyari na hindi ko siya agad na replyan.
Me: Wazzup b*tch! Sorry na busy lang.
Di ako sure kung gising pa ba yung mokong na yun. Hindi ko siya masyadong naabutan pag gabi, kung makakareply man after isa o dalawang oras kung saan patulog na siya.
Halos dalawang messages lang yung karaniwang natatanggap ko mula sa kaniya. Sa umaga at pagkatapos ng klase nito.
Tinanggap ko yung tawag ni Wendell sa Instagram.
"You here?"
"Hmmm present sir" maloko kong sagot sa kabilang linya.
"Where have you been the whole day?"
"Umuwi ako, sinabi ko yun kahapon"
Umuwi sa panibagong bahay! Nakakainis parin talagang isipin na naabotan pa ako ng lockdown dito sa Lopez.
"Nakalimutan mo no? Aminin"
Pabiro kong wika sa kanya nung hindi ito sumagot sa kabilang linya.
"Nakalimutan ko Trish, sorry"
Yun lang naman yung palagi niyang paliwanag sakin. Dala narin yun ng dami niyang iniisip na mas importante pa sa pinagsasabi ko.
"Sus para namang hindi ako sanay"
Napangiti nalang ako ng mapait, hindi parin nagbabago si Wendell.
Para lang akong pandagdag sa buhay niya na kahit kailan ko gustong umalis magiging buo parin ito.
Birthday, siya yung unang taong inasahan kong babati sakin pero lumipas na lamang ang tv patrol at 24 oras wala akong mensaheng natanggap mula sa kaniya.
Rason? Sa kakahintay niya bago mag 12 AM hindi niya ko nabati dahil napagod pag uwi mula sa biyahe.
Sa ganoong paraan ko lang siya inaasahan dahil hindi pa kami pwede magkita dala ng pandemic.
Pero nakalimutan niyang gawin.
Ilang beses ng may nangyaring ganun pero mas pinili kong balewalain.
"Love?"
Ganitong ganito siya bumabawi.
Isang simpleng lambing lang mula sa kaniya nagiging marupok ulit ako.
"Po? Ba't gising ka pa?"
Pang iba ko ng usapan dahil tiyak mauunahan na naman ako ng mga paliwanag niya.
"Was about to ask you too"
"Nakatulog ako kanina, ikaw? Inaantok ka na?"
"Nope, anyways how are you? Maaga ka bang nakauwi?"
Napabuntong hininga ako sa naging sagot ni Wendell.
Pano ko sasabihing na stuck ako dito sa Lopez at naabotan pa ng lockdown?
"Hmm oo naman, naab ------"
"That's good, you should sleep first inaantok ka na siguro, late na rin"
Ito rin ang nakakainis sa kanya dahil hindi niya ko pinapatapos, masyadong mahilig sa paligoy ligoy.
Parang naglakbay ang isip nito habang ako yung kinakausap.
"Hindi ako inaantok, hindi ka na naman nakikinig sakin"
"What happened?"
"Wala!"
Kakasabi ko lang nakatulog ako kanina kaya dilat na dilat tong eyebags ko kahit alas dos na.
Kung sobrang dali lang matulog sa simpleng pagpikit ng mata sana ginawa ko na kanina pa.
Di nalang sabihing may iba pa siyang gagawin kaya kailangan na niyang ibaba yung tawag, maintindihan ko naman.
"What?"
"Sige na, may gagawin ka pa yata"
"Meron akong gagawin kaya pinapatulog na kita. Late na rin"
"Eh ba't ka pa tumawag?"
Medyo tumaas narin ang tono ng pananalita ko. Bahala na kung makaistorbo ako sa kasamang nakatulog sa baba ng kama.
"What did you say?"
"Hindi ka bingi Wendell"
Hindi muna ito umimik pero pansin ko ang malalim na pagbuntong hininga.
"You know what? Isip - Bata ka pa rin. Grow up trish, avoid being too childish"
Childish! Isip - Bata!
Dalawang salita na palaging isunod sa Trisha Vanessa Magtasa - Roque.
Naramdaman ko nalang ang pagsikip ng dibdib kasabay ng iilang luha na pinipigilan kong kumawala sa mata.
Sa ming dalawa parang hindi niya ko binigyan ng pagkakataon na mapakinggan yung sinasabi ko.
Hindi ko nga maintindihan kong pano niya ko nagustuhan. Kung halos lahat ng meron ako parang gusto niyang baguhin at ituwid.