Sinag ng araw mula sa labas ang gumising kay Alexa kinabukasan. Nag-inat ng kaunti tapos ay tumitig sa kawalan.
Kakaiba ang pakiramdam niya. Parang may mali.
"Gising ka na pala. Breakfast is ready." sa gulat mula sa biglang nagsalita ay agad siyang napabalikwas ng bangon at nanlalaki ang matang tumingin sa pinanggalingan ng tinig na iyon.
"A-ano'ng...." wala sa sariling napatakip siya ng kumot sa katawan. "A-ano'ng ginagawa mo dito sa bahay ko?!" utal niyang tanong kay Benjie.
Kakamot kamot naman ng ulo ang binata, natatawa sa nakikitang itsura ni Alexa.
"Mukang wala ka pa sa wisyo at inaantok pa..wala ka sa condo mo, nasa condo kita." sa sinabing iyon ay lalong nanlaki ang mga mata niya, maghi-histerikal na sana siya ng magsalita ulit si Benjie.
"Kumalma ka..walang nangyari. Doon sana kita sa pad mo iuuwi, kaya lang ay nagpalit ka na pala ng password. Hindi ako makapasok. Hindi ka naman magising, tulog mantika ka pa rin." agad ay inilibot ni Alexa ang paningin sa paligid niya. Damn! Bakit ba hindi niya napansin na wala siya sa sariling pamamahay?
Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang kumot at iinot inot na tumayo.
"Sorry...sobrang hilo na kasi ako sa antok kagabi," sabi niya habang inaayos ang pinaghigaang kama ni Benjie.
"Nah, that's fine. C'mon. Kain na tayo. Kanina pa ready ang breakfast" napatingin naman siya sa wristwatch niya at nagulat na ang oras ay alas otso na ng umaga. Ganoon siya kahimbing na nakatulog? Sabagay puyat siya.
Matapos ayusin ang kama at makapaghilamos ay bumaba na rin ito sa dining area. Mayroong fried rice ,hotdogs, sunny side up egg, ham and bacon.
"Ang dami mo namang niluto Benjie." namamangha niyang sabi.
Naramdaman naman niya ang pagkalam ng sikmura niya, bigla kasi siyang natakam sa nakita.
"May Prinsesa akong bisita eh. Paborito mo 'yang almusal hindi ba? " ngiti lang ang naisagot niya sa sinabi nito.
Nahihiwagaan siya sa ikinikilos ni Benjie. Bigla na lamang parang nagbago. O mas tamang sabihin na bumabalik na ang dating Benjie na nakilala at minahal niya.
Ipinag-hila pa siya ng upuan nito bago naupo sa katapat niya.
Ramdam na niya ang gutom kaya nauna na siyang maglagay ng pagkain. Isang simpleng almusal lang naman ito ngunit para siyang takaw na takaw. Sarap na sarap niyang ninanamnam ang hotdog na nasa kaniyang bibig. Isang cheese hotdog lang naman iyon na nabibili sa supermarket ,pero parang ang espesyal ng lasa nito.
Baka kasi si Benjie ang nagluto? sita ng isang bahagi ng isip niya.
Ang kaharap naman ay siyang-siya siyang pinanonood sa sunod-sunod niyang pag-subo, hanggang sa tila nahirinan ito kaya nagmamadali siyang inabutan ng tubig.
"Dahan-dahan lang kasi Alexa, may lakad ka ba at mukang nagmamadali ka?" natatawang tanong niya kay Alexa.
"W-Wala naman...ilang araw na kasi akong walang maayos na kain eh." pag-amin naman niya.
"May kasalanan ba 'ko diyan?" nakatawa na tanong nitk sa kaniya.
"Oo. Ikaw na nga itong may atraso sakin tapos ay ako pa ang susungitan mo!" totoong biro na sagot naman niya.
"Kaya ba iniiwasan mo rin ako?" seryoso na ang mukha ni Benjie. Uminom muna siya ulit ng tubig bago mag-salita.
"Oo, baka kasi iyon din ang gusto mo. Nahihiya rin ako kay Ali sa mga nangyari." totoo naman iyon. Hindi pa lang siya nagkakaroon ng lakas ng loob para kausapin si Ali, medyo magulo pa.
"I see..sorry sa mga inasal ko. Magulo pa lang din ang isip ko. Lalo pa at nagtalo kami ni Ali nung makauwi kami rito mula sa Isla. Dagdag pa ang sitwasyon niyong dalawa ngayon. " napabuntong hininga naman siya.
"Sabi mo kagabi ay gusto mo akong makausap. Ano ba ang....pag-uusapan natin?" yung hindi sana tungkol kay Ali, kasi ako ang kaharap mo ngayon.
Dugtong na sabi sa isip ni Alexa.
"Yeah, about us." us?parang ang sarap naman pakinggan ng sinabi niyang iyon.
"There's never been an US Benjie." pagtatama ni Alexa. Nakita niya ang pagtitiim bagang nitong si Benjie. Mukang hindi nagustuhan ang sinabi niya.
"What I'm trying to say is, that night, sa anniversary party. Nagi-guilty ako sa ginawa ko sa'yo." ayaw niya nga ng usapan tungkol kay Ali, pero mas masakit pa pala doon ang pag-uusapan nila.
Napangisi siya sa sinabi ni Benjie. Nawalan na ng gana kumain.
"Okay na sana ako Benjie kasi nagsorry ka na..pero bakit may guilty pa?! Plain sex lang naman iyon Benjie, one night of lust, no strings attached, na pareho naman nating hindi sinasadya, bakit napaka big deal sayo? as if naman na iyon ang first time mong nakatikim ng virgin. Knowing you from our college days.." may halong sarkasmo at pagkainis ang kaniyang sagot.
Lalo namang tila hindi nagustuhan ng kaharap ang mga sinabi niya.
"That's not the point here Alexa. Iba ka sa mga babaeng naikama ko na na sinasabi mo. "
"At ano namang pinagkaiba ko sa mga babaeng naikama mo na at nadonselya mo Benjie? Pare-pareho lang kaming mga babaeng natikman mo at naikama mo na." naghahamon ang kaniyang tono.
"Hindi ka pangkama lang Alexa. Hindi ka katulad ng mga babaeng iyon na pang past time lang. Iba ka sa mga iyon..mahalaga ka sa'kin Alexa..."
"Iba? Mahalaga? Bakit? Dahil sa ibinilin ako sa'yo ni Kuya? Hanggang doon na lang ba talaga Benjie? Hanggang ngayon ba ganoon pa din ang katayuan ko diyan?" na itinuro pa ni Alexa ang tapat ng puso niya.
"That's the point Alexa! Hindi kita magawang mahalin ng katulad ng nararamdaman mo para sa'kin, kasi natatakot akong masaktan lang kita, tulad ng iba. Hindi ko kayang makita na nasasaktan ka ng dahil sa'kin!"
"Sinungaling!" sabay tayo niya at lakad palayo sa kinaroroonan nila. "Mula noon, hanggang ngayon Benjie, wala akong ginawa kundi ang mahalin ka, pero wala ka ring ginawa kundi ang saktan ako ng paulit-ulit. Oo wala kang kasalanan don, kasi hindi mo naman alam! Hindi ko alam kung bulag ka lang o manhid ka talaga, o baka pareho nga. Isipin mo nga kung saang parte ng buhay mo na nawala ako? Sa lahat Benjie ako ang kasama mo! Masaya, malungkot, sa mga kalokohan mo, nandoon ako! Ikaw ang higit na nananakit sakin Benjie! Lalo na nung makilala mo si Ali. Nakalimutan mo na ko, sa kaniya na umikot ang mundo mo. Sa kaniya ka na masaya. Samantalang ako nasaan? Nasa isang tabi, pinapanood kung paanong ang taong minamahal ko ay unti-unti ng nawawala sa akin. Wala akong magawa. Baka kasi talagang si Alicia ang magpapasaya sa'yo. Baka siya talaga ang para sa'yo. At wala akong karapatang pigilan ka kung saan ka magiging masaya. Kaya kahit masakit, kahit ang sakit sakita na Benjie, tiniis ko. Tapos ngayon, heto ka, sasabihin sakin na nagi-guilty ka dahil sa nangyari ng gabing 'yon? Alam mo ba kung gaano ako kasaya na sa'yo ko iyon ibinigay? Na ikaw ang nakakuha non? Kasi iniingatan ko 'yon para sa'yo, umasa kasi ako na baka isang araw magising ka at ako na ang mahalin mo. Na ako ang aayain mong magpakasal at maging ina ng mga anak mo. Kung may pagsisisihan man ako sa mga nangyari ng gabing iyon ay iyon ang pagkalasing ko, nanghihinayang ako, kasi wala manlang akong naaalala. Hindi ko manlang nakita ang mukha mong nasasarapan sa katawan ko. Na napapaligaya ko yung taong mahal ko. Tapos ikaw...parang sisising sisi ka sa mga nangyari. Oo nga naman...may fiancé ka na...tama ka naman 'don. Pero P*t*ngna lang Benjie! Sana ako na lang! Ako na lang si Ali! " sa puntong iyon ay naupo na siya sa couch na nasa living room. Hilam ng luha ang kaniyang mga mata. Pakiramdam niya ay wala na siyang dapat pang itago sa kababata. Silang dalawa lang..malaya niyang masasabi ang mga hinanakit niya rito.
Si Benjie naman ay hindi alam kung ano ang sasabihin. Hindi makakibo at hindi mapaniwalaan ang mga narinig.
"Sinabi ko na sa sarili ko pagkatapos ng nangyari sa Isla. Iiwasan na kita...lalayo na ako sa'yo, pero ang tanga ko pa rin sa part na nag-stay ako na maging sekretarya mo at patuloy na magtrabaho para sa'yo! Tama naman si Nikka. Paano kita maiiwasan kung limang beses sa isang linggo tayong magkikita? Akala ko noon kapag hinayaan ko na lang itong pesteng nararamdaman ko para sa'yo, ay kusa na lang mawawala, kasi baka mapagod din ako. Sinubukan ko rin namang tigilan at pigilan ang kahibangan ko sa'yo eh. Pero hindi ko magawa, hindi ko kaya...kasi....kasi sa t'wing susubukan kitang layuan, ako din yung nahihirapan,sarili ko lang din iyong sinasaktan ko! " sinubsob niya ang mukha sa sariling mga palad, hinayaang ilabas ang lahat ng luhang puno ng sakit at tampo para kay Benjie.
"Tapos ngayon...malalaman ko pa, na yung kasintahan ng mahal ko...ay siya rin palang kapatid ko. Ang sakit-sakit Benjie, sobra. Sobra!"
(Sa haba ng naitype ko para sa linya ni Alexa, nasaan ka Benjie? Wala ka bang point of view? Magsalita ka! 😂 char lang, ang bigat kasi ng eksena)
"Lex..."
"Yan! Yang mga galawan mong matagal ng nawala na parang kinalimutan mo na nga, na ngayon ay inuulit mo, ang nagpapahirap sa nararamdaman ko. Sasanayin mo na naman ako sa mga pa-sweet mong treatment ,tapos ano? Kapag sanay na ako, bigla ka na namang mawawala. Hindi ko ugaling ipilit ang sarili ko sa kahit sino, hindi ako kailanman naging selfish , pero kahit ngayon lang Benjie, pwede bang ako na lang? Ako naman ang piliin mo? Sa akin ka na lang? Ako naman yung mahalin mo!"
Hindi makahagilap ng sasabihin si Benjie. Ang nagawa na lamang niya ay lapitan ito at yakapin ng mahigpit. Kinakalma ang kababatang patuloy sa pag-iyak. Hindi niya inaasahan ang mga sasabihin nito. Kung nakita at nalaman lang niya sana ng mas maaga ay baka nga sila na ni Alexa ngayon. Tila ibinalik si Benjie sa nakaraan at naalala kung paano sila nagsimulang dalawa ni Alexa.
"Alexa, this is your Kuya Benjamin, son of Tita Lorena," pakilala ni Anastasia sa kaniya.
"Lex, Benjie.." inilahad ng limang taong si Benjie ang kamay sa batang si Alexa, na apat na taong gulang pa lamang noon.
"Hi Kuya Benjie!" masiglang inabot ni Alexa ang kamay niya. Magiliw itong bata, halos lahat ay kinakaibigan.
"I'm not your Kuya! I will be your future boyfie!" nagkatawanan naman ang mga nasa paligid.
"Boy...fie?" tila hindi naiintindihang tanong ni Alexa sa kaniya.
"Yes! Your protector and knight in shining armor!" tandang tanda niya pa rin ang sinabi niyang iyon kay Alexa, na hanggang sa tumungtong sila ng High School ay ginagawa niya.
Dahil maganda at napaka friendly ni Alexa, maraming nanliligaw at sumusubok na makuha ang oo ng dalaga. Isang araw nga ay may inabangan pa siya sa labas ng school matapos ang klase, tapos ay binugbog. Hinaharang niya ang mga magtatangkang manligaw kay Alexa, nagpapakilala siya bilang boyfriend nito at binubugbog ang kung sinomang magtatangka. At hindi iyon nalaman ni Alexa, ang alam lang nito ay palaaway siya kaya lagi pinapatawag sa guidance office.
Hanggang isang araw, bago ang graduation. Tinanong niya si Alexa. At ang tanong na iyon ay kung ano ang tipo nitong lalake. Sinagot siya nito ng ,
"Yung hindi palaaway na tulad mo, lagi kang nang-aaway." yan ang eksaktong natatandaan niyang sinabi ni Alexa sa kaniya. Nasaktan siya doon at nawalan ng gana.
Kaya magmula ng pumasok sila ng college ay kung ano-anong kalokohan na ang pinasok niya. Kabi-kabila ang kasintahan..isa, dalawa, o tatlo, kung sino ang may gusto,pinagsasabay sabay niya. Pero patuloy pa rin niyang binabantayan si Alexa. Tahimik lang siyang nagmamasid dito.
Fourth year college ng makilala niya si Ali, transfer student ito. Maganda, mabait, hindi tulad ng mga nakilala niya. Minsan ay sinubukan niyang ikwento kay Alexa ang tungkol kay Ali, tila wala naman itong interest at sinabing "Kahit sino, huwag lang ako." Nasaktan siya don' sobra. Kaya minabuti na lamang niyang ituon ang atensiyon nya sa iba at ito nga si Ali. Nanatiling nakasuporta itong si Alexa sa kaniya. Sinasadya niyang tawagan ito sa tuwing malalasing para inisin, kahit ano'ng kwento niya ng sama ng loob kapag may simpleng ayaw sila ni Ali ay lagi lang siyang pinapayuhan nitong magiging ayos din ang lahat. Lalo na ng sumakabilang buhay ang Kuya ni Alexa. Sa kaniya inihabilin ni Andrei ang nakababatang kapatid, pakabilin bilin nito na huwag sasaktan si Alexa , pisikal man o emosyonal. bantayan at alagaan tulad ng ginagawa niya sa kakambal na si Bea. Dahilan para tuluyan na niyang bitawan ang nararamdaman para kay Alexa. Mabuti pang ibang tao na lang ang masaktan niya huwag lang si Alexa. Dumagdag pa sa takot at alalahanin niyang baka masaktan nga lang ito ,nang makita niya kung paano ang naging lungkot at pagluluksang pinagdaanan nito ng mawala ang kapatid na si Andrei.
Mga dahilan para ibaling ang pagtingin sa iba, hindi naman mahirap mahalin si Ali. Natutunan niya rin itong mahalin ng totoo, hanggang sa umabot na nga sa pag-aaya niya ng kasal. Ngunit matapos ang nangyari noong gabing iyon sa pagitan nila ni Alexa ay tila muling nagulo ang isip niya. Ang pagseselos na naramdam kay Martin noong nasa Isla sila, ang mga sinabi ng mga kababata noong huli silang uminom, at ang mga sinabi ni Alexa ngayon na nagdudulot ng lalong kaguluhan ng puso niya.
Ang inakala niyang nararamdaman noon para kay Alexa ay tuluyan ng nawala, ngunit mali. Naisantabi lang pala at pansamantalang nagpahinga. Nagkakaroon na ng pagtatalo ang isip at puso niya, nalilito kung sino sa dalawa...
Ang una bang minahal o ang natutunang mahalin?
---------*******-----
Sino? Ang pipiliin ko? Ikaw ba o ang puso ko? O siya baaaaaaa!!!!
Ang lupet mo Benjie!!!!!!!
O pasensiya na, medyo lutang na naman ang update. Kapag kasi naiisip ko yung mga magiging istorya nung iba na-eexcite ako. Lalo na pag nandoon na sa kwento ni Alicia. Actually parang magiging isang malaking flashback at point of view lang yung kwento ni Ali. Nandoon lahat..lahat-lahat.
Sana patuloy niyong isupport ang story and magiging stories ko pa.
Drop down you names guys para ma-dedicate ko sa inyo ang next update natin . Huwag kayong mahiya. Pa-thank you ko na sa inyo yon!!
Continue reading my stories and please follow and vote na din! Salamuch!!!
Muapxx