RUBIE ANNE CALDERON
Nang dahil sa pagkatalo at pagkapahiya namin sa nangyari sa LUWAD ay nagpasya kami na bawian ang lalaking iyon. Kaya ginamit namin ang isa sa mga babaeng tauhan namin. Inutusan namin siya na gawin niya ang lahat para akitin ito at umarte siya na hinaharass siya nito. Kinausap din namin ang ilang security personel ng bar na iyon..madali ko naman silang napapayag dahil sa protektado namin ang bar na iyon.
Kaya ngayon ay nasa presinto sila para kasuhan iyong lalaki. Kaming tatlo ay sinundan sila at nagmasid lang kami sa labas ng presinto..
Habang nagmamasid kami ay napansin namin ang pagdating ng tatlong tao. Namasdan namin na kinakausap non babae ang kanilang station commander.. Mga ilang minuto ang lumipas ay nakita namin na sila na ang humarap sa mga tauhan namin pati na rin kay Atty. Cortez.
Mga ilang sandali pa ay biglang lumabas si Leon ang lalaking nakalaban namin. Kinausap siya nong isa sa mga taong dumating doon. Pamilyar sa akin ang mukha nong lalaking kumausap kay Leon.. Alam kong nagkakilala na kami nito..hindi ko lang maalala kung kailan at saan. At ano ang relasyon nito kay Leon...
Habang nag uusap sila ay kita namin na iyong mga tauhan na namin ang dinadala sa loob para ikulong. Nabaligtad ang lahat lahat ng pangyayari simula nang dumating ang tatlong taong iyon...
"Damn,damn,.. this is not supposed to be happen. " galit na sigaw ni Meagan na halatang iritadong iritado sa mga pangyayari. " and who in the hell..those people????? "
"Just calm yourself Megz, this is not the right time to argue this matter.." sagot ko sa kanya samantalang pansin ang pananahimik nitong si Alex na patuloy sa pagmamasid..
"I think that guy Leon is had something.. i sense some mysteriousness in his personality... " muling sambit nitong si Meagan..
"thats why we need to figure out who are they and what are their relation to that Leon.. " naiinis na sambit ko at turo don sa tatlong taong dumating.
Nasa gitna na kami ng pagdidiskusyon ni Megz..pero itong si Alex ay patuloy pa rin sa pagtitig kay Leon.. hanggang sa nakaalis ito sa presinto..
"Alex, " tawag ko sa kanya.. "are you still with us. "
"Ha, why, what are you saying..?? " nabibiglang sagot naman nito..
"I said if your still with us....kanina pa kami nagdidiskusyon dito pero parang wala kang pakialam sa paligid mo.."
Sasagot na sana siya kaso ay biglang nagring ang phone niya.. "Hello....yes Uncle...tommorow
...about what Uncle..... Okay we will be there....bye Uncle.. " mga sagot niya sa nasa kabilang linya..
"So Alex whos calling you.. " tanong agad ni Megz nang mapatay ni Alex ang phone niya..
"its Uncle Pete...he said that there gonna be an urgent meeting tommorow night... pinatawag ni Dad ang lahat ng lider ng mga grupong kasapi ng organisasyon... "
"tungkol saan naman daw ang pagpupulong na iyon... " tanong ko naman..
"I dont know, wala ring binanggit si Uncle.. lets better call the night off and see you tom.. " ang huling sabi ni Alex.
Matapos non ay nagkanya kanya na kami nang uwi. Habang bumabagtas ako pauwi ay naalala ko ang pamilyar na itsura nong lalaki na kausap ni Leon.. Inalala ko kung saan ko ito nakita at nakilala. Hanggang sa nakauwi na ko ay siya pa din ang laman ng isip ko.
"Mam, " dinig kong tawag sa akin ng kasambahay ko kaya nawala ako sa aking iniisip. "May sulat pong dumating..para sa iyo ito..." sambit niya at inabot sa aking ang isang black envelop.
"Manang nakilala niyo ba kung sino ang nagdala nito. " ang natarantang tanong ko dahil ng makita ko ang envelop ay kinabahan na ako ng todo....
"Yon kartero po Mam, siya po ang may dala at nag abot ng sulat.nasa special delivery po daw ang sulat. "
"okay Manang," ang tanging nasambit ko at binuksan ko na ang sulat.
QUEEN, I KNOW WHO REALLY
YOU ARE, YOUR END IS NEAR
Pagkabasa ko ay nabahala ako dahil paano nalaman nito kung sino kami. Kaya dali dali kong tinawagan si Alex at Meagan.. Sinabi nilang nakatanggap din sila ng sulat. Pare pareho na kaming hindi mapalagay at hindi alam kung ano ang gagawin.
Napag usapan na lang namin na pag usapan ito kinabukasan...
------------_------------------------
SA MANSION NG MONTERO
Isa isang nagsidatingan ang mga kasapi at pinuno ng organisasyon. Si Anton Calderon na aking ama, Luis Fuentes na ama ni Meagan.. Silang ang founding officer ng Mafian Organization ang BLACK DRAGON TRIAD..
Ilan sa mahahalagang kasapi at protektor ng organisasayon ay sina Col. Peter Baron, Major Nilo Topaz at si Gen. Zander Austria.. Kasama din sina Cong.Arthuro Ruiz at Sen. Marion Dela Vega...
Dumating din ang ilang lider ng mga grupo na kabilang sa Mafian Empire ng bansa. Kasama na dito ang White Lotus na pinamumunuan naming Queens, Rebels sa pamumuno nina Hazel Ruiz na anak ni Cong, Arthuro Ruiz at Marianne Dela Vega anak ni Sen. Marion Dela Vega.
Scorpion Clan sa pamumuno ni Xavier Andres, Black Crow Gang sa pamumuno ni David Ruella at ang Devils Den Group na pinamumunuan ni Angela Ortiz at Samantha Lisbon.. Ang mga grupong ito kilala sa bank robbery, carnapping, kidnapping at mga matitinik na assassin.
Nagtipon tipon ang lahat dahil sa agaran pagpapatawag ni Don Rafael de Montero. Nasa loob ng isang hall sa mansion ang lahat. Pinagawa talaga ito ni Don Rafael para sa mga ganitong pagpupulong.
"Magandang gabi," ang bati ni Don Rafael sa lahat. "Pinatawag ko kayong lahat dahil sa mga nakalap na impormasyon ng ilang kasama natin... At ito ang pag uusapan natin ngayon.. Para sa unang mahalagang agenda na pag uusapan natin ay hahayaan ko na si Monica na ang magpapaliwanag.. "
Tumayo si Monica at pumunta sa harapan. "Ang tinutukoy sa atin ni Don Rafael ay ang pag-usbong nitong bagong grupo na nagbabantang unti unting puksain ang ating grupo.. Ito ang grupong " LIONS DEN"..ang ilang miyembro nito ay mga dating kasapi ng ARAMIS Group na nagtraydor sa ating organisasyon...napatay na ang lider nila at nakulong naman ang ibang grupo nito.... Ngayon ay nabuhay muli ang grupo at ang layunin nila ay malipol tayo." mahabang paliwanag ni Monica.
"Why we waste our time with them..Their just a small group,,we can easily demolish them." ang galit na sagot ni Xavier. "ang grupo na namin ang bahalang humanap at tumapos sa grupong iyan.. " pagmamayabang pa nito.
"Dont be too over confident Xavier,.. maliit man na grupo sila pero hindi sila basta basta...in a short period of time nagawa nilang idiskaril ang ilang nating mga operasyon...isa pa'y hindi basta lakas o pwersa ang ginagamit ng kanilang lider nila kundi isip.. " patuloy na paliwanag ni Monica. " matalino,mautak at mabagsik ang bagong lider nila.. nagpaplano pa lang tayo ng ating gagawin sila'y umaatake na.. "
"sinasabi mo ba sa amin na hindi natin sila kayang lipulin." maangas at ngingising pagtatanong ni David. "madali lang namang lutasin ang problemang iyan.. unahin natin ang pinuno nila.."
"Thats the problem..no one ever known who was their leader.. No one on the member already saw his face... " ang sarkastikang sagot ni Monica na nagpipigil sa sarili dahil sa nayayabangan na siya sa inaasal nina Xavier at David.
"For now lets take it slides, lets Xavier and Davids group handle it..they need to uncover the identity of their leader... " sabat at utos ni Don Rafael.. "Now lets hear Col. Baron, he got an important info on what the government move to hunt us down.. "
Si Col. Baron naman ang pumunta sa harap binuksan nito ang prompter. "As you all know masyadong nababahala ang gobyerno dahil sa sunod sunod na pag atake ng ating grupo at sa patuloy na pagkalat ng mga illegal na droga sa bansa...so the president order to form a new task force that will hunt and bring down our organization.." salaysay nito at saka may pinakitang litrato ng apat na tao. "as you can see this our the guys that will lead this task force.. and they were the same people who extinguish the group that Don Miguel leads.... " pinakita niya ang unang larawan. "this is Col.Mariane Gabrielle Braganza, she was a smart soldier, a sharpshooter, taekwando expert and a cybernetics genius. She is the brain of this taskforce.... next is Major Samuel Perez a former CIDG operatives, siya lang naman ang nanguna sa mga raid ng mga laboratory at halos umubos sa mga drug lords nong panahon ng pamumuno ni Don Miguel.. Ngayon ay isa siyang regional chief of police sa Zamboanga....Third is Captain Nicholas Mendiola a former soldier who serve the army.. Hes a bomb and explosive expert. Nagresign siya sa serbisyo nang matanggal ang kaibigan niya. .. And last is the most dangerous guy in the service.. Hes ex Lt. /Col. Jhondel Larrazza..dangerous because of his expertise in shooting, combat skills, specially in hand to hand combat and most of all he can kill you using only this.(pakita niya sa isang lapis)... siya lang naman ang nagpakulong sa mga matataas na opisyal na naging protektor ni Don Miguel, wala siyang kinatatakutan o sinasanto..siya ang dahilan kung bakit napilay ang organisasyon. Natanggal siya sa serbisyo dahil sa diumano'y pagpatay niya kay Don Miguel na lumalabas na ginawa niya ito dahil sa personal revenge niya.... Ngayon ay muli silang tinipon ng presidente upang pangunahan muli ang task force.. Sila ang tinagurian at sikat na Wildbeast of the force.. " muling salasay ni Col.
Napansin ng lahat ang biglang pagbabago ng mukha ni Don Rafael. Napuno siya ng galit ng makita ang larawan ng taong pumatay sa pinsan niyang si Don Miguel.
"So hes the one,i will never forgive him on what he done to Miguel.. "
"Wait, now i know why." biglang napasigaw itong si Meagan at tumingin sa amin ni Alex.. "Alex, Anne its him.. dont you remmember that guy." turo nito sa larawan ni Lt./Col.Jhondel Larrazza.. pinakatitigan naman naming ng maige ang larawan...
"Hes the guy in the bar who help us and who ruinned our reputation in Luwad.we just barely known him because he got a long hair now but its him.. " banggit muli ni Meagan.
"did you already met that guy. " tanong ni Don Rafael sa aming tatlo.
"yes Tito, " sagot ko sa kanya. " siya ang tumulong sa amin nong maharrass kami sa bar at siya din ang nakalaban at tumalo sa amin sa Luwad... "
"Malaki ang atraso niya sa amin Tito, siya ang dahilan kung bakit nasira kami sa Luwad. " pagmamaktol ni Meagan.
"So you already encounter that guy hmmm." tatango tangong tanong ni Don Rafael. "do you think you can handle that four" muling tanong nito at tumango naman kami ni Meagan. "So i gave them to the Queens for them to make a revenge...
"kami na ang bahala sa kanila Tito. " sabi ko na puno ng kumpiyansa...
Samantalang titig pa rin si Alexandria sa larawan ni Jhondel. Wala pa ring kibo ito at kita ang pamumula ng mukha nito. "Hey Alex are you okay," agad na tanong ko sa kanya..napuna ko ang kinilos niya. napahawak din kasi ito sa dibdib niya.
"im not fine, maybe im just a little bit tired. " sagot nito at tumayo. "i gonna take a rest.." paalam nito..humalik muna siya sa Dad niya bago tuluyang umalis.
Sa ikinilos na yon ni Alex ramdam kong may naging kakaiba na sa kanya.. Masigla ito kanina pero nang makita niya ang larawan ni Larrazza ay biglang nag iba ang pakiramdam niya.. Alam kong may itinatago itong si Alex...pero hindi ito ang panahon para pagtuunan ng pansin ano man ang nararamdaman niya sa ngayon.
Matapos ang meeting ay nagpasya na rin akong umuwi.. Sa bahay naisip kung muli yong lalaki..na si Capt. Mendiola. Nang makita ko ang larawan niya kanina ay doon ko naalala kung saan ko siya unang nakita.
Siya ang taong tumulong sa akin nang masiraan ako ng sasakyan sa gitna ng isang highway. Simula noon ay nagkagusto o humanga na sa kanya. Nakita ko siyang muli nang mapanood ko ang interview nila. Simula noon ay naging sobra na ang paghanga ko sa kanya. Kahit na nalaman kong isa siyang sundalo ay hindi nawala ang pagkagusto ko sa kanya. Alam kong kahit anong gawin ko ay hindi kami magkakatuluyan dahil magkaiba kami ng ginagalawang mundo.
Magkaiba kami ng mundong ginagalawan at ang masakit para sa akin ngayon ay kami ang nakatakdang papatay sa kanila.. Hindi alam nitong dalawang kaibigan ko ang matagal ko nang pagtingin sa kanya. Dahil magiging buhay ko ang kapalit kapag nalaman nila ang nararamdaman ko..
Habang nakahiga ako sa kama ko ay pinagmamasdan ko ang larawan niya.. Ito yong larawan na kinuha ko sa isang news article sa internet thats three years ago.. Hindi ko siya namukhaan non makita ko siya sa presinto dahil malaki ang pinagbaho ng itsura niya. Mas lalo siyang gumuwapo ngayon,..
Buong magdamag akong nakatitig sa larawan niya hanggang sa makatulog ako.
To be continue.....