Kabanata Dalawa: Shikitsu Matsume, Ang Halimaw na Tagapagkontrol ng mga Malayanyika
"Hahahahahahahaha. Musta na... Prinsesa... Hisan'na?," pamilyar ang nakakatakot ang malalim niyang pagtawa.
Kahit na sinakal ako ng mga bangkay na nakaitim nagawa ko pa ring ipaling ang aking leeg kahit pahirapan upang masaksihan at masilayan kung tama ang kutob ko kung sino ang taong tumatawa.
May matangkad na taong nakasuot ng purong itim ngunit mayayamaning damit, mga anim na talampakan ang tangkad at mukhang mas matanda sa akin ng lima. Masyadong masakit ang kanyang paalon- along mahabang hanggang bewang na buhok para sa akin, kasing pula kasi ito ng apoy. Tunay at walang halong biro.
Pero kahit anong haba ng buhok niya, masasabi mong lalaki ang isang ito sa isang tingin dahil sa gulung-gulungan nito. Idagdagan mo pa ang mas masingkit nitong itim na mata na nababalutan ng babala at magbibigay sindak sa mga tumitingin. Kahit na, mapang-akit naman siyang tignan.
Mayroon ding kakaibang tatoo sa kanyang muka, bandang kanan ng kanyang pisngi. Isang itim na bilog na buwan na sinasakmal ng ahas. Di ba si Bakunawa yun?
Iyan pa lang na Bakunawang tatoo sa kanyang kanang pisngi masasabi ko na siya nga iyon! Kilala ko siya!
"Ehehehe... Limang taon na ang nakakalipas ah... Pero ganyan pa rin ang itsura ng mga manyika mo? Bakit walang pinagbago? At lalong pumangit ata?... Sabihin mo nga, ano ba ang pumasok sa maliit na kokote mo para tulungan ang kalaban, ha? Anong kaalibadbarang ginawa nila sa iyo?," kagaya ng dati, walang takot na pang-iinsulto kong saad na may halong tawa na nagpapula ng kanyang muka sa galit.
"Paki mo ba kung anong ginagawa ko, buhay ko iyon!... Ano naman kung pangit ang mga manyika ko?! Bakit kaya mo bang gumawa o makawala man lang sa aking mga manyika? Tamo nga sakal- sakal ka pa rin niya!," galit na galit na hasik nito.
Nagmisangot saka umismid ako, waring nasaktan ako doon ng konti. Pero agad ko iyong binura saka napangiti ako ng tipid dito. Kasi...
Tama nga ako! Siya si Shikitsu Matsume!
Dati ko itong kaibigan! Lagi kaming magkasama sa kakulitan at tumatawa sa kapalyahan namin. Hindi alintana ang pagiging prinsesa ko sa aming pagkakaibigan. Pero hindi ko alam kung bakit isang araw bigla na lang siyang nawala ng walang bakas. Mga limang taon na nga kaming hindi nagkikita't di man lang siya nagparamdam.
Dati pa lang, ang lalaking ito ay gwapo na ngunit takot at kinaaayawan ng marami. Isang dahilan nun ay isa siyang magixter o mahikero na may astig na kakayahang gumamit ng mahika lalong- lalo na sa paggawa at pagkontrol sa manyika.
Ayon sa kaalaman ng lahat, mga kalahating siglo na ang nakakalipas simula nang nadiskubrehan ang paggamit ng mahika. Sa panahong iyon hindi pa naipagbubuklod at hinahayaan o tanggap pa ang pagkakaroon ng relasyon ang isang bampira at isang tao.
Ang pagkakaalam ko ang kanilang anak na may dugong bampira ay nagkakaroon nang kakayahang gumamit ng isang partikular na mahika. Ang tawag sa kanila ay magixter o mahikero.
Marami ang mga ito noon ngunit misteryosong nawala ang mga ito. Napag- alaman lang na nagtatago sila. May sampung dekada nang nangyari ang gyera sa pagitan ng tao at bampira. Naghiwalay at nasira ang mabuting samahan ng dalawang lahi.
Simula noon kinamumuhian na ng mga tao ang mga mahikero at inabandona. Mayroon pa rin ang nagpapanatili ng pakikipagkaibigan kagaya ko ngunit kinamumuhian na din sila. Iba nga lang sa akin: hindi nila ako harapang kinukutya. Halos miserable ang naging buhay nila pero hindi sa akin.
Tanda kong may pitong taon lang ako nung una ko siyang nakita. Nung panahong iyon tumakas ako sa palasyo dahil sa kaburyuhan. Palagi na lang may ginagawa ang lahat. Pati nga ang pinsan ko hindi ko alam kung anong pinagkakadiskitahan nun.
Kaya ganun, habang naglalakad ako at mangha- manghang nagmamasid sa buong paligid ng maingay at mataong palengke may nakita akong pigura sa ibaba na nagbigay ng kiyuryusidad sa akin.
Siya ang dating labing- dalawang taong gulang na Shikitsu Matsume. Palaboy- laboy at kaawaawa siyang nakaupo sa sa ilalim ng sementadong tulay. Halos walang buhay at linawag ang kanyang mga itim na mata. Dati hindi ko alam na mahikero siya pero unang naisip ko ay mukhang inabandona siya ng pamilya niya.
Ganun lang siya nang biglang may sumulpot na limang batang lalaki at nagkaroon ng komprontasyon. Mas malaki ang katawan nila kesa sa kanya at siguradong mas malakas ang mga ito sa kanya kaya kung magkataon man na magkaroon ng gulo tiyak na mas maraming matatamong sugat si Shikitsu.
Tama nga ako dahil maya- maya pa biglang nagkaroon ng kaguluhan sa kanilang anim. Biglang sinuntok si Shikitsu ng pinakamalaking katawan na lider ata ng mga batang lalaki. Nasundan pa iyon ng kung ano-anung pananakit. Lahat ay tumatama at nag- uube ang balat kung saan mang parte ng kanyang katawan nabanat.
Nakakamangha ngunit nakakaawang wala man lang lumalabas na kung anong tunog mula sa bibig nito. Sa una wala din akong namamataang ni anong ekspressyong makikita sa kanyang mga mata kahit na masaktan siya ngunit napansin ko ang sakit, galit at may malakas na hangarin sa pagpatay na ekspressyon nito kung hahalungkatin at bibigyan mo ng maiging pansin ang mga ito.
Nagkaroon ako ng pagnanasang sila ay aking lapitan upang sana'y patigilin sila dahil nagkakasakitan na sila. Ngunit nang malapit na ako, nagulat ako nang bigla na lang sumilay ang may nakakapanindig- balahibong ngiti sa kanyang dungisin at punong-puno ng sugat na mukha.
May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman. Bumilis ang tibok ng puso ko ng mga oras na iyon. Naglalaban ang isip at puso ko. Nang napagdesisyunan ko nang humakbang ng isa, naitutok at ipinagsasaksak na niya sa mga batang nang-aapi sa kanya ang tangan niyang matalas ngunit kalawanging punyal.
Nanlaki ang mga kong mata dahil nagulat ako ng sobra nung hindi man lang siya nagdadalawang -isip na ilaslas iyon sa mga batang nanakit sa kanya. Saka lang ako napapikit sa takot at gulat ng aking mga mata nang makita ang dugong umagos. Naramdaman ko pa ang malapot na malagkit ngunit mainit na likidong dugo na napatilamsik sa aking mukha.
Nang imulat ko na uli ang aking mga mata, nasilayan ko na lang ang mga nakahandusay na sariwang bangkay ng limang batang lalaki. Puro gulat, takot, galit, pagkasindak at pagsisisi ang makikita sa kanilang mukha na nawasikan din ng dugo.
Nang ibaling ko ang aking paningin sa batang Shikitsu, may nakita akong dalawang kung anong bagay sa tabi ng lalaki. Mga walang mukha ngunit tingin ko'y parang mga tao. May dugo din sa mga damit at kamay ng mga ito.
Nakakatakot nga lang dahil pakiramdam ko galit sila at nakabaling ang kanilang atensyon sa akin. Isa pa, kahit na alam ko na wala naman itong mata eh nanlilisik ito. Nagpupumiglas pa nga ito at alam kong pipiglasin ako ng mga ito kung hindi lang sa kung anong nagpapapigil dito.
Sa totoo lang, gustong- gusto ko nang magtitili sa oras na iyon pero hindi ko kaya. Nangatog at nanlambot ang mga tuhod ko sa takot at kaba. Malay mo ba naman ikaw na ang patayin sa susunod.
Ito na ang pangalawang beses kong nasaksihang may pumatay sa harap ko. Kahit na nakita ko ang mga pagpatay bata pa rin ako, mura pa rin ang aking kaisipan.
Naghintay ako sa ano mang nakakatakot at mapangib na gagawin niya sa akin. Ngunit ngumiti ito ng malademonyo at dinilaan niya ang kanyang labi na may kaunting dugo sa napakabagal at nanunuyang paraan. Nagbigay ito ng kilabot sa buo kong katawan. Ang pagkitil, pagngiti at lahat ng iyon ay gawa ng lalaking nakaharap sa akin.
May parte sa akin na nag-uutos na pumatikar palayo at humihingi ng tulong pero bakit parang mas naawa pa ata ako noon? Bakit kako? Kasi pagkatapos ng ginawa niya parang bumalik na siya sa normal nang makita niya ang mga patay na katawan sa harap niya. Nag-iiyak siya at humihingi ng tawad, paulit ulit.
Naawa talaga ako pero may galit at pagkayamot din akong nararamdaman.
Bakit kasalanan ba niya yun? Masisisi mo ba siya kung bakit siya nakagawa ng ganung bagay? Masama at makasalanan ang ginawa niyang pagpaslang. Oo, pero nagawa lang naman niya iyon dahil gusto niyang depensahan at protektahan ang kanyang sarili.
Isa pa hindi lang siya ang may kasalanan. Kung hindi ba naman nang- aapi't nang-aasar ang mga walang modong mga batang lalaki edi sana baka nagtatakbo pa sila ngayon at nagsusumbong sa kanilang magulang. Pero wala eh, nangyari na't hindi na maibabalik. Hay...
Nag-aalalang nagmasid ulit ako sa kanya, hindi alam kung aakusahan ba, ipapakalandakan ang masama niyang ginawa sa iba o sasamahan siya at kukunsweluhin.
Nakatitig lang siya sa mga nanginginig at punong-punong dugo ng iba sa kamay saka may biglang sumilid sa kanyang isipan. Mula sa malayo nakita niya ang patalim na naipansaksak niya at agad na pinulot iyon saka inilagay sa leeg, tila lalaslasin niya ang kanyang leeg.
Gusto niyang magpakamatay!
Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Kinakabahan at natatakot, agad akong umakto. Dali- dali kong sinipa siya sa tiyan. Nag-aaral na ako noong magpalakas ng katawan kaya hininaan ko, sapat lang para mawala ang kanyang konsentrasyon. At nang wala na sa kanyang gagawin ang kanyang atensyon agad kong hinablot mula sa kanya ang punyal.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa totoo lang mukha siyang baliw sa panahong iyon na may dalawang kaanyuan- isang demonyo at isang normal na indibidwal. Kakaiba, kakaibang- kakaiba talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasisiraan na ata ako ng bait!
Ilang saglit pa bago lang niya namataan ang prisensya ko. "Lu- lumayo ka!... Hu-huwag kang lalapit! Baka...," ngangatal ang natatakot ngunit nagbabantang boses niya habang umuurong palikod.
Natatakot siyang makasakit ulit ng tao. Iyan ang napagtanto ko.
Sinasabi niyang lumayo ako ngunit nandoon lang ako sa kinatatayuan ko at wirdong- wirdo na sa nangyayari. Tila hindi kinakaya ng isipan ko ang lahat.
Hindi ko alam pero lumapit lalo ako sa kanya. Utay- utay akong humakbang kahit naririnig ko ang mga banta niya. At sa wakas nasa kalahating metro ang pagitan namin nang bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.
Gusto ko siyang maging kaibigan kasi naaawa ako! Bakit sa tingin ko mas miserable pa ang buhay niya kesa sakin? Nawalan ako ng mga magulang sa murang edad pero siya inabandona. Kahit wala na sila meron pa rin akong mabubuting kanag-anak na nagbigay sakin ng proteksyon, mga materyal na bagay, payapa at masayang buhay. Bakit siya nasa ganung katayuan? Nag-iisa, malungkot, palaboy- laboy wala nang pake da buhay at parang katapusan na ng mundo para sa kanya?
Napag-isipan kong kakaibiganin ko siya. Hindi ko man alam kung bakit ayaw ko siyang makitang miserable, takot at may inaalala. Napadesisyunan ko sa oras na iyon, ibibigay ko ang aking makakaya upang kahit papaano mapagbago ko ang buhay niya. Mabuhay ng walang takot, masaya, tahimik at malaya.
Maganda sana ang lahat pero bigla siyang nawala ng walang pasabi at di na muling nasumpungan...
Heh, sa tagal ng panahong nagkalayo, hindi ko inasahang magkikita kami uli sa gantong paraan.
"O sya sya, hindi na kita iinsultuhin baka sumabog ka pa sa galit diyan... Ano pwede mo na ba akong pakawalan?," walang tigatig kong sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya ng mahinahon.
"Gusto pero di p'ede," mahina niyang bulong ngunit nahuli pa rin ng pandinig ko. Ha? At bakit naman? Wag mong sabihing balak niya akong patayin?!
Nanginig ako sa iniisip ko at umiling-iling. Narinig ko na lang ang sigaw ni Nutsuba.
"Mahal na prinsesa!... Ikaw... pakawalan mo ang prinsesa!," arroganteng utos nito pero siya pa man din ay hindi makaalpas sa pagkahawak- hawak sa kanilang leeg ng mga nakaitim at pugutang malamanyika.
"Sa tingin niyo ba lagi niyo na lang akong uutusan?! Lagi na lang kayong umaktong parang nakakataas at mas makapangyarihan.... Nakakarindi na ahhhh!" Sigaw ni Shikitsu tila leong galit na galit. Nangapula ang kanyang mga mata. Nawalan ng kontrol ang mga malanyikang pugot ang ulo at may laslas ang leeg.
Biglang humigpit ang pagkakasakal sa amin. Mas lalo akong hindi makahinga. Nagpupumiglas ako, sinusubukang makaalpas. Ganun din ang dalawang babae at ang kambal. Ngunit unti- unting nawawalan kami ng hangin pati narin ng lakas. Malapit na akong mawalan ng malay.
Hala! Anak ng ...nagalit ang loko!
"Shi... Shikitsu!!! Paka-pakaawa na... man o... ta-tama na!!!," ang huling pilitang saad ko na kanya namang dininig. Naghahangos na ako ng nawala ang pagkasakal sa akin. Malakas na bumagsak ako sa lupa at doon lang ako nawalan ng malay.
"Prinsesa!!!"
"Prinsesa Hisan'na!!!
"Hisan'na!!!"
Nag-aalala at nagugulat na lang nilang riyaw ang aking nadinig bago magdilim ang mata ko...
...
"Matutulog ka na lang ba d'yan?!... Gumising ka naman!... Marami ka pang responsibilidad!," tila nagngingitngit na sa galit ang nagsasalita. Para niya akong pinagsasabihan. Kagaya bago umalis sa lupain ng Shiritama, ito din ang boses, iisa lang sila.
Malamig ngunit mainit ang pakiramdam ko. Ang sarap sigurong lagi na lang ganito. Nakahiga. Maganda siguro kung wala na lang akong alalahanin.
"Ano bang pinag-iisip mo?! Bumangon ka diyan! Huwag kang maging makasarili at irresponsable! Paano kapag wala ka na? Sino ...sino ang magmamalasakit sa Kodaina?"
Ahh! Wala na ang mga magulang ko na nagpapanatili ng Kodaina sa pagpigil ng pagsalakay ng mga bampira sa lupain at kaharian ng mga tao. Ako na lang... Ako na lang ang natitirang dugong bughaw ng lupain ng Kodaina.
Napapilantik ako't natauhan.
"Hahayaan mo na lang bang salakayin at sakupin ng mga bampira ang iyong lupain at maging daan para magsimula muli ang digmaan sa pagitan ng dalawang lahi?! Paano ang mga inosenteng tao? Hahayaan mo na lang ba silang madamay?!," yamot na tanong nito.
"Tandaan mong ikaw na lang ang pag-asa ng iyong lupain, ang Kodaina! Hisan'na Kihara Ketsueki isa kang prinsesa! Responsibilidad mong pangalagaan at pagyabungin ang iyong lupain! Hindi basta ang mga dugong bughaw! Nakalinmutan man na ata ng marami ngunit ang trono ng bawat lupain ay ipinagkaloob hindi para lang magpasarap at kurakutin ang kayamanan ng lupain!"
"Hisan'na... ipangako mong magiging mabuti kang pinuno ng iyong lupain! Pero hayaan mo. Lagi lang akong narito para magsabi sa iyo kapag naririharapan ka. Sapagkat ikaw at ako... Basta magpakatatag ka ha? Marami ka pang mas matinding laban..."
"Simula palang ito ng pighati't pasakit. Marami pa, marami ka pang masasaksihang taong magtutumbaan sa harapan mo. Marami pa ang malalagot at mapaparisan. Simula pa lang ito at marami pang iba..."
Iyon na lang ang huli niyang pasabi sa akin bago magsimula na akong maalimpungatan.
...
Nagtaka ako dun. Hindi ko maitintindihan ng lubusan ang pinagsasabi nung boses. Ano ba ang pahiwatig niya?
Siguro nga marami pa akong magiging hamon hangga't hindi nagkakasundo ang dalawang lahi, hanggang hindi pa tapos ang gyera. Hanggang hindi pa maayos ang Kodaina. Ngunit hindi ko gusto ang lahat ng nangyayari. Pero ano ba ang magagawa ko? Sa ngayon kailangan kong makuha ang nagbabagong anyong espiritwal na sandata.
"Hoy! Bakit tulala ka naman?! May masama pa rin ba ikaw nararamdaman?!"
Nagitla ako dun. Anak ng teteng nagalit pa ata ang mokong! Hindi ko naman maintindihan ang pinagsasabi nung boses.
Ano ba ang nangyari nitong limang taon kaming di nagkita?
"Ha?... Kakalabanin mo ba talaga ako?... Nakakadurog naman ng puso," kunwari ngunit may halong pagkatotoo kong saad.
"Hindi kailangan kalang dalhin doon. Pero kaibigan kita...!," pasigaw na sagot niya. Nanginginig ang kanyang katawan. May tila kinakalaban niya ang sarili. Kita kong malaki ang paghihirap na dinanas nitong lalaking ito.
"Nasaan ang kambal? Yung magkamukang gwardya? At yung mga tagasilbi?," tanong ko dito. Walang matanaw na kambal at mga tagasilbi, 'kala mo naman wala sila nung una pa.
"Nangunguha ng kung anu-anong makakin sa kakahuyan...," simple at diretsang sagot ni Shikitsu bago tumahimik ang buong lugar.
Walang nagkibuan at bawat isa'y nakikiramdam kung sino ang unang babasag ng katahimikan. Halos kalahating oras na kami ng ganun pa rin hanggang sa nainip na ako at nangunang umimik.
"E ano bang nangyari nung taong iyon? Bakit bigla ka na lang nawala?," taka ko namang tanong. Gusto kong maliwanagan. Ala... Halos matuliro na akong kakaisip kung bakit siya nawala at nasaan na siya dati.
"Mayroon nang balita tungkol sa kinaroronan ng ama ko. Balak kong malaman kung tunay nga iyon at hanapin gamit nung impormasyon," mahinang saad niya
Hindi ko ata nasabi sa inyo na yung ama ni Shikitsu ay isang tunay na bampira. Siya daw ang natirang pamilya at nagamamahal dito ngiunit naghiwalay daw sila ng landas.
"Bakit di mo sinabi sa sakin?," tanong ko. Bakit nga ba?
"Masisisi mo ba ako? Hay, sinubukan ko kaya... Maraming beses kaso wala kang oras noon kaya hinayaan ko na lang ikaw. Umalis na lang ako ng akin," walang anu-ano niyang saad.
Napaismid ako waring may iniisip. Ahh! Oo tama siya may pagkarami- rami akong ginagawa nun. Maraming aayusin sa Kodaina dati at isa pa may pagtitipong gaganapin sa Shiritama.
Nasa pag- iisip pa rin ako nang biglan napasiga
w si Shikitsu ," Alis! Umalis ka na prinsesa Hisan'na lisanin mo na ag lugar na ito dalhin mo na ang kasama mo!"
"B-bakit?!," kinabahan kong nagtatakang tanong.
"Nandiyan na sila! Tanda m yung mga taong tumutugis sa iyo nung bata ka pa?... Nandiro na sila! May ipinadalang apat pa," saad niya na nagpagulo ng isip ko. Ano bang pinagsasabi nito? Pero teka... Natandaan ko na yung mga tao- hindi mga bampirang naghahanap sa akin nung sampung taon kong gulang.
"Basta ganto!... Ako ang pangalawa ng magaling gumawa lang kasunduan.May nais sila pero hindi ko alam kung anong balak nilamg gawin sa iyo ah- bahala na!... Dali, may nangongontrol ng isipan ang isa sa kanila! Dalian mo ang pagtakas at wag kang magpapakita. Konwari... Ha ganun a? Bili! 'Di na magtatagal," mahabang pariyaw na lintaya niya.
"Di kita iiwan!," hinsi ako mang-iiwan ng kaibigan para mailigtas ko ang sarili ko no.
"Prinsesa!.. Langya! Kani- kanina lang parang gusto mo kaming patayin tapos naging bihag na ang prinsesa!!! Ano ba ang nais mo ha?!"
May sumigaw at siya si....
...
Sa susunod muling kabanata...