Nagtinginan sina Avery at Ivan na tila ba ay nagtuturuan sila kung sino ang may kasalanan sa pagkasunog ng kanin
"Ikaw kasi sabi ko mamaya na tayo mag ML" Pabulong na sabi ni Ivan.
"Ikaw unang nag bukas ng ML eh, sabi mo bibili ka lang ng little commander tapos ininvite mo ako ako ng RG" Pabulong namang sagot ng Avery.
"Bat ako? Ikaw nag accept eh, kung hindi mo sana inaccept eh di hindi sana tayo nakapag umpisa" Pabulong na tugon ni Ivan.
"Sabi ko sayo magsasaing muna ako, tapos nag invite ka, tukso ka eh" Pabulong na sisi ni Avery.
"Bat..."
"Tama na yan!!!" Galit na sabi ni Maricar.
Yumuko ang dalaw at nagkaroon ng katahimikan sa loob ng bahay na tila ba'y may dumaan na anghel.
Defeat!
"Oh! Sunog na yung kanin tapos talo pa kayo jan sa laro ninyo?!? Mga T*ng*!" Galit na sabi ni Maricar
"Umalis kayo sa harapan ko at baka maprito ko kayong dalawa!" Galit na sabi ni Maricar
Dali-daling lumabas sina Ivan at Avery, sila ay pumunta sa bahay nila Seph. Habang sila ay nasa daan, sila ay nagtatawanan. Pinag uusapan nila ang hitsura nilang dalawa kanina.
"HAHAHA pero pre alam mo, nagtataka lang ako, 'di ba noon, kapag pinapagalitan tayo ni tita, manalo man o matalo wala siyang pake alam?" Nagtatakang tanong ni Ivan.
"Oo pre, kahit hanggang nagayon, wala rin naman siyang pake alam eh, HAHAHA" Patawang sagot naman ni Avery.
"Hindi pre eh, mas lalo siyang nagalit kanina nong narinig niya yung defeat" Sagot naman ni Ivan.
Napaisip ang dalawa, at nagtingininan ang mga ito.
"Hayaan mo na yun pre ang importante, pinaalis tayo sa bahay, malaya na tayo ngayon pre! hahahaha" Tugon ni Avery.
Ring! Ring! Ring!
"Oh pre mukhang narinig ni tita yung sinabi mo hahahaha" Pabirong sabi ni Ivan.
"Hello ma, napatawag po kayo?" Mahinahon na tanong ni Avery.
"Nakalimutan kong bumili ng bagoong at magic sarap, bumili ka sa store nila Joseph bago ka umuwi, alam ko namang doon kayo pupunta." Sagot ni Maricar
"Sige po ma" Mahinahon na tugon ni Avery
"At tiyaka nga pala, umuwi ka ng 11:30 nang maluto ko yang ulam bago makauwi ang tatay mo" Pahabol na utos ni Maricar
"Sige po ma" Tugon ni Avery
"Oh ano sabi ni tita sayo tol?" tanong ni Ivan
"Uuwi daw ako ng 11:30 tol tapos bibili ako ng bagoong at magic sarap" Malungkot na sagot ni Avery.
"HAHAHAHA, ang lungkot mo tol ah, Mukhang hindi ka makakapaglaro ng Valorant HAHAHA!" Pangangantiyaw ni Ivan kay Avery
"Oo nga tol eh, buti pa ikaw hinahayaan ka lang ni tita Marisol sa paglalaro mo, sana all na lang talaga" Inggit na sagot ni Avery.
Patuloy na naglakad sina Ivan at Avery at sa ka isip isipan ni Avery. Sana ay siya na lamang ang naging anak ni Marisol, Bagama't mas maganda ng kaunti ang buhay nila kaysa sa buhay nila Ivan.
Tao Po...
Tao Po...
Shoppee Delivery po...
Teka lang po! Sigaw ng lalaking gumagawa ng kaniyang Takdang Aralin sa kaniyang working station sa may sala ng kanilang bahay.
"Ayyyy, anak ng palaka, kayo pala yan tol. Akala ko kung yung binili ko ng... Alam niyo na, laruan Hahaha" Pabirong sabi ni Seph.
"Grabe tol, bumili ka nanaman ng bago, kakabili mo lang noong isang araw ah, may Lube ka? pasubok din" Pabiro namang sagot ni Ivan.
"Sussss!!!! Mga tol tigiltigilan niyo na yan, kahit sabihin nating laruan yan, mawawalan kayo ng gana sa kama niyan" Seryosong sabi ni Avery habang humahakbang papasok sa bahay nila Seph.
"T*ng In*, Ayan na naman ang banal na Avery, akala mo hindi hinalikan si..." Pangiinis ni Seph.
"G*go, lasing ako noon, linagyan mo yata ng betchin yung RH ko noon eh" Pagalit na sabi ni Avery.
"Aba maninisi pa sa kamanican niya ang p*ta, ayaw mo pa ngang papigil noon eh, kunti na lang ilalabas mo na yang Manoy mo HAHAHA" Pagputol na tugon ni Ivan.
Napakamot na lang sa ulo si Avery. Sa ganda ba naman kasi ni Ren, sino ang hindi matutukso. Maamong mukha, Maputi at makinis na balat, Magagandang mga mata at mapupulang mga labi, higit sa lahat malaki ang...
ARAAAAYYYYY!!!!
"Araaayy ko naman tol, bat mo naman ako binatukan? Anak ng!!!" Galit na sabi ni Avery.
"Nananaginip ka nanaman ng gising tol eh! Iniisip mo si ren no! HAHAHAHA, Manyakol na to, akala mo kung sinong Santo, mas manyak pa pala kesa sa amin HAHAHA" Patawang sabi ni Ivan.
"Suuuusss, sinabi mo pa Ivan, Oh heto Mag tinapay at juice Muna kayo, wala munang Pancit Canton ngayon, lugi na yung tindahan namin sa inyo!" Sabi ni Seph habang linalapag ang Juice at tinapay sa lamesa ng Sala
"T*ng In* tol, kaya gustong gusto naming tumambay dito sa bahay ninyo eh, Matic ang pagkain HAHAHA" Sabi ni Ivan habang kumukuha ng pagkain.
Habang sila ay nag memeryenda, at busy si Ivan at Seph sa pagtingin sa mga Video ng mga babae sa tiktok, napatingin si Avery sa isang dulo at nakita niyang tila bang may ginagawa si Seph sa kaniyang Working Station.
"Ano kaya ang ginagawa nito? sa pagkakaalala ko, wala naman kaming Assignment"
Dala ng kaniyang Curiousity, tumayo si Avery at pinuntahan ito.
Nagulat siya sa kaniyang nakita at nabasa.
July 05, 20XX
Dear Princess,
Gusto ko lang na malaman mo na mahal na mahal pa kita. Alam kong masaya ka na sa jowa mo ngayon. Princess sana kapag dumating yung araw na maghiwalay kayo at ayaw mo na siyang balikan, sana bigyan mo ulit ako ng pangalawang pagkakataon. Alam kong nagkamali ako, nadala ako ng tukso kaya ko nagalaw si Ren at alam kong alam mong lasing ako noon.
Alam kong mahal mo pa ako Princess sana mapatawad mo na ako. Sana magkausap at makasama ulit kita gaya ng dati kasi sobrang namimiss na kita. Sana hindi ka magsawang tanggapin at basahin ang mga liham na pinapadala ko sa iyo. Ikalimang liham ko na ito sa iyo ngayong buwan. Hindi mo man sinasagot ang mga liham ko sa iyo sa ngayon, umaasa ako na pagdating ng panahon ay makakatanggap ako ng mensahe mula sa iyo.
PS: Mahal na Mahal na Mahal na Mahala kita
Nagmamahal
Joseph Cruz
Tao po!
Pabili po!
Teka lang!
Nang tumayo si Seph mula sa Sofa, nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita niyang nasa working station niya si Avery
Agad na lumapit ito at kaniyang hinablot ang liham at tiyaka dali-daling pumunta sa store.
Nang siya ay nakarating sa store, kaniyang pinunasan ang mga pawis na namuo sa kaniyang mukha.
"Ano po iyon?"
"Pabili po ng isang itlog at dalawang pancit canton"
Mahinhin at matamis na boses ng babae ang narinig ni Seph. Ngunit imbes na siya'y magalak sa kaniyang narinig, siya ay maslalong kinabahan na tila bang biglang bumilis ang tibok ng kaniyang dibdib.
Nang kaniyang iniangat ang kaniyang ulo at tignan ang babaeng bumibili, siya ay nagulat na tila bang siya'y nakakita ng multo.