WebNovelMASTERY55.56%

CHAPTER 3 AWKWARD

Hoy...

Hoy...

Hoy...

Joseph!

"Ah, ehhh, Ren ikaw pala, ano nga ulit ang bibilhin mo?" Nanginginig na tanong ni Seph

"Ka ko... pabili ng isang itlog at dalawang Pancit Canton." Mahinhing sagot ni Ren

"Teka nga Seph, bakit tila yata Takot na takot ka? Tignan mo nga yang sarili mo, pawis na pawis, tapos yang boses mo nanginginig... Okay ka lang ba?" Tanong ni Ren habang binabayaran ang kaniyang binili.

"Ahhh wala to... Sobrang init lang kasi ng panahon, eto sukli mo oh" Sagot ni Seph.

"Uyy tol, pabili ako ng isang boteng JB's Bagoong tapos isang Magic Sarap"

Papaalis na sana si Ren noong nakarinig ito ng boses ng matiponong lalake.

Grabe boses pa lang ang sarap na, iba talaga itong si Avery eh, hmmmm.

"Uyyy Avery nariyan ka pala" Mahinhing sabi ni Ren sabay kagat ng kaniyang labi.

Sh*t ang sarap talaga niya, ang gwapo, mga matang tila mata ng isang tigre, maamong labi, matangos na ilong, tindig ng isang barako, Ahhhh nakakabaliw May abs kaya siya uhhmmmm, higit sa lahat matangkad at moreno.

"Hoy Ren! ano? tititigan mo na lang ako dito? Matutunaw na ako yawa ka! Sige na nga maglakad ka na jan mag isa mo" Sabi ni Avery.

Agad ring umalis si Ren at pumasok na rin sa loob sina Avery at Seph

"Uy tol Seph, mag 1 game tayo bago kami umuwi, diba G ka naman Avery?" Bungad ni Ivan sa dalawa habang sila ay paupo sa sofa.

"Ahh Oo tol G lang ako 11am pa lang naman eh, may 30mins pa ako, sakto yung 1 game" Sagot ni Avery habang nilalabas ang kaniyang cellphone.

"Pass na muna ako tol, magluluto pa ako eh, wala pa akong naisasaing, 1pm daw makakauwi si mama eh, wala kaming kakainin ng mga kapatid ko" Kinakabahang sagot ni Seph.

"Hoy Seph, okay ka lang? Bakit parang nag iba mood mo tol at parang kinakabahan ka yata?" Tanong ni Ivan

Imbes na sumagot si Seph kay Ivan, napatingin na lamang ito kay Avery at sakto namang napatingin rin si Avery sa kaniya.

Nang makita ni Ivan ang biglaang tinginan ng dalawa, ito ay nagtaka.

"Uy, Uy ... Teka lang naman mga tol, tatlo tayo dito, anong tinginan yan? Mayroon ba akong hindi nalalaman?" Napatayo si Ivan mula sa sofa.

...

...

...

...

...

"Aba, talagang meron nga, ni isa walang sumagot sa akin. Mga tol... gusto ko lang ipaalala sa inyo, magkakaibigan tayo dito, huwag niyo naman akong iwanan sa ere, anak ng" Dagdag pa ni Ivan.

...

...

...

...

...

"talaga bang walang magsasalita sa inyo? Hoy tol Avery, ano na?" Direktang tanong ni Ivan kay Avery.

"Uwi na tayo tol, Seph alis na kami" Sagot ni Avery habang siya ay tumatayo sa sofa at kinukuha ang kaniyang mga binili.

lumapit si Ivan kay Joseph at tinapik ang likod nito sabay sabing

"Seph, balik kami mamayang gabi tol, Kung ano man yang pinagdadaanan mo, alalahanin mo, nandito lang kami para sayo tol. Magsabi ka lang sa amin, tutulongan ka namin sa abot ng aming makakaya" Masinsinan at seryosong sabi ni Ivan.

Napa smile na lang si Seph kay Ivan.

Naglakad na pa uwi sina Ivan at Avery.

Habang sila ay naglalakad, patuloy na pinipiga at pinipilit ni Ivan si Avery na sabihin kung ano ang nangyari at tila bang bigla na lamang sila nagkainitan ni Seph. Ngunit sa kabuoan ng kanilang paglalakad, ni isang salita, walang lumabas sa bibig ni Avery.

"Alam mo tol, ang Awkward niyo ni Seph kanina, may tinatago ba kayong relasyon tol? sabihin niyo lang tol, tanggap ko kayo. Biglaan na lang kayong hindi nag uusap. Kung Prank manto tol, sana matapos na agad, sige tol mauna na ako, kita kits mamayang gabi" Medyo galit na sabi ni Ivan

Patuloy na naglakad si Avery patungo sa kanilang bahay.

Tinuring pa naman kitang kapatid Seph, hindi ko alam na magagawa mo sa akin to! Pinagkatiwalaan kita, sinasabi ko sayo lahat lahat, at ang alam ko hindi mo ako magagawang baliktarin, pero nagkamali pala...

"Hoy! Avery sasagot ka oh hindi?"

"Mama heto na po yung pinabili ninyo, 100 lahat, kunin ko na lang yung bayad mamaya" Inilapag ni Avery ang bagoong at magic sarap sa lamesa at ito ay dumeretso sa kaniyang kwarto.

"Ito lang na pinabili ko, 100 na? Anak nga talaga kita, tanyag na buraot!" Pasigaw na sabi ni Maricar.

Kinuha ni Maricar ang mga pinamili ni Avery, ipapagpatuloy na sana niya ang kaniyang pagluluto ng napagtanto niya na tila ba iba ang aura ng kaniyang bibo at masiglahing anak ngayon.

Ano kaya ang nangyari sa lokong to at bigla yatang tumahimik? Nagtatakang tanong ni marites sa kaniyang isip

"Hay nako Avery hindi na gagana yang style mong ganyan sa akin, kukunwari ka na namang malungkot para ibigay ko sayo ng buo yung isang daan! Not again my son! Oh english yan!" Sigaw ni Maricar habang nagluluto.

Nagmumokmok at malungkot na malungkot si Avery sa loob ng kaniyang kwarto, ito ay umiiyak habang may tinitignang litrato sa kaniyang telepono.

"Oh sinta ko bakit mo naman ibinigay ang perlas ng silanganan sa matalik kong kaibigan. Heto lang naman ang aking manoy naghihintay na iyong pagbigyan."

Tok Tok Tok...

Tok Tok Tok...

"Avery hinahanap ka ni Mark!" Mahinhin na sabi ni Maricar sa harap ng pintuan ng kwarto ni Avery.