A Night with Stranger— Part 3

Part 3

After 6 years in America, I decided to go back in the Philippines. Hindi ko alam kung ano ba ang maabutan ko sa bahay namin. Hindi ko alam basta ine-expect ko na marami na ngang nagbago simula nung umalis ako. Nagkakatawagan pa naman kami nila Mama pero iba pa rin yung kasama mo sila. Yung tipong sabay-sabay kayong magcecelebrate ng Pasko at New Year.

" Hello?" sambit ko.

Tinawagan ko ang pinsan kong si Shin dahil hindi na kami kanina nakapagpaalam ng anak ko. Nasa work pa kasi siya noong umalis kami.

" Ate, umalis kana pala. Sayang 'di ko man lang na-hug si Jace," saad nito.

Narinig naman ito ni Jace kaya naman napalingon siya sa akin.

" Okay lang 'yan. Babalik pa naman kami d'yan, Shin" sambit ko.

Ilang minuto pa kaming nag-usap bago siya nagpaalam na magpapahinga na muna.

Kaming dalawa lang ng anak ko ang uuwi sa Pilipinas dahil hindi pa naman pwedeng sumama ang pinsan ko. May inaasikaso pa kasi silang business.

Nasa Airport na kami ng anak ko at pauwi na ng Pinas. Ilang minuto pa'y nasa loob na kami.

" Mom, uuwi na tayo? Makikita ko na ba si Papa?" he asked.

Oo, hanggang ngayon ay hinahanap niya pa rin ang Papa niya. He always asked me kung na saan na ang Papa niya. Kung buhay pa ba o patay na.

Sinasabi ko nalang na si "Papa ko" ang magiging Papa niya pero gaya ng ugali ko, nanahimik nalang siya.

" Oum, makikita mo na si Papa Lolo mo," sagot ko.

" Papa Lolo? not Papa?" muli nitong tanong.

I just nodded at him dahil ayaw ko ng sumagot nang sumagot pa sa kaniya. Dadaldalin lang kasi ako nito gaya nung nangyari kahapon.

Makulit siyang bata pero ayaw niya akong nakikitang nagagalit.

" Sleep," saad ko dahil matagal pa naman bago ito lumapag.

Fast Forward.

After 17 hours na biyahe ay nasa airport na kami.

" Mom, wala po ba sa ating susundo?" tanong nito.

" Wala. Surprise lang kasi ang pag-uwi natin. Dito ka lang sa tabi ko ah, h'wag ka lalayo," bilin ko sa anak ko.

" Okay, Mom" sambit nito.

Nakawak siya sa damit ko dahil natatakot din ito kapag sobrang raming tao ang nasa paligid namin. Pumara na ako ng taxi at pinapasok si Jace sa loob.

" Wait me here," saad ko.

Ipinabuhat ko sa driver ang mga bagahe namin. Hindi naman ito marami. Tanging mga pasalubong lang at kaunting damit. After no'n ay pumasok na rin ako. Pinaandar na ni Manong ang taxi at papunta na kami sa iniwan kong lugar.

" Mom, I love you" saad ni Jace.

" I love you too, baby ko" sambit ko sabay kiss sa forehead.

" I'm excited to meet my Dad, Mom" turan nito kaya naman napatitig ako sa kaniya.

" Gusto mo ba talaga siyang makita?" tanong ko.

Tumango naman ito at ngumiti.

After 6 years ay wala na akong balak pa na ipakilala o hanapin ang lalaki na nakita ko sa Bar. Ayoko naman sabihin na nabuntis lang ako ng hindi ko kilalang lalaki.

" Patay na ang Papa mo, Jace. Si Papa Lolo nalang ang Papa mo," saad ko at bigla naman itong nalungkot.

" Mom, why you didn't tell me? Sayang po gusto ko pa naman siya makalaro pero alam ko po na kasama na siya ni Papa God," sambit nito.

Niyakap naman ako at saka naman bumulong.

" Ikaw Mom, kailan mo balak sumunod kay Papa?" bulong nito.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.

" Joke! sorry!" agad nitong sabi.

" Gusto mo na ako mamatay? "

" Joke lang po, I love you."

Ilang minuto pa ay tumigil na ang sasakyan.

" Nandito na po tayo, Ma'am," saad ng driver kaya naman bumaba na kami.

Binayaran ko naman ito at binuhat pa ang mga bagahe ko sa loob ng gate para masigurado na walang kukuha.

" Ma?" tawag ko.

" Ma?"

" Pa?"

Dahan-dahan ko ng pinuhit ang pinto.

[*/ boom!*]

" Ay, put*ngina! " mura ko dahil sa pagkagulat.

Nagsilabasan naman sila Mama at nakita ko pa ang mga handa nila. May pa- tarpaulin pa.

" Welcome Home!"

" Ito na ba ang apo ko? Aba ang pogi— Mana sa Lolo," sambit ni Papa.

*at nagulo na ang buong bahay. Sunod-sunod sila kung magtanong sa akin*

" Ayaw niyo man lang ba akong papasukin muna?" tanong ko.

" Nak, akalain mo magaling ka pa rin magtagalog kahit anim na taon kana doon," smbit ni Mama.

" Paano mo naman nasabi, Ma?" tanong ko.

" Kasi ang galing mo magsabi ng *ay, put*ngina, HAHA."

Napangiti nalang ako sa tinuran nito. Grabe ang pagsalubong nila sa akin. Ako pa ang nasurprise.

________________

Naka-upo na ako at nagpapahinga ng may biglang kumatok. Hindi pa ako nakakapagbihis at busy rin si Jace sa pakikipaglaro sa Papa Lolo niya.

" Ma , may nakatok po" sambit ko.

" Nak, naghahanda ako. Ikaw nalang, " utos ni Mama.

Tumayo naman na ako at pinagbuksan ang kung sino mang kumakatok.

" hi?" sambit ng lalaki na nasa harap ko ngayon.

Tila ba bumagal ang oras ngayon.

" Hi?" pag-uulit nito.

Agad ko naman itong pinagsaraduhan.

" Ma'am, maniningil lang po sana ako ng tubig. Ma'am, Sorry. Hindi naman po ako manyakis," rinig kong sabi nito.

Binuksan ko ulit ang pinto at kinusot ang Mata.

"Sorry, ah" saad ko. Namalikmata lang pala ako.

Pagkabigay ko ng bayad ay umalis na ito.

" Bakit ganun? Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mukha niya ? Sh*t! takot lang ba ako na magkita sila ng anak ko? Baka kasi makuha niya ang lahat ng atensiyon ng anak ko kapag nagkataon na 'yon ang mangyayari," sa isip-isip ko.

To be continued.