Last part.
Matapos ang aming pag-uusap ay pumunta na ako sa kwarto para mag-ayos ng aming mga damit na dadalhin sa resort. Mag-s-stay kami doon ng tatlong araw at sagot na raw iyon ng pinsan ko. Mananatili naman dito sa bahay sina lolo at lola.
Nagtutupi ako ng damit ng biglang bumukas ang pinto dahilan upang mapatingin ako't kilalanin kung sino ang papasok. Nakita ko naman ang asawa ko na papalapit sa akin. Pagkalapit niya sa akin ay agad ako nitong niyakap.
"I love you‚" saad nito.
Agad ko naman itong tinugunan.
"I love you yoo," sagot ko.
Muli akong tumalikod sa kaniya at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng damit.
Yumakap naman ito sa akin at sandaling inilapat ang kaniyang mukha sa balikat ko.
"Hindi pa rin ako makamove-on," sambit nito na pinagtaka ko.
"Move on from what? Broken ka ba sa ibang babae?" tanong ko.
Umiling naman ito.
" Naiisip ko pa rin kasi yung mga tingin niya sa'yo. Parang sinasabi sa isip ko na kayang-kaya ka niyang kunin," sambit nito.
"Luh! sa tingin mo ganun-ganun nalang? Sa tingin mo ba easy to get ako?" usal ko naman.
"O—" Hinampas ko naman siya ng kamay ko.
"Sige magkamali ka lang ng sagot papatayin kita!" pabiro kong pagbabanta.
"Bakit hindi ba? susundan na nga natin si Jace, 'di ba? haha" saad nito kasabay ng mahina niyang pagtawa.
" haha, 'di ah."
Inalis niya ang pagkakaakap sa akin kaya naman nagtaka ako.
"Luh? ayaw niya na ba akong akapin?" sa isip-isip ko.
Humarap muli ako sa kaniya saka niya naman ako sinunggaban ng halik.
Agad naman akong lumayo para hindi na matuloy kung ano ang binabalak ng asawa ko.
"Baliw! baka may pumasok," sambit ko.
Lumayo naman siya sa akin. Akala ko'y aalis na siya dahil humakbang siya papalapit sa pinto pero hindi. Inilock niya lang ito.
"Para safe," saad niya.
Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Shh— h'wag ka kasing maingay," sambit nito bago ako muling hinalikan.
He kissed me torridly nang bigla nalang—
"Mommy!" sigaw ni Jace.
Bigla naman akong napatayo dahil sa pagsigaw niya.
Nagulat kaming dalawa ni Tristan kaya bigla kaming tumigil sa aming ginagawa.
Agad ko naman siyang pinagbuksan ng pinto.
"Bakit?" tanong ko at umiling naman 'to.
"what? sumigaw siya ng walang dahilan? " sa isip-isip ko.
Tinaasan ko naman ng kilay ang anak ko dahil mali ang ginawa niya.
Tinuro naman nito ang kaibigan ni Fin—si Ivan.
"Sorry, Mom. Inutusan niya lang po ako," sambit ng anak ko.
Nakita ko naman na napangisi pa si Ivan.
"Okay lang, nak" saad ko saka siya nagpaalam na lalabas na muna para maglaro.
Pagkalabas ng anak ko saka naman ang pagsalita ni Ivan.
"Nabitin ka ba, Cris? Sayang kung ako, tapos agad 'yon at nasarapan ka pa," saad nito.
Bigla naman lumabas ang asawa ko saka siya sinuntok sa mukha.
"Tss— hindi ka naman talaga magaling," sambit nito at dinuro-duro ang asawa ko.
" Patayin kaya kita," pagbabanta ng asawa ko kaya naman agad akong pumunta sa kaniya para hawakan ang kaniyang kamay.
Gusto ko rin na umalis na muna si Ivan dito at kung pwede ay 'wag nang magpakita.
"Kaya mo ba, K-kuya?" sagot nito.
"What? Kuya? May kapatid pa si Tristan?"
Agad ko rin silang tinignan at nagulat ako nang mapansin ko na may pagkakahawig nga sila.
"Sh*t! bakit hindi ko agad napansin? siguro ay dahil na rin lagi lang kay Tristan ang atensiyon ko," sa loob-loob ko.
Hindi naman agad nakasagot ang asawa ko.
"Kaya ka ba ganun makapagselos dahil kapatid mo siya? Kilala mo siya pero hindi mo sinabu sa akin," saad ko.
"Oo, kapatid ko siya sa ama," sagot naman ang asawa ko.
Umalis naman si Ivan sa harap ko.
" Usap well," sambit nito.
"Tristan, ba—" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng bigla nalang siyang sumabat.
"Oo, kapatid ko siya. Sorry, " sambit nito at niyakap naman ako ng mahigpit.
Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.
Naalala ko nalang na Manager ng isang Bar ang pinsan ko. Siguro'y magkasosyo sila ni Ivan.
Naalala ko rin na mayaman ang pamilya ng asawa ko.
Hindi ko na muna pinansin si Tristan.
__________________
Fast Forward.
2:15 pm nang makarating kami sa resort. Hindi ko pinapansin si Tristan dahil na rin sa nangyari.
Napansin ko rin na kada minuto ay tinitignan niya ang cp niya at minsan pa'y may tumatawag sa kaniya.
Gusto ko siyang tanungin kung sino ang katawagan niya pero tila ba nanghihina ako't nahihiya sa kaniya.
"Jace, narinig mo ba kung sink kausap ng papa mo?" tanong ko.
Tumango naman ito bago magsalita.
"Narinig ko po na babae ang kausap niya," sagot naman ng anak ko.
Bigla naman nag-init ang ulo ko't mas nagbago ang mood ko.
"Tss! sabi niya mag seseryoso na siya pero ba't ganto na?"
Lumapit naman ako sa pinsan ko saka nagtanong.
"Pwede ba kaming umalis ng anak ko bukas?" tanong ko.
"Ba't naman? sayang naman kung aalis kayo," sambit nito.
"Tsaka, 'di makakapag-enjoy si Jace kung aalis agad kayo," dagdag pa nito.
"Ok, sige."
Umalis na ako't pumunta muna sa cottage.
Nasa beach na kasi kami at si Fin na muna ang nag-aalaga sa anak ko.
Wala si Tristan sa tabi ko dahil may katawagan siya 'di kalayuan sa akin.
Bigla naman lumapit sa akin si Ivan.
"Sorry, ah. Hindi ko sinasadya na ganun ang mangyayari," saad nito.
Tinanguan ko nalang siya't 'di na nagsalita.
Baka kasi biglang lumingon sa kinaroroonan ko si Tristan. Dah hindi na ako sumagot pa kay Ivan ay umalis na rin ito.
Okay naman pala siya. Base sa nakikita ko'y mabait din siya.
Alas otso na ng gabi at tapos na rin kaming kumain. Wala na naman sa mata ko ang asawa ko kaya naman umuusok na ang ilong ko sa kaniya.
"Yes, I'm jealous."
Hinanap ko naman ang anak ko dahil gusto ko nang matulog pero hindi ko siya mahanap. Hinahanap ko na din sila Finn pero wala siya doon.
Wala sila.
"Asan na ba kayo?" bulong ko dahil nakakaramdam na rin ako ng kaba.
"Napakapabaya ko! Ano ba 'yan? Baka lumangoy sila tapos—Shit! 'wag naman sana."
Bigla naman namatay ang lahat ng ilaw. 2% nalang ang cellphone ko.
"Kamalasan nga naman!"
After 5 minutes ay narinig ko naman na may kumakanta 'di kalayuan.
"I want you to—
Take me home, I'm fallin'
Love me long, I'm rollin' "
____
That was my favorite song. Na-curious naman ako kaya agad akong naglakad papalapit dito nang bigla na naman namatay ang ilaw.
"Aw, puny*ta!" sambit ko dahil bigla akong natapilok.
"Help!" sambit ko pero wala man lang tumulong.
Bigla na naman bumukas ang lahat ng ilaw habang nakaupo pa ako sa buhangin.
Na-shock ako nang makita ko na si Tristan ang kumakanta. Nakahawak ang anak ko sa kaniya.
Sila Fin naman ay nasa gilid kasama sina Lola at lolo.
"Luh, g*go! ba't nandito na sila? naglakad ba kayo?" tanong ko habang naiiyak.
"Mama? papa? ba't kayo na dito? wala akong pera na pambayad, bahala kayo!"
"Hoy! ba't andaming tao?"
Nakita ko naman na natawa sila.
Wala man lang tumulong sa akin na tumayo kaya nagsarili nalang ako.
"Mom! come!" sigaw ng anak ko.
Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanila at lumapit na rin ang asawa ko habang kumakanta.
"I'm sorry. Naging busy lang ako kanina para dito," sambit ng asawa ko pagkalapit ko sa kanila.
Hinampas ko naman siya sa balikat.
"Aray! "
"Wala ka nman balak sa gan'to, 'diba? wala ka namn sakin sinabi about dito," saad ko.
Tumawa naman siya bago magsalita.
"haha, wala naman talaga," sagot nito kaya nagtawanan ang lahat.
"Oh—eh, bakit?" tanong ko.
Hindi na siya sumagot pa't lumuhod nalang.
Nangingilid na ang luha niya.
"Will you marry me?" tanong sa akin ni Tristan.
Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko.
"Yes!" sagot ni Jace.
Imbis na umiyak pa ako ay natawa nalang ako.
Bigla lang kasing sumagot ang anak ko. Haha, feeling na siya ang tinanong.
"Yes," sagot ko naman kaya yinakap niya ako ng mahigpit.
"I love you!" saad nito.
"I love you too," sambit ko.
Lumapit naman sa amin ang kapatid niya.
"Congrats and sorry. Ginawa ko lang 'yon para makita ko kung seryos ka sa kaniya. HAHAHA hindi ko alam na gan'yan ka pala magseryoso. Di ko lubos akalain na kaya mong ayusin ang lahat sa loob ng apat na oras, haha" turan nito.
Natawa naman sa kaniya ang asawa ko.
"Haha, loko-loko ka talaga. Pero sorry nasuntok pa kita," saad ni Tristan.
"Oks lang. Sige, dito na muna ako. Btw, gusto ko sa susunod na magkita tayo dalwa na anak mo," pagbibiro nito.
Tumango naman ang asawa ko sa kaniya. He's very serious bago bitawan ang mga salitang, "Oo, ninong ka."
Lumapit naman ang parent ko't yinakap ako.
"Congrats!" bati nila sa amin.
Nag-usap pa kami ng mga ilang minuto bago kumain ulit. Nag-order din kasi si Tristan ng pagkain para sa pumunta. Lahat ng 'yon ay kanina niya lang hinanda. Sobrang biglaan.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa lubos maisip na ganun pala ang asawa ko kung magselos.
Ganun pala ang ugali niya. Sinecure niya agad ang kung anong meron sa amin.
______________
Fast forward.
After the event ay tuluyan na kaming nagpahinga.
Nakayakap ngayon sa akin ang asawa't anak ko. Tulog na tulog na silang dalawa at halatang pagod na pagod.
Muli kong tinitigan ang singsing na nasa kamay ko ngayon.
"Thanks, God. Sobrang ganda ng plano mo sa akin," sa isip-isip ko.
Medyo gumalaw naman ako para ayusin sana ang higa ko pero habang patuloy ako sa paggalaw ay ang paghigpit naman ng yakap ng asawa ko sa akin.
"Don't leave me again," saad pa nito.
"Tulog na pero nagsasalita? haha"
Hinarap ko naman siya saka hinalikan sa labi.
"Shhh— sleep ka lang diyan. Hinding-hindi ka na namin iiwan. I love you, Tristan ko," sambit ko at tuluyang ipinikit ang aking mga mata.
____________
Fast forward..
After 2 months nalaman ko na buntis ako.
Sobrang natuwa naman ang asawa ko dahil dito. Maging si Jace na napalundag pa ng malaman na magkakaroon na siya ng kapatid.
Medyo malayo-layo pa ang kasal namin dahil napagisip-isip namin na mas okay kung nakapanganak na ako.
Ngayon masasabi kong sobrang saya ko na't wala ng mahihiling pa.
"Salamat, " 'yon nalang ang mabubulong ko sa Panginoon.
End.