Paubaya

Magpapaubaya na lang ako,

Mas maalagaan ka ng iba.

Mas mamahalin ka ng iba.

Mas mapapahalagahan ka ng iba.

Nakaramdam lang naman ako,

Dahil napasaya mo'ko.

Pero sa totoo lang,

'Di pa ako buo.

Kailangan ko pa magpagaling.

Kailangan ko muna ayusin ang aking sarili.

Pero parang hindi na ako makakabalik pa.

Sigurado akong magiging masaya ka na sa iba.