[Chapter 25]
"Uhm tita... Si Colden po... Boyfriend ko. Tita, boyfriend ko po. Hi tita! Si Colden po, boyfriend ko. Good morning tita, kami na po ni Colden. Argh! Pa'no ba kasi!" Inis akong napakamot sa batok ko. Nandito kami ngayon sa sasakyan ni Colden and sa ngayon, tinatahak namin ang daan papunta sa bahay. Ni halos hindi nga ako mapakali dahil hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin kay tita na kami na.
Rinig ko ang pagtawa ni Colden kaya tinignan ko ito.
"What's funny, Colden?" Mataray na saad ko pero natatawa siyang umiling saka bumaling sa daan. Tsk.
Itinabi niya ang sasakyan saka humarap sa'kin.
"Bakit ka tumigil?" Tanong ko dito.
Hinawakan niya ang kamay ko saka tumingin sa mga mata ko.
"Alam kong kahit paano mo sabihin kay Tita Tess ang tungkol sa'tin, alam kong tatanggapin niya 'yun, okay? kaya 'wag ka nang mag-isip ng kung ano-anong pwede mong sabihin." Saad nito kaya bumuga ako ng hangin.