Hindi ko makakalimutan ang kanyang ngiti na umukit sa aking puso't isipan. Tila nakakita ako ng isang anghel nang bigla siyang sumulpot sa aking harapan. Mula noon, alam na ng puso ko na siya ang taong kailanman hindi ko malilimutan.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PART 1
Mula sa mga sasakyang nagmamadali sa kanilang patutunguhan ang gumising sa akin. Busina dito at busina doon. Nagdali-dali akong bumangon mula sa aking munting kama na sapat lamang para sa isa upang simulan ang aking mahabang araw para magbanat ng buto. Hindi kami biniyayaan ng isang maranyang buhay ngunit maipagmamalaki ko na mayroon akong isang butihing ina na palaging nariyan para sa akin.
Inay: Dalian mo na at male-late ka na sa opisina.
Mia: Ito na po. Patapos na po, Inay.
Inay: Yung baon mo oh makalimutan mo!
Mia: Salamat, Inay. (Humalik sa kanyang ina at sabay alis).
May kalayuan ang aming tahanan sa lugar kung saan ako nagha-hanap-buhay. Ang sumakay ng bus sa umaga ay naging parte na ng araw-araw kong pamumuhay. Madalas akong makatulog sa biyahe dahil kailangan kong umalis nang alas singko nang umaga sa aming tahanan upang hindi mahuli sa oras ng aking pasok. Lubos ang trapik sa aming lugar patungo sa aming opisina subalit walang problema sa akin ang ganitong sitwasyon dahil ginagawa ko ito para sa amin ni inay.
Mia: Manong, sa tabi na lamang po (muntik pang lumampas sa kanyang dapat babaan).
Mabuti na lamang hindi ako nahuli at dumating ako sa tamang oras. Salamat sa Diyos! Oras na para magtrabaho. Masaya naman ako sa aking trabaho dahil mabait ang aking mga kasama at okay din naman ang sweldo. May mga panahon din na busy masyado at wala na akong oras para sa ibang bagay gaya ng lovelife. May mga pagkakataon na napapaisip ako na baka itinakda akong maging matandang dalaga kung saan okay lang naman dahil kasama ko ang mapagmahal kong inay.
Oras na upang umuwi sa aming tahanan. Mahigit dalawang oras ang byahe pauwi sa amin kaya minsa'y hindi na ako nakakapag-hapunan dahil sa pagod at gusto ko na lamang matulog. Habang lubos ang aking panghihinayang kapag hindi ko nasasabayan mag-hapunan si inay dahil kami na lamang dalawa ang magkasama sa buhay.
PART 2
Bagong umaga, bagong pag-asa.
Biyernes na naman kaya marapat na ako'y umalis nang maaga upang hindi maipit sa trapik. Mabuti na lamang at wala masyadong tao sa sakayan ng bus at hindi ako nahirapan sumakay. Nakakatuwa naman dahil kakaibang bus ang nasakyan ko ngayong araw yung bagong labas at uso ngayon kung saan magkaharapan ang mga pasahero.
Isang maputing lalaki na tila ba kutis labanos ang umupo sa aking harapan na may katamtamang tangkad, mapupungay na mga mata at mapupulang labi. Tila ba isang anghel ang aking nasa harapan.
Mia: Naku, napansin niya yata na nakatitig ako sa kanya (ibinulong niya sa sarili at sabay iwas ng tingin).
Sa aking pag-iwas ng tingin ay abot ng aking peripheral vision na nakangiti siya. Biglang kumabog ang dibdib ko nang mabilis na tila ba may hinahabol na kung ano. Isa lang ang sigurado ako nahuli niya ako na nakatingin sa kanya kaya siguro siya napangiti.
Mia: Ako ka ba Mia! Nakakahiya nahuli ka niya (mahinang sabi sa kanyang sarili).
Nagmamadali akong bumaba ng bus upang kahit papano mabawasan ang nakakahiyang pagtitig ko kay prince charming ay este kay kuya. Hindi ko napigilan ang aking sarili dahil sa sobrang gwapo niya.
Mia: Single kaya siya? Well, I'm very single. Hindi man ako sobrang ganda pero malakas kaya appeal ko so I think pwede naman kami. Ang problema hindi ko alam kung ano ang pangalan niya at mobile number. Sa madaling sabi, wala akong paraan upang makita siyang muli (kausap ang kanyang sarili habang umiinom ng kape sa opisina).
Kath: Uy, Mia! Ano ba yang sinasabi mo kanina ka pa bumubulong dyan. Mag-trabaho na tayo.
Sabagay, walang mararating itong mga sinasabi ko dahil mukhang una't huli na namin na pagkikita iyon. Nakakalungkot man pero ganun talaga ang buhay sabi nga "if it's meant to be, it will be". Aasa nalang ako na baka naman may plano si Lord para sa amin.
Mia: At talagang umaasa ka ah! (patawang bulong sa sarili).
Gabi nang matapos ko ang aking deadline sa trabaho. Late na naman ako makakauwi at hindi ko masasabayan si inay kumain ng hapunan.
Inay: (Tumatawag) Anak, nasaan ka na?
Mia: Pauwi pa lamang po. Sorry po inay hindi ko ulit kayo nasabayan kumain dahil marami po akong deadline sa trabaho.
Inay: Okay lang yun, anak. Alam ko naman busy ka naiintindihan ko. Baka makatulog na ako ha, may pagkain dito sa lamesa pagkauwi mo wag mo kalimutan kainin ah.
Mia: Okay po inay. Salamat po. Magpahinga na po kayo.
Pauwi na ako at hindi pa rin maalis sa aking isipan ang lalaking nakita ko kaninang umaga. Tila ba may pakiramdam ako na magkikita kaming muli na parang nakatakdang mag-krus ulit ang aming mga landas.
Mia: Ngunit paano? Ni hindi ko nga alam ang kanyang pangalan. Isang himala na lamang kapag kami'y nagkitang muli. Ang tadhana na lamang ang makapagsasabi.
Umaasa pa rin ako…
PART 3
Hindi ko akalain na pati sa panaginip ko ay nandoon pa rin ang lalaking nakita ko sa bus. Sa aking panaginip, lumapit siya sa akin at sabay ngumiti na tila ba wala nang bukas. Kung pwede lang ako matunaw pati sa panaginip, nangyari na siguro dahil nakatutunaw ang kanyang matamis na ngiti. Hanggang sa panaginip na lang ba ang malapitan at mangitian niya na parang ako lang ang babae sa mundo.
Mia: Good morning, inay!
Inay: Oh anak, nakita kong nakangiti ka habang natutulog.
Mia: Ay inay, may nakita kasi akong sobrang gwapong lalaki sa bus kahapon. Itago na lang natin siya sa pangalang "bus boy". Napanaginipan ko siya inay. Grabe ang ngiti niya sa akin sa panaginip ko kaso mukhang malabong mangyari sa totoong buhay po kasi ni pangalan niya hindi ko alam.
Inay: Anak, walang imposible. If you're meant to be, it will be. Kung plano ng Panginoon na magkita kayong muli, mangyayari iyon.
Mia: Tama inay. Habang may buhay, may pag-asa.
Umaasa pa rin akong makikita ko si bus boy kahit maliit lang ang tsansa. Nagtagal ako sa sakayan ng bus sa pagnanais na makita ko siyang muli doon subalit nabigo ako. Walang prince charming ang sumulpot sa aking harapan.
Nahuli ako sa opisina dahil sa paghihintay ko pero okay lang dahil ang mahalaga ginagawa ko yung sa tingin kong magagawa ko upang makita siyang muli.
Kath: Mia, minsan ka lang mahuli ah. Mukhang ang baba pa ng energy mo ngayon.
Mia: Yeah, I thought makikita ko siya ulit e.
Kath: Sino?
Mia: Si bus boy. Si prince charming. I saw him yesterday sa bus sitting in front of me. Ang gwapo niya at feeling ko mabait siyang tao.
Kath: Omg! Like omg! Were you able to get his name?
Mia: Yun na nga e. Hindi kaya malungkot ako. Sayang!
Kath: Oh well, if you're meant to meet naman mangyayari yun. Malay mo bukas.
Mia: Magdilang-anghel ka sana.
Sana nga magkatotoo yung sinabi ni Kath na bukas makikita ko siyang muli at kapag nangyari iyon hindi ko na sasayangin yung pagkakataon na lapitan siya, makuha ang pangalan niya at mobile number. Hindi na mahalaga sakin na baka mapahiya ako dahil ang importante ngayon ay makilala ko siya at makilala niya ako.
PART 4
Sinadya kong gumising nang maaga upang abangan muli si bus boy sa sakayan sa pagbabakasakaling makita ko siya ngayong araw. Agad akong bumangon nang hindi inaayos ang aking higaan dahil bawat segundo para sa akin ay mahalaga kung ito lamang ang paraan upang magtagpo kaming muli.
Tinakbo ko mula sa aming bahay patungo sa sakayan ng bus nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sa pagbuhos nito, unti-unti kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil bigla siyang sumulpot sa aking harapan na basang-basa sa ulan. Hindi ko inaasahan na magkikita kami sa ganitong pagkakataon kung saan gusto ko siyang punasan at bigyan ng mainit na kape dahil sigurado ako nilalamig na siya.
Mia: Hi kuya, basang-basa ka ng ulan magkakasakit ka niyan.
Bus boy: Ay salamat sa concern. Bigla kasing bumuhos ang ulan at naiwan ko yung payong ko sa bahay. You look familiar. Have we met before?
Mia: I think so. Pasensya na panyo lang mai-offer ko.
Bus boy: Uy thank you ha. Okay lang at least, kahit papano mapupunasan ko mukha ko (sabay ngiti).
Mia: (Ayan, ngumiti na naman siya. Natutunaw ako. Kumalma ka, heart).
Bus boy: Biglang buhos, biglang hinto naman itong ulan. But okay na rin babalik na muna akong bahay para magpalit.
Mia: Wait, may I get your name?
Bus boy: Peter.
Mia: When will I see you again?
Peter: Let's see. Thanks again. 'Til we meet again. Bye!
At sa hindi inaasahang pagkakataon, nag-krus muli ang aming mga landas. Hindi ko alam kung ano ang nangyari nung mga sandaling iyon, ang alam ko lang tila tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam kailan kami muling magkikita pero masaya na ako dahil sa pagkakataong ito nagawa kong itanong ang kanyang pangalan, Peter.
Mia: Peter. Bagay sa gwapo at maamo niyang mukha.
Nang dumating ako sa opisina, hinanap ko agad si Kath upang i-kwento sa kanya ang masayang nangyari na nagdilang-anghel siya dahil nagkita na kami ni bus boy.
Mia: Kaaaaath! Finally, nakita ko siyang muli. Sayang lang hindi ko nasabi sa kanya na oo nagkita na kami before at ako yung babaeng nahuli niyang nakatitig sa kanya para mayroon kaming pag-uusapan di ba?
Kath: I'm happy for you, Mia. May next time pa. Sana siya na yung matagal mo nang hinihintay. Ay una pala, sana single siya (sabay tawa nang malakas).
Mia: Sana. Malakas ang pakiramdam ko na single siya. Tiwala lang.
Dumating na ang oras ng uwian at sa wakas masasabayan ko sa pagkain ng hapunan si Inay. Mabuti na lamang nakasakay agad ako ng bus.
(BEEP) (BEEP) (BEEP) maingay na busina ng mga sasakyan.
Mia: Nako, mukhang may aksidente pa ata. Akala ko makakauwi ako nang maaga mukhang nagkamali ako. (pabulong na sabi niya sa sarili habang nanunuod ng Netflix sa kanyang mobile phone)
Pasahero 1: May nasagasaan ata.
Pasahero 2: Kawawa naman yung lalaki mukhang hindi na makakaabot sa hospital.
Mia: (nagpatuloy na lamang siya sa panunuod ng Netflix).
PART 5
Hindi ko mapigilang hindi isipin si Peter. Hindi ko alam parang na-gayuma ako kahit hindi naman. Mahigit pa sa "attraction at first sight" itong nadarama ko. Gusto ko siyang makita ay hindi, gusto kong lumabas kami upang mas makilala ko siya. Sa bawat araw na lumilipas mas tumitindi yung pagnanais kong magkita kaming muli, kahit yung umaaraw naman para hindi niya kailangan umalis agad para magpalit ng damit (sabay tawa sa sarili).
Subalit lumipas ang isang buwan na hindi ko siya nakita. Nalungkot ako dahil akala ko yung pagkikita namin noong araw na iyon ay simula na ng aming kwento.
Nakatulala akong naghihintay sa sakayan ng bus nang may biglang bumangga sa aking lalaki at may nalaglag na panyo. Sa laking gulat ko nang tingnan ko ang nalaglag na panyo, yun ay ang aking panyo dahil mayroon itong initial na "M". Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa wakas nagpakita si Peter. Dahan-dahan akong tumingala upang makita ang mukha ng lalaki ngunit nagkamali ako. Hindi siya si Peter pero hindi ako maaaring magkamali dahil ito ang panyo ko.
Mia: Hello! Saan mo nakuha itong panyo?
Lalaki: Ah yan ba? Nakita ko habang inaayos ko ang mga naiwang gamit ni kuya.