Chapter Twenty Two

Ate Anica!" masayang wika ni Tommy at Dahlia nang makita siya sa labas nang school nila. Kumaway naman ang dalaga nang makita ang dalawang bata. Dahil sa nangyari sa Cafeteria kaya naisip niyang magpunta sa school nang mga ito. Hindi rin niya gusto umuwi nang maaga sa mansion dahil tiyak ang tita Melissa niya ang madadatnan niya. Nang makalapit sa kanya ang dalawa agad siyang niyakap nang mga ito na tuwang -tuwa na makita siya.

"Kumusta na kayo?" tanong ni Anica sa dalawa.

"Okay lang kami pero mas masaya kung kasama ka naming." Wika ni Dahlia.

"Huwag kang mag-alala. Kapag bumalik ang Kuya Andrew niyo, babalik na rin akosa bahay. Gusto niyo bang kumain sa labas?" tanong ni Anica.

"Pero wala pa si Kuya Ramil baka hanapin niya kami." Ani Dahlia.

"Eh di tatawagan natin siya." Wika ni Anica saka inilabas ang celphone niya.

"YEY!" masayang wika ni Dahlia at Tommy.

"Saan niyo gustong kumain?"

"Jollibee!" sabay na wika nang dalawa. Natawa naman si Anica dahil sa sabay pa ang dalawa.

"Then Jollibee it is." Wika ni Anica.

"Aray ko!" daing nang isang bata na nasa gate habang hawak ang isang braso nang isang babae. Nang marinig ni Anica ang sinabi nang bata agad siyang napatingin dito.

"Si Missy. Parati siyang sinasaktan nang Mama niya gaya nang ginagawa nang tatay namin." Wika ni Dahlia.

"Kilala mo siya?" Tanong ni ANica sa bata.

"Kaklase ko siya. Minsan nga pumapasok siyang may pasa sa braso. Kahit magsumbog sa teacher hindi niya magawa dahil isang police ang tatay niya."

"Ibig mong sabihin sinasaktan siya nang tatay at nanay niya?" tanong ni Anica sa bata.

"Hindi ko po alam. Pero nakakaawa siya."

Don't be so nosy troublesome girl. Don't stick your nose on other peoples Business. Narinig ni Anica. "Shin!" bigla siyang napalingon dahil sa narinig. Ngunit wala naman siyang Nakita sa likod niya wala din si Andrew.

"Bakit Ate?" tanong ni Dahlia.

Now I am hearing things. Am I really a troublesome person? Tanong nang dalaga. Tatlong araw na din mula nang umalis si Andrew. Wala siyang balita sa misyon nito. He never call when he is in a mission. Kaya naman nag-aalala siya. Although alam niyang magaling naman ito pero ang katotohanang hindi niya alam kung anon ang nangyayari dito. Na mimiss na ba niya ang binata kaya naririnig niya ang boses nito. Lihim siyang napangiti.

Ang narinig niya ay siya ring saktong sasabihin ni Andrew kung nandito ang binata.

Kahit nasa fast food sila at masayang-masaya sina Dahlia at Tommy habang kumakain. Hindi pa rin mawala sa isip ni Anica ang batang Nakita niya sa labas nang gate. Bumagabag sa kanya ang sinabi ni Dahlia tungkol sa pambubugbog nang nanay at tatay nito sa kanya. Lalong hindi mawala sa isipan niya ang katotohanang pulis ang ama nito. At tila hindi lang ang bata ang tila binubugbog nang pulis kundi maging ang nanay nito. Sa kabila kasi nang seksi nitong suot na damit at makapal na make up hindi mawala sa isip ni Anica ang napansin niyang pangigitim nang bahagi nang mata nito.

Stay out of it." Wika ni Andrew sa kabilang linya. Ito ang unang beses na tumawag ang binata simula nang umalis ito. Sinabi nitong hindi kaagad ito nakakuha nang pagkakataong makatawag dahil sa dami nang inasikaso nila. Napili ang grupo ni Andrew na mag escort sa Presidente nang mag punta ito sa Ibang bansa para sa isang Summit. Masaya siya nang matanggap ang tawag mula kay Andrew.

Akala nga niya ay hindi siya nito tatawagan dahil sa tila masama ang loob nito nang umalis dahil sa sinabi nang lolo niya. Nang marinig niya ang boses nang binata. BIgla siyang naging masaya at dahil sa kasiyahan na iyon. Nasabi niya sa binata ang tungkol sa Nakita niya at sa pag-aalala niya sa batang babae.

"Stay out of it?" gulat na ulit nang dalaga sa sinabi nang binata.

"You heard me right. It sounded like a big trouble to me. Besides you are not the police to investigate on it. You can sympathize and should know your limit. And don't cause trouble while I am away." Wika nang binata.

"How can you such thing? Kawawa naman---"

"Anong magagawa mo kong makikialam ka sa problema nang pamilya nila? Kahit naman sino pwedeng maawa pero hindi lahat makakagawa nang bagay upang tumulong. Minsan ang hindi pakikialam ay tulong din. Don't cause any other mess than you already have." Agaw nang binata sa sasabihin pa niya.

Hindi naman sumagot ang dalaga. Hindi naman niya masisisi si Andrew kung ganoon ang opinion nito. Ngunit iniisip lang niya nab aka may magawa ito gaya nang nagawa nito para kay Ramil at sa mga kapatid nito.

"Hey, are you still there?" Tanong nang binata nang hindi sumagot si Anica. "Are you sulking because of what I said?"

"Or course not!" depensa nang dalaga. "Nag-iisip lang ako."

"Are you thinking on how to stick your nose on other people's business. You are such a nosy one. Do you that?"

"I know. I know. You don't have to sound terrible than it was." Pabalang na wika nang dalaga.

"You should listen to what I am saying this is for your own good. Don't stick your nose into that problem."

"All right." Mahinang wika nang dalaga na wala sa loob niya.

"You sounded like you won't be doing what I tell you." Wika nang binata.

"Huh!" singhap nang dalaga. "I won't be sticky my nose to other people's business. There! Happy?" inis na wika nang dalaga.

"Stop acting so childish. I am telling you this for your own good. Nothing good happens if you ---"

"Yeah I know that. And I won't be doing anything." Mahinang wika nang dalaga. Alam niyang sinasabi iyon ni Andrew hindi naman para sa kasamaan niya. At aminado siyang minsan matigas ang ulo niya.

"Mabuti nang malinaw." Wika nang binata.

"Yeah I get it already." BIglang natahimik si Anica. Gusto sana niyang tanungin ang binata kung kumusta na ito matapos ang mga sinabi nang lolo niya. Gusto rin niyang magtanong kung may alam ito kung bakit ganoon na lamang ang init nang ulo nang lolo niya sa binata. Ngunit natatakot siyang baka ma offend niya ang binata.

"Hey. Are you there? Are you sleeping?" Tanong nang binata sa kabilang linya.

"Oh—Sorry may iniisip lang ako."

"Don't stress yourself thinking of non-sense things."

"Yeah I know." Napalabing wika nang dalaga. Bakit ba pakiramdam niya tila nababasa nang binata ang iniisip niya. It seems that she know her better.

Kahit na sinabi ni Andrew na huwag siyang makiaalam sa problema nang batang si Missy. Hindi napigilan ni Anica ang sarili niya. Lalo nang isang araw nang dalawin uli niya si Tommy at Dahlia sa school at Nakita niyang sinundo nang isang lalaking naka uniporme ang bata kasama ang mama nito. Na gaya nang dati ay may suot na shades at makapal ang make up upang itago ang pasa sa mukha. Sa halip na magpakita siya sa dalawang bata ay sinundan niya ang mga ito hanggang sa makarating siya sa bahay nang mga ito. Sa isang lugar na maraming tao siya nakarating. Dikit-dikit ang mga kabayahan at nasa labas din ang ilang mga residente. May ilan na nag-iinoman. May mga ali na nag kukwentuhan at mga binatilyong naglalaro nang basket ball.

Nakita niyang tila lumalayo ang ilan sa lalaking pulis, dumistansya naman si Anica upang hindi mapansin nang lalaki sumununod siya dito. Nakita niyang pumasok ang tatlo sa isang bahay. Ilang sandali pa ay narinig niya ang ingay sa loob nang bahay ay ang iyak nang batang babae.

"Ewan ko ba sa mag-inang yan. Bakit hindi pa nila iwan ang lalaking yan. Halos araw-araw silang ginagawang punching bag." Wika nang isang ali na nasa isang tindahan.

"Saan naman sila pupunta eh si Mario lang ang kumupkop sa kanila. Hindi naman pwedeng bumalik sa night club yang si Donna no, hindi naman niya pwedeng isama sa club ang anak niya. Baka lumaki pang gaya niya ang batang yan. Kawawa naman."

Narinig pa niyang nauusap ang mga ginang tungkol sa tatlo. Sa dinig niya. Dating customer nang babaeng nag ngangalang Donna ang Pulis na si Mario. Umiibig at sumamang makipag live in dito. Nang malaman nitong may anak si Donna doon nag bago ang pakikitungo nang lalaki sa babae. Naging marahas ito maging sa batang babae, Tuwing nalalasing o napapagalitan sa trabaho ay sa mag-ina nito binutontong ang galit.

Hanggang sa makabalik si Anica sa University nasa isip pa rin niya ang si Missy. Dahil sa lalim nang iniisip niya hindi niya napansin si Dennis na tinatawag niya. Maging sa club room nila ay malayo din ang nilalakbay nang isip niya na napansin nang binata.

Dahil sa hindi mapalagay si Anica. Kinabukasan ay bumalik siya sa School. Inabangan niya si Missy. Maaga itong inihatid nang mama niya. Nakita niya ang pasa sa braso nang batang babae. Hihintay niyang makaalais si Donna bago niya lapitan si Missy.

"Huwag kang matakot." Wika ni ANica nang tila umatras ang bata nang lumapit siya. Nakikita niya ang hapis na mukha nito saka napansin ang pagkulo nang sikmura.

"Gusto mo bang kumain?" Ngumiting wika ni Anica. Ngunit nakatingin lang sa kanya ang batang babae. "Heto." Nang dalaga at iniabot sa bata ang sandwich na dala niya. Ibibigay dapat niya ito kay Tommy at Dahlia.

"Huwag kang mag-alala. Hindi kita sasaktan. Kaklase ka ni Dahlia hindi ba? Ate niya ako." Wika nang dalaga. "Sige na kunin mo na to." Wika nang dalaga at kinuha ang kamay nang bata at inilagay dito ang bag na may sandwich.

"Wala naman ate si Dahlia----"

"Ate Anica!" masayang wika ni Dahlia na dumating kasama si Tommy at Ramil.

"Ate." Wika ni Tommy saka tumakbo papalapit sa kanya. Nakita nang batang babae ang biglang pagyakap nina Dahlia at Tommy sa dalaga.

"Ang aga mo ata dito." Wika ni Ramil.

"May kaibigan lang akong pinuntahan." Ngumiting wika ni Anica saka tumingin kay Missy.

"Ate mo ba talaga siya?" tanong ni Missy kay Dahlia.

"Oo. Siya yung asawa nang kinukwento ko saiyong nagligtas sa amin nina kuya Ramil. Mabait siya at si Kuya Andrew. Hindi na kami natatakot kay tatay dahil sa kanila." Proud na wika ni Dahlia.

"Pwede rin kaya nila kaming iligtas?" mahinang wika ni Missy at nagbaba nang tingin.

"Anong sabi mo?" tanong ni Dahlia na hindi narinig ang sinabi ni Missy.

"Missy!" wika nang babae na bumalik at Nakita si Missy na kausap nina Anica. Napatingin naman si Anica sa babae saka tumingin kay Missy.

"Papasok na ako." Wika ni Missy saka nagmamadaling pumasok sa loob nang gate.

"Teka sama ako." Wika ni Dahlia saka hinawakan ang kamay ni Tommy saka sumunod sa batang babae. Naiwan naman sa labas sina Anica, Ramil at Donna.

"Bakit niyo kinakausap ang anak ko?" asik ni Donna.

"Huwag kayong magalit wala naman kaming ginagawang masama sa anak niyo." Wika ni Ramil.

"Huwag niyong lalapitan ang anak ko." Wika ni Donna saka umalis nang makitang dumating ang pulis sakay nang isang patrol car. Nakatingin lang si Anica sa mga ito habang umaalis. Hindi siya mapakali lalo nan ang marinig ang pagkalam nang sikmura nang bata.

"Mukhang hindi lang kami ang may problema sa pamilya." Wika ni Ramil. "Sapalagay ko mas mabuting huwag tayong makialam sa problema nila. Mukhang hindi maganda kung babanggain mo ang isang taong may posisyon sa lipunan." Wika ni Ramil.

"Say. Sinabi mong gusto mong pumasok sa military kapag nakatapos ka nang high school. Bakit mo naisip gawin iyon? Bakit ka nag desisyong maging sundalo?" tanong ni Anica saka tumingin kay Ramil.

"Simple lang. Dahil gusto kung sundan ang yapak ni Sir Andrew. Dahil sa kanya kaya Malaya kami ngayon. Iniidolo ko siya." Wika ni Ramil.

"That's good. Hindi ba mas maganda kung ang dahilan ay upang iligtas ang mga gaya ni Missy. To defend those that are weak, I think it would be a more suitable and noble reason rather than just to idolize a person." Wika ni Anica at ngumiti. Tila naman punyal na tumarak sa puso ni Ramil ang sinabi ni Anica. Nakikita niya ang tila nasasaktang ekspression nang mukha nang dalaga. Mali ba ang rason niya kung bakit niya gustong magsundalo? Gusto rin naman niyang maging malakas upang wala nang umapi sa kanilang tatlo.

"Anica!" wika nang isang binata na lumapit sa kanila matapos bumaba sa isang mamahaling sasakyan. "Nakita kita sa university, pero hindi moa ko pinansin. Kaya sinundan kita. Sino naman yang kasama mo?" tanong ni Dennis sa kanya.

"Senior. Ah Siya si Ramil. Kaibigan ko." Wika ni Anica.

"Dennis Espinosa College Senior ni Anica." Wika nito at inilahad ang kamay sa binata. "Nice to meet one of Anica's friend." Nakangiting wika nito.

"Ramil Salvador." Wika nang binata saka tinanggap ang pakikipagkamay nito.

"May kakilala ka ba sa sa primary school na ito?" Tanong ni Dennis saka binitiwan ang kamay ni Ramil saka tumingin sa gate nang school.

"Oo. Dito nag-aaral ang mga batang niaalagan namin." Wika ni Anica.

"Inaalagaan? So you are into that kind of charity?" tanong nang binata.

"Mahabang Kwento." Simpleng wika nang dalaga.

"Anica. Mauuna na ako. Baka mahuli ako." Wika ni Ramil. "Susunduin mo rin ba mamaya sina Dahlia?" Tanong ni Ramil.

"Baka hindi. May lakad kasi ako." Wika ni Anica. Ngunit nasa isip niyang kausapin si Donna tungkol sa batang si Missy. Hindi siya mapalagay na makita itong sinasaktan. Kahit pa sabihing nakikialam siya hindi kaya nang konsensya niya.