Chapter Thirty Four

Benjamin?" gulat na wika ni Andrea nang dumating sa bahay nil ani Andrew at makita sa labas nang gate si Benjamin. Nang makita siya nito ay agad din itong umalis nang hindi siya kinakausap. Tinangka niyang pigilan ang binata ngunit mabilis itong nakalayo. Nakatingin lang ito sa bahay nila habang nakatayo sa labas. Ito rin ang unang beses na Nakita niya itong pumunta sa bahay nila.

Hindi naman ito malapit kay Andrew at may personalidad itong mahilig mag-isa kaya nagtataka siyang nasal abas ito nang bahay nila. Nang mga sandal ding iyon wala doon sa bahay nila si Andrew dahil may trabaho ito. Pwede rin naman nitong tawagan si Andrew kung kailangan nitong makausap ang tiyo.

"Hindi ka ba tinawagan ni Benjamin?" tanong ni Anica kay Andrew habang ipinaghahain niya ito nang hapunan. Dahil dalawa nalang sila sa bahay nila nasanay na rin siya sa mga gawaing bahay at nag-aral din siyang magluto dahil hindi naman niya pwedeng pakainin nang mga sunog na pagkain si Andrew.

"Bakit?" Tanong ni Andrew saka tumingin sa dalaga.

"Kanina Nakita ko siya sa labas nang bahay. Pero hindi niya ako kinausap. Nang makita niya ako agad siyang umalis." Wika nang dalaga. "May problema kaya siya? Baka kailangan niya nang tulong mo." Wika ni Anica na naupo sa isang upuan malapit kay Andrew.

"You are again sticking your nose into other peoples business." Wika ni Andrew sa dalaga.

"Hindi naman siya ibang tao. Pamangkin mo siya." Wika nang dalaga. "He really looked troubled." Wika nang dalaga. Bigla siyang napatingin sa binata nang bigla itong napaubo matapos isubo ang pagkain. Agad naman niyang kinuha ang tubig at iniabot sa binata.

"Maalat ba?" tanong ni Anica saka iniabot ang baso nang tubig sa binata. Na agad namang kinuha ni Andrew saka uminon. "Sorry, huwag mo nalang kainin 'to. Baka sumakit ang tiyan mo." Wika ni Anica at tangkang kukunin an bowl nang ulan ngunit pinigilan ni Andrew ang kamay niya.

"Huwag kang magsayang nang pagkain." Wika ni Andrew sa dalaga.

"Pero---" mahinang wika ni Anica.

"I'll finish it all." Wika nang binata.

"Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo." Wika ni Anica saka muling naupo. Alam niyang kulang pa ang kaalaman niya sa pagluluto at ngayon palang siya nag-aaral. Sa compound nila sa cooking classes at ilan sa mga naroon ay mga bagong asawa nang ilan sa mga opisyal na nakatira doon. At sa kanila. Tinutulungan siya nang mga ito at ilan sa kanila ay inalalayan siya. Wala naman kasi siyang talento pagluluto.

Habang kumakain sila. Sabay silang napatingin sa may pinto nang tumunog ang door bell. Saka nagkatinginan.

"May inaabangan ka bang bisita?" tanong ni Anica sa binata.

"No. And it's already late who would visit us this late." Wika ni Andrew at tumayo. "I'll get it." Wika nang binata saka naglakad patungo sa pinto.

Nang makalabas si Andrew Nakita niya si Benjamin na nasa labas nang gate. Agad naman siyang nagtungo doon at binuksan ang gate. Inaya niya ang binata na pumasok ngunit tumanggi ito.

"I need your help." Wika nang binata.

"My help? Ano namang tulong ang kailangan mo? Surely money is not one of it." Wika nang binata. Ito ang unang beses na lumapit si Benjamin sa kanya. Habang nakatingin siya sa mukha nang binata nakikita niya ang dark cirles sa mata nito. Huli niyang Nakita ang binata noo kasal ni Daniella at Zane and it was 2 weeks ago. Hapis ang mukha nito at tumutubo na rin ang balbas at bigote. Haggard na haggard din ang mukha nang binata. At tila walang gaanong pahinga.

"They are after me. I need your help." Wika ni Benjamin na nagpalinga-linga sa paligid. Nagtaka naman ang binata sa sinabi nang pamangkin. Sino naman ang tinutukoy nito at bakit tila para aligaga ito.

"Tell me everything so I can help you." Wika nang binata. "Pwede tayo sa loob----"putol na wika ni Andrew.

"Hindi pwede. Baka mapahamak ka kapag Nakita nilang pumasok ako sa bahay mo." Wika nang binata. Biglang napaiisip ang binata. Anong gulo ang pinasok nang pamangkin at bakit ganoon nalang ang takot sa mukha nito.

"Bakit ka pumunta dito kung natatakot kang mapahamak ako?"

"Dahil ikaw lang ang alam kung pwedeng tumulong sa akin. Alagad ka nang batas. Maari mo akong tulungan. Tulungan mo akong makaalis sa bansang ito nang walang nakakaalam. Kahit ang mga alagad nang batas hindi nila dapat malaman." Wika ni Benjamin.

"The way you sound. Para bang gumawa ka nang isang bagay nalabag sa batas. At gusto mong tulungan kita? Alam mo ba ang sinasabi mo?" tanong ni Andrew.

"Pamilya kita at bilang isang pamilya obligayson mong tulungan ang miyembro nang pamilya mo na nasa panganib."

"Hindi mo yata alam ang sinasabi mo. At mukhang hindi moa ko lubusang kilala. I am the so called demon General. Wala akong pamilya o kaibigan. Kapag lumabag sa batas I bring him to justice. Sa palagay mo ba tamang tao ang nilapitan mo. The way I hear it, you are running away not just from the people you are scared of but also from the law. Whatever it is that you are----"

"Bakit ganyan ka magsalita. Pamilya mo ako."

"Alagad ako nang batas." Mabilis na wika ni Andrew.

"Mukha hindi magandang ideya na nilapitan kita. You are living up to your name. Demon General." Wika ni Benjamin na bagsak ang balikat na umalis. Hindi naman siya pinigilan ni Andrew. Tiningnan lang nang binata ang pamangkin habang papalayo. Nang makalayo na si Benjamin saka siya nag desisyon na isara ang gate nang humarap siya sa bahay nila para pumasok Nakita niya sa labas nang pinto si Anica na nakatayo doon.

"Nakikinig ka ba sa pinag-usapan namin?" tanong ni Andrew na naglakad papalapit sa dalaga.

"He don't look like he is in good shape." Wika nang dalaga.

"He has his own troubles." Wika ni Andrew at pumasok sa loob nang bahay.

"Is he asking for your help?" Tanong nang dalaga saka sumunod sa binata. "He looks like he need someone to help him. And I think you are the only person na pumasok sa isip niya."

"I don't plan in going against my principle just to help a family in trouble. Gumawa siya nang gusot he should know how to resolve it." Wika ni Andrew saka nalakad patungo sa kusina.

"He is still your family." Wika nang dalaga.

"Family or not----"

"It is against your principles and against the law? Pinakinggan mo ba siya? Why else would he approach you to ask for help. I am not telling you to go against your principles or the law. Pero bilang isang pamilya atleast what you can do is to hear him. Or did you dismiss him telling you will----"

"I got it." Agaw na wika nang binata saka inilagay ang kamay niya sa ulo nang dalaga saka ngumiti. "You can read me this much huh." Manghang wika nang binata. Napatingin naman ang dalaga sa binata. "I will try to talk to him." Nakita naman nang binata na biglang ngumiti ang dalaga at umaliwalas ang mukha dahil sa sinabi niya.

"You really enjoy helping other huh. You are weird." Wika nang binata saka kinusot ang buhok nang dalaga bago bumalik sa kinauupuan. "I think before you worry about other peoples trouble you should worry about yours. Hindi mo dapat ihain ang ganitong pagkain sa iba. Else you will send them to the hospital in no time." Pabirong wika nang binata.

"I get it okay. I will work on it." Palabing wika nang dalaga saka naupo. Pero sa loob niya masaya siya na tila relax na ang pag-uusap nil ani Andrew nitong mga nakaraang araw at mas madalas na niya itong nakikitang ngumiti. He never complains kung ano man ang ihain niya kahit siya nahihirapan ding ubusin ang mga niluluto niya. But he will eat it with no complain and finish them all.

"Sabi nang cooking instructor you are givin her a hard time." Wika nang binata sa dalaga. Ang cooking instructor na tinutukoy nito ay ang asawa nang major na nasa compound din. Isa siyang chef at tinutulungan niya ang mga babae sa compound upang maging abala at hindi lang puro paghihintay sa mga asawa nila ang ginagawa.

"I am just not talented enough I guess. At masyado siyang masungit." Napalabing wika nang dalaga.

"Hindi naman siya masungit. Hindi lang siya sa mga mahina."

"Are you implying that I am weak?"

"Are you?" tanong nang binata at tumingin sa dalaga.

"Of course not. It just that cooking is not my forte." Wika nang dalaga.

"Don't over exert yourself."

"Of course I am not." Wika nang dalaga.

Anong balita sa pinaiimbistigahan ko?" Tanong ni Andrew sa grupo niya nang pumasok siya sa kanilang conference room kung saan naroon si Rafael at ang iba pang miyembro nang Task force wolf. Nang dumating sa bahay niya si Benjamin noon nakaraang araw hindi mawala sa isip niya ang binata at ang sinabi ni Anica. Hindi na rin niya nagawang macontact ang binata at halos hindi na ito umuuwi sa mansion. Maging ang mga magulang nito ay nag-aalala na rin sa binata.

Naisip ni Andrew na paimbestigahan ang pamangkin at kung nasasangkot man ito sa isang gusot bilang alagad nang batas baka may maitulong siya. INiisip din niya kung bakit ayaw nitong malaman nang iba ang nangyayari sa kanya at kung sino ang humahabol dito.

"Mukhang nasa panganib ang pamangkin mo General." Wika ni JOyril saka binuksan ang malaking monitor sa harap nila.

"He got involve sa isang sindikatong nag i-smuggle nang mga baril sa ibang bansa." Wika ni Trisha.

"Smuggle nang mga baril? Paano naman siya ma iinvolve sa ganong Gawain?" Tanong ni Rafael saka napatingin kay Andrew.

"May kaibigan siyang isang businessman. Ito ang nagpasok sa kanya sa import and export na Negosyo." Dagdag ni Joyril.

"Ngayon, gustong kumalas nang pamangkin mo sa grupo dahil nalaman niya ang illegal na Gawain nang kaibigan. Ngunit dahil, nasangkot na siya he is being threaten. Tama ba ako?" Wika ni Rafael na tumingin kay Andrew saka tumingin kay Trish at Joyril.

"Yes Captain tama kayo. Kaya lang. Ang mahirap sa nangyari sa pamangkin mo General. Ilan sa mga transaction nila ay nasa pangalan niya. Bukod sa illegal Firearms may mga illegal drug deals din." Ani Trisha. "What is worse is ang kaibigan ni Benjamin ay dinoble cross ang mga mafia na naka transaksyon nila. At ngayon hindi makita ang kaibigan niya at si Benjamin ang hinahabol nang mga Mafia dahil siya ang nagpakilalang Leader nang grupo nila. He was not aware of all the illegal transaction hanggang sa maging wanted siya nang grupo nang mafia. Ang mas nakakatakot dito, hindi isang maliit na grupo ang mafia nan aka bangga nila kundi isang international Mafia." Paliwanag ni Trisha sa kanila.

Napatitig si Andrew sa screen kung saan ipinakita ni Trish at Joyril ang picture nang kaibigan ni Benjamin at nang Mafia na nakabangga nila. Malalim ang iniisip niya habang nakatingin sa Monitor. Walang alam si Benjamin sa Negosyo dahil isa itong artist. Kaya hindi malabong madali itong naloko. Iniisip din niya ang dahilan kung bakit nito naisipan na pumasok sa Negosyo. Dahil din siguro sa pressure mula sa kanilang pamilya. Bukod sa kanya. Si Benjamin ay hindi rin aktibo sa pagpapatakbo sa family business nila. Ilang beses na rin itong naikumpara sa mga pinsan nito na malayo na ang narating. Bukod doon hindi rin ito kilala bilang isang painter.

"Anong plano mo ngayon Sir?" Tanong ni Jeremy sa binata.

"First, let's find Benjamin. And find more information about that Mafia." Wika nang binata na nasa monitor parin ang mga mata.

"May Malaki tayong problema General." Wika ni Charles dahilan upang mapatingin sina Andrew sa binata.

"Hawak nang NBI ang kasong ito dati. Kaya lang. itinigil nila ang imbestigasyon dahil s autos mula sa itaas." Wika ni Charles. "This is a classified case at hindi basta-bastang pinag-uusapan. Siguro marahil dahil involve ang isang international MAFIA sa kaso." Dagdag ni Charles.

"At kung iinvolve natin ang sarili natin sa kasong ito baka tayo ang mapasama sa itaas." Wika ni Michael na ang tinutukoy ay ang matataas na ospiyal sa gobyerno.

"Ano sa palagay niyo General?" Tanong ni Samuel sa binatang si Andrew skaa tumingin kay Andrew.

"Am I a person who would care about what they say?" wika ni Andrew na ang tintutukoy ay ang mga matataas na opisyal. Dahil sa sinabi nang Binata biglang napangiti si Rafael. "Let's get bac to work." Wika ni Andrew saka lumabas sa conference room.

"Pambihira. Hindi ba siya natatakot sa mas mataas pa ang ranggo sa kanya?" wika ni Carlos nang makalabas si Andrew.

"He is called a Demon General for nothing." Wika ni Trisha.

"He is not the type of person na madaling matakot sa mga mayhawak nang kapangyarihan. Kung alam niyang nasa tama siya ipaglalaban niya. Dapat sanayin niyo ang sarili niyo na lumabag sa norm na nakasanayan nang iba. Batas ang pinaiiral niya. Kaya maraming nagsasabing isa siyang Demon General." Ani Rafael.