Chapter Thirty Nine

Dumating ang Grupo ni Andrew sa lugar kung saan magaganap ang laban nila ni Giovanni. Si Guiller ang humarap sa grupo ni Giovanni habang si Andrew naman ay nakakubli lang at nagmamatyag kung isinama ba nang lalaki si Anica sa lugar gaya nang sabi nito. Nang humarap si Giovanni sa Gurpo ni Andrew. Kasama nila si Anica na hawak nang isang lalaki na nasa likod ni Giovanni.

"Gaya nang usapan, dinala ko ang apo nang pinuno niyo." Wika ni Giovanni.

"I don't understand why you resorted to this kind of thing Gio. You were raised by-----" putol na wika ni Guiller.

"I don't need you lectures right now Isa lang ang pinunta ko dito at yun ay ang makuha ang pamumuno nang sa grupo. Mabuti at hindi tanga ang boss niyo. Mas mahalaga parin sa kanya ang apo niya. Ngayon gusto kong makita ang bagong boss na tinutukoy niyo." Wika ni Giovanni. Nakita nilang gumawa nang daanan ang mga lalaki sa likod ni Guiller doon naglakad papalapit sa kanila ang isang matangkad na binata na nakasout nang maskara nang isang wolf.

"Ano namang pakulo yan?" wika ni Giovanni.

"Our new boss has a strict rule not to show his face." Wika ni Guiller.

"Whatever it doesn't matter. I will unmask this wolf later at ipapakita ko sa lahat kung anong klaseng tao ang pinili ni Antonio de Luna." Wika nang lalaki. "Gaya nang napag-usapan it will be a match until the end. And you will be fighting my champion." Wika ni Giovanni saka naglakad papalapit sa kanila ang isang malaking lalaki at matangkad din. May kadena pa ng dalawang kamay nito.

Biglang nahintakutan si Anica sa Nakita niya. Ito ba ang lalaban sa grupo nang lolo niya? Tiyak na durog ang boto nang kung sino mang lalaban dito.

"Wala sa usapan natin na kukuha ka nang ibang taong lalaban saiyo." Wika ni GUiller kay Giovanni.

"Sabihin niyo na kung aatras kayo sa laban. Pwede ko namang tapusin agad ang buhay nang mahal na apo nang boss mo." Wika ni Giovanni saka itinaas ang isang kamay kasunod noon ang biglang pag tutok nang baril nang isang lalaki sa sentido nang dalaga. Biglang mariing napapikit ang dalaga dahil sa ginawa nang lalaki.

"Stop----" wka ni Guiller na nahinto dahil hinawakan nang binatang naka maskara ang balikat niya saka naglakad patungo sa unahan upang harapin ang malaking lalaki.

"Mukhang hindi naman pala bahag ang buntot nang bago niyong boss." Natatawang wika ni Giovanni.

Isa-isang nagsialisan ang mga naroon mula sa gitna saka isa-isang nagtungo sa gilid upang bigyang nang espasyo ang lalaki at ang binatang naka maskara. Sina Guiller at Giovanni naman at umakyat sa ikalawang palapag. Nasa kabilang banda si Giovanni habang kasama si Anica. Napatingin ang lalaking naka maskara sa kinalalagyan nina Giovanni.

Nagsimula ang laban nang lalaki at nang nakamaskara. Nang una nagagawa pang iwasan nang nakamaskara ang mga atake nang lalaki at nagagawang maka tama sa lalaki. Ngunit nang matamaan nang kadena ang ulo nang naka maskara at nabuwal sa sahig nahirapan na itong gumanti nang, parang isang sandbag ang katawan nang naka maskara na walan ibang ginawa kundi ang tumanggap nang sipa at suntok mula sa lalaki. Sa mga atakeng tinanggap nang naka maskara naging dahilan iyon upang lumabas mula sa ilalim nang damit nang lalaki ang singsing ni ANica na ginawa nitong kwentas. Biglang napatayo si Anica nang makita ang kwentas. Kahit malayo ang lalaki at naaninagan lang niya ang kwentas malakas ang kutob niyang kilala niya ang lalaki.

Sumisigaw ang mga naroon na tanggalin ang maskara nang lalaki habang nakaangat ito at hawak nang malaking lalaki ang leeg. Napangisi naman si Giovanni dahil abot kamay na niy ang tagumpay. Si Guiller naman ay bigla ding napatayo sa kinauupuan dahil sa nakitang nangyayari sa naka maskara.

"Him?!" wika ni Giovanni na biglang tumayo nang tanggalin nang malaking lalaki ang maskara nang binata. Nalantad sa lahat ang mukha nang nakamaskara. Natuptop naman ni Anica nag bibig niya kasabay nang pagtulo nang luha niya nang makumpirma ang mukha sa likod nang maskara.

"Mukhang pinuntahan ka nang Asawa mo dito. What a clever way to seek for his death. Mas makabubuti sana sa kanya kung nanatili siya sa kung nasaan siya at hindi pumasok sa ganitong mundo." Wika ni Giovanni at tumingin sa dalaga.

"Itigil mo na 'to. Patigilin mo ang laban." Wika ni Anica saka tumingin kay Giovanni. He will die at this rate. Wika nang isip niya saka napatingin sa binatang parang isang bagay na itinapon nang lalaki. Dahil sa ginawa nang lalaki tumama ang binata sa pader at na ubo pa nang dugo.

"Shin!" sigaw nang dalaga na tila tatalon mula sa itaas ngunit bigla siyang pinigilan nang isang tauhan ni Giovanni. Na Nakita naman ni Andrew. Napaluhod siya sa lupa saka pinahid ang dugo mula sa bibig. Dumudugo din ang kanyang ulo dahil sa sugat doon. Hinawakan ni Andrew ang kwentas niyang singsing saka muling ibinalik sa ilalim nang damit niya at tumayo.

Nakita niyang inunat nang lalaki ang kadena saka sumugod sa kanya. Handang-handa na ito upang tapusin ang buhay nang binata. Nakatingin lang si Andrew sa lalaki habang papalapit ito sa kanya. Habang si Anica naman ay malakas ang kaba sa dibdib at takot para sa binata.

"Kill him." Wika ni Giovanni. Tilang isang hudyat na hinihintay nang malaking lalaki saka sinugod si Andrew. Sinubukang igapos nang lalaki si Andrew sa kadena nito ngunit nabigla ang lalaki nang biglang sumakay sa likod niya ang binata at ang kadena niya ay itinali nang binata sa leeg niya. Sinubukan niyang magpumiglas at kumawala sa sa binatang nasa likod niya. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Andrew sa kadena na nakapulupot sa leeg niya. Wala rin nagawa ang pagpupumiglas nang lalaki, hanggang sa tuluyang malagutan nang hininga ang lalaki.

Nang maramdaman ni Andrew na hindi na gumagalaw ang lalaki, bumaba siya mula sa likod nito at sinipa ang lalaki saka nabuwal sa lupa. Saka naman tumingin sa grupo ni Giovanni.

GIgil na napatingin si Giovanni sa binata habang nakakuyom ang kamao. "Kill Him!" sigaw nang lalaki saka itinuro si Andrew. Ang mga tauhan ni Giovanni na nasa ibaba ay agad namang sinugos si Andrew. Agad namang kumilos ang tauhan nil ani Guiller upang protektahan ang binata. Nakita ni Andrew na dinala ni Giovanni si Anica papalabas nag building. Ngunit dahil sa pagkakagulo hindi agad niya nahabol ang dalaga.

"Dito!" wika ni Guiller sa kanya na nasa isang pinto. Nang makita ni Andrew ang binata agad siyang lumapit dito. "Pwede nating harangin si Giovanni." Wika nito na naunang maglakad kasama ang ilang tauhan nila. Sumunod lang siya sa binata. Alam na alam ni Guiller ang pasikot-sikot sa buong paligid hanggang sa makalabas sila sa isang kalsada. Bigla silang napahinto nang makasalubong nila ang isang kotse. Ang kotseng ito ang siyang sinakyan nina Giovanni.

"Shin!" wika ni Anica na nasa likod nang sasakyan katabi si Giovanni. Nagtanggang lumabas si Anica ngunit pinigilan siya ni Giovanni.

"Bakit ka huminto? Paandarin mo na ang sasakyan. I don't care if you run over them." Wika nang lalaki sa driver.

"Bitiwan mo 'ko." Wika ni ANica na panay ang pagpupumiglas. Dahil sa kanyang pagwawala ay tinamaan nang kamay niya ang mata ni Giovanni nang mabitiwan siya nang binata agad namang ginamit ni Anica ang pagkakataong iyon upang bumaba nang kotse. Huli na nang makabawi si Giovanni nakalabas nan ang Saskyan si Anica.

"Shin!" wika nang dalaga saka tumakbo papalapit sa binata ngunit bigla siyang natigilan nang paputukan ni Giovanni ang may paanan niya. Bigla siyang napatigil saka tumingin sa binatang nasa labas na nang sasakyan.

"Masyado mo akong pinahihirapan Anica." Wika nang lalaki saka tinutukan nang baril ang dalaga. Bago bumaling kay Andrew. "General, nanatili ka nalang saan ka nararapat." Lumabas mula sa kotse ang dalawang lalaki saka lumapit kay Anica.

"Alam kong dumayo kapa sa lugar na ito para sa kanya. Pero ikinalulungkot dahil hindi ko siya ibibigay saiyo." Wika ni Giovanni saka naglakad papalapit sa dalaga. "SIya ang magiging kabayaran nang lahat nang atraso ni De luna sakin."

Habang naglalakad si Giovanni papalapit sa dalaga pasimpleng inilagay ni GUiller sa kamay ni Andrew ang isang baril. Hindi naman nilingon nang binata si Guiller ngunit tinanggap niya ang Baril. Nakikita niya ang takot ni Anica habang papalapit sa kanya si Giovanni.

"Hey nosy girl." Wika ni Andrew sa dalaga. Dahilan upang mapatingin si Anica sa binata. "Look at me. It's okay. I will make sure to save you." Wika nang binata. Tumango naman ang dalaga. Alam naman niyang gagawin ni Andrew ang sinabi nito.

"Masyado kang mayabang magsalita General." Wika ni Giovanni na tangka sanang hahawakan ang dalaga ngunit biglang binaril ni Andrew ang kamay nito na may hawak nab aril dahilan upang tumilapon ang hawak nito. Hindi rin naman nakakilos ang dalawang kasama ni Giovanni dahil sa biglang pagbaril ni Andrew sa kanila kapwa tinamaan sa magbilang bente ang dalaawa. Maging si Giovanni na tinangkang kunin ang baril na tumilapon ay hindi rin nakaligtas. Muli siyang binaril ni Andrew at tinamaan sa bente. Napahawak lang sa tenga niya si Anica na napaatras dahil sa takot. Bumulagta sa lupa ang tatlo na hindi na makatayo dahil sa tama nang baril sa paa.

"This is where you end." Wika ni Andrew kay Giovanni nang makalapit siya sa lalaki saka tumayo sa harap nang lalaki.

"Bastard!" sigaw ni Giovanni.

"Ang sarili mo yata ang tinutukoy mo. Tapos na ang masamang Gawain mo. You will pay for everything that you have done." Wika ni Andrew saka naman lumapit sa kanila si Guiller saka pinatayo sina Giovanni at ang mga tuahan nito.

"Pwede mong tapusin ang buhay niya." Wika ni Guiller.

"My hands are already full of someone else. Walang espasyo para sa kanya." Wika ni Andrew saka ibinigay ang baril kay GUiller saka humarap sa dalaga nasa gilid at nakatayo habang hawak ang tenga niya.

Naglakad siya papalapit sa dalaga. Saka huminto sa harap nang dalaga.

"Sorry to keep you waiting." Wika nang binata saka huminto sa tapat nang dalaga. "Were you hurt?" tanong nang binata saka kinuha ang kamay nang dalaga na nakahawak sa tenga nito.Tiningnan niya ang kamay nag dalaga dahil sa gusto niyang kumpirmahin kung daliri ba ni Anica ang natanggap nila doon sa kahon. "Hey." Gulat na wika nang binata nang biglang marahas na bawiin ni Anica ang kamay niya.

"Tingnan mo ang sarili mo." Naiiyak na wika nang dalaga. "You were nearly killed. Alam mo bang----" biglang naputol ang sasabihin nang dalaga nang bigla siyang yakapin nang binata. Dahil sa ginawa nang binata lalong napaiyak ang dalaga habang nakahilig sa dibdib nang binata ang ulo niya.

"Hey Stop crying you cry baby." Wika ni Andrew saka bahagyang inilayo ang dalaga sa kanya saka ngumiti. "I'll just rest for a bit. I am too tired." Wika ni Andrew na biglang bumagsak ang katawan patungo kay Anica. Gulat namang sinalo nang dalaga ang binata.

"Shin! Hey!" kinakabahan na wika ni Aya saka tinapik ang mukha nang binata.

"It's okay. He is just sleeping. Matinding parusa din ang tinanggap niya." Wika ni Guiller saka kinuha si Andrew saka inalalayan. "Dalhin na natin siya sa hospital." Wika ni Guiller. Tumango lang si Anica.

Si Giovanni naman at ang grupo niya ay isinurender nang grupo ni GUiller sa pulisya nang Italy. Pinaiimbistigahan din ang iba pang kasangkot sa grupo ni Giovanni at ang ilan pang mga Illegal na Gawain nito kasama na ang Illegal Undergroung fighting arena. Habang si Andrew ay dinala sa hospital. Nang malaman ni Alice at Antonio na ligtas na si Anica. Saka sila sumugod sa Hospital. Nalaman ni Anica kay Alice na umalis sa serbisyo si Andrew upang sundan siya at pumasok sa Grupo nang lolo niya upang hanapin siya at mailigtas.

"Kumusta na si Andrew?" tanong ni Alice sa anak na nasa loob nang silid ni Andrew. Nakahiga ang binata sa hospital bed habang may mga benda ang mukha at kamay dahil sa tinamong sugat.

"Nagpapahinga nalang siya." Wika ni ANica saka tumingin sa binatang natutulog.

"He was worried about you." wika ni Alice. "Talagang nagpunta pa siya dito para saiyo." Dagdag pa ni Alice.

"Hindi naman niya kailangang iwan ang mga bagay na meron siya para lang sa akin." Wika ni Anica.

"May be." Wika ni Alice. "Sinabi niya sa amin nang lolo mo ang dahilan nang pagpapakasal niyo. Kung ginawa niya ito dahil trabaho niya. He is very consistent. But to a point thet we was almost killed. Hindi mo matatawag na out of duty parin ito. Mag-usap kayo at klaruhin ang bagay tungkol sa inyong dalawa." Wika ni Alice.

Nagmulat nang mata si Andrew na ang puting ceiling nang hospital ang maulatan niya. Nang magpalinga siya sa paligid Nakita niya si Anica na nakatango sa hospital bed at natutulog. Simpleng napangiti si Andrew saka ginagap nang kamay niya ang ulo nang dalaga saka hinimas. Dahil sa ginawa nang binata bigla namang nagising si Anica. Nang mag-angat nang ulo ang dalaga napatingin siya sa binata.

"Oh, bakit ka nakangiti. Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" wika ni Anica sa binata. Saka naupo nang maayos.

"Nakapagpahinga na ako." Wika nang binata.

"Nagugutom ka ba?" tanong ni Anica saka tumayo at tangkang naglakad patungo sa mesa na may nakalagay na pagkain ngunit biglang hinawakan ni Andrew ang kamay niya saka bigla siyang hinatak dahilan upang mapaupo siya sa kama. Saka takang napatingin sa binata dahil sa labis na gulat.

"Anong ginawa mo!" asik ni Anica. "Mamaya ma sagi ko yang mga sugat mo." Wika nang dalaga.

"Okay na ako malayo naman sa bituka ang mga sugat ko." Wika nang binata. "Wala ka bang sasabihin dahil natagalan akong dumating?" Tanong nang binata sa kanya.

"Ano naman ang Sasagihin ko? I wasn't expecting you to come after me." wika nang dalaga.

"SO you where okay without me?" nanunuyang wika nang binata saka hinawakan ang kamay nang dalaga.

"Naisip kong parati mo nalang akong inaalala. Kahit saan ako pumunta sinusundan ako nang gulo. You were almost killed in that arena. I was scared." Wika nang dalaga saka nagtungo nang ulo dahil sa pagtulo nang luha. Nasasaktan siya sa sinasabi niya dahil sa loob niya gusto niyang makita ang binata at malulungkot siya kong hindi dumating ang binata. Pero mas masasaktan siya kung may mangyayaring masama dito. Hindi niya kayang isipin na mapahamak si Andrew dahil sa kanya.

"But I wasn't. At hindi naman ako madaling mamatay. Nalulungkot akong isipin na hindi ka naniniwalang kaya kitang protektahan. Medyo natagalan ngalang. But I came didn't I?" wika nang binata saka hinimas ang kamay nang dalaga. Napakagat labi naman ang dalaga saka tumingin sa binata.

"Nasanay na akong kasama ka sa bahay. Kahit na wala kang ginawang tama. At puro sunog ang niluluto mo. At hindi mo malaman kong Sabaw o tubig dagat ang iniinom ko. That house is empty without you." Wika nang binata.

"Hindi ko maintindihan kong pinupuri mo ako o nilalait."

"It's a compliment." Wika ni Andrew saka hinubad ang kwentas kung saan niya inilagay ang singsing ni Anica. "I think you forget to wear this." Wika ni Andrew saka isinuot sa ring finger nang dalaga nag Engagement ring nila at Wedding ring.

"Are you sure this is okay?" Tanong ni Anica saka napatingin sa kamay niya. Sapilitan noong tinanggal ni Giovanni ang singsing niya at hindi naman niya alam kung anong gagawin nito.

"Why? Hindi mo ba gusto?" tanong ni Andrew.

"Is it really okay? I mean if I go back as your pretend wife again. Natatakot akong-----"

"Pretend wife? I remember marrying you legally. And I don't consider it as pretending." Wika nang binata saka hinawakan ang mukha nang dalaga. "Let's go home." Masuyong wika nang binata. Dahil sa sinabi nang binata biglang tumulo ang luha nang dalaga.

"Such A cry a baby." Wika ni Andrew saka pinahid ang luha sa mukha nang dalaga saka inilapit ang mukha sa dalaga. Dahil sa ginawa nang binata biglang napapikit ang dalaga. Naramdaman niya ang pagdampi nang labi ni Andrew sa mga mata niya. Ilang sandali pa ay bahagya itong lumayo dahilan upang magmulat siya nang mata dahil sa gulat. Muling inilapit nang binata ang mukha niya sa kanya dahilan upang muli siyang mapapikit. Bigla niyang naramdaman ang paglapat nang labi ni Andrew sa labi niya dahilan upang mapamulagat siya dahil sa labis na gulat. Hindi paman siya nakakabawi ay inilayo na nang binata ang mukha nito sa kanya habang nakangiti. Agad naman niyang natuptup nang kamay niya ang bibig niya dahil sa ginawa nang binata.

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ni Anica habang nasa pagitan nang kamay niya ang bibig. AT dili nagkakagulo naman ang puso niya dahil sa lakas nang tibok noon. Dahil ba sa ginawa nang binata pwede niyang isiping hindi na isang one sided ang nararamdaman niya?

"Eh pumikit ka kasi." Biro ni Andrew.

Napakagat labi si Anica dahil sa sinabi ni Andrew sabay hampas sa binata. At dahil sa ginawa niya. Hindi niya namalayan na ang sugat ni Andrew sa braso ang tinamaan niya napaagik naman ang binata na ikinatakot nang dalaga.

"I'm sorry." Wika nang dalaga sabay hawak sa braso nang binata. "Ikaw naman kasi." Wika ni Anica sa binata saka napatingin sa mukha nito. Dahil sa labis na lapit nang mukha nila bigla siyang lumayo sa binata. Bigla namang tumayo ang dalaga nan pumaosk sa loob nang Silid ang isang nurse na nagpalit sa benda nang binata. SInabi din nito na pwede nang umuwi ang binata after 2 days.

Bago sila bumalik nang bansa, naisipan nang dalawa na mamasyal sa Italy at puntahan ang mga tourist attraction. Hindi naman kasi nila napuntahan ang mga lugar na ito noong unang pag punta nila dito dahil nasa isang misyon si Andrew. Ngayon naman tapos na ang misyon ni Andrew kaya na isip nang binata na ipasyal ang dalaga bago sila umuwi nang bansa. Binisita nila lahat nang mga sikat na tourist attraction sa bansa gaya nang, Relics of its ancient glories—the Colosseum, the Forum, the Pantheon, the Appian Way, and the Palatine Hill—vie with the vast riches of the Vatican as the top attractions. Nagpunta din sila sa Grand Canal sa Venice.

"You can be a good MAFIA boss. Kung sakaling hindi mo na gustong maging alagad nang batas pwede kang bumalik dito. Tiyak na magugustuhan ni Don Antonio na ikaw ang successor niya." Wika ni GUiller na inihatid sila sa Airport. Hindi rin sumama sa kanila si Alice dahil sa kalusugan nang Don. Nangako naman si Andrew at Anica na babalik sa bansa kapag nakaluwag sila.

"I will just stick to what I have right now." Wika ni Andrew saka ni lahad ang kamay kay Guiller. "Maraming salamat ul isa tulong mo." Wika nang binata.

"No. Kami dapat ang magpasalamat saiyo. Dahil saiyo nahuli na ang traydor nang grupo." Wika nang binatang Assistant.

Sa isip ni Andrew hindi niya iyon ginawa para makatulong sa MAFIA, but it was his personal desire to save his wife. Iyon lang naman ang mahalaga sa kanya.