Chapter Forty One

Bakit ka pumayag?" Tanong ni Claire kay Anica nang makalabas sila nang conference room. Una silang pinalabas ni Claire dahil kailangang mag-usap nang mga ito tungkol kay Kimberly. Isang top secret ang mission at tanging ang military lang ang pwedeng makaalam at ang Presidente.

"Dapat bang tumanggi ako?" Tanong nang dalaga kay Claire.

"Oo!" agad na wika nito. "Bahay niyo yun. Asawa mo si Genreal, syempre may Karapatan kang tumanggi."

"But she needs help. At sabi nang Presidente si Shin lang ang pinagkakatiwalaan niya ayoko namang isipin niyang sagabal ako sa trabaho ni Shin." Sagot nang dalaga.

"Mali pa rin eh. Pribado niyong buhay ang ------"

"It will be fine." Wika ni Anica saka ngumiti. "Hindi naman siya habang buhay makikitira sa bahay hindi ba. Eventually aalis din siya. Gusto kong makatulong kay Andrew sa kahit anong paraan."

"ALam mo hindi ko alam kong matutuwa ako saiyo o maiinis. Hindi ko alam kong mabait ka lang, Inosente or ignorante." Wika ni Claire.

"Let's not thing about it for now." Wika ni ANica sa pinsan.

"Ewan ko saiyo. Basta ako hindi ko gusto to." Wika ni Claire. Simple lang na ngumiti si ANica. Hindi rin naman niya gusto ang mangyayari pero iniisip niyang. Nang pakasalan siya ni Andrew marami na siyang ibinigay na problema sa binata. Ngayon naman pagkakataon na niyang gumanti. Kung sa ganitong paraaan makakatulong siya sa binata gagawin niya. Ano ba naman ang llang araw na namakitira ito.

Sir, bakit sa bahay ko. Alam niyo namang may-asawa ako." Wika ni Andrew sa Presidente nang maiwan silang dalawa sa conference room. Tapos na silang e-briefing nang presidente sa totoong dahilan kung bakit nila kailangang bantayan si Kimberly at kung bakit sila ang napili nito. Isang malaking papel ang gagampanan nang grupo ni Andrew sa misyong ito.

"Bakit hindi?" natatawang wika nito. "Hijo, hindi mo kailangang magsinungaling sa akin. You know what. Alam ko namang hindi dahil mahal niyo ang isa't-isa kaya mo pinakasalan ang dalagang yun. Kilala kita simula nang maging General ka. Hindi ako na niniwalang na love at first sight ka sa dalagang yun. She is a good child. But she is too young and also, you barely know her. TIyak kong ang mga traditional niyong magulang ang nagkasundo sa inyo. Noon ginusto kong mapangasawa mo ang anak ko. Ngunit inisip kong kung ipipilit ko ang gusto ko saiyo baka hindi mo magustuhan."

"And your point is?" Tanong nang binata dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nang Presidente.

"Ang akin lang. Subukan mong hanapin ang gusto nang puso mo. Baka sa pagkaataong ito magawa mong mahanap ang gusto mo. Hindi dahil obligado ka bilang isang filial na anak kundi dahil iyon ang tinitibook ang puso mo. HUwag mong ituring na misyon ang pagbabantay sa inaanak ko. Get to know her. She is a good child at bagay kayong dalawa. At least that's what I think."

"I appreciate your though Mr. President. But that would be unnecessary. May Asawa na ako. And I didn't regret marrying my wife. In the future sana huwag niyong panghimasukan ang ------" putol na wika nang binata nang biglang pumasok si Kimberly sa silid.

"General Bryant. I don't think you are getting the point of Ninong. It's okay, We will take our time to get to know each other. Especially that, We are of the same kind. We are destined. You and I." wika ni kImberly na pumasok. Hindi naman maintindihan ni Andrew ang nangyayari o ang sinasabi nito.

"I am sure you are baffled right now. But its okay. Sa tamang panahon I will surely explain to you everything. For now, I will be in your care." Wika nang dalaga saka inilahad ang kamay sa binata. Nagdadalawang isip man tinanggap ni Andrew ang kamay nito. "It's nice to finally meet you my Soulmate."

Anica, dumating ka na pala." Wika ni Michael na nasa labas nang bahay nila na nag-aayos nang mga CCTV Camera. Ni require nand Presidente na maglagay sila nang CCTV Camera's sa paligid nang bahay upang mabantayan ang mga pumapasok sa bahay para na rin sa kaligtasan nang dalagang titira sa bahay nila. Nakita din ni Anica si Charles na nasa terrace at nagkakabit din nang Camera. May mga Nakita din siyang gamit sa labas harden.

Biglang napaatras ang dalaga nang biglang may tumakbong aso papalabas nang bahay. Na hindi naman agad nakalapit sa kanya dahil agad itong kinarga ni Kimberly. Dahil malapit siya sa aso agad namang napabahing si Anica.

"Are you okay?" Tanong ni Kimberly saka nagtangkang lumapit sa dalaga karga-karga ang Aso, Ngunit agad siyang umatras dahil panay ang bahing niya dahil sa amoy at sa balahibo nang aso.

"Anya!" wika ni Andrew na nagmamadaling lumapit sa kanila saka hinarang si Kimberly bago pa ito makalapit sa dalaga. "I told you not to let your pet get our from your room!" bulalas ni Andrew sa dalaga. Bigla namang nagulat ang lahat dahil sa naging reaksyon nang binata. Saka humarap kay Anica.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nang binat sa dalaga saka hinawakan ang balikat nito.

"O-kay---A—chu, Okay lang ako." Wika nang dalaga na putol-putol ang salita dahil sa pagbahing.

"Is that an Allergic reaction?" Tanong ni Kimberly. "I'm sorry. I didn't know. My dog is part of my life. I can't just live----"

"It's okay." Agaw ni Anica sa sasabihin nang dalaga. "I'll get inside for now. Excuse me." wika ni Anica saka winaksi ang kamay nang binata saka nagmamadaling pumasok sa loob nang bahay. Ngunit na ririnig pa rin nang binata ang pagbahing nang dalaga.

"Is she angry?" Tanong ni Kimberly.

"Malabo yan. Mabait si Anica at tila hindi marunong magalit." Wika ni Charles na bumaba mula sa terrace gamit ang isang Ladder.

"Just make sure na hindi magkakalat nang balahibo ang aso mo." Wika ni Andrew. "She is allergic on it's scent and the fur." Wika nang binata.

"I didn't know. I'm sorry. I hope she is fine." Wika ni Kimberly.

"She is. Pupuntahan ko muna siya." Wika ni Andrew. "Sorry if I raise my voice." Wika pa nang binata kay Kimberly saka tinapik ang balikat nito. "Just wait for Trish and JOyril to help you unpack." Wika nang binata saka nilampasan ang dalaga saka pumasok.

"Don't think about it too much. Hindi mo naman alam na may allergy si Anica." Wika ni Michael sa dalaga. "Maging kami we don't know." Wika pa nang binata.

"I am sad to say this, but, may alam ba kayong pwede kong pag-iwanan nang aso ko? I don't think makakatira siya dito if allergic siya sa amoy at sa balahibo nang aso." Wika nang dalaga.

"May pet center sa compound. Pwedeng doon mo iwan ang aso mo. Kung okay lang saiyo." Wika ni Joyril na dumating kasama si Trisha.

"Yes, its okay." Malungkot na wika ni Kimberly.

Hey! Are you okay?" tanong ni Andrew sa dalaga nang pumasok siya sa silid nila. Nakahiga ito sa kamay habang naka tuob. Lumapit siya sa dalaga saka naupo sa tabi nang dalaga. "I'm sorry for what happen. I already informed Kim, not to-----"putol na wika nang binata nang biglang tumagilid ang dalaga na nakatalikod sa kanya.

"You are angry at me?" tanong nang binata. "You don't like this set up? Why didn't you disapprove when ----" biglang na putol ang sasabihin nang binata nang biglang naupo ang dalaga saka humarap sa kanya. Nakatitig lang ito sa kanya maya-maya ay biglang bumahing.

"Are you still feeling unwell? Did you take your medicine?" Tanong nang binata sa dalaga saka lumapit dito.

"I'm okay. You just smell like her dog." Wika nang dalaga. Agad namang inamoy nang binata ang sarili niya. Kanina habang tinulungan niya si Kimberly na maglipat nang gamit kinarga niya ang aso nito. Nang sabihin iyon nang dalaga agad namang tumayo ang binata sa kinauupuan.

"While she is here---"

"No!" biglang wika nang binata. Na dahilan upang matigilan si Anica sa sasabihin niya. "You wont leave this house. This your house. If you are not comfortable then why did you not disapprove of this I can always find another place for her." Hindi naman sumagot ang dalaga. Tama naman ang binata dapat noon pa tumanggi na siya.

"Why are you looking at me like that?" Tanong ni Andrew sa dalaga.

"You are supposed to be a cold demon General. But really you are a person who has a soft spot for those that needs help. You said it's your job. But really, hindi mo kayang tiisin ang sinumang kailangan nang tulong mo." Wika ni Anica.

"You are talking nonsense again." Wika ni Andrew saka inilagay ang kamay niya sa ulo nang dalaga saka kinusot ang buhok nito. Habang tinatangka ni Anica na alisin ang kamay nang binata sabay silang natigilan saka napatingin sa pinto nang silid nila nang may kumatok. Saka nagkatinginan.

"I'll get it." Wika nang binata saka tumayo at naglakad patungo sa pinto nang buksan niya ang pinto Nakita niya si Kimberly na nasa pinto sumilip pa ito sa loob nang silid saka hinanap nang mata si Anica na nakaupo sa kama. Nang magtama ang mata nila saka naman napatayo ang dalaga sa kinauupuan.

"Do you need anything?" Tanong ni Andrew.

"How's ANica? Gusto ko lang sana mag sorry. At sabihin hindi na magigng problema ang aso ko. Kahit masakit man sa loob ko. I ask one of your men to bring my dog to the pet shelter sa compound. I am really sorry I didn't know you have allergies." Wika nito na nakatingin sa dalaga.

Bigla namang napakagat labi si Anica. Bakit pakiramdam niya dapat siyang maguilty dahil sa nangyari.

"I'm sorry you have to-----" biglang putol na wika nang dalaga.

"No you don't have to. Ako na nga itong nakikitira sa inyo." Agaw na wika ni Kimberly sa dalaga Saka bumaling kay Andrew. I hope hindi ka galit sa akin." Wika nang dalaga sa binata saka hinawakan ang braso nito.

Wow. So she is not sorry to me at all pero kay Shin? Inis nang wika nang isip ni Anica saka bumalik sa pagkakaupo sa kama saka bumahing kahit hindi naman talaga siya nababahing dahil lang sa tila nagseselos na siya sa dalaga at sa paghawak nito sa binata na tila pamilyar na pamilyar. Dahil sa ginawa nang dalaga napatingin naman si Andrew at Kimberly sa kanya. Saka naman siya umirap sa dalawa na kunwari ay nababahing pa rin.

"Sorry, I think she needs to rest." Wika ni Andrew. Na tila ba sinasabi kay Kimberly na kailangan na niyang umalis.

"Oh. Yeah. Get well soon." Wika nito saka sinilip si Anica na nakaupo sa kama. Saka nagpaalam kay Andrew at umalis. Nang makalayo na ang dalaga sa kwarto nila saka naman humarap si Andrew sa dalaga saka isinara ang pinto.

Napansin ni Anica na hindi lumapit sa kanya nang binata bagkus nakatayo lang ito sa may pinto at nakatangin sa kanya.

"Bakit?" Tanong nang dalaga dahil sa pagtataka.

"Are perhaps?" wika nang binata na huminto.

"Perhaps, what?" Takang tanong nang dalaga.

"Never mind. I might be imagining things." Wika nang binata saka naglakad patungo sa lalagyan nila nang damit saka kumuha nang damit bago nangtungo sa banyo. Napalabi lang ang dalaga dahil sa sinabi nang binata.