CHAPTER 10
PHOEBE'S POV
ILANG ARAW na pero pakiramdam ko ay namumula parin ang pisngi ko tuwing naaalala ko ang nangyari sa may pool. Matapos kasing sabihin ni Keyden ang mga salitang iyon ay bigla nalang akong tumakbo palayo sa kaniya at hindi na lumabas maghapon. Hindi rin kaming sabay kumain tulad ng dati dahil bumababa lang ako kapag alam kong wala na doon si Keyden at natutulog na. Ewan ko ba, ilang na ilang ako sa kaniya at the same time ay nahihiya din.
Ngayon ay nagi-impake na ako ng mga damit dahil ngayon ang uwi namin ni Keyden sa aming bagong tayong bahay. Excited na akong makita ang disenyo nito at the same time ay kinakabahan dahil ngayon nalang ulit kami magkikita ng binata dahil sa loob ng natitirang tatlong araw namin dito ay wala akong ginawa kung hindi ang iwasan siya at mukhang nahalata naman iyon ni Keyden at lumayo nalang din.
Pagkatapos kong magimpake ay agad ko iyong hinila palabas ng kwarto at ibinaba sa may sala. Agad binundol ng kaba ang puso ko nang makita ko si Keyden sa paanan ng hagdan na nakatayo at naghihintay sa akin. Nakatalikod ito sa gawi ko at nang marinig ang mga yabag ko ay agad itong lumingon at tinulungan ako sa maletang dala ko. Napansin siguro nitong nahihirapan akong dalhin iyon dahil sa bigat.
"Ito lang ba ang dala mo?" Tanong nito na parang walang nangyari tatlong araw na ang nakakalipas. Parang hindi ko siya iniwasan at iniwan sa may pool. Bigla akong nahiya nang maalala ko ang mga pinaggagawa ko. Parang napaka-childish ng ginawa ko nang iwan kong parang tanga si Keyden sa may pool nang mag-isa pero mukhang hindi manlang ito nagalit sa ginawa ko.
Nawala ako sa iniisip ko nang biglang iwagayway ni Keyden ang kamay niya sa harap ng mukha ko, "Hey, Phoebs, I'm asking you kung ito lang ba ang dala mo?" Tanong ni Keyden kaya agad akong tumango at pinag-isipan kung ngayon na ba ako magso-sorry sa ginawa ko. Malamang! Ano? Papatagalin mo pa, ganun?
Hanggang sa makasakay kami sa kotse ay hindi ko nasabi ang gusto kong sabihin. Nang tignan ko ang mukha ni Keyden ay maaliwalas iyon at parang hindi naman ito nagdamdam sa ginawa ko. Habang nasa byahe ay gustong-gusto kong tanungin kay Keyden kung saan nakatayo ang bahay namin dahil wala naman akong kaide-ideya kaso ay nahihiya akong magtanong dahil hindi pa naman ako nagso-sorry so technically, hindi pa kami ayos. Malay ko ba kung bumalik na siya sa dati na hindi namamansin dahil sa ginawa ko?
"Kanina ka pa parang may malalim na iniisip. Ayaw mo ba akong makasama? Gusto mo bang umalis ako dito sa loob at mag-commute?" Bigla nitong tanong sa gitna ng katahimikan na namamagitan sa amin. Ngayon nalang may namagitan sa'min, katahimikan pa. Gusto ko sanang magbiro at sumagot ng 'Oo' para pagaanin ang atmosphere pero alam kong gagawin talaga nito ang suhestyon nito dahil lang sa sinabi ko. Ganun kauto-uto si Keyden.
"Sorry." Kusang lumabas sa bibig ko ang salitang iyon at mukhang mali ang pagkakaintindi ni Keyden ng sorry ko dahil ngumiti ito bago sumagot, "Ayos lang. Alam ko naman na madami kang iniisip-" hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad nang tinama ang iniisip nito.
"No! What I mean is, I'm sorry sa pang-iiwan ko sa'yo sa pool a few days ago." Halos pabulong kong sabi at halos ilubog ko na ang sarili ko dito sa passenger seat sa sobrang hiya.
Ngumiti naman ito at saglit akong tinignan dahil nagda-drive ito.
"Ah, iyon ba? Wala na iyon. Ako nga ang dapat mag-sorry dahil alam kong sa ginawa ko ay nawalan ako ng respeto sa'yo. So I'm sorry, Phoebs." Hingi din nito ng tawad kaya napangiti ako at sinuntok ko siya sa braso kaya bahagyang gumewang ang kotse. Pareho kaming nagulat sa nangyare pero kapagkuwan ay bumunghalit ako ng tawa habang si Keyden ay napailing nalang na para bang hindi na alam ang gagawin sa akin.
And just like that ay ayos na ulit kami.
DAHIL sa nakapag-sorry na kaming dalawa sa isa't-isa ay nagkukulitan na naman kami na para bang walang nangyaring iwasan sa pagitan namin. Tawa ako nang tawa dahil nagpipick-up line si Keyden at bilib na bilib ito sa sarili niya dahil alam daw niyang 'kinikilig' ako.
Syempre, oo! Pero nunkang aaminin ko iyon sa damuhong ito. Baka asarin pa ako nito nang ilang linggo.
"Ito pa, ito pa." Hirit na naman ni Keyden nang matapos siya sa isa niyang pick-up line. Talagang nagi-enjoy ito sa ginagawa kaya kahit gusto ko na siyang patahimikin sa ginagawa niya ay hindi ko naman magawa. Mukhang binubuhos nito ang lahat ng kulit na naipon sa katawan niya sa tatlong araw na hindi kami nagpansinan.
"Alam mo ba kung saan gawa ang balat ko?" Panimula nito at ako naman si babaeng gusto nang matapos ang kahibangan ni Keyden ay sumasagot nalang. "Saan?" Tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay nito na kinuha ang kamay ko at pinagsiklop iyon at nang tignan ko siya ay kumindat naman ito sa akin bago sumagot, "Husband material." Banat nito tyaka tumawa habang ako at ang puso ko ay hindi nakaget-over sa nangyari. Sa lahat ng banat ni Keyden, ito ang unang beses na effort kung effort siya para lang mapakilig ako. O ako lang ang nag-iisip na todo effort siya dahil sa totoo lang ay halos wala naman itong ginawa pero kilig na kilig ako. Nang hindi ako nakaimik ay sinilip niya ako at nang makitang tulala na naman ako ay mas lalo itong natawa na para bang alam na alam nitong kinikilig ako.
"Alam kong nakakakilig iyong banat ko pero hindi mo kailangang matulala diyan, misis." Asar nito at parang may isang-daan na kabayo ang biglang nagtakbuhan sa loob ng puso ko sa tinawag sa akin ni Keyden at mukhang hindi nito napansin iyon o sadyang wala lang talaga itong pakielam. Is he even aware sa epekto niya sa akin?
Kinakapos ako ng hininga at kailangan kong kumalma dahil nagdidilim ang paningin ko kaya dali-dali kong binuksan ang bintana ng sasakyan para makasagap ako ng hangin. Keyden has a serious effect on me at kapag nagtuloy-tuloy ito ay baka bigla nalang bumigay ang puso ko sa akin. It's scary.
"Hey, are you okay?" Natataranta nitong tanong tyaka itinigil ang sasakyan sa isang gilid at ibinigay sa akin ang isang tubig pero umiling lang ako dahil delikado kapag uminom ako ng tubig habang ganito ang kalagayan ko. Hinagod nalang nito ang likod ko nang 'di ko tinanggap ang tubig na alok nito tyaka ako pinaharap sa kaniya at niyakap nang mahigpit na agad ko namang tinugon at ilang minuto lang ay laking pasasalamat ko nang kumalma din ang puso ko.
"Ilang beses nang nangyayari sa'yo iyan. Are you sure that you're okay?" Tanong nito at bakas ang pag-aalala base sa tono ng boses nito. Tumango na lamang ako dahil bigla akong nakadama ng panghihina.
"Nasaan na tayo? Bakit ka huminto?" Tanong ko nalang para maiba ang usapan. Ngumiti naman ito sa akin tyaka inalis ang seatbelt ko at kaniya bago lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Agad naman akong lumabas at para na naman akong natulala nang hinawakan nito ang bewang ko at naglakad kami papunta sa isang malaking bahay. Napakaganda nitong tignan habang nasa labas at halatang-halata ang karangyaan. Halatang pinag-isipan ang pagkakadisenyo at detalyadong-detalyado ang pagkakagawa.
"Did you like it?" Tanong nito at hindi ko namalayan na nakayakap na pala ito mula sa likuran ko. Kung meron mang makakakita sa amin ay pagkakamalan talaga kaming bagong kasal at mahal na mahal namin ang isa't-isa pero alam ko at alam ni Keyden ang totoo at alam kong ganito lang talaga kalambing sa akin ang binata dahil kaibigan ang turing nito sa akin.
"Oo naman. Halatang pinagkagastusan ito ng parents mo. Nakakahiya naman pero at the same time ay thankful ako na may titirhan tayo for one year bago tayo maghiwalay." Nakangiti kong biro sa kaniya at napansin ko bigla ang pag-iiba ng reaksyon nito. Ang kaninang masigla nitong mukha ay parang nawalan bigla ng gana.
"Ayos ka lang?" Tanong ko dito at tango lamang ang isinagot nito bago ako hinila papasok ng bahay.