CHAPTER 13
PHOEBE'S POV
RAMDAM ang ilangan sa pagitan namin ni Keyden. Mula nang umalis si Charity ay sinubukan ko nang umiwas sa binata. Hindi siya nakakabuti sa pagkakaibigan namin ni Charity at mukhang napansin din naman iyon ni Keyden dahil napapansin ko na kapag magkakasalubong kami dito sa loob ng bahay ay tipid lang siyang ngingiti sa akin tyaka siya babalik sa pinanggalingan niya.
Pakiramdam ko ay nagi-guilty ako dahil wala namang kasalanan si Keyden pero nadadamay siya sa gulong pinasok ko. Kapansin-pansin na nawalan ng buhay ang mga mata ni Keyden simula nang iwasan ko siya. Dahil ba iyon sa akin? Sige, mag-assume ka pa, Phoebe.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa duyan para pumasok sa loob ng bahay nang maramdaman ko na medyo masakit na sa balat ang araw. Medyo matagal-tagal na din akong nakatambay doon para makaiwas kay Keyden na hindi pala pumasok sa opisina. Alam ko naman na hindi ko siya maiiwasan habang buhay pero mabuti nang ganito kesa naman pag-isipan ako ng masama ni Charity.
Nang makapasok sa loob ng bahay ay agad kong nakita si Keyden na pababa ng hagdan at nang makita ako ay tipid na naman itong ngumiti bago bumalik sa taas. Napabuntong-hininga naman ako tyaka dumiretso sa kusina para maghanda ng kakainin namin.
ISANG ORAS na akong nakatunganga dito sa kusina at halos sabunutan ko na ang sarili ko nang maalala na hindi nga pala ako marunong magluto. Bakit ba kasi ang dami kong arte at may papunta-punta pa ako dito sa kusina? Nasa harapan ko ngayon ang mga ingredients ng gusto kong lutuin pero hindi ako makapagsimula dahil hindi ko alam ang gagawin at kung paano ba simulan lutuin ito.
"What are you doing?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Keyden mula sa likuran ko at nang makita nito ang mga ingredients ay napailing nalang itona para bang alam na nito ang sagot sa sarili nitong tanong habang may sinusupil na ngiti sa labi.
"You wanna cook?" Tanong nito tyaka baling sa akin. Nahihiya naman akong tumango dahil ako ang babae sa aming dalawa pero ako itong walang alam sa kusina tapos itong si Keyden ay napakasarap ng mga luto.
"Okay, I'll teach you. Simple lang naman magluto ng fried chicken." Sabi nito habang hinahanda ang kawali na paglulutuan. Oo na! Ako na hindi marunong magprito. Kasalanan ko bang takot ako sa talsik ng mainit na mantiksa? Nakaramdam na naman ako ng hiya dahil kahit na iniiwasan ko si Keyden ay nandito parin ang binata at handa akong turuan magprito.
Humarap naman ito sa akin nang mabuksan na nito ang stove. "Now, what will you do next after mong painitan ang kawaling paglulutuan mo?" Tanong nito na parang isang guro at bakas ang pagiging strikto sa tono ng boses nito. Nag-isip naman agad ako ng susunod na gagawin at nang makita ko ang manok ay napangiti ako at tyaka lumapit doon. Ofcourse, ilalagay na ang manok! Akmang ilalagay ko na ito sa kawali nang pigilan ako ni Keyden. Ang sama pa ng tingin sa akin ng mokong na para bang may gagawin akong krimen oras na mailagay ko ang manok sa kawali!
Napasimangot nalang ako. Tatanong-tanungin ako tapos hindi naman pala ako hahayaan magluto. Ang unfair. Tinignan ko nang masama si Keyden pero nagulat nalang ako nang halikan ako nito sa labi. Mabilis lang iyon pero para akong hiningal sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Wrong. You need to put the oil first and you should cut the meat kung gusto mong maluto ang manok. Walang nagpiprito na buong katawan ng manok ang nilalagay sa kawali." Paliwanag nito tyaka hiniwa ang manok. Dahil gusto kong makatulong ay agad kong dinampot ang mantika tyaka lumapit sa kawali na alam kong mainit na.
"Careful, baby. Baka matilamsikan ka ng mantika." Narinig kong paalala ni Keyden pero hindi ko na siya pinansin dahil hinahanda ko ang sarili ko na gawin ang pinaka-ayaw ko na part sa pagpi-prito. Ang paglalagay ng mantika. Binuhos ko na ang mantika nang hindi nag-iisip kaya hindi na nakakapagtaka na bigla nalang nagsitalsikan ang mantika at nang matalsikan ako sa kamay ay hindi ko mapigilan ang magtitili sa sobrang hapdi.
Agad namang lumapit sa akin si Keyden at kinuha ang kamay ko para hugasan. Hindi ko naman mapigilan ang maiyak hindi dahil sa sakit nung pagtalsik ng mantika kung hindi dahil sa pagkapahiya. Simpleng manok nalang iyon pero hindi ko parin magawa nang maayos. Gosh, I'm such an idiot!
"I told you, be careful. Kapag maglalagay ng mantika, don't raise your hand too high. Medyo malapit dapat sa kawali para hindi pumutok." Paliwanag nito habang hinuhugasan parin ang kamay ko at parang may humaplos sa puso ko nang makita ko ang mukha ni Keyden. May pag-aalala doon pero makikitaan din ng mahabang pasensya at pagtitiwala. Tiwala na matututo din akong magluto. Parang sa isang iglap ay hindi ko na maramdaman ang hapdi ng pagkatilamsik ng mantika sa balat ko. Napalitan iyon ng matinding kagustuhan na matuto kaya after hugasan ang kamay ko ay dumiretso ako mga manok na tapos nang hiwain tyaka iyon inilagay sa breadings bago dahan-dahang ilagay sa mantika at para akong nakahinga nang maluwag nang hindi iyon tumilamsik.
Nanlaki ang mata ko nang marealize ang nangyari. Oh my god! Hindi siya tumilamsik! Nagawa kong magprito nang matiwasay!
Sa sobrang tuwa ko ay napaharap ako kay Keyden na nakatitig sa akin habang may proud na ngiti sa mga labi. Niyakap ko naman siya habang tumatalon-talon sa sobrang saya na agad naman niyang tinugon nang mas mahigpit na yakap. "Nakita mo iyon, Keyden? Hindi ako napaso o natilamsikan habang nilalagay iyong manok!" Excited kong kwento habang si Keyden naman ay tumango lang tyaka tumawa nang hindi ako matigil sa kakatalon.
"Okay, okay. You're awesome, baby. Now, baliktarin mo na ang manok bago pa iyan masunog. Kapag golden brown na siya, ibigsabihin ay luto na ang side na iyan kaya naman yung kabilang side naman ang lulutuin mo." Paliwanag ni Keyden habang nakasandal sa island counter habang pinapanood ang ginagawa ko.
Tumango-tango naman ako tyaka dahan-dahan ay binaliktad ko ang manok at napatago nalang ako sa likod ni Keyden nang bigla na namang magsitalsikan ang mantika. Natawa nalang siya tyaka humarap sa akin at niyakap ako.
"Namiss kita." Bulong nito sa akin. Para na namang nakipagkarera sa sobrang bilis ang puso at nang ginantihan ko ang yakap ni Keyden at naramdaman kong mas hinigpitan pa ng binata ang kapit sa akin ay mas lalong kumalat ang saya at kilig sa buong katawan ko. Simpleng yakap lang ni Keyden ay ang rupok ko na naman.
"Huwag ka na ulit lalayo sa akin ah? I already gave you space and time to think. Tama na iyon. Hindi ko na ata kakayanin kung dumaan pa ang isang araw na hindi mo ako papansinin. Isang linggo mo na akong pinahirapan." Bulong nito sa akin at parang bata na isinubsob ang mukha sa leeg ko. Ito na naman ang mga gestures at words ni Keyden na nagpapalito sa akin pati sa damdamin ko. Hindi ko alam kung kakapit ba ako o bibitaw na. Ito na naman, sa isang iglap ay nakalimutan ko na naman ang pangako ko kay Charity na lalayuan ko na si Keyden. Na hahayaan ko na sila. Sa isang yakap lang ay bumigay na naman ako.
Pero hindi ko alam kung ano ba ang aasahan ko kay Keyden. Nakakalito siya pero alam ko na delikado ito sa puso ko. Lalo pa ngayon na nagsisimula na namang umasa ang puso ko dahil dito. Kailangan ko ng clarification ng kung ano ba kami. Oo nga at sinabi nitong 'friends' na kami pero hindi naman ako tanga. Alam kong walang friends na naghahalikan tulad ng ginawa ni Keyden kanina.
Tatanungin ko na sana ito pero napatigil nalang ako dahil sa may naamoy ako at alam kong naamoy din iyon ni Keyden dahil bigla itong lumayo sa pagkakayakap namin. Amoy nasusunog!
Then it hits me... Yung manok!