ALANA
Naalimpungatan na lamang ako ng gising nang maramdaman kong may umuuyog sa aking balikat.
"Naku iha bumangon ka nga diyan ang lamig lamig ng sahig," saad ni nanang at inalalayan akong bumangon, nandirito na pala siya tila nalimutan ko ata ang petsa kung kailan siya babalik. Umuwi kasi muna siya ng probinsya dahil sa anak niya at ngayon naabutan niya na naman ako sa ganitong sitwasyon. Ni hindi ako makatingin ng tuwid sa kanyang mga nagtatanong na mga mata at tila ba alam na niya kung ano mismo ang nangyari.
Agad niyang kinuha ang aking mga kamay at doon ko na lamang nakuta na may mga bagong pasa na naman ako at nakatutuwang tignan para sa akin ang mga yellow ko na mga pasa dahil gumagaling na sila at ngayon may bago na naman.
"Iha, hahayaan mo na lang bang tratuhin ka ng ganito ng asawa mo? Ilang taon na kayong kasal at ganito parin ang sitwasyon niyo. Dito ka ba magpapakamatay? Ang ganda ganda mong bata ka papasa ka bilang artista kung lalabas ka lamang sa lunggang ito," saad niya at inalalayan akong umupo, nasa kusina na kami ngayon. Agad naman niyang kinuha ang heater at nagsalin ng tubig at isinaksak ito.
"Nanang wala akong balak na mag artista," mapakla kong tawa at hinimas himas ang bagong pasa sa aking mga kamay.
"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, nakong bata ka papaexplain mo pa sa akin. Ang ibig ko lang namang iparating sayo ay hindi siya worth it sayo, hindi niya lamang iyon nakikita kasi yang asawa mong yan ay walang puso. Ewan ko ba sa batang yan at naging ganyan ang ugali niyan," saad niya at agad na tumngo sa heater nang marinig niyang nag click na ito. Agad siyang kumuha ng malinis na towel sa drawer at ipiniga sa mainit na tubig. Dahan dahan niya naman itong idinampi sa aking kamay kung saan ang may mga pasa.
"Ang init, ang sakit nanang," saad ko at hinipan ang aking kamay.
"Oh mabuti pa to naramdaman mong masakit eh yang asawa mo di ka naman nasasaktan, ang sarap magmura iha alam mo yun?" saad niya at di ko na napigilan ang aking sarili na hindi mapatawa. Ngayon nalang ata ako nakatawa ng ganito at tila natigilan din si nanang sa kanyang ginagawa at nakatingin lamang sa akin.
"Oh ayan ang ganda ganda mo pag nakangiti, hay nako ano nagugutom ka na ba? Sandali at ipagluluto kita agad."
"Sige nanang akyat muna ako sa kwarto para maligo tapos bababa din po ako agad para kumain ng luto niyo. Namiss ko na po kasi yung mga luto niyo," ngiting saad ko at dahan dahan bumaba sa aking kinauupuan.
"Oh siya sige tatawagin na lamang kita para makakain ka, nangangayayat ka na oh."
***
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin sa aking kwarto, tama nga si nanang nangangayayat na nga ako. Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng kwarto, walang kabuhay buhay tila tulad ko rin. Ilang taon naring ganito ang set-up namin ni Knight, kanya-kanya kami ng kwarto at heto ako ngayon nasa isang guest room.
Dahan dahan kong hinubad ang saplot ng aking katawan at maluha luhang tinitigan ang hubad kong katawan. Parang mga mapa ng mga pasa, at tanging leeg at mukha ko lamang ang walang bahid ng mga ito. Iba't ibang kulay ng mga pasa ang makikita sa aking katawan, may violet, red, yellowish at green. Mamamatay na ba ako dito?
"Why can't you love me Knight?" saad ko at hinayaang kusang tumulo ang mga uha kanina pa nagbabadyang kumawala. May luha pa pala akong ilalabas.
Iginiya ko ang aking mga paa patungo sa banyo, gusto ko ng lamunin ako ng tubig para kahit sandali ay malimutan ko ang sakit.
Namimili na ako ng aking susuotin nang biglang may kumatok sa pinto at agad naman akong nabuhayan sa pag-aakalang si Knight ang kumakatok. Naririto ba siya upang humingi ng tawad dahil kagabi? Di ko mapigilang di mapangiti at dali daling kinuha ang isang pares ng tshirt at short at dali-dali itong isinuot.
"Iha, tapos ka na ba? Lumabas ka na kung tapos ka na ha. Nasa baba si Madam Alcantara iha pinapatawag ka niya nais ka atang makausap," saad niya sa akbilang pinto, at tila ba nauupos na kandila akong napaupo sa kama nang malamang hindi pala si Knight ang kumakatok. Masyado na ata akong nagiging ambisyosa sa lagay na ito and why he would even do that.
"Huwag ka ng umasa Alana please," mahing saad ko habang nakatingin sa salamin, agad naman akong humablot ng jogging pants at sweat shirt. Hindi niya dapat makita ang mga tinatagong pasa ko.
"Sige po lalabas narin po ako," sigaw ko at narinig nalang ang kanyang mga yabag na paalis.
***
"Momsy kamusta po? Napadalaw po ata kayo? Gusto niyo po bang gisingin ko si Knight?" bati ko at agad naman siyang nakipag beso beso sa akin.
"I'm good iha thanks or asking and still maganda, can I talk to you?" saad niya at hinila ako papalabas.
"There is no need for you to wake Knight. Please, stop all of this bullshit acting both of you. I know it from the start," saad niya at di ko naman napigilang hindi magulat, kumabog ang dibdib ko sa kaba dahil sa mga titig niya.
"I c-can explain-," di ko na napatapos ang nais kong sabihin dahil agad niya akong pinutol.
"There is no need iha, maganda ka at halos nasa sa iyo na ang lahat ang di ko lang makuha kuha kung bakit di ka magawang mahalin ng apo ko. Kung pagod ka na andirito lamang ako iha, gagabayan kita sa lahat. Oo apo ko si Knight but I will not tolerate him anymore at ngayon na asawa ka na niya, ilang taon na kayong mag-asawa iha. At kung maayos man kayo ni Knight bakit nasa sa ibang kwarto ka? Huwag mo ng ilihim ito sa akin, hind ko ito ipagsasabi sa mga magulang mo at kahit na sa mga magulang ni Knight. Nais ko na sa iyo ito manggaling pag nakahanap ka na nag lakas ng loob iha," saad niya at hinagod ang aking likod at nararamdaman ko namang iiyak na naman ako uli.
"I've tried everything but I guess my everything is still not enough," mahinang saad ko.
"If he wants you, he can come get you himself. No self-respecting lady chases after a man. No matter how much of a handsome devil he may be."